You are on page 1of 5

AILA JOY S.

SASTRE SECTION JC FIL 1- 4:00-5:00 PM

LESSON 1
Test II PAGPAPALIWAG
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. (5 puntos bawat bilang)
1. Sa iyong sariling malalimang pagkakaunawa, ano ang wika?
Sa aking malalimang pag-unawa ang wika ay ang kaluluwa ng isang bansa o kahit saan
pa mang lugar. Ito ang nagbubuklod sa atin para tayo ay magkaintindihan, magkaisa, at
nagpapadali nang ating buhay. Ito lamang ay hindi intrumento sapagkat ito ay parte na ng ating
pang araw-araw na buhay at maging sa buhay ng susunod pang henerasyon. Sa makatuwid ang
wika ay kinakailangan talaga sa ating buhay.
2. Batay sa mga katangian ng wika na nailahad, ano pa ang maidaragdag mo na makakatulong
upang maging epektibo ang pagpapahayag o pakikipagtalastasan?
Ang maidaragdag kong katangian upang mas maging epektibo pa ang pagpapahayag o
pakikipagtalastasan ay ang pagiging makapangyarihan ng wika. Ito ay makapangyarihan dahil
ang paggamit nang wika ay nakakatulong sa pag-impluwensya sa pananaw nang isang tao.
Halimbawa rito ay ang paghihikayat sa mga tao, sa pagsasabi nang mga inspirasyunal na mga
salita, at ang paggamit ng wika sa kanta na pangunahing nagbubuklod sa atin at bumabasag
pagkakaibang wika nang bawat isa.
3. Mula sa iyong natutuhan o mga karanasan, gaano kahalagang pag-aralan ang wika?
Napakahalagang pag-aralan ang wika dahil ginagamit natin ito sa pang araw-araw na
buhay at nakakaugnay tayo rito. Kaya mas mahalagang pag-aralan natin ito upang mas
mapalawak pa ang ating kaalaman rito na isa sa susi sa mas lalong pagpapaunlad ng kultura ng
ating bansa.

TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Ibigay ang iyong sariling replekyon. (10 puntos bawat bilang)
1. Sa pandemya na kinakaharap natin ngayon, ano ang malaking naiaambag ng wika lalong-lalo
na sa pagpapalaganap ng mga impormasyon?
Sa kinakaharap nating pandemya ngayon, malaki ang naiambag ng wika lalong-lalo na sa
pagpapalaganap ng impormasyon dahil ang wika ang naging susi upang mas maging maalam
tayo sa tunay na nangyayari sa ating paligid. Nang dahil sa wika, nalaman natin ang mga
palatuntunin na dapat gawin sa kinakaharap nating pandemya, gaya nalang ng pagsusuot ng face
mask, face shield, pag-sasanitize, palaging paghuhugas ng kamay, at pagkakaroon ng social
distancing upang makaiwas at hindi mahawaan ng virus. Nang dahil rin sa wika, nalaman natin
ang mga anumalya na nangyayari sa gobyerno at ang mga program na inilahad nila para sa atin.
Nakatulong rin ang wika upang maging updated tayo sa mga balita, at mga ulat panahon.
Nakatulong rin ang wika upang maibsan ang pagkabagot natin sa ating bahay, sa pamamagitan
ng panunuod ng mga teleserye at drama. Nakatulong rin ito sa pamamagitan ng pakikinig ng
kanta, na nagbibigay aliw at kasiyahan sa atin. Sa makatuwid, isa ang wika sa mahalagang
kakailanganin natin upang maipagpatuloy ang buhay ng mas madali at epektibo.
2. Para sa iyo, gaano kahalaga ang wika sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kabila ng krisis na
kinakaharap natin ngayon?
Para sa akin, ang wika ay isa sa pinakamahalagang kailangan natin hindi lang sa
pandemya na kinakaharap natin ngayon kundi sa buong buhay natin. Napakalaki ng
ginagampanan ng wika upang mas mapadali ang ating buhay lalo na sa patuloy nating pag-aaral
sa kabila ng krisis na ating kinakaharap ngayon. Ito ay tumutulong sa atin upang makalaganap ng
impormasyon sa pag-aaral na ipinagpapatuloy natin sa halip ng pandemya. Ang wika ang halos
susi sa ating pagpapatuloy na pagkatuto sa mga pinag-aaralan natin. Tumutulong ito upang mas
lalo tayong makaunawa sa mga palatuntunin ng bawat asignaturang ating pinag-aaralan.
Halimbawa rito ang mga salita at mga impormasyon na nasa module, nang dahil sa wika
nagkaroon tayo ng module na pag-aaralan kahit ito man ay nasa nilimbag na paraan. Sa
pamamagitan ng pagbabasa, at pag-unawa rito makakuha parin tayo ng ideya na matututunan
natin kahit hindi ito sa pasalitang paraan. Kaya dahil rito, napapatuloy parin natin ang ating pag-
aaral hahit hindi ito kasing epektibo ng face to face classes.
LESSON 2

