You are on page 1of 3

Foundation Week

Disyembre 7, 2022 unang araw ng foundation week, bilang panimula ay mayroong “float” na inihanda ang
bawat grupo. Ang mga float na ito ay inilibot sa Balibago kasama ang mga kalahok ng bawat grupo, Binibini at
Ginoong GFIS, mga Guro, at ilang mga miyembro ng bawat grupo. Pag-balik naman ay rumampa ang mga kalahok ng
Binibini at Ginoo ng naturang float.

Bago umpisahan ang Indak ng lahi ay isa-isang ipinakilala ang mga atleta ng taekwondo, at swimming pati
ang varsity ng basketball at volleyball. Ng matapos ang pagpapaunlak sa mga ito ay, inumpisahan na ang Indak ng lahi
kung saan pinangunahan ng mga kalahok sa grupo ng dilaw. Maganda ang kanilang naipakitang sayaw sa mga
manonood, ang sumunod na gumanap ay ang kalahok sa grupo ng itim kung saan medjo may pagkakamali ngunit hindi
nagpatinag sa naunang kalahok, ang pangatlong kalahok ay ang berde ang panghuli naman ay ang maroon.

Pinapila muna ang mga grupo at kung sino ang may pinaka maraming grupo ang nakapila ay ayon ang
makakatanggap ng puntos at kung sino ang may pinaka maganda at maayos na yell ay makakatanggap uli ng puntos
ang nanalo ay ang grupo ng itim, ng matapos ang ay inumpisahan ng banggitin ang mga nanalo. Inumpisahan sa
pangatlo hanggang sa kampeon ang paghahayag nang mga nanalo ang pangatlo ay ang grupo ng maroon, pangalawa
ang berde una ang itim at ang kampeon sa Indak ng lahi ay ang grupo ng dilaw, ng matapos ipahayag ang mga nanalo
ay kinuhanan ng larawan ang nauna at kampeon.

Disyembre 9, 2022 ikalawang araw ng foundation week, kung saan nagtagisan ng galing sa laro ng
volleyball, basketball, at badminton ang mga batang manlalaro sa bawat grupo, maroon laban sa dilaw, itim laban sa
berde dito ipinakita ng bawat batang manlalaro na kaya rin nilang makipagsabayan sa mga larong ito.

Disyembre 12, 2022 ikatlong araw ng foundation week, dito ginanap ang semi final ng sport fest kung saan
nagtagisan ng galing ang bawat manlalaro ng apat na grupo kung saan may kalahok ng ibat-ibang palaro, ang mga
larong ito ay volleyball, basketball, mobile legends, tennis at chess. Ang unang patimpalak ay volleyball ito ay ginanap
sa Green Fields Integrated School court, dito ay halo-halo ang mga kalahok mula sa elementarya. Ang ikalawang
patimpalak ay mobile legends kung saan kalahok ang mga basic ed, ginanap sa ikatlong palapag ng basic ed building
kasabay ang mga senior high school, ginanap ito sa ikaapat na palapag ng senior high school building, ang ikatlong
patimpalak naman ay badminton at table tennis kung saan ginanap ito sa Winners badminton court. Ang huling laro ay
ang chess ginanap ito sa computer lab, dito ay nagpakita ng galing at talas ng utak ang bawat kalahok sa nasabing
patimpalak.

Disyembre 13, 2022, araw kung saan maglalaban-laban ang mga nanalo sa semi-finals dito ay malalaman
kung sino nga ba ang karapat dapat na tanghalin na kampeon, ang unang laban ay ang volleyball kung saan ang
magkalaban ay ang grupo ng itim at maroon ang nagwagi ay grupo ng itim, ang sumunod na nag laban ay ang
volleyball ng mga elementarya kung saan ang nanalo ay ang grupo muli ng itim, basketball ang naglaban ay ang itim at
dilaw kung saan ang nagwagi ay grupo ng itim sila ang tinanghal na kampeon dahil sa galing na ipinakita ng mga
kalahok. At ang iba pang mga kalahok sa ibat-ibang laro na mag uuwi ng mga tropeo.

Disyembre 14, 2022, deka dance o field demo dito ipinakita ng bawat antas ng mga mag aaral sa Green
Fields Integrated School simula sa elementarya hanggang senior high ang pagsayaw sa modernong tugtugin kung saan
sabay-sabay silang sumasayaw bawat pangkat na ay may hawak na mga pompoms na isinasabay nila sa kanilang
pagsayaw, ng matapos ang deka dance o field demo ay maya-maya pa ay inumpisahan ng tawagin ang unang kalahok
sa cheerdance ang grupo ng maroon kung saan marami ang naging pagkakamali sa mga ginawa nilang stants, ang
sumunod naman na grupo ay ang grupo ng berde kung saan maganda ang naipakitang sayaw, pangatlo ang grupo ng
dilaw kung saan maganda ang naipakitang pagganap sa sayaw sabay-sabay at makulay ang kanilang mga bitbit na mga
props ang panghuli naman ay ang grupo ng itim kung saan maganda rin ang naging pagganap sa sayaw may nagkamali
ngunit hindi nagpatinag maganda ang naipaking mga stants walang takot at nakaka panindig balahibo ang kanilang
naipakitang pagganap.

Nang matapos na ang bawat grupo ay pinapila na ang apat na grupo sa harapan ng stage kung saan
ginawa ang pagganap, ng matapos ang kaganapan at bago sabihin kung sino ang nanalo ay nagpalaro muna ang
Presidente ng aming school na si Bb.Tin, kung saan paunahan makapag bigay ng mensahe sa ibinigay na numero.
Nanalo ang isa sa mga kaklase namin ang kanyang napanalunan ay isang libo at ang pangalawang laro ay tatawagan
ang numero nanalo ang nasa grupo ng dilaw, at ng matapos ang palaro ay inumpisahan ng banggitin ang mga nanalo
inumpisahan sa pangatlo hanggang sa kampeon ang pangatlo ay ang grupo ng maroon pumangalawa naman ang grupo
ng berde at nanguna ang grupo ng dilaw at ang naging kampeon ay ang grupo ng itim. Bago pauwiin ay kinuhanan
muna ng litrato ang bawat grupo. Ng matapos at napauwi na ang iba ay naglaban naman ang maroon at ang itim sa
kampeonato ng volleyball at ang naging kampeon ay grupo ng itim.

Disyembre 16, 2022 huling araw ng foundation week at araw ng paskuhan at christmas party ng aming
school, kung saan ay pinagdiwang muna namin ang aming christmas party kung saan nagpalaro ang aming mga Guro
at pagtapos ng laro ay kumain na at nagtungo na sa aming court, kung saan ipagdiriwang ang paskuhan dito ay
nagpakita ng talento ang mga guro may kumanta at may mga sumayaw. Ng matapos ang pagganap ng mga guro ay isa
isa ng tinawag at pinarangalan ang mga kampeon ng bawat laro at mga sayaw kung saan dineklara na ang itim ang
higit sa lahat ng kampeon, ng matapos ay nagbunutan na ng raffle kung saan mananalo ka ng gamit, pagkain at pera ng
matapos ang kaganapan ay umuwi na ang lahat.

You might also like