You are on page 1of 27

HULYO 2019 PAHINA  1

HERONS NIGHT

Isang kasiyahan ang ginanap noong


Hulyo 26, 2019 sa dakong
alas kwatro ng hapon.Kapana-
panabik ang pagtatanghal ng mga
miyembro ng CCA
Artists – UMak Chorale, UMak Dance
Xtreme (UDX), UMak Siglahi, Brass
Band at
Collective Arts of Student and
Thespians (CAST).
Kuha ni Ekang Lozano Maramag

Nagkaroon din ng paligsahan sa


pagsayaw sa Oval ng UMak.Ang mga
hurado ay batikan sa pag-
sayaw.Labis din ang tuwa ng mga
Herons nang umawit ang
grupong J3 sa entablado.
 
Kanya-kanyang pailaw naman ang
bawat mag-aaral nang sumapit
ang gabi.Sabay-sabay na
iwinagayway ang flashlight
hanggang sa matapos sa
pagtatanghal ang mga mang-aawit.
Kuha ni Maica G. Gomez

Tumindi pa ang hiyawan dahil sa


kantang handog ng Brass
Band. Halos lahat ay naki-awit at
naki-indak sa tugtugan.
 
Mababakas ang ngiti sa mga
dumalo nang matapos ang
kasiyahan.

Kuha ni Ekang Lozano Maramag


HULYO 2019 PAHINA 2 

GENERAL ASSEMBLY NG HIGHER

SCHOOL NG UMAK DEPARTMANT

Simula ika-29 hanggang 31 ng Hulyo 2019,


ginanap ang kauna-unahang General
Assembly para sa School year 2019-2020
ng Higher School ng UMAK Department
sa Grand Theatre Admin Building. Sa
kaganapang ito nagpakilala ang iba't
ibang organisasyon ng HSU Departement
upang ipresenta ang mga paparating na
aktibidad para sa taong ito at isa sa mga
pinaghandaang plano o tinatawag nilang
GPOA ( General Plan of Actions) ng
organisasyon para sa ating HSU-Supreme Student Government
unibersidad.

Sa dulo ng event na ito nagpakita


ang dating pangulo ng bawat
oragnisasyon upang ipasa ang
posisyon para sa susunod na mga
presidente sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga bagay na
sumisimbolo sa karakter ng pagiging
isang pinuno at ang lahat ng officer
ng bawat organisasyon ay nagbigay
ng kanilang panunumpa para
maglingkod sa mga estudiyante ng
HSU na pinangunahan ni Maam
Benosa ang Dean ng HSU
Department. HSU-Supreme Student Government

Ang kaganapang ito ay nagbigay din


ng tuwa at kilig sa mga mag-aaral na
dumalo dahil sa mga nagpakita ng
kanilang intermission number tulad
ng at sa mga nakakatuwang palaro at
challenges sa event na iyon. Ang
event na ito ay pinangunahan ng
Supreme Student Government
kasama rin dito ang mga lokal na
organisasyon ng HSU.

HSU-Supreme Student Government


AGOSTO 2019 PAHINA 3 

PAGTITIPON PARA SA KINABUKASAN

Nagkaroon ng isang "Career Development


Seminar" nitong Agosto ---- 2019 na
pinamunuan ng Volunteer Students for Civic
Action (VOSCA). Ito ay dinaluhan ng lahat ng
ika-labing isa at ika-labing dalawang baitang ng
Unibersad ng Makati. Ang pagtitipon ay
nagtagal mula ika-19 ng Agosto hanggang ika-
23 Agosto sa taong 2019, ng may iba't ibang
nakatakdang oras bawat seksyon at baiting ng
mga estudyante. Ang pagtitipon ay naganap sa
Grand Theater, pang-anim na palapag ng
Academic Building ng Unibersidad ng Makati.
Ang nasabing programa o kaganapan ay HSU-Supreme Student Government
ginanap upang matulungang maging
handa ang mga estudyante ng Higher School ng
UMak sa tatahakin nila sa kolehiyo.

Ang pagtitipon ay mayroon tatlong


signipikong tagapagsalita, isang
nagtapos ng kanyang kolehiyo sa
kursong Marketing Management sa
Unibesidad ng Makati at kasalukuyang
pastor, isang propesor at guidance
counselor sa isang sikat na paaralan at
ang huling tagapagsalita na nagbahagi
ng kanyang mga karanasan, at isang
batang babae, na nangangalang Khaye
Celine Magay na kasalukuyang nag-
aaral ng kursong Management
Accounting sa Unibersidad
ng Makati.
HSU-Supreme Student Government

Ang tatlo panauhing tagapagsaita ay


nagbigay ng kani-kanilang
nakapupukaw damdaming mga
mensahe sa mga mag-aaral. Ibinahagi
din nila ang naging karanasan sa
senior high school at kung paano nila
napili ang kursong tinapos nila.
Ibinahagi din nila ang kwento ng
kanilang buhay at kung paano sila
naging matagumpay sa kani-kanilang
larangan sa pag-aaral at trabaho na
talaga namang nakaka antig ng puso

HSU-Supreme Student Government


AGOSTO 2019 PAHINA 4 

HSU-Supreme Student Government

Si Khaye Celine Magay ay nakilala ng marami


dahil sa kanyang pagkalahok at pagkapanalo
Happiest Pinoy 2019 Youth Category.
Kinuwento ni Khaye ang kanyang mga
karanasan papunta kung nasaan na siya
ngayon. "Madaming nang-aasar sa akin dahil
sa aking disabilidad pero hindi ko ito
ginawang rason para sumuko" ani ni Khaye.
May isa pa siyang nai-pamahagi na istorya
tungkol sa kanya, at ito ay ang pagkasunog ng
kanilang bahay. Ngunit, sinabi niya sa mga
estudyante na pagkapunta niya doon,
nagpapasalamat pa siya sa Dyos. ".... At nung
pagpunta ko doon (sa bahay nila), umiyak ako.
Hindi ako umiyak dahil sa kalungkutan na
wala na akong bahay, akoý naiyak dahil sa
pagpapasalamat na walang nasaktan”,
kwento ni Khaye.

