You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

LUNGSOD NG CAGAYAN DE ORO


Barangay ng Camaman-an
Tanggapan ng Camaman-An National High School

KATITIKAN NG PAGPUPULONG NG FAMILY DAY SA CAMANAN-AN NATIONAL HIGH SCHOOL NG


LUNGSOD NG CAGAYAN DE ORO, NA GINANAP SA CAMAMAN-AN NATIONAL HIGH SCHOOL
COVERED COURT BAITANG NA 7-12, NOONG IKA-15 NG MARSO,2024.

DUMALO: DI-DUMALO:
RAIZEL BILAR- PANGULO W-A-L-A
RAYMON B. LAUNDI- PANG PANGULO
CHERYL LUMIMOT- KALIHIM
RIZANNE SARO- KATULONG NG KALIHIM
JUANIE LABITAD- INGAT YAMAN
DANNA ECARANUN-TAGASURI
IVY BELLO- TAGAPAGBALITA
BENJAMIN AMPO-AN- TAGAPAMAYAPA
Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. RAIZEL BILAR, ang Pangulo, na ginanap nang 09:00 ng
umaga. At pinasimulan ito sa pamamagitan ng ng pagbungad ng panalangin na ipinagkaloob ni
Bb. JUANIE LABITAD, ang Ingat yaman, Kasunod ng panalangin ay ang pambungad na pananalita
ng pangulo.
Ang programa ay nagsimula sa isang maikling seremonya sa harap ng paaralan na
pinangunahan ng isang punong- guro. Ipinakilala niya na ang layunin ng Family Day at nagbigay
ng inspirasyon sa lahat ng dumalo. Pagkatapos nito, nagkaroon ng parada kung saan bawat
pamilya ay naglakad-lakad sa loob ng paraalan,nagpakita ng kanilang kakaibang pamilya t-shirt,
at nagbigay ng masaya at positibong vibes sa buong komunidad.
Sa pangunguna ni Bb. RAIZEL BILAR, nagkaroon ng mga palaro at paligsahan para sa mga
pamilya. Mayroong sack race, egg-and spoon-race, at tug-of-war na nagdala ng masayang
Samahan at kompetisyon sa mga mag-anak at magulang. Ang mga palaro ay nagdulot ng
tawanan at bonding moments sa bawat pamilya.
Sa hapon, nagkaroon ng mga workshop at seminar para sa mga magulang at guro. Ang
mga workshop ay tumatalakay sa iba’t ibang paksa tulad ng pagiging magulang, pagtutro sa
bahay, at tamang nutrisyon para sa mga bata. Ang mga seminar naman ay nagbibigay ng
kaalaman sa mga magulang sa iba’t ibang aspeto ng pag-aaral at pagpapalaki sa kanilang mga
anak.
Nung malapit na matapos ang isang pagpupulong ipnaalam ni Bb. RAIZEL BILAR ang
pagkaroon ng salu-salo kung saan ang lahat ay nagkakasama-sama upang magbahagi ng
masasarap na pagkain at magpalitan ng mga kuwento. Ang pagtatapos ay hindi lamang nagbigay
daan sa huling pagkakataon para sa pamilyang magkasama, kundi nagbigay din ng pagkakataon
para sa mga magulang at guro na makipag-ugnayan sa isa’t isa.
Ibinihagi ni Bb.RAIZEL BILAR, ang pagtatapos ng programa, ang Family Day ay isang
espesyal na okasyon na nagdudulot ng masayang alaala at mas malalim na ugnayan sa mga
pamilya sa aming paaralan. Kami ay nagpapasalamat sa lahat ng mga pamilyang dumalo at
naging bahagi ng espesyal na araw na ito. Hangad naming ang diwa ng pamilya at pagkakaisa ay
maipagpatuloy sa aming komunidad sa darating pang mga taon.

INIHANDA NI:
NAGPATOTOO: RAYMON B. LAUNDI
CHERYL LUMIMOT PANG-PANGULO
RAIZEL BILAR

You might also like