You are on page 1of 13

MARIVELES NATIONAL HIGH

Paaralan SCHOOL- Cabcaben Baitang/ Antas 10

Guro Constante, Michelle O. Asignatura Filipino


Grades 1 to 12
Petsa/Oras April 4, 2024
(1:10pm-2:00pm)
Markahan Ikaapat
Seksyon DEMETER

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa Nobela ng El
Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.
Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na
nagmumungkahi ng isang solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.
I. Layunin
Sa katapusan ng aralin ang 100% ng mag-aaral ay makatatamo ng hindi bababa sa 80% na kasanayan
na:
1. Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda
(F10PN-IVd-e-85)
2. Natitiyak ang pagkamakato-tohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa
kasalukuyan. (F10PB-IVh-i-92)
3. Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda (F10PU-IVd-e-87)
Paksang Aralin
Paksa: El Filibusterismo Kabanata I: Sa ibabaw ng kubyerta; at Kabanata II: Sa ilalim ng kubyerta
Sanggunian: Jose Rizal: El Filibusterismo
Kagamitan: Kagamitang Biswal, TV, Laptop
Kahalagahan: Napahahalagahan ang pag-unawa sa akdang El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pakikibahagi sa talakayang panlipunan.
II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtatala ng liban

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


B. Pagpapaunlad ng Gawain

1. Pagbabalik Aral
Mag-aaral, nais kong balikan natin ang tinalakay
noong nakaraang araw sa pamamagitan ng isang
laro na tatawaging “PASS THE BALL”

Panuto: Patutugtugin ang kantang “Shake Body


Dancer” na kinakailangang sumayaw habang
pinapasa ang bola na may mga katanungan.
Sasagutin lamang ang tanong kapag huminto ang
kanta.

Mga tanong:
1. Siya ay isang bayani na sumulat ng
kilalang nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo?
2. Ito ang nobelang pampulitikal na sinulat
ni Jose Rizal? 1. Jose Rizal
3. Taon kung kailan sinimulan ni Jose Rizal 2. El Filibusterismo
ang pagsusulat ng El Filibusterismo? 3. Taong 1887
4. Siya ang nagbigay ng tulong mula sa 4. Valentin Ventura
Paris? 5. Ang tatlong paring martir na sina
5. Dito inihandog ni Rizal ang nobelang El Mariano Gomez, Jose Burgos at
Filibusterismo. Ibigay ang kanilang mga Jacinto Zamora (GOMBURZA)
pangalan? 6. Mga balak o paghahari ng kasakiman
6. Ano ang ibig sabihin ng Pilibustero? 7. Bluementritt
7. Siya ay kaibigan ni Rizal na pinadalhan 8. Taong 1891
niya ng sulat at nagbilin? 9. Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso
8. Taon na nailimbag ang El Filibusterismo? Realonda
9. Ang buong pangalan ni Jose Rizal?

Mahusay!
Batay sainyong mga kasagutan, ano ang tinalakay
natin noong nakaraang araw? Ma’am tungkol poi to sa talambuhay ni Rizal.

Tumpak!
Ano pa?
Ma’am ang kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo.
Tama!
Bigyan ng ang galing galing clap si _________.
(Ang buong klase ay papalakpak)

2. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating bagong aralin, nais


kong magkaroon muna tayo ng isang laro na
tatawaging “LOCK-BYE”

Panuto: Basahin ang mga lugar na aking


ipapakita. Isulat ang salitang “LOCK” kung ito ay
nasa Pilipinas at “BYE” kung hindi. Mayroon
lamang sampung segundo upang itaas ang
kasagutan.

MAYNILA
LOCK
Tama!
Sa panahon ngayon, ano kaya ang sinasakyan
natin papuntang Maynila?
Ma’am bus po o kaya sariling kotse.

Magaling, tayo ay dadako na sa ating susunod na


salita.

BERLIN
Tumpak!
BYE
Saan natin makikita ang Berlin?
Ma’am sa Germany po!

Magaling!

JAPAN BYE
Magaling!
Anong uri kaya ng sasakyan ang ginagamit
papunta ng Japan sa panahon ngayon? Ma’am eroplano po o barko.

Mahusay ang sagot mo _____.


Ang susunod na salita na aking ipakikita ay ____

MINDORO LOCK
Tama!
Saang pulo makikita ang Mindoro?
Ma’am sa Luzon po!
Korek!
Ano naman ang susunod na salita?

EUROPA
BYE
Magaling!
Kung kayo ay pupunta sa Europa, ano ang
sasakyan ninyo?
Ma’am eroplano po para mabilis
Ma’am barko po para Makita ko ang dagat.
Mahusay!
Ang huling salita ay ______

ESPANYA
BYE
Tumpak!

Sa mga lugar na aking pinabasa, paano kaya tayo


makakapunta doon ng mabilis? Ma’am sasakay po ako ng eroplano.

Mahusay!
Ano ang mga napansin niyo sa mga lugar na aking
ipinabasa? Ma’am ang iba po ay nasa Pilipinas lamang,
habang ang ibang lugar ay nasa ibang bansa.
Tama!
Ano ba ang ginagamit ngayon para makapunta sa
ibang bansa?
Ma’am eroplano po o kaya barko.
Magaling!
Gumagamit tayo ng eroplano at barko para
makapunta sa ibang bansa.
Ngunit sa panahon ng kastila, ano kaya ang
ginagamit ng mga tao para makapunta sa mga
bansa na ito?
Ma’am barko lang po!

Magaling!
Nakakita na ba kayo o nakasakay na sa isang
barko? Kung oo, ano ang itsura nito sa Opo ma’am, ito po ay may makina, pintura,
kasalukuyang panahon? may malaki at maliit.

Korek!
Sa kabanata na ating tatalakayin ay mababanggit
ang isang barko kung saan ginamit ito ng mga
tauhan.

Handa na ba kayong malaman ito?


Opo ma’am!
3. Paghawan ng Sagabal

Sa ating panonood mamaya ay makakatagpo


tayo ng mga salita na may malalim na kahulugan.
Bago natin suriin ang akda, nais kong alamin
muna natin ang mga salitang ito at gamitin sa
pangungusap. Tatawagin natin itong
“BALASALITA”

Panuto: Ang mga salita ay aking babalasahin,


pumili ng mga salita at idikit ito batay sa
kahulugan.

BAPOR TABO HIMAGSIKAN

NAGMUMUNGKAHI KUBYERTA

TAMPIPI SERBESA

BAKOL

(Bubunot ng salita ang mag-aaral)

Idikit na isa-isa ang mga salita na inyong nabunot.


BAPOR TABO

NAGMUMUNGKAHI

HIMAGSIKAN

KUBYERTA

TAMPIPI

BAKOL

SERBESA
Tumpak!
Ang inyong kasagutan ay tama, gamitin nga sa
pangungusap ang Bapo Tabo ________.
Sakay ng Bapor Tabo si Jose Rizal.
Magaling!
________ gamitin sa pangungusap ang
nagmumungkahi.
Ang DOH ay nagmumungkahi na huwag
magbabad sa initan.
Tama!
Ang pangatlong salita ay himagsikan, magbigay
ng halimbawa.
Ang KKK ay nagsimula ng himagsikan.
Ikaw na!
Gamitin sa pangungusap ang Kubyerta
Ang mga tao ay nakatapak sa kubyerta.
Tama!
Magbigay ng halimbawa sa salitang Tampipi.
Ang mga gamit ni Nanay ay nakalagay sa
tampipi.
Mahusay!
Ang Bakol naman, gamitin ito sa pangungusap
________.
Ang bakol ay nilagyan ng mga prutas.

Magaling!
Ang huling salita naman ay serbesa, gamitin nga
ito sa pangungusap.
Si Tatay ay mahilig uminom ng serbesa.
Tumpak.
Bigyan nga ng yow yow clap ang isa’t isa.
(Ang mga mag-aaral ay papalakpak)

4. Pagtatalakay ng Aralin

Tayo ay dadako na sa una at ikalawang kabanata


ng El Filibusterismo na pinamagatang “Sa ibabaw
ng Kubyerta” at “Sa ilalim ng Kubyerta.”

Ngunit bago kayo manood, nais kong basahin


muna ninyo ang mga gabay na tanong na
kinakailangan sagutin pagkatapos manood.
(Ang mga mag-aaral ay inaasahang magbasa)

Magaling!
Sa ating panonood, ang kailangan natin gawin?

Tuhamik po at making, Ma’am/


Tama, ano pa?
Ma’am, kumuha ng papel at isulat ang mga
mahahalagang impormasyon na
mapapakinggan.
Mahusay, mukhang handa na kayong making at
matuto.

Kabanata I: Sa ibabaw ng kubyerta


https://8link.cc/HDJ5N1
Kabanata II: Sa ilalim ng kubyerta
https://8link.cc/MmQfKG

(Manonood ang mga mag-aaral)

Naunawaan niyo ba ang inyong pinanood na


kabanata? Opo ma’am.

Kung ganon, halina’t sagutin ang mga


katanungan.

(Ang mga mag-aaral ay maglalahad ng


kasagutan)

1. Ang tauhan sa kabanata I ay sina


Dona Victorina, Don Custodio,
Benzayb, Padre Salvi, Padre Sibyla,
Padre Camorra, Padre Irene at
Simoun. Ang mga tauhan naman po sa
Kabanata II ay sina, Kapitan Basilio,
Isagani, Basilio ay Simoun.
2. Bapor Tabo ang tawag sa barko. Ang
barko ay may dalawang lebel, ang
nasa ibabaw at nasa ilalim.
3. Tinawag itong bapor tabo sapagkat ito
ay hugis tabo.
4. Ang mga nasa ibabaw ang siyang may
kakayahan, kapangyarihan, mataas
ang estado sa lipunan at masagana
ang pamumuhay.
5. Ang mga tao sa kubyerta sa
kasalukuyang panahon ay mga
mayayaman at mahihirp. Kapag
mayaman ka, mas maganda ang
kalalagyan mo ngunit kapag ikaw ay
mahirap ay mas lalo kang
makakaranas ng hirap.
6. Katulad ng bapor tabo na bilog at
umiikot lamang sa iisang direksyon,
ganun din ang pamamahala ng mga
kastila noon, walang usad at
dalawang lebel lamang ng mga tao sa
lipunan – ang mababa at mataas.

Ang nararanasan ng mga tao sa


dalawang kabanata ay hindi
makatarungan, sapagkat kapag ika’y
mayaman ay ikaw lamang ang
makakakuha ng hustisya, may
kapangyarihan at masagana ang
buhay samantalang ang mahirap ay
mananatiling mahirap dahil sa bulok
na pag-usad ng sistema.

Katulad na lamang sa pagiging


malakas, hindi ito tungkol sa pag-
inom lamang ng serbesa kung hindi ay
maipakita mo ang kakayahan mo at
magagawa mo sa tao.

Ang mga layunin ni Don Custodio at


Dona Victorina ay pansarali lamang na
opinion at kapakanan kaya kahit
anong solusyon ay ibibigay na lang
basta maayos sila.
Tumpak!
Ang kabanata 1 at 2 ay nagpapakita lamang ng
katunayan sa pagiging bulok na sistema ng
pamamahala ng mga kastila noon. Walang usad
at di makatarungan para sa mga Pilipino. Katulad
ng bapor tabo ay umiikot sa iisang direksyon at
paulit-ulit na walang pag-unlad. Sa loob ng 300
taon ay ginawang mangmang ang mga Pilipino at
bulok na sistema ng pamamahala nila.

Naintindihan ba?
Opo ma’am
5. Pangkatang Gawain

Upang malaman ko ang pag-unawa niyo sa akda,


mayroon akong inihandang pangkatang gawain
para sainyo. Tatawagin natin itong “3 2 1 ACT
SHOW!”

Panuto: Magsulat ng sariling skrip batay sa


kaisipang nakatalaga sainyo at ipresenta ito sa
klase. Mayroon lamang kayong sampung minuto
para gawin ito at limang minuto para sa
presentasyon.

Narito ang inyong mga kaisipan.

Unang Pangkat: Ang bulok na sistema ng


pamahalaang kastila.

Para sa Unang Pangkat, lider pakibasa ang


nakatalaga sainyo.
(Kukuhanin ang kard at babasahin ang
kaisipan)
Ikalawang Pangkat: Hindi pantay na pagtrato sa
lipunan.

Para sa ikalawang pangkat, basahin ang inyong


kaisipan. (Kukuhanin ang kard at babasahin ang
kaisipan)

Ikatlong Pangkat: Panghuhusga sa kakayahan ng


mga tao

Ang ikatlong pangkat, basahin ang inyong


kaisipan.

(Kukuhanin ang kard at babasahin ang


kaisipan)
Ikaapat na pangkat: Balikong solusyon para sa
pansariling kapakanan.

At sa ikaapat na pangkat.
Magaling!
(Kukuhanin ang kard at babasahin ang
Bago kayo magsimula, narito ang pamantayan sa kaisipan)
pagganap para sainyong gawain.

Pwede na kayo magsimula.

Tapos na ang inyong oras.

Maaari niyo ng ipresenta ito sa harap ng klase,


magsisimula tayo sa unang pangkat, susundan ng
ikalawang pangkat, ikatlong pangkat at ikaapat
na pangkat sa pagpipresenta.
(Ipipresenta ng bawat pangkat ang kanilang
gawain.)
(Ang guro ay magbibigay ng marka.)

Mahusay!
Ako ay natutuwa sapagkat ang inyong
kooperasyon sa isa't isa ay maayos. Bigyan ng
tatlong palakpak ang bawat isa,

6. Paglalapat

“SAGUTIN ANG LAYAG”

Panuto: Pumili ng layag batay sa numero at


bunutin ito sa kahon. Sagutin ang bawat tanong.
1. Kung ikaw ay isa sa mga tao na nasa
ibabaw ng kubyerta, matutuwa ka ba sa
iyong posisyon?
2. Sa iyong palagay, ang pamahalaan ba ng (Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang
Pilipinas ay maihahalintulad pa rin ba sa kasagutan)
bapor tabo?
3. Kung ikaw si Basilio, iinumin mo ba ang
serbesa para maipahayag na ikaw ay
malakas?

7. Paglalahat

DUGTUNGAN MO!
Panuto: Dugtungan ng pangungusap ang mga
pahayag na ipapakita.

Sa katapusan ng aralin… (Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang


Natutunan kong…. kasagutan)
Napagtanto kong…
Naunawaan ko na…

III. Pagtataya
Kumuha ng malinis na papel at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Dito inihalintulad ang bulok na pamamahala ng kastila?
a. Bangka
b. Bapor Tabo
c. Eroplano
d. Kalabaw
2. May dalawang uri sa lipunan noong panahon ng kastila ayon sa kabanata.
a. Sa ilalim at ibabaw ng araw?
b. Sa ibabaw at ilalim ng kubyerta
c. Sa ilalim ng lamesa
d. Sa ibabaw ng sinag ng araw.
3. Siya ang kaibigan at kasama ni Basilio sa ilalim ng kubyerta?
a. Benzayb
b. Dona Victorina
c. Maria Clara
d. Isagani
4. Ang pamamahala ng kastila ay paikot-ikot lamang at walang pag-unlad.
a. Tama
b. Mali
5. Ang pag-inom ng serbesa ay katunayan ng pagiging malakas.
a. Tama
b. Mali

IV. Takdang Aralin

Panuto: Ihalintulad ang kantang Upuan ni Gloc 9 sa kabanata 1 at 2 ng El Filibusterismo at sagutin


ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang nilalaman ng kanta at kabanatang tinalakay? Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba.
2. Kanino mo ito nais awitin? Bakit?
PAMANTAYAN
Nilalaman Malinaw ang pagkakasagot ng katanungan.
Sariling opinyon at hindi nagpapaligoy.
Presentasyon Malakas ang tinig at maayos ang tindig sa
pagpipresenta ng giawa.

Inihanda ni: Pinuna ni:

MICHELLE O. CONSTANTE MS. ARRA B. DOMINGUEZ


Mag-aaral na Guro Gurong Tagapagsanay

Pinuna ni:
MS. ROSITA D. DULGUIME
Ulong Guro

You might also like