Ang tema ng programang naganap ay


maihahalintulad sa tema ng
nakaraang pagpupulong na ginanap
noong ika-10 ng Enero sa taong 2019,
ang tema nito ay " The Desirable Path
Leads to a Greater
Future".
 
" Talent, aptitude and intelligence,
they do not guarantee achievement
or success. Work ethic does. Grit does.
" - Angela Duckworth
AGOSTO 2019 PAHINA 5 

BUWAN NG WIKA

Ang wika ay ang sumasalamin sa


kultura ng isang bansa kaya marapat lamang na
ito’y paghalagahan at
panatilihing buhay sa puso’t isipan ng bawat
mamamayang pilipino. Sa kabila ng
patuloy na pag-unlad at pagiging modernisado
ng ating bansa, sinisikap ng ating pamahalaan
na mapanatili ang kulturang pinamana at
humubog sa ating
pagka-pilipino. Kung kaya’t taun-taong
ipinagdiriwang ang Buwan ng wika mula
ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto alinsunod sa
itinakdang Pampanguluhang
HSU-Supreme Student Government Proklamasyon Big. 1041, na pinirmahan ni dating
Pangulong Fidel V. Ramos noong
Hulyo 15, 1997.

Para sa taong 2019, ipinagdiwang ng


Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang
Buwan ng Wikang Pambansa na tampok
ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa
Isang Bansang Filipino.” Sa pangunguna ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang
Unibersidad ng Makati ay nakiisa sa
paggugunita ng Buwan ng Wika bilang
pagpupunyagi sa mga katutubong wika ng
bansa at naglalayong maiangat ang
kamalayan ng mga mamamayang Filipino
ukol sa halagang multilingguwalismo ng
ating bansa nang may pagkakaunawaan.
HSU-Supreme Student Government

Ang nasabing paaralan ay naghanda ng


mga programa at paligsahang maiuugnay sa
tema ng programa nang sa gayon ay makiisa
ang mga mag-aaral sa adhikain ng KWF sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga
ito. Sa pagbubukas ng Buwan ng wika (Agosto 1,
2019) ang mag-aaral ay naghanda ng kani-
kanilang Lakan at Lakambini para sa
Kompetisyon. Inirampa dito ang
naggagandahang kasuotan na tampok sa lugar
na kanilang inirepresenta at Ipinakita din ang
Wikang ginagamit ng bawat lugar na
inirepresenta nila. Ang bawat estudyante ay
nagpakita ng kanilang suporta sa kanilang
Lakan at Lakambini. Ang Pagdiriwang ng Buwan
ng Wika sa Unibersidad ng Makati ay isang
patunay na ang Wikang Pambansa ay
pinapahalagahan at pinagyayaman sapagkat
mas lalong pinapalayon ng Unibersidad ang
kulturang Pilipino sa pamamagitan ng ganitong
Kuha ni Kim Janine Ines programa.
AGOSTO 2019 PAHINA 6 

PTA MEETING PARA SA MGA MAG-AARAL

NG HIGHER SCHOOL NG UMAK

Noong ika 6 ng hulyo, sabado, ginunita ang


isang pagpupulong na “Parent- Teacher
Assembly” o mas kilala bilang PTA Meeting
na ginanap sa Unibersidad ng Makati,
Grand Theater. Ito’y kinakapalooban ng
mga magulang o tagapag-alaga ng mga
mag-aaral ng Higher School ng Umak at
mga mahal na Guro. Ang nasabing
pagpupulong ay sinimulan sa pangunguna
ng mahal na Dean ng HSU na si Dr. Ma.
Corazon E. Benosa sa isang pambungad na
panimula na sinundan din ng isang
magandang salita ni Dr. Tumasa Kuha ni Michaela Cristy Caasi
Quinones na siyang nagbibigay ng mga
mahahalagang impormasyon.

