You are on page 1of 3

ARALIN 4 PONOLOHIYA

PONEMANG SEGMENTAL

Ang makaagham na pag-aaral ng mga tunog ay tinatawag na ponolohiya. Ang tumutukoy sa


pinakamaliit nay unit ng tunog ay ponema. Ang pagtalakay ng ponema sa wikang Filipino ay nahahati sa
dalawang uri. Ang ponemang segmental at suprasegmental. Ang ponemang segmental ay kinabibilangan ng
patinig, katinig, kambal katinig o klaster at diptonggo.

Sa tuwing pinag-aaralan ang ponema, lagi itong ikinukulong sa dalawang guhit na pahilis (/ /) o virgules
sa Ingles. Ang simbolong ito ay hango sa simbolong ginamit ni Santiago upang ilarawan ang tamang bigkas ng
tunog patinig man ito o katinig. Halimbawang ang natunghayan ay /a/, hindi letrang a /ey/ ang tinutukoy nito
kung hindi ang tunog nitong /ah/.

Sa wikang Filipino ay mayroon lamang limang tunog patinig, ito ay ang /a/, /e/, /i/, /o/, /u/. Bawat
patinig ay iisa lamang ang bigkas at katumbas na tunog hindi tulad ng sa wikang Ingles na ang isang ponemang
patinig gaya ng /a/ ay mayroong iba’t ibang bigkas. Ang mga ponemang katinig naman ay ang mga /b/, /k/,
/d/, /g/, /h/, /l/, /m/, /n/, /ng/, /p/, /r/, /t/, /w/, /y/ at /ˀ/.

Ang mga ponemang segmental ay ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang Mabasa at
mabigkas maliban sa ponemang /?/ na sumisimbolo ng impit na tunog o glottal na kabilang din sa mga tunog
katinig.

Ang mga tunog na ito ay tinatawag nating tunog ponetiko. Ayon kay Lachica, saklaw sa pag-aaral ng
ponetiko ang galaw at pamamaraan ng bahagi ng bibig ng tao kung paano isinasagawa ang pagpapalabas ng
tunog sa pagsasalita. Pinag-aaralan din sa ponetiko ang wastong pagbigkas at kung paano nalilikha ang tunog.
Gaya na lamang halimbawa ng mga ponemang katinig na mailalarawan sa pamamagitan ng punto ng
artikulasyon o kung saang bahagi isinasagawa ang pagbigkas ng ponema at sa paraan ng artikulasyon o paraan
ng pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng ponema at kung ang paraan ng artikulasyon ng bawat isa ay may
tinig o walang tinig. Samantala ang ponemang patinig naman ay mailalarawan sa pamamagitan ng posisyon ng
dila sa pagbigkas ng mga ito at sa kung saang bahagi ng dila nagaganap ang pagbigkas ng bawat isa

Anupa’t ang maagham na paglikha ng tunog sa pagsasalita ay tinatawag na ponetiko. Ang salitang
phonetikos ay hango sa wikang Griyego na nangangahulugang bibigkasin pa lamang. Hiniram natin sa Ingles
ang salitang phone ( tunog) + hulaping -tic at alinsunod sa tuntunin ng pagbigkas: tulad sa ponetikong baybay.
At sa pag-aasimila sa wikang Filipino, tinawag natin itong ponetika at ponetiko at tinumbasan ng salitang
palatinigan.

Nakasaad sa aklat ni Garcia, na ang notasyong ponetik ay ang tiyak at palaging simbolong kumakatawan
sa tanging isang tunog lamang, nakapaloob ito sa simbolong [ ] halimbawa [baba.eꭜ]. Notasyong ponema naman
ang tiyak at palagiang kumakatawan sa isa at tanging tunog ng ponema na ipinapaloob sa // sa /baba.Iꭜ/.

Sa kabilang banda, inilahad naman ni Aganan, et al., sa kanilang aklat na ang mga suprasegmental ay
karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, ito ay sinisimbolo ng mga notasyong
phonemic upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Samakatuwid, ang notasyong ponemik ay pagpapakita o
paglalarawan ng paraan ng pagbigkas. Ang ponemang suprasegmental ay kinabibilangan ng diin, tono, haba at
hinto.

DIPTONGGO

Ayon kina Dupale, et al., ang mga diptonggo ay alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na y at
w sa loob ng isang pantig. Sa madaling sabi, ito ay ang mga salitang nagtataglay ng bunga ng kombinasyon ng
mga katinig na sinusundan ng malapatinig.
Tsart ng Diptonggo

Posisyon ng Dila Harap Sentral Likod


Mataas iw, iy uy
Gitna ey ow, oy
Mababa aw, ay

Halimbawa

agiw saklaw kasoy


latay aruy baduy
laboy tuloy keyk

Bagamat may mga salita sa Filipino na magkasunod na patinig at malapatinig, ang mga patinig at
malapatinig ay hindi naman magkasama sa isang pantig, kaya maituturing na walang diptonggo.

Halimbawa

ka-ba-ha-yan hi-wa-in su-yod


to-yo ka-wa-yan

Pansinin na ang ay sa kabahayan, iw sa hiwain, uy sa suyod, oy sa toyo at aw sa kawayan ay hindi


magkasama sa pantig. Kaya walang diptonggo sa mga salitang katulad ng mga nabanggit na halimbawa.

KLASTER

Ang klister ay tumutukoy sa kambal katinig, ibig sabihin ay dalawang magkakabit na magkaibang
katinig sa loob ng isang pantig. Ang mga klister ay maaaring matagpuan sa inisyal, midyal o pinal na posisyon
ng bawat salita.

globo kongklusyon balandra


ekskarsyon alpombra trapo

Para sa mas madaling pagbuo ng mga salitang may kambal katinig, sundan sa tsart sa ibaba ang
maaaring kumbinasyon ng mga ponemang katinig na maituturing na klister.

Mga bagong klaster sa inisyal na posisyon


(Batay sa KWF Ortograpiyang Pambansa 2017)

/r/ /l/ /s/

/p/ X X
/t/ X X
/k/ X X
/b/ X X
/d/ X
/g/ X X

Ang mga klister na maaaring mabuo ay: preno, plano, trapo, tsismis, tsuper, kritiko, klinika, braso,
blusa, droga, granada, groseri, gradweyt, globo.

Nagagamit ang mga ganitong klister hindi lamang sa posisyong inisyal kung hindi gayundin naman sa
pinal na posisyon ng mga salita sa Matandang Tagalog. Tunghayan ang tsart sa ibaba.
/p/ /t/ /k/ /b/ /d/ /m/ /n/ /l/ /s/

/w/ X X X
/y/ X X X X X X X X X
/r/ X X X X X
/l/ X X
/s/ X
/n/ X
/k/ X

Ilan sa mga kasunod na salita ay hinango sa mga halimbawang ibinigay ni Santiago sa kaniyang aklat:
hand-awt, dawntawn, pawl, tayp, diskrimineyt, beyk, drayb, reyd, geym, syayn, bargenseyl, beys, apartment,
park, kard, pattern, nars, balb, dimpols, desk, absent, relaks.

PARES MINIMAL

Pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa kaligirang pagbigkas


maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon na maaaring matagpuan sa unahan, gitna, o hulihan.

Halimbawa:

kulay-gulay laglag-laklak balag-balak


latag-patag patpat-padpad titig-titik
salang-balang balik-batik hapag-lapag

Mula sa paliwanag ni Tomas Pinpin sa kaniyang aklat na Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang
uicang Caftilla (1610), na binanggit at ipinaliwanag sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (2017), “hindi
dapat ipagkamali ang E sa I o ang O sa U sapagkat may mga salita sa Español na magkatulad ng baybay ngunit
magkaiba ng kahulugan dahil sa may E ang isa at may I ang ikalawa o may O ang isa at may U ang ikalawa
gaya ng quezo at quizo, poro at puro, gayundin ang pagkakaiba ng Pinoy at penoy, meron at miron, hanep at
hanip. Sa pagbigkas ng mga salita, kailangan ng disiplina sa pagbigkas upang maibukod o mapag-iba ang
bigkas ng E at I, O at U.

DIGRAPO

Tawag sa pagkakaayos ng mga titik na kombensiyonal na kumakawatan sa isahang pangkat tulad ng /ng/
sa /η/. Kabilang din ito sa mga ponemang katinig. Bagamat dalawang magkasunod na ponemang katinig. Ang
digrapong /ng/ ay iisa at katunog nito sa pagbigkas.

Halimbawa:

banghayin tangkain bangka sungka

sa kasalukuyan tanging ang NG na lamang ang digrapo sa ating alpabeto. Ang mga digrapong CH
(cheque), RR (terrible), at LL (llave) mula sa Espanyol ay hindi na isinama sapagkat madali na itong palitan o
halinhinan ng mga klister na TS (tseke), R (terrible), at LY (lyabe). Ang SH ng Ingles ay hindi digrapo kundi
klister lamang at pinapalitan natin ng klister na SY.

You might also like