You are on page 1of 1

Araw ng Pamilya Ipinagdiwang sa Paaralan

Ang pagdiriwang ng Araw ng Pamilya sa paaralan ay isa sa pinakamagandang paraan upang


mapagsama at magkahalo bilo ang mga magulang, mga mag –aaral at mga guro. Sa ganitong pagdiriwang
nagkakaroon ng pagkakataon na maikonekta at muling pasiglahin ang magandang samahan tungo sa
kapakanan ng paaralan at mga mag- aaral.
Noong ika- 9 ng Disyembre 2022, ipinagdiwang sa paaralan ang Araw ng Pamilya. Pinangunahan ito
ng mga opisyal ng SPTA na pinamumunuan ni Gng. Josephine P. Gomez. Sila ang nagplano at naghanda ng
mga gawain , patimpalak at palaro gayundin sa mga papremyo. Isa sa kanilang patimpalak ay ang ay ang
“Family Got Talent”. Pitong grupo ng pamilya ang nakilahok at nagpakita ng talento sa pag- awit at
pagsayaw.
Sumunod na kaganapan ay ang pagtuturo at pagpapakita ng kasanayan sa pagluluto at paggawa ng
tinapay, pagmamanicure/pedicure at paghabi ng basket ng mga inimbitahang panadero, manicurista at
taga habi ng basket upang maturuan at matulungan ang mga magulang sa kanilang pandagdag kita at
pangkabuhayan.
Pagdating sa palaro, ang bawat pamilya ay pinangkat ayon sa kulay ng kanilang suot. Bawat grupo
ay kinabibilangan ng pula, dilaw, berde at puti. Iba’t ibang laro ang nilahukan ng mga mag-anak tulad ng
patentero, karera ng sako at calamansi relay. Ang lahat ay masayang masaya habang naglalaro.
Pagkatapos ng laro ay nagsalo-salo ang lahat sa bawat dalang pagkain. Nagbahagian ang bawat isa
sa mga pagkain. Iginawad na rin ang mga papremyo sa mga nanalo. Naging matagumpay ang pagdiriwang
sa okasiyong ito dahil lahat ay masaya at ngayon lang nakaranas ng ganitong okasiyon sa paaralan.

You might also like