Maraming mahahalagang bagay ang


natalakay dito, isa na
rito ang miscellaneous fee na dapat
binabayaran ng bawat Mag- aaral ng
Unibersidad ng Makati na siyang
pinakikinabangan din ng mga estudyante
sa loob ng paaralan. Ang mga halimbawa
nito ay ang maayos na pasilidad sa loob
ng paaralan at ang mga magagandang
kagamitan. Natalakay din rito ang
kursong  tatahakin ng mag-aaral ng
Unibersidad na syang pinakabibigyang
pansin sa pagpupulong sapagkat dito
mas mauunawaan ng mga taga gabay ng
Kuha ni Michaela Cristy Caasi mga mag aaral ang kagustuhan ng
kanilang mga alaga na tahaking
landas kapag sila ay nakapag kolehiyo, na
may nakabinbin na malaking gampanin
sa lipunan.
AGOSTO 2019 PAHINA 7 

TIKLOS

Ginanap ang Tiklos noong ika-28 ng Agosto


taong 2019. Layunin ng pagdiriwang na ito na
maisagawa nang may wastong interprestasyon
ang katutubong sayaw at mapahalagahan ang
kulturang inilalarawan ng katutubong sayaw sa
bawat Estudyante na magsasagawa ng aktibidad
na ito. Ito ay pinagdiriwang ng mga Estudyante
mula sa okatlong pangkat sa ilalin ng Strand na
Accountancy, Business and Management. Ang
nasabing pagdiriwang ay ginanap sa Oval ng
Pamantasan ng Makati sa ganap na alas siete y
media ng umaga at natapos noong alas nuebe
ng umaga. Ang pagdiriwang na ito ay nahahati
Kuha ni Daphne Fernandez sa apat na grupo upang mas malaman kung
sinu-sinong mga estudyante ang umangat
pahdating sa pagsayaw ng Tiklos. Ang nasabing
aktibisad ay pinamunuan ni Gng. Filipina Ramos
na isang Guro sa P.E. II na may kakayahan na
magobserba at magpuntos sa bawat grupo.
Mula sa blogspot.com Ang tiklos ay isang
katutubong sayaw na nagmula sa Leyte.
Tumutukoy ito sa isang lingo nang pagaayos
ng lupa para sa pagtatanim ng bukid at iba
pang gawain sa bukid. Sa bawat grupo di
mawawala ang mga lider na tagapayo sa
mga miyembro. Ang mga lider na si Rich
Barrios, Ela Manzanero, Daphne Fernandez,
at Marvin Bueno ay may kanya kanyang
paraan sa kung paano maipapakita ang
tamang pagsayaw ng Tiklos. Ang bawat
grupo ay pinaghandaan ang araw ng
presentasyon at handa sa makukuhang
marka. Kuha ni Daphne Fernandez

Ang bawat grupo ay nakakuha ng matataas na


puntos. Sa kabuuan, ang grupo ni Rich Barrios at
Daphne Amor Fernandez ang nakakuha ng
pinakamataas na puntos sa pagsayaw ng tiklos. Ang
puntos na kanilang natamo ay umabot sa siyam na
pu't pito (97) samantala ang grupo naman nila Mary
Ela Joy Manzanero at Marvin Bueno ay nakakuha ng
siyam na pu't anim (96) na puntos sa pagsayaw ng
Tiklos. Ang bawat grupo ay naging masaya sa mga
nakuhang puntos. Tunay ngang magagaling ang
mga estudyante ng ikatlong pangkat ng
Accountancy, Business and Management dahil
naipakita nila ang kahalagahan ng katutubong
Kuha ni Daphne Fernandez sayaw na tiklos. Hindi importante kung ikaw ay
mahusay o hindi sa larangan ng pagsayaw dahil ang
mas mahalaga ay may natutunan ka at may
nabuong pagkakaisa sa bawat araw na nagdaan
kasama ang iyong kagrupo.
SETYEMBRE 2019 PAHINA  8

SERBISYONG SIBIL

Civil Service

Pagtulong sa kapwa, Isang biyaya


Noong ika-2 ng Setyembre taong 2019,
ginanap ang ika-119 Serbisyong Sibil. 7:30
ng umaga nang tuluyan buksan ang
serimonya ng pagdiriwang na ito kasama
na dito ang annual flag raising, thanks
giving mass at ang almusalan sa canteen
ng paaralan.
HSU-Supreme Student Government

Alas-tres ng hapon nang magkaroon ng


parada para sa pagbubukas ng naturang
selebrasyon. Nagkaroon ng paligsahan sa
cheer at opisyal na dineklara ang ika-119
araw ng serbisyong sibil at ang active
UMak season 2. Nagkaroon din ng  oath
of sportmanship. Ang nagkamit ng
unang parangal sa yell competition ay
ang higher school ng umak, ikalawang
parangal ay ang college of construction
of sciences and engineering at ang
pangatlo ay ang college of maritime and
leadership innovation.
HSU-Supreme Student Government

Marami pang aktibidades ang ipinatupad


para sa pagdiriwang ng serbisyong sibil
tulad ng 2019 mid-autumn festival and
confucius day noong ika-12 ng setyembre
taong 2019 sa ganap na 10:00 ng umaga
hanggang 4:00 ng hapon. Sumunod naman
ang Umazing challenge 2019 noong ika-23
ng setyembre taong 2019 sa ganap na 1:30
ng hapon hanggang 4:00 ng hapon, ginanap
ito sa oval. Kasama dito ang Amazing race na
may palatuntunan na kung saan may anim
na miyembro ang dadaan sa siyam na HSU-Supreme Student Government
estasyon upang manalo.
SETYEMBRE 2019 PAHINA 9 

Ito ay ang mga:


- Putukan ng lobo
- Oo na!/ Hindi!
- (Step no/step yes)
- Sipa
- Wire taping
- Itanong mo at sasagutin ko!
- Igiling mo (limbo rock)
- Panubigan (bottle refilling)
- Bakit bucket
- Mensahe mo isulat ko (message relay)
HSU-Supreme Student Government

