You are on page 1of 3

RAIEHL CHRISTOFER C.

ENRIQUEZ ABM 12 – B FILIPINO SA PILING LARANG

Katitikan ng Ikalawang Pulong ng Parents Teachers Association


ng Paaralan ng Sedum Faciata National High School
Ika-21 ng Setyembre, 2019 Ika-1 ng Hapon
Sa Covered Gym ng Sedum Faciata National High School

Mga Dumalo:
Kgg. Neli Susmiran – kagawad
Kgg. Linario Quintilla – ingat–yaman ng Brgy. Adolfi, Cuspitada City
G.Marco Aquillo – guro
G. June Hunyo Hembra – guro
G. Wryan Ariola – guro
G. Alvino Manchures – guro
Gng. Merie Sorilla– guro
Gng. Jannie Subere – guro
Gng. Mimi Alenciaga – guro
Gng. Marie Subong – guro
Gng. Gracia Robles – guro
Opisyales ng PTA at mga magulang ng mga mag-aaral

Hindi Dumalo:
Kgg. Nerrio Sinoro- Education Committee ng Brgy. Ng Ovata

Panukalang Adyenda
1. Palarong Panglungsod 2019
2. Cactus Festival 2019

I. Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itinayo ni Gng. Queta S. Umadhay, ang Punung-guro ng
Sedum Faciata NHS sa ganap ng ika-1:00 ng hapon at ito ay pinasimulan sa
pamamagitan ng isang panalangin (audio) at pag-aawit ng Cuspitada Hymn
(audio). Kasunod ay roll call na isinagawa ni Bb. Mary Yvonne Amar at
mataposay ipinahayag na mayroong quorum.

II. Pagbasa ng Nakaraang Pagpupulong


Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Bb. Mary Yvonne Amar ang Kalihim
ng Faculty ng Sedum Faciata NHS ngkatitikan ng nakaraang pagpupulong noong
Hunyo 21, 2019. Iniulat niya ang tungkol sa mga tuntunin sa paaralan lalo na
para sa mga transferee at bagong mag-aaral. Binasa rin niya ang mga bagong
opisyal ng PTA.

III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


a. Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni Gng. Queta S. Umadhay
sa kahalagahan ng pagkakaisa ng mga magulang at opisyales ng Barangay para
sa kaunlaran ng paaralan.
b. Nagbigay din ng kanilang mensahe ang mga kagawad na sina Hon. Neli
Susmiran at Hon. Nario Quintilla sa magandang maibubunga ng pagsuporta ng
mga magulang sa kanilang mga anak sa mga iba’t ibang gawain ng paaralan.
c. Sinimulan ni Bb. Amar ang unang adyenda – Palarong Panglungsod 2019.

d. Ipinaalam niya sa mga magulang na ang Sedum Faciata NHS ay sasali sa


Palarong Panlungsod ngayong Setyembre 28,2019 hanggang Oktubre 1,2019.
Sa panghuling araw na gawain ay magkakaroon ng Mr. And Ms. Palarong
Panglungsod na lalahukan nina Aweng Subong at Hyile Delicano kapwa mag-
aaral ng Sedum Faciata NHS. Ang nasabing contest ay hindi madali sapagkat
nangangailangan ng malaking halaga para sa kanilang kasuotan, make-up,
trainer at transportasyon. Nangangailangan ng 8,000 pesos(package).
Ipinaliwanag ni Bb.Amar na ang paaralan ay wala nang badyet sapagkat ginastos
na rin sa iba pang sasalihang laro. Ang pangulo ng PTA na si G. Franciss Aguirre,
ay nanguna sa paghingi ng suhestiyon sa mga magulang sa nasabing problema.
Nagkaroon ng iba’t ibang suhestiyon ang mga magulang at sa huli ay
iminungkahi nilang ang pera sa bilang ng mga mag-aaral.

e. Cactus Festival 2019- Sumunod ay ang pagbanggit ni G. Wryan Ariola sa


darating na Cactus Festival ngayong Nobyembre 17, 2019. Inanyayahan ang
paaralan na sumali at maganda sanang lumahok sapagkat mararanasan ng mga
mag-aaral sa unang pagkakataon ang makasali sa nasabing malaking festival, at
malilinang ang kanilang kasanayan sa pagsayaw.
Ngunit dagdag pa ni Ariola na kaakibat ng malaking responsibilidad ang gawaing
ito sapagkat nangangailangan ng suporta ng magulang at barangay lalung-lalo
na, na kunti lang ang puwersa ng mga guro. Isa pang suliranin ay ang badyet na
gagamitin. Maglalaan ang Munisipyo ng pera (150,000 pesos) na ilalaan sa
costumes, props, pagkain at iba pa ngunit maaaring kulangin ang pera at
kinakailangan ang tulong ng magulang at barangay. Hiningan ni Ariola ng opinyon
at suhestiyon ang mga magulang kung sang-ayon ba sila sa pagsali ng paaralan.
Maraming magulang ang may gusto.

f. Nagpahayag naman si Kgg. Nario Quintilla na sana ang lahat ng opisyal ng


barangay ay tumulong at magkaisa kahit na magkaiba ang partidong
sinuportahan dahil ang barangay ay may malaking papel sa gawaing ito. Sabi pa
niya na kung kinakailangan bumunot sila ng pera sa kanilang bulsa ay gagawin
nila. Dala ng mga bata sa kanilang pagsali ang pangalan ng Barangay
Magancina kaya nararapat na magkaisa sila.

g. Pupunta si Gng. Umadhay at Kgg. Neli Susmiran sa konseho upang sabihin na


lalahok ang paaralan ng Sedum Faciata sa Cactus Festival.

h. Magkaroon din ng pagpupulong ang limang barangay ng Sellum, Monstera,


Philodendra, Begunia at Caladium kaugnay nito, at iminungkahi ng Kgg. Quintilla
na dumalo ang mga magulang para madinig nila ang plano ng mga opisyal ng
Barangay.
i. Tatawag ng sunod na meeting ang paaralan kaugnay ng Cactus Festival.

IV. Iba pang Pinag-usapan


V. Magkaroon ng SMEA Conference ngayong Setyembre 21, 2019
Kalahok nito ang mga PTA Officers, LGU’S, guro at SSG Officers.

VI. Iskedyul ng Susunod na Pulong Wala pang petsa.

VII. Pagtatapos ng Pulong

VIII. Natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:30 ng hapon.

You might also like