You are on page 1of 3

Ipinagdiwang ng PEPSIANS ang Araw ng Katatakutan (TRICK OR TREAT)

Magalak na ipinagdiwang ng PEPSIANS ang Araw ng Katatakutan noong ika-1 ng


Nobyembre, 2022. Ang pag-gunita ay ginanap sa loob lamang ng paaralan.

Ang plano para sa pagdiriwang na ito ay dapat KG hanggang sa ika-6 na antas lamang,
ngunit napag-usapan din ng junior at senior hayskul na makisali. Nagdamit din ng mga
kakaibang kasuotan ang mga estudyante ng hayskul para sa pagdiriwang na ito sa kabila ng
pag-aaral nila para sa kanilang pagsusulit.

Nag-umpisa ang pagdiriwang pagkatapos ng assembly at nagsimula namang kumuha ng


pagsusulit ang junior at senior hayskul habang nagbibihis ng kani-kanilang mga kasuotan
ang KG hanggang ika-6 na antas na mga mag-aaral.

Naglibot ang mga KG at mga estudyante sa elementarya sa iba’t ibang silid-aralan ng mga
hayskul para manghingi ng mga kendi. Nakakatuwa rin na makita ang mga bata sa kanilang
kasuotan at natutuwa naman din silang makita ang isa’t isa na naka-costume, tulad na
lamang ng sinabi ng kapatid ni Julianne Velandres, ang presidente ng PEPS Student
Council, na si Jorja Velandres, “I felt excited because I got to wear my costume and it was
fun to see my classmates with their costumes.”

Nasiyahan naman ang mga estudyante dahil sa mga kendi na natanggap nila galing sa
aming mga hayskul. Doon na rin nagtapos ang kanilang selebrasyon dahil may iba’t iba pa
silang gagawin.

Dahil sa pagsusulit na mayroon ang mga hayskul, nalungkot sila, at dahil na din sa hindi sila
nakahingi ng mga kendi at nais nilang magkaroon ito ng “part 2 celebration” dahil kulang
daw sa oras at para makasama sila sa saya.

Araw ng Watawat ng UAE, Ginunita (FLAG DAY)

Naisagawa ang pag-gunita ng Araw ng Watawat ng UAE noong ika-3 araw ng Nobyembre,
2022. Ang pag-gunita ay ginanap sa harapan ng paaralan, katapat ang watawat ng UAE.

Nagsimula ang selebrasyon ng isinagawa ang tradisyonal na parada ng mga estudyante na


umikot sa buong kampus ng eskwelahan habang hawak-hawak ang sari-sarili nilang flaglets.
Pagkatapos ng parada ay pinangunahan ni G. Saleh Mohamed ang Arabic prayer.

Kinanta naman ng mga estudyante ang Pambansang Awit ng UAE, ngunit sa sobrang
pagkasabik ng mga mag-aaral sa KG, mas nauna silang umawit. Kaya naman sa
pangunguna ng isang mag-aaral sa ika-11 na antas, si Christine Bongay, ay umayos ang
pag-awit. Habang kinakanta ang “Ishy Bilady” ay inaangat naman nila Abednego Ramos at
Zuriel Masiglat ang bandila.

Nang matapos ito ay nagkwento naman si G. Judith Perez tungkol sa UAE. Sunod na
nangyari ay naghanda siya ng mga katanungan tungkol sa mga sinabi niya para sa mga
estudyanteng nakikinig. Ilan sa mga katanungan ay, “sino ang tagapagtatag o unang pinuno
ng UAE?”, “ano ang kahulugan ng bawat kulay ng watawat?”, “sino ang gumawa ng UAE
flag?”, at “ano ang huling Emirate na sumali sa pag-buo ng UAE?”

Iilan sa mga nanalong estudyante o ang mga estudyanteng naka-tama ng sagot ay sina
Rinangenea Buenavente, Christine Bongay, at iba pa. Sa pagtatapos, nasiyahan naman ang
lahat ng sinabi ni G. Rolly Dela Cruz na mayroong premyo ang mga nanalo at isa isa ng
pumasok ang bawat antas sa kani-kanilang silid-aralan.

TULA

"Alinlangan”

Ang puso ko’y nasiyahan,


Nang mata ko’y ikaw ang nadapuan.
Ikaw ay nakilala,
At hiling ko’y lagi kang kasama.

Di ako sigurado, ngunit ako’y nasasabik.


Tuwing nasisilayan ka, ako’y kinikilig.
Laging nagnanakaw ng tingin.
Di ko alam ang mga gusto kong sabihin.

Nangangamba at nalilito,
Gusto lang naman ingatan ang puso.
Nagsimula sa mga kwentuhan,
Nauwi sa hindi kasiguraduhan.

Tama na ang sukat.


Tama na ang tugma.
At ngayon, ako'y humihiling,
Na sana'y tamang tao rin ang aalayan ng tula.

- aa.

TULA

“Kasaysayan”

Sa may timong silangan,


Sa paglalakbay sa karagatan,
Nakita ang ating bayan,
Pilipinas ay pangalan.

Griyego na nagbigay ng mahahalagang kontribusyon.


Teatro at Panitikan, isa sa tinuro sa bayan.
Kultura nila ay hinahangaan,
Nakakalamang at makapangyarihan.
Siguradong tayo ay aahon.
- wan

MAIKLING KWENTO

“Hiwalay”

Sa pagpikit ko, naglaro ang mga alaala, at nakita ko ang aking sarili na pabalik sa umpisa.

Malamig na simoy ng hangin ang pumasok kasama niya sa pagbukas ng pinto. Nakasuot
siya ng maong na dyaket, nakataas ang manggas, isang puting pang-lamig sa ilalim. Ang
kanyang pangalan ay Noah, ang lalaki kong kaklase.

Nakatingin ako sa bintana buong araw, iniisip kung papasok pa ba siya. Sa hindi malaman
na dahilan, hindi pa kami nagkakausap. Tahimik lang siya tuwing may klase. Hindi ko
masabi kung may nararamdaman ba siya o kung ayaw niya lang ang pakiramdam na nasa
loob ng isang silid-aralan.

Kinabukasan, habang inililipat ko ang isang libro ko mula sa istante, nagtataka ako kung
bakit parang may nararamdaman ako sa likod. Nahuli ko ang kislap ng kayumangging mga
mata niya ng lumingon ako at kaharap ko na siya ngayon.

Hindi nagtagal at naging magkakilala kami. Tahimik pa rin siya ngunit nakakausap ko naman
ng matino.

Isang gabi ay nagpasundo ako sa kanya dahil wala ng masakyan ng ganitong oras. Hindi
naman siya nagdalawang-isip na puntahan ako. Matapos ang ilang oras ay hindi pa rin siya
dumarating. Bigla naman akong nabalot ng tunog ng mga ambulansya na umalingawngaw
sa malamig na gabi. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang kotse niya. Sirang sira ito at
nahihirapan ang mga tao na alisin ang taong nagmamaneho.

Kung alam ko lang, Noah, sana hindi na lang kita pinapunta.

- aa.

You might also like