Ang mga kalahok na dumalo sa


umazing challenge ay anim sa HSU,
apat sa CBFS, tatlo sa CAL, tatlo sa
COE, tatlo sa CCSE, tatlo sa COAHS,
tatlo sa CNSTP, lima sa CMLI, isa sa
SOL, tatlo sa CTHM, isa sa CSS, dalawa
sa CGPP,  isa sa CCAPS, lima sa
ADMIN, lima sa CHK, tatlo sa CTM,
tatlo sa COS

HSU-Supreme Student Government

Sumunod na aktibidad ay ang UMAKgaling:


awit at banda na, may koryogrape pa! na
ginanap noong ika-25 ng setyembre taong
2019 sa ganap na 1:00 ng hapon hanggang
5:00, ito ay isang paligsahan na binubuo ng
12 hanggang 20 na miyembro at ang
mga instrumento na gagamit ay kailangan
yung mga nakikita lamang sa ating
kapaligiran at ang napiling kanta sa isang
grupo ay lalapatan ng isang sayaw habang
tumutugtog ang mga instrumento. 
HSU-Supreme Student Government
SETYEMBRE 2019 PAHINA  10

Ang mga sumusunod ay ang basehan sa


pagbibigay ng marka sa patimpalak:
Voice quality: 25%
Group made-improvised instrument: 25%
Choreography/ creativity/ artistry/
costume/ props: 25%
Relevance to the theme: 25%
At ang mga kalahok dito ay ang hsu,
admin, cbfs, cal, coe, cthm,  ccse,  ccs,
chk, cgpp,  ctm, ccaps, cos, coahs, dcmb
cmli at sol.
HSU-Supreme Student Government

Syempre hindi mawawala ang


natatanging kawani na ginanap
noong ika-30 ng setyembre bilang
pag-paparangal sa ating mga
guro at kawani ng paaralan. Lubos
nga talagang nakagagalak sa
kalooban ang pagtulong sa ating mga
kapwa kaya nararapat lamang na
ipagdiwang ang serbisyong sibil at
pagyamanin pa ang ating kagustuhan
na magserbisyo para sa ikabubuti ng
ating bansa. HSU-Supreme Student Government

HSU-Supreme Student Government


SETYEMBRE 2019 PAHINA 11

“IT OLYMPICS TUNGO SA PAG-UNLAD NG

MAKABAGONG INDUSTRIYA”

Ginanap ang ika-siyam ng IT Olympics noong


nakalipas na Setyembre 09. Ito ay kinalalahukan
ng mga estudyante ng iba't ibang mga paaralan
tulad ng; Lyceum of the Philippines, Taguig City
University, Far Eastern University, ang kampeon sa
nakaraang taon na Unibersidad ng Makati,at iba
pang mga Unibersidad sa mga kalapit ng lungsod.
Layunin ng patimpalak na ito na hasain ang
kakayahan ng mga kalahok sa kanilang napiling
larangan, habang sila'y nasa kalikasan ng
kompetisyon. Naging mahalaga ang IT Olympics sa
UMAK IT- Olympics
taong ito dahil ito ang kaunaunahang
pagkakataong magkakaroon ng kinatawan ang
Higher School ng UMak sa naturang patimpalak.

Mayroong mga iba’t ibang kategorya


sa nasabing patimpalak. Ito ay ang Java
Programming, Web Designing, IT Quiz Bee,
PC Assembly/Disassembly, Computer
Networking, C++ Programming,  Android
Development at Digital Electronics. Bawat
kategorya ay may mga piling mag - aaral na
sasabak sa kompetisyon. Hindi basta basta
nakakasali ang isang mag- aaral dito.
Nararapat na may sapat na kaalaman,
kasanayan at pag-eensayo ito kasama ng
kanyang magiging coach na naayon sa
kategoryang kanyang sasalihan.

UMAK IT- Olympics

Sinimulan ito sa Admin Building, Grand Theatre ng


isang panalangin at pag -aanunsyo ng mga
kaganapan sa naturang patimpalak. At saka sila
nagtungo sa bawat silid na inilaan sa
bawat kategoryang kanilang sinalihan. Isinagawa
ito upang palawakin at pahusayin pa ang mga
kalahok na may kakayahan sa paggawa at
paggamit ng teknolohiya na maaaring magamit
nila sa hinaharap at makapagpaangat pa sa
mundo ng teknolohiya. Sa katergoryang C++
Programming na para sa mga senior high kung
saan ito ay ang special category, nabanggit nila na
nagbigay ito ng anim na problema na hinati sa
tatlo; Easy, Average at Hard. Sa di inaasahang
pagkakataon, pumagalawa sila sa nasabing
UMAK IT- Olympics kategorya na pinarangalan ng silver medal.
SETYEMBRE 2019 PAHINA 12 

Sa kabuuang puntos ng 9th IT Skills Olympics,


pumangalawa ang Unibersidad ng Makati na may
puntos na 41. Ang Far Eastern University Institute
of Technolody ang tumanggap ng unang
parangal na may puntos na 46 at Ang Taguig City
University naman ang tumanggap ng ikatlong
parangal na may puntos na 41. Tunay nga namang
maipagmamalaki ang kaalaman at kakayahan ng
mga mag-aaral, guro at pasilidad ng Unibersidad
ng Makati. Hindi naman importante kung manalo
o matalo, ang importante ay kung paano harapin
ang mga pagsubok at ibigay ang lakas dito.

