You are on page 1of 13

MAGBASA, MANOOD,

MATUTO
FILIPINO 9
UNANG
MARKAHAN
UNANG LINGGO

BUNTOG NATIONAL HIGH SCHOOL


BB. MA. LUIGGIE TERESITA M. PEREZ
TEACHER I
Magandang umaga!
Ngayong araw, bago tayo tumungo sa
bagong paksa ay ating babalikan ang
MGA ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO.
Naaalala mo pa ba kung anu-ano ang mga
ito?
Balik Aral
Tama! Ang Maikling Kuwento ay may
Walong (8) Elemento:
-Tauhan -Kaisipan
-Tagpuan -Suliranin
-Banghay -Tunggalian
-Kaisipan -Paksang Diwa
Ngayong araw ay ating tatalakayin ang
denotatibo at konotatibong kahulugan
ng isang salita.

Handa ka na ba? Magaling!

Tayo na at matuto, mga bata!


Alam mo ba?
Denotatibong Kahulugan

- Ang denotatibo ay ang literal na kahulugan ng


isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo. Ang
denotatibo ay ang literal o totoong kahulugan ng
salita. Ang denotatibo ay nagbibigay ng isang tiyak
na kahulugan at ito ay ginagamit sa karaniwan at
simpleng pahayag.
Tatlong bahagi ng denotatibong kahulugan
1. salitang binibigyan ng kahulugan
2. palatandaan na limitado ang relasyon ng mga
indibidwal sa pagiging magkaibigan  
3. ang kaibahan ng bagay na ito sa iba pang bagay
na sakop din ng kauriang kinabibilangan ng salita
Alam mo ba?
Konotatibong Kahulugan

- Ang konotatibo ay maaaring mag iba-iba


ayon sa saloobin, karanasanat sitwasyon ng
isang tao. Ang konotatibo ay nagtataglay ng
mga pahiwatig ng emosyonal o pansaloobin
ang mga salita.
Halimbawa ng:

Denotatibo at
Konotatibong
Kahulugan
SALITA Denotasyon Konotasyon
NILANGAW literal na may mga Hindi masyado
umaaligid na langaw pinuntahan
sa sinasabing bagay,
tao, o pagkain. "Nilangaw ang palabas
dahil nanonood ang
"Nilangaw na ang mga tao ngayon ng
pagkain sa mesa! pageant sa kani-
Ayaw niyo pang kanilang bahay."
kainin."
SALITA Denotasyon Konotasyon
DINAGA Pinagpiyestahan Natakot o
ng daga ang isang pinangunahan ng
bagay o pagkain. takot

"Dinaga ang "Dinaga akong


likuran ng bahay magsabi sa kanya
dahil maraming ng totoo kong
basura doon."  nararamdaman."
Madami ka bang natutunan?
Mahusay!

Sa susunod na talakayan ay
maghahambing tayo ng
telenobela sa ilang piling
kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan.
Hanggang sa susunod na talakayan! Paalam 
Sanggunian:

• https://www.slideshare.net/ilyhlnygvjkliunl/filipino-24082662
• https://brainly.ph/question/232401
• https://quizlet.com/146294748/mga-halimbawa-ng-detonasyon-at
-konotasyon-flash-cards/

You might also like