You are on page 1of 2

INUWI NG RED GROUPERS ANG KANILANG PANALO LABAN SA

IBANG MANLALARO SA IBA'T IBANG PALARO SA ONHS


INTRAMURALS 2023
Orihinal na isinulat ni Marjorie Londite Cuerda

Oktobre 20-21, 2023. Balitang isports

Nitong Octobre deneklara ng Oslob National High School ang kanilang


opisyal na pagbukas sa Intramurals 2023. Ito ay pinangunahan ng
pagpili ng Mr. and Ms. Intramurals 2023. Sinimulan ito sa isang parada
na kasama ang lahat ng representar sa Mr. and Ms. Intramurals sa iba't
ibang team dala ang kanya kanyang mga banner. Makikita na lahat ay
masaya sa pamamagitan ng pagsout ng kanilang kanya-kanyang kulay
ng damit na nagpapatunay at nagpapakilala sa kanila na sila ang
kabilang sa kanilang team. Mainit man ang panahon ngunit hindi ito
naging hadlang. Pagkatapos ng parada, sinimulan ang kompetisyon sa
paunahan sa pagtaas ng kanilang banner na pinangunahan ng Bluefin
Tunas. Naging palaban ang lahat ng kandidata na inirampa ang
kanilang team sa kompetisyon. Una ay sa production number, sinundan
ng uniform wear, sports wear at panghuli ay ang picture analysis. Hindi
lang nagpakitang gilas ang mga kandidata at kandidato sa pagrampa at
kagandahan ngunit hindi magpapahuli ang patalinuhan. Itinanghal na
panalo sina Dex Gabriel Quisaot sa Mr. Intramurals na galing sa Red
Groupers at Nicole Susada sa Ms. Intramurals na galing sa Bluefin
Tunas.

Maraming palaro ang ideneklara ng Oslob National High School na


mayroon ding mga booths sa kooperasyon din ng Oslob National High
School SSLG officers. Naging tagumpay ito sa kooperasyon ng lahat ng
mag-aaral na nagpakitang gilas sa iba't ibang sports. Apat na teams ang
nag laban, ang Green Stingray, Yellow Mackerels, Red Groupers at
Bluefin Tunas.

Ang Green Stingray ay nanalo palarong Shot put, Discuss Throw at


Badminton(D) kategorya ng mga babae, at sa 400m, Volleyball, Billiards
(8-B at 9-B), Table Tennis(S-B at D) at Chess(B2) sa kategorya ng mga
lalake. Ang sa Yellow Mackerels naman ay Triple Jump, Discuss Throw,
100m, 1500m at Chess(B1) sa kategorya ng mga lalake at sa kategorya
naman ng mga babae ay Badminton (S-A). Sa Red Groupers naman sa
kategoryang lalaki ay Long Jump, 800m, Table Tennis(S-A), at
Badminton(S-B at D), sa kategoryang babae naman ay 100m, 200m,
Volleyball, Sepak Takraw, Table tennis(S-A,S-B, at D), Badminton (S-B),
at Chess (B1 at B2). Panghuli ay ang Bluefin tunas na nanaig sa
Basketball, Shotput, Javelin Throw, 200m, at Sepak Takraw sa
kategoryang lalake at sa babae naman ay sa 3x3, Long Jump, Triple
Jump, at 800 m.

Makikita sa tally sa lahat ng panalo sa mga palaro ay maraming


natamo ang Red Grouper. Sila ay sinundan ng Green Stingray na naging
palaban din, Bluefin Tunas at panghuli ngunit hindi talo ay ang Yellow
Mackerels. Sa lahat ng palaro ay tanging ang Red Groupers ang nanaig.
Lahat tayo ay may angking galing sa iba't ibang sports. Kahit paman
hindi naipanalo ang sa ibang laro ngunit naipakita ang kanya kanya
nilang angking talento. Naging matagumpay ang proyektong ito sa
tulong at kooperasyon ng lahat ng mag-aaral at guro sa Oslob National
High School. Ang mga nanalo sa sports ay siyang lalaban sa paparating
na Municipal meet 2023.

You might also like