“Ang teknolohiya ng Impormasyon at ang


Negosyo ay hindi maitatanging mayroong
matinding ugnayan. Hindi ko maisip na kaya
ng sinuman na bigayang kahulugan ang isa
nang hindi pinag-uusapan ang isa pa.” – Bill
Gates
SETYEMBRE 2019 PAHINA 13 

PACQUIAO'S ARRIVAL

"Never stop learning because life never stops


teaching" Ito ay ayon sa pahayag ni Senator Manny
Pacquiao sa kaniyang Facebook kasama ang litrato
ng kaniyang ID sa Unibersided ng Makati noong
ika-anim ng Setyembre taong 2019. Kasalukuyang
nagbabalik sa pag-aaral si Sen. Manny Pacquiao sa
Unibersidad ng Makati sa ilalim ng kursong
Bachelor of Arts in Political Science, na
nagdadalubhasa sa Local Governance
Administration. Nauna nang isiniwalat ni Pacquiao
na nais niyang magkaroon degree sa kolehiyo sa
isang panayam tungkol sa kanyang paninindigan
sa kinakailangan na ang mga senador at maging
ang pangulo ay nakapagtapos sa kolehiyo. Sa
panayam na iyon ay hindi niya ibunyag kung saan
niya ipagpapatuloy ang edukasyon sa kolehiyo.
HSU-Supreme Student Government

Bago mag-aral sa Unibersidad ng Makati, si


Pacquiao ay naka-enrol sa programa sa
pamamahala ng negosyo ng Notre Dame ng
Dadiangas University sa General Santos City.
Hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral
sa nasabing unibersidad. Si Pacquiao ay
nabigyan ng Honorary Doctorate na may
degree ng Humanities ng Southwestern
University sa Cebu City, noong 2009. Siya ay
nakapagtapos ng High School sa
pamamagitan ng pagpasa sa ALS o
Alternative Learning System. Bata pa
lamang si Pacquiao ay namulat na siya sa
mundo ng boksing, sa murang edad ay
nakikipagbakbakan at nag-eensayo na kung
kaya ay hindi niya na naumpisahan ang
kaniyang pag-aaral. Ngunit, hindi ito naging
hadlang sa kaniya upang mag-aral kahit na
hindi katulad ng normal na mag-aaral ang
kaniyang oras sa klase.
HSU-Supreme Student Government

Ang nasabing post ni Sen. Manny Pacquiao


ay umani humigit kumulang isang daang
libon likes (100,000) at labing-apat na
libong ibinahagi (14,000 shares).
Angpost sa Facebook at Instagram ay umani
ng papuri at inspirasyon galing sa mga
netizens. "Keep it up Sir. The capacity to
learn is a gift, the ability to learn is a skill,
the willingness to learn is a choice."
(Pagbutihin Sir. Ang kakayahang matuto ay
isang regalo, ang kakayahang matuto ay
isang kasanayan, ang kahandaang matuto
ay isang desisyon). Komento ng isang
netizen na si Rafael Afen. Tunay nga ang
pahayag na "Huwag tumigil sa pag-aaral
sapagkat ang buhay ay hindi tumitigil sa
pagtuturo."
HSU-Supreme Student Government
OKTUBRE 2019 PAHINA 14 

GARY V NAGBIGAY

INSPIRASYON SA MGA BATANG HERONS

Noong nakaraang Oktubre 14 ngayong taon,


kasama ng kanyang team, nagpunta si Gary
Valenciano sa Unibersidad ng Makati upang
magbigay inspirasyon sa mga estudyante. Ito ay
dahil sa kanyang nais na makapunta sa tatlumpu't
limang unibersidad na katumbas ng taong
kanyang pamamayampag sa industriya ng
showbiz. Ito ay para magbigay pasasalamat dahil
ayon sa kanya, sa mga unibersidad siya
nagsimula.

Kuha ni Jheanne Austria

Nagkwento siya ng kanyang buhay at mga


problemang kanyang hinarap at kung
paano niya ito nalagpasan. Kumanta siya na
nakaayon sa suliraning nabanggit. Sa huling
bahagi, sumagot siya ng iba't-ibang
katanungan mula sa mga estudyante. Ang
pagtitipong nabanggit ay dinaluhan ng
'student leaders' mula sa iba't-ibnag
organisasyon. Natapos ang pagtitipon ng
masaya.

Kuha ni Jheanne Austria

Kuha ni Jheanne Austria


OKTUBRE 2019 PAHINA 15
 
DOSE – TRES ABM NAGLALAGABLAB SA GALING

Kasabay ng mga nag iinit na atleta na


nagsisitakbuhan sa
oval  ang umaatikabong (dance performance) ng
dose- tres.
 
Noong ika-9 ng Oktubre, 2019, ay naganap na nga
ang pinaka inaantay na pagtatanghal ng 10 – 03
ABM. Ilang linggo din ang kanilang
inilaan para sa aktibidad na ito ,matinding pag-
eensayo ang naganap bago pa makuha ang
ninanais nilang grado. Hindi rin lingid sa kanilang
kaalaman na ang kanilang pagbababad sa araw at
ilang oras na pag-eensayp na naging sanhi ng
kanila di pantay na kulay. Gayon pa man mas
nanaig pa din ang determinasyon ng bawat isa 
kaya’t nag karoon ng magandang kinalabasan.
Kuha ni Fernandez, Daphne Amor B.