PAGSASANAY 

 Gawain 1 
Panuto: Pansinin ang tula na nasa ibaba. Bigyan ng katumbas na PAMBANSANG salita ang
mga sinalungguhitang mga salitang PAMPANITIKAN. Isulat ang sagot sa mga nakalaang
puwang. Pagkatapos maisulat ang mga salita sa puwang ay bigyan ito ng tig-iisang halimbawang
pangungusap at isulat ito sa bakanteng kahon na nasa gilid. Dalawang (2) puntos bawat bilang.

Organong sa loob ng isang simbahan,


Ay nananalangin sa kapighatian (1.kalungkutan) 1. Siya ay labis na pinadama ng
Habang ang kandila ng sariling buhay, ng kalungkutan ng kanyang mga
Magdamag na tanod sa aking libingan… mga magulang.
2. Siya ay palaging umiiyak gabi-gabi
Sa aking paanan ay may isang batis, dahil sa kanyang mga problema.
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis (2.umiiyak) 3. Ang mga paniki ay nakabitin ng
Sa mga sanga ko ay nangakasabit (3.nakabitin) patiwarik kung sila ay natutulog.
!Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. 4. Tumulo ang luha ng mga taong
nakasaksi sa kanyang pagkamatay.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, 5. Mahina ng kumilos si Maria dahil
Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal (4.tumulo ang luha) sa epekto ng kanyang pagtanda.
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam! (5.mahina)
PAGTATAYA 

TEST I PAGPUPUNO 

Panuto: Punan ng angkop na salita ang kahon ng bawat bilang ayon sa  hinihinging
antas ng wika. 10 puntos.

PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN BALBAL

1. Nangaliwa Naniningalang   2. Nambabae/ Nang chix


pugad Nanlalaki

Asawa  3. Kabiyak ng Puso Asawa o bana  4. Waswit

Bata  5.  Musmos pa lamang Bata, gamay  6. Nene/Pepe

7. Nabaliw Nasisiraan ng bait  Buang  8. Buang

Katulong  9. Kasambahay 10. Yaya Tsimay 

TAKDANG-ARALIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. (10 puntos bawat bilang).

1. Ano-ano ang mga kahirapang naranasan mo habang pinag-aaralan ang modyul na ito?
- Ang mga kahirapang naranasan ko habang pinag-aaralan ang modyul na ito ay ang
pagsagot sa mga aktibidad na tungkol sa pagdetermina ng Pambansa at mga Pampanitikang mga
salita pero kalaunan naman ay naintindihan ko rin ang mga ito.

2. Sa pag-aaral at pagsisiyasat mo sa modyul, ano-anong mga kapaki pakinabang na kaalaman o


kasanayan ang nalinang mo upang mas pahalagahan ang ating wika?
- Ang mga kasanayan na nalinang ko upang mas pahalagahan ang wika ay ang wika ay
sadyang makapangyarihan kaya dapat nating mas palawakin ang ating kaalaman dito, mas lalo
natin itong tangkilikin, at mas lalo natin itong mahalin dahil sobra sobra ang pakinabang natin sa
ating wika na masasabi kong isa sa mga pinakamahalagang bagay hindi lang sa ating buhay,
kundi na rin ng ating bansa.

You might also like