You are on page 1of 2

Sollano, John Aries T.

2-22-24

BSED – Filipino

FILKULIP 201/202

MALAYANG PAGPAPAHAYAG UKOL SA BIDYO

1. Panooring ang mga sumusunod na bidyo at sumulat ng refleksyong papel tungkol


dito.

Video 1:

https://www.youtube.com/watch?v=3lsF83rHKFc

Kung ako ang tatanungin sa katanungan na ‘nakapagsasalita ba ang unggoy’ masasabi ko ay


hindi. Ngunit may pamamaraan sila upang magkaroon ng komunikasyon na mauunawaan
nila, sa pamamagitan ng paglikha ng tunog sila at kilos na akma sa kanilang sinasambit.
Halimbawa nga nito ay yung sinabi ni Robert Seyfarth na “kung ano ang kanilang nakita lilikha
sila ng tunong na makapagrerehistro sa kanyang kapwa unggoy”. Sa pamamagitan ng
kanilang iwiniwika nila gamit ang katawan, lubos nilang mauunawaan ang nais ipa-rehistro
sa taga decode ng salita.

Video 2:

https://www.youtube.com/watch?v=1ihC6QHS_m0

Ayon sa obserbasyon ko, matuturuan mo ng ganitong pamamaraan ang unggoy kung siya ay
lumaki ng nasa puder mo, ‘pagkat nakita ko rito ang pagkahahalintulad ng pagpapapaki sa
bata at unggoy ay parehas lang. Kung sila ay gagabayan ng maayos at may edukasyon.
Malilinang ang kanilang kaisipan pagdating sa pakikipag komunikasyon ng malinaw.
Gayundin, malaking salik rin ang naging karanasan ni koko at epekto na nagsilbing trauma sa
kanya upang mahirapan siya pakikipag komunikasyon. Ngunit dahil sa tulong ng umaruga at
gumabay bilang magulang. Dahil sa lalim ng kanyang kakayahang makipag-usap ay sadyang
kahanga-hanga at nagtatanong kung gaano ba talaga katalino ang mga gorilya.
BIGYANG LALIM

2. Sagutin ang sumusunod na katanungan;

1. Ang mga hayop ba ay nakikipagkomunikasyon gaya natin, o merong bagay na kakaiba


at natatangi sa wika ng mga tao na kaiba sa mga hayop?

Gaya natin, ang mga unggoy ay may mga sariling wika na lubos nilang mauunawaan, ang
wika ng tao at hayop ay hindi nagkalayo, kahit noong unang panahon na wala pang ginagamit
na wika, lumilikha tayo ng tunog upang makipag komunikasyon sa isa’t – isa. Gayundin maari
rin gumamit ng mga pangkomunikasyong di-berbal ang mga hayop na kung saan nagagawa
natin ng ayon sa norms.

2. Ilang wika ba ang kaya nating matutuhan, at ilan ang wikang taglay natin mula nang
tayo ay isinilang? Ano sa iyong palagay? Ipaliwanag.

May kakayahan tayo upang aralin ang mga wika at diyalekto natin, kahit nga wikang banyaga
ay ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa aking palagay noong tayo ay isinilang ay
natutuhan natin ang W1 o ‘yung ating susong wika na kung saan ito ang gamit natin sa loob
ng tahanan at sa komunidad. Sa pamamagitan nito nalilinang ang ating sarili pagdating sa
komunikasyon, ngunit maari rin itong hadlang kung hindi ito ang midyum natin sa pakikipag
talastasan sa mga unang taon.

3. Ang wika ay napakahalaga upang maipahayag natin ang ating mga kaisipan, maari din
ba nitong kulayan o hubugin ang kaisipang meron tayo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Oo, ang wika ay napakahalaga hindi lamang sa pagpapahayag ng mga kaisipan kundi maaari
rin nitong kulayan o hubugin ang ating mga kaisipan. Ang paggamit ng iba’t ibang salita, anyo
ng pagsasalita, at estruktura ng pangungusap ay maaaring magbago o magpalawak sa
paraan kung paano natin nauunawaan at naipapahayag ang mga ideya at damdamin. Sa
pamamagitan nito, nakikilala natin ang ating sarili o nagkakaroon tayo ng identidad at ang
iba’t ibang pananaw ng iba. Ang paggamit ng wika ay maaaring magbukas ng mga pintuan sa
iba’t ibang kaisipan, pananaw, at kaalaman, na nagpapalawak sa ating pang-unawa at
pakikipag-ugnayan sa mundo, halimbawa nito ay yung sa pinanood na itaas na ang unggoy
ay uri o pamamaraan ng wika. Sa pamamagitan ng wika, nagiging mas malalim ang ating pag-
unawa sa mga kultura, lipunan, at realidades sa paligid natin.

You might also like