Natuwa ang ilang mga taga hatol sa


kanilang iprinisinta
na sayaw kaya ang mga ito ay nag bigay ng
mga umaatikabong grado.
 
 Matapos ang pag tatanghal ay nag bigay
din ng payo ang kanilang guro tungkol sa
kanilang naganap na pag tatanghal.
Ikinatuwa ng mga estudyan ang inanunsyo
ng kanilang guro kaya naman hindi na 
naitago ang saya sa kanilang mga muka.

Kuha ni Fernandez, Daphne Amor B.

Isa din sa mga dumalo ang kanilang adviser


na si Mrs. Marivic Mercado na nag pakita
din ng kanyang suporta sa kanyang pinaka
mamahal na mga estudyante.

Kuha ni Fernandez, Daphne Amor B.


SETYEMBRE 2019 PAHINA 16

TEACHER'S DAY

Ang Kagawaran ng Edukasyon kabilang ang


Unibersidad ng Makati at Higher School ng UMak
ay nakibahagi sa pagdiriwang ng National
Teacher’s Month; isang selebrasyon bilang
pagpupugay sa kahalagahan ng mga guro na
nagsimula noong Setyembre 5 at nagtapos
noong Oktubre 5, 2019. Ang tema ng selebrasyon
ngayong taon ay “Gurong Pilipino: Handa sa
Makabagong Pagbabago” para pagkilala sa taos-
pusong dedikasyon na binibigay ng kaguruan
upang hubugin ang kaalaman ng bawat mag-
aaral. Kasabay nito ay naghanda ang nasabing
paaralan ng iba’t ibang aktibidad, isa na rito ang
Student-Teacher’s Week kung saan ang mga
Kuha ni Angela Denila
piling estudyante ang magiging
pansamantalang guro sa loob ng isang linggo.

Ayon kay Jeremiah Samonte, napiling mag-aaral


mula sa 12-03 ABM sa kanyang karanasan bilang
guro ay "Being teacher is not about sharing what's
on your mind, it's about letting your students to
share what's on their mind and improve it with a
beat of your heart". Mungkahi ni Gng. Marivic
Mercado, guro sa Filipino ay “Ang pagiging
mabuting guro ay maitutulad sa isang Kandila,
isinasakripisyo ang unti unting pagkaUpos ng
sarili upang makapagbigay liwanag para sa
nakakarami. Gaya ng isang natunaw na kandila ,
minsan minamahal, minsan pinapahalagahan,
minsan nababalewala subalit sa huli muli itong
binubuo upang maging panibagong kandila na
Kuha ni Angela Denila
tatanglaw sa aandap-andap na buhay ng isang
tao”

"Tunay na ang mga Gurong Pilipino ay bayani


ng ating bayan"

Kuha ni Angela Denila


SETYEMBRE 2019 PAHINA 17 

MALA-DEBUT PARTY NG ISANG GURO

IPINAGDIWANG NG KANIYANG MGA

ESTUDYANTE.

Lunes, Setyembre 30, 2019–Naghanda ang


buong klase ng G12-03ABM sa Unibersidad ng
Makati ng isang surpresa upang
ipagdiwang ang isang makabuluhan at
magandang taon na naman sa buhay ng
kanilang mahal guro na si Gng. Marivic
Mercado. Sa pamamagitan nito nais
magpasalamat ng kanyang mga estudyante sa
mga aral na kanilang natutunan, mga payong
kanyang binigay at sa pagpapasayang
kanyang ginawa para sa mga ito.
Kuha ni Diana Pasaporte

Nagkaroon ng munting salu-salo ang buong


klase na pinagtulungan ng bawat isa. Ang lahat ay
nagkaroon ng parte sa pagdiriwang na ito.
Naghanda ng mga bulaklak na gawa sa papel ang
mga officers para maisayaw ang kanilang guro.
Hindi makapaniwala ang kanilang guro sa
surpresang kanilang ginawa at nagustuhan niya
ito dahil ngayon lang daw siya nagkaroon ng
pagkakataon upang maisayaw sa kanyang
kaarawan na hindi niya naranasan noong siya ay
nagdebut o ni minsan sa kaniyang buhay. At bago
magtapos ang pagdiriwang, nagpasalamat ang
guro sa paghahandang ginawa ng kaniyang mga
minamahal na estudyante at sinabi niya na hindi
Kuha ni Diana Pasaporte
niya malilimutan ang araw na iyon.

Ang tema ng pagdiriwang ay ang pagmamahal


para sa kanilang guro at pasasalamat sa mga
nagawa nito para sa kanila. Kahit sa maliit na
bagay naipakita ng kanyang mga estudyante
kung gaano nila ito kamahal bilang kanilang guro.
Hindi man magarbo ang naging pagdiriwang ay
sinigurado ng kanyang mga estudyante na
maipakita nila kung gaano sila nagpapasalamat
sa kanilang guro.

