You are on page 1of 2

Archery, bilyar at athletics nagdeliver ng gold

MANILA, Philippines — Hindi pumayag ang mga Pinoy athletes na ma­bokya matapos magbulsa
ng tatlong gintong medalya sa 31st South­east Asian Games kahapon sa Hanoi, Vietnam.

Humugot ang Team Philippines ng mga pa­nalo kina billiards ace Johann Chua, Fil-Am sprin­ter
Kayla Richard­son at archers Pia at Ab­by Bidaure at Phoebe Amis­toso para sa
pakiki­pag-agawan sa Thailand sa No. 2 spot sa medal standings.

Sinapawan ni Chua si 2021 U.S. Open champion Carlo Biado, 9-6, para tumbukin ang ginto sa
men’s 9-ball singles sa kanilang all-Pinoy finals.

Sinamantala ng 29-anyos na si Chua ang dalawang mintis ng 39-anyos na si Biado sa 12th at


15th racks para kunin ang una niyang gold sa SEA Games.

Nabigo ang 67-an­yos na si Efren ‘Bata’ Re­yes kay Tran Thanh Tu Nguyen ng Vietnam, 55-100,
sa semis ng one-cushion carom singles at nakuntento sa tansong me­dalya.

Nagtala naman si Ri­chardson ng tiyempong 11.60 segundo para ibul­sa ang gold medal sa
wo­men’s 100m dash sa athletics.

Sa archery, inilusot ng magkapatid na Bi­­daure at ni Amistoso ang 26-25 panalo kontra sa


Vietnam sa kanilang shoot-off para angkinin ang ginto sa women’s team recurve.

Nagtala ang Pinas ng 37 golds, 48 silvers at 64 bronzes para sa No. 3 spot medal standings sa
ilalim ng bagong overall champion na Vietnam (122-74-72) at No. 2 Thailand (49-57-77).

May silver medal sina taekwondo jins Kirstie Alora (women’s -73kg), Ba­by Jessica Canabal
(wo­men’s -54kg) at Dave Cea (men’s -74kg) at sina Richard Gonzales at John Russel Misal sa
men’s doubles ng table tennis.

Humataw ng bronze sina golfers Lois Kaye Go, Rianne Malixi at Ma­fy Singson sa wo­men’s
team event, Evalyn Palabrica sa wo­men’s javelin throw, sina fencers Jylyn Nicanor, Queen
Denise Dalmacio, Allaine Nicole Cortey at Kemberly Camahalan sa women’s team sabre at sina
Nathaniel Perez, Samuel Tranquilan, Prin­ce Felipe at Michael Nicanor sa men’s team foil.

Sa boxing, sigurado na sa tansong medalya sina Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio
(women’s 60kg) at Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial (men’s 75kg) at pito
pang Pinoy pugs.

Nakatiyak din ng da­lawang bronze si tennis sensation Alex Eala matapos umusad sa se­mis ng
women’s singles at sa mixed doubles ka­sama si Treat Huey.
SOURCE:
https://www.philstar.com/pm-sports/2022/05/19/2182118/pinas-di-pumayag-na-mabokya-s
a-seag/amp/

You might also like