You are on page 1of 5

Pamantasan ng Katimugang Mindanao

Kabacan, Cotabato

“MOCK ORANGE”

Pagsasaling-wika ng piling piyesa ng literatura


bilang bahagi ng kahingian sa kursong Fil 604: Pagsasaling-wika
Sa ilalim ng pagtuturo ni DR. SHANDRA D. GONSANG

LEMONADE T. CALAY
Tagapagsalin

JULY 2002
PAGSASALING-WIKA NG NAGWAGING TULA

INTRODUKSYON

Ang “Mock Orange” ay isa sa mga tulang sinulat ni Louise Elisabeth


Glück, pinakatanyag na Amerikanong manunulat ng tula at sanaysay sa
buong mundo. Kilala sa pangalang Louise Glück at siya ay umani ng
maraming karangalan simula 1968 hanggang sa nakuha ang Noble Prize in
Literature Award sa taong 2020. Ito ay dahil sa taglay ng manunulat nang
hindi mapag-aalinlangang boses sa pagtula at mahigpit na kagandahan na
nagdulot ng pagiging bukod-tangi sa sanlibutang kariktan.

Bilang karagdagan, si Louise Glück, ay humakot din ng mabibigat na


pampanitikang gawad-parangal gaya ng Pulitzer Prize, National Humanities
Medal, National Book Award, National Book Critics Circle Award, at Bollingen
Prize. Gayundin, siya ay hinirang na “The Poet Laureate in United States’ sa
taong 2003-2004. Ilan sa mga kilala at mahusay na tulang naisulat ay ang
Firstborn. The New American Library, 1968; The House on Marshland. The
Ecco Press, 1975; Descending Figure. The Ecco Press, 1980; The Triumph
of Achilles. The Ecco Press, 1985; Ararat. The Ecco Press, 1990; The Wild
Iris. The Ecco Press, 1992; The First Four Books of Poems. The Ecco
Press, 1995

Ang tulang napili bagkus ay hindi Asyanong panitikan, ang inyong abang
lingkod bilang tagapagsalin ay lubos na nahikayat sa piyesang ito sapagkat
napukaw ang pansariling atensyon sa isang maikling tula bagama’t punong-
puno ng mensahe tungkol sa buhay, babae at seksuwal na usapin. Dagdag
pa nito, sa lahat ng tulang naisulat ni Louise Glück, ang Mock Orange ang
pinakapopyular sa buong United States at/o maaaring sa buong mundo.

Isang pahapyaw na pagpapakilala ng tula na ang pamagat ay “Mock


Orange” ay kakikitaan nang malalim na kahulugan mismo sa pamagat nito.
Ang mock orange ay isang uri ng palumpong na halaman na may mabango at
puting bulaklak na kapamilya ng prutas ng citrus subalit hindi namumunga.
Kung isasalin sa wikang Filipino, ang mock orange ay tinutumbasan ng
“kunwaring dalandan”. Tunay na masasalamin na sa pamagat pa lamang ay
may talinghagang mga mensahe na nararapat tuklasin ng pampanitikang
talino.

Sa pangkalahatan, tumatalakay ang tulang ito sa mapagbalatkayong


daigdig. Ang Mock Orange ay isang bulaklak na may kulay, bango at
panghalina na siyang sumasagisag sa isang babae, na sa tunay na buhay ay
isang nilalang na sa kabila ng kagandahan, estado sa buhay, at gayumang
taglay ay may kahinaan pa ring hindi maaninag ang sariling pagkatao at
paninidigan na siyang patuloy na nakikihalubilo sa mapagkunwaring mga
bagay-bagay na nasa paligid nito.
AKTUWAL NA PAGSASALIN

ORIHINAL NA AKDA PAGSASALIN SA WIKANG FILIPINO

Mock Orange Dalandang Hilaw


BY   LO UI SE GL ÜC K ISINALIN NI
LEMO NADE T. CALA Y

It is not the moon, I tell you. Sinasabi kong hindi ang buwan,
kundi ang mga bulaklak
It is these flowers Ang nagliliwanag sa bakuran.
lighting the yard.
Ayoko sa kanila.
I hate them. Ayoko sa kanila gaya ng pagiging
I hate them as I hate sex, ayaw ko sa seksuwal na bagay,
Ang mga bibig ng kalalakihan
the man’s mouth Sumeselyo sa aking mga labi,
sealing my mouth, the man’s Nagdudulot ng paralisadong
paralyzing body— katawan---

and the cry that always escapes, Mga luhang nais makalaya,
Nakapanlulumo, nakakahiyang pag-
the low, humiliating iisa ng katawang-lupa---
premise of union—
Ngayong gabi, sa aking isipan
In my mind tonight Nagtutulakan ang mga tanong at
I hear the question and pursuing kasagutan
Bumubulong ng iisang tinig
answer Nagkapatong-patong hanggang sa
fused in one sound magkapira-piraso
that mounts and mounts and then at bumalik sa dating anyo,
is split into the old selves, Nakakapagod na pagsasalungatan.
‘Di mo ba nakikita?
the tired antagonisms. Do you see?
Ginawa tayong tanga.
We were made fools of. At ang halimuyak ng dalandang hilaw
And the scent of mock orange ay umaanod sa durungawan.
drifts through the window. Paano ba ako makapagpahinga?
Paano ako makuntento
How can I rest? kung saan may amoy pa rin sa
How can I be content mundo?
when there is still
that odor in the world?

PAGSASALING-WIKA NG LIGAL NA DOKUMENTO


ORIHINAL NA AKDA

PAGSASALIN
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REGION XII
PANSANGAY NA TAGAPAMANIHALA NG COTABATO

04 Hulyo 2022

PANSANGAY NA KALATAS
Blg. 402 , s. 2022

PAGSASATUPAD NG HARAP- HARAPANG PAG-AARAL


PARA SA PASUKANG TAONG 2022-223

To: Katuwang na Pandibisyong Tagapangasiwa


Punong-CID at SGOD
Tagapangasiwa ng Programa sa Edukasyon/Pansangay na Koordineytor
Pandistritong Superbisor/Nakatalagang Punongguro
Pampublikong Pinuno ng Paaralan (Elementarya at Sekundarya)
Tagapamanihala ng Pribadong Paaralan
Lahat ng Iba pang Kasali

1. Kaugnay sa pahayag ng Malacañang Palace hinggil sa pagsasakatuparan ng


pangkalahatang pagbabalik-klase nang harap-harapan sa lahat ng mga paaralan,
ang Dibisyon ng Cotabato ay naghahangad na ang ating mga paaralan ay maging
handa at sumunod ayon sa hinihingi ng DepEd-DOH JMC 001 s.2021 at JMC
s.2022.

2. Lahat ng mga paaralang nagsatupad ng harap-harapang pag-aaral sa pasukang


taon 2021-2022 ay magsusumite ng Plano sa Harap-Harapang Pag-aaral para sa
Pasukang Taon 2022-2023. Makikita ang istandard na pormat sa kalakip na
dahon 1 para sa report na ito.

3. Dagdag pa nito, ang lahat ng Puno ng Paaralan/ tagapangasiwa ng pagsasatupad ng


F2F na klase sa Pasukang Taon 2021-2022 ay hinihiling na gawin ang Napapanahong Tala
ng Bilang ng mga Mag-aaral na Nakilahok sa F2F na Klase sa bawat Baitang gamit
ang kalakip na dahon 2 bilang istandard na pormat. Mga Pandistritong Superbisor
(PSDSs)/ Nakatalagang Punonnguro (PICs) ay hinihiling na pagsamahin ang lahat ng
kopya ng report na ito at isumite kay Charlie L. Antipolo, Pansangay na Tagapangasiwa ng
F2F na klase sa petsang hindi lalagpas sa Hulyo 8, 2022.

4. Ang agarang pagpapakalat at pagtalima ng kalatas ay inaasahan.

ISAGANI S. DELA CRUZ, CESO V


Pansangay na Tagapamanihala ng Pampublikong Paaralan

Kalakip: Ayon sa nabanggit


Sanggunian: OO-OSEC-2022-003, DepEd-DOH JMC 001 s. 2021 and 2022; RMQAD No. 8 S.2022B
Bilang palatandaan sa PERPETUWAL NA INDEKS
Sa ilaim ng sumusunod na tunguhin:
PAGPAPALAWAK HARAP-HARAPANG PAG-AARAL PAGSUNOD NG SSAT

You might also like