Kuha ni Diana Pasaporte


SETYEMBRE 2019 PAHINA 18 

Ang ating kaarawan ay isa sa mga


mahalagang okasyon sa ating buhay. Sa bawat
isang taon na dagdag sa ating buhay, ito ay
dapat nating ipasalamat sa ating dakilang
panginoon na siyang nagbigay nito. Sa
lahat ng gurong binigay niya at nagbigay ng
mahalagang parte sa ating buhay,
dapat natin silang pasalamatan sa mga bagay
na naiambag nila upang kinabukasan
natin ay mapagtagumpayan. Hindi man natin
matumbasan ang mga aral na ating
natutunan sa ating mga guro, maski sa maliit
na pasasalamat ay sapat na ito para sakanila
at upang maging ngiti sa kanilang mga labi.
Kuha ni Diana Pasaporte Ang mga aral na ating natutunan galing
sakanila ay dala-dala natin saan man tayo
magtungo at tatatak sa ating mga puso.
SETYEMBRE 2019 PAHINA 19 

GAWAD PARANGAL PARA SA MGA

NATATANGING KAWANI

Karamihan sa atin ninanais na maparangalan


sa ating mga gawain lalo na kung itoy ating
pinagpaguran, binigyang oras at puso upang
matamo. Ang pagpaparangal sa isang tao ay
isang paraan ito na kung saan nabibigyan ng
kakaibang kasiyahan ang isang tao at lakas ng
loob sa kanyang sarili, sa madaling salita
nakakataba ng puso. Itong artikulo na to ay
magbabahagi ng mga pangyayari at kasiyahan
ng mga selebrasyon na nangyari sa loob ng
Unibersidad ng Makati.

HSU-Department

Ang Unibersidad ng Makati ay nagpasimula


ng seremonya para sa mga natatanging
kawani. Ang mga kawani ay mga employado
ng isang institusyon o kahit ano mang uri ng
trabaho basta’t ikay emplayado ikay
matuturing ng kawani. Ginawa ang
selbrasyon na ito para mabigyan pansin ang
mga karapat dapat na parangaIanan na mga
kawani kaakibat na ang kanilang mga gawain
na hindi matutumbasan kung kayat kahit  sa
munting paraan lamang ay mabigyang bigat
at importansya ang kanilang parte sa
Unibersisdad ng Makati.
HSU-Department

. Ang selebrasyon na ito ay


ginanap para sa mga guro ng
Umak noong Setyembre 30, 2019,
Admin Bldg. Lobby sa dakong 1:30
ng hapon. Ang selebrasyon na ito
ay pinamgatang Gawad Parangal
sa mga Natatanging Kawani, ito
ang mga halimabawa at mga
litrato sa nabanggit na
selebrasyon

HSU-Department
OKTUBRE 2019 PAHINA 20 

MGA NATATANGING BATA NG G12-03 ABM

KILALANIN!!!

Noong Oktubre 3, 2019 naganap ang


pagpaparangal sa mga natatanging mag-aaral
ng G12-03 ABM . Inihandog ang
pagdiriwang at parangal na ito para sa mga
mag-aaral na nagpakita ng kagila-gilas na
kasipagan at katalinuhan sa larangang
akademiko para sa gitnang termino.

Kuha ni Raven Maxine Motos

Sinimulan ang programa sa isang


talumpati mula sa kanilang guro na si
Mrs.Marivic Mercado na gurong tagapayo ng
kanilang baitang. Matapos ang isang
nakakasiglang talumpati ay sinimulan na ang
pagbibigay ng sertipiko ng pagpapakilala sa
mga mag-aaral.

Kuha ni Raven Maxine Motos

Nanguna si Jeremiah J. Samonte na


nakakuha ng pinakamataas na grado.
Sinundan ito nila Kim Janine A. Ines,
Angela O. Denila, Mary Ela Joy M.
Manzanero, Samuelle James L. Jamisola,
Angela Darlene N. Aquisay, Franchesca
Raven Maxine Motos, Joanna Lyn M. Toliao,
Andrea Hipolito at Rheesemae Bambico.

Kuha ni Raven Maxine Motos


OKTUBRE 2019 PAHINA 21 

BAGONG KINORONAHANG MR. AND MS. HSU 2019,

NAPANGALANAN NA!

Ang pinakaaantay ng mga mag-aaral ng


Higher School ng UMAK Herons at Lady
Herons ay dumating na. Ang paghahanap sa
Mr. and Ms. HSU 2019 ay ginanap noong
Oktubre 8, 2019 araw ng Martes sa Univesity of
Makati – Health and Physical Science Building
12th floor, Basketball Court sa ganap na 3:00
ng hapon. Ang Mr. and Ms. HSU 2019 ay
may temang “Empowering HSU Character
Kuha ni Raven Maxine Motos towards Diversity of Arts and Beauty”.

Ang nasabing pangyayari ay nagsimula sa


panalangin at National Anthem na sinundan
ng pagpapakilala ng mga kandidato’t
kandidata. Ang mga kalahok ng nasabing
paligsahan ay may kabuuang 12 pares. Ang
mga naggagwapuhan na kandidatong Mr. and
Ms. HSU 2019 ay sina #1 Mr. Julius Ezekiel
Lazo, #2 Mr. John Carlos Madarang, #3 Mr.
Dwayne Jeremy Divinagracia, #4 Mr.
Marcus Reinier Madrid, #5 Mr. Aaron Kyle
Bello, #6 Mr.Deiniel John Roraldo, #7
Mr. Timothy James Canoy, #8 Mr. Charles Arvie
Ade, #9 Mr. Knurl Von Abasola, #10 Mr.
Kuha ni Raven Maxine Motos DanialAmiri, #11 Mr. Calvin Delabajan, at
anghulinasi #12 Mr. Dale Derek Robles.

Ang mga naggagandahan na kandidatang


Mr. and Ms. HSU 2019 ay sina #1 Ms. Micha
Angela Tabornal, #2 Ms. Bianca Janette
Dela Cruz, #3 Ms. Angelique Masaoay, #4
Ms.  AC Cabase, #5 Ms. Ashley Nicole Clavel,
#6 Ms. Krisha Pangilinan, #7 Ms. Venice
Hosmillo, #8 Ms. Geraldine Buhisan, #9 Ms.
Nicole Angela Manila, #10 Ms. Justine
Ashley Barroga, #11 Ms. Camille Sanchez,
at ang panghuli na si #12 Ms. Marjolyn
Urtazon. Pagkatapos ng pagpapakilala sa
mga kandidato’t kandidata, ang Dean ng
HSU na si Dr. Ma. Corazon E. Benosa ay Kuha ni Raven Maxine Motos
nagpahayag ng kanyang speech at
pagkatapos nito, ipinakilala na ng mga MCs
ang mga Judges para sa patimpalak na
iyon.
OKTUBRE 2019 PAHINA 22 

Mayroong mga iba’t-ibang  kategorya ang Pagkatapos ng pagbibigay ng minor awards ay


nasabing patimpalak. Ito ay ang Theme itinanghal na ang Top 6 at ito ay sina:
Costume, Sports Wear, Strand Costume, at
Formal Wear. Nagsimula ang paligsahan ng mga FEMALE                                                                             
manlalahok sa pamamagitan ng pagpapakita #2 Ms. Bianca Janette Dela cruz                                 
ng kanilang hinandang ‘Theme Costume’. Sunod #4 Ms. AC Cabase
naman ay ang ‘Sports Wear’ at pagkatapos nito #6 Ms. Krisha Pangalinan                                             
ay nagkaroon ng maiksing intermission number #8 Ms. Geraldine Buhisan                                     
upang maaliw ang mga manonood. At anghuli #11 Ms. Camille Sanchez                                               
ay ang ‘Strand Costume’ na may kinalaman sa #12 Ms. Marjolyn Urtazon                                         
kani-kanilang strand at sinundan naman ito ng               
‘Formal Wear’. Pagkatapos nito ay binigay na ang MALE
MINOR AWARDS sa mga kandidato’t kandidata
at iba pang mga parangal na nagmula sa mga #2 Mr. John Carlos Madarang
Judges. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: #3 Mr. Dwayne James Divinagracia
#4 Mr. Marcus Reinier Madrid
BUDGET FRIENDLY AWARD - #4 Ms. AC Cabase #5 Mr. Aaron Kyle Bello
at #11 Mr.Calvin Delabajan #6 Mr. Deiniel John Roraldo
FINEST AWARD - #10 Ms. Justine Ashley Barroga #10 Mr. Danial Amiri
at #8Mr. Charles Arvie Ade
MOST PHOTOGENIC AWARD - #8 Ms. Geraldine Sumunod ulit ay ang TOP 3 na binigyan ng
Buhisan at #6 Mr. Deiniel John Roraldo parehas na katanungan para sa
HSU CHOICE AWARD - #3 Ms. Angelique Question and Answer “Why do you deserve
Masaoay at #7 Mr. Timothy James Canoy to be the next Ms/Mr HSU 2019?” Ang mga
BEST PRODUCTION AWARD - #5 Ms. Ashley kalahok na kabilang sa TOP 3  ay may
Nicole Clavel at #2 Mr. John Carlos Madarang kanya-kanyang sagot na nagustuhan ng
BEST IN THEME WEAR AWARD - #4 Ms. bawat Judges ngunit iisa lamang ang dapat
Angelique Masaoay at #3 Mr. Dwayne Jeremy makakuha ng korona para sa Mr. and Ms.
Divinagracia HSU 2019.

BEST STRAND COSTUME AWARD - #5 Ms. TOP 3


Ashley Nicole Clavel at #8 Mr. Charles Arvie  FEMALE     
Ade                                                                         
BEST SPORTS WEAR AWARD - #11 Ms. #2 Ms. Bianca Janette Dela Cruz
Camille Sanchez at #11 Mr. Calvin Delabajan #11 Ms. Camille Sanchez
BEST FORMAL WEAR AWARD - #11 Ms. #12 Ms. Marjolyn Urtazon
Camille Sanchez at #7 Mr.Timothy James
Canoy MALE
AMBASSADOR OF YOUTH - #11 Ms. Camille #4 Mr. Marcus Reinier Madrid
Sanchez at #5 Mr. Aaron Kyle Bello #5 Mr. Aaron Kyle Bello
YOUTH ECO TOURISM - #4 Ms. Angelique #10 Mr. Danial Amiri
Masaoay at #1 Mr. Julius Ezekiel Lazo                                                   
OKTUBRE 2019 PAHINA 23 

Tinalo ng 17 anyos na sina Danial at Camille


ang labing apat na mga kandidato at kandidata
mula sa iba't ibang strand. Itinanghal na first
runner up sina Aaron Kyle Bello at Bianca
Janette Dela Cruz habang sina Marcus Reinier
Madrid at Marjolyn Urtazon naman ang
nakakuha ng second runner up. Bukod sa titulo,
tatlong award pa ang nakuha ni Camille
Sanchez sa patimpalak.
2RD RUNