You are on page 1of 2

Philippine Lawn Bowls, Humahakot ng Medalya

Richard M. Habla

Kilala ang mga Filipino na mahilig sa isports. Ilan sa mga kilalang isports na tinatangkilik ng ating
mga kababayan ay Basketball, Volleyball, at Boksing. Ngunit may isa pang larangan ng isports na
bagamat hindi gaanong nakikilala ng karamihan ay patuloy na nagbibigay ng karangalan sa ating
bansa. Kamakailan lang ay nag uwi ang mga manlalaro ng Philippine Lawn Bowl ng 3 medalyong
ginto at 2 medalyang bronse mula sa ika-14th Asian Lawn Bowl Championships na natapos
noong ika-26 ng Pebrero taong kasalukuyan na ginanap sa Perak Lawn Bowl Arena sa Ipoh,
Malaysia.

Kinikilala ang kontribusyon nina Rodel Labayo,gold medalist sa 2019 Southeast Asian Games, at
Elmer Abatayo na naguna sa men’s pairs gayundin sina Marisa Baronda at Rosita Bradborn na
kinubkob ang trono sa women’s side kasama nina Ronald Lising, Leoncio Carreon Jr. and
Hommer Mercado na nagkampeon sa men’s triple championship.

Naguwi pa si Baronda ng bronze medal mula sa women’s singles samantalang nagkapit ng


ikatlong pwesto sina Mercado, Abatayo, Lising and Carreon sa men’s fours event.

Ang pagkapanalong ito ng ating mga kababayan ang siyang nag angat sa katayuan ng Pilipinas sa
Asian Lawn Bowl standing at nagpako satin sa mapa ng Lawn Bowl sa buong mundo. Sa
kasalukyan ay kinikilala ang Pilipinas sa lawn bowl dahil sa pagkapanalo nito noon pang
nagdaang mga patimpalak gaya ng 2018 Tiger Bowls and Road to China kung saan nag uwi ng
gintong medalya sina Homer, Errol, Paul, at Ronald samantalang broze medal naman ang naiuwi
nina Marissa Baronda, Rosita Bradborn, Sharon Hauters at Hazel Jagonoy. Noong 2019 sa
ginanap na SEA Games sa Clark, Pampanga, nasungkit nina Rodel Labayo at Angelo Morales ang
gintong medalya sa men’s pair samanatalang nagtapos sa silver medal ang laban nina Marisa,
Rosita, Sharon at Hazel sa wome’s quartet at gayundin sina Elmer Abatayo, Dagpin Christopher,
at Homer Mercado sa men’s triple. Ang tambalan nina Nenita Tabiano at Vilma Greenlees ay
nakasungkit ng bronse medal sa women’s pair.

Sa kasalukuyan ay nakaposisyon ang Pilipinas na ikalawa sa buong Asya sa larangan ng Lawn


Bowl. Kinikilala na may magagaling na manlalaro ang Philippine Lawn Bowl Association (PLBA) at
nirerespeto sa buong mundo. Bagama’t hindi pa gaanong pupolar ang larangang ito sa ating
bansa ay patuloy na nag uuwi ng karangalan ang ating mga atleta at siyang nagbibigay
karangalan sa ating bansa.

Larawan mula sa Philippine Sports Commission (PSC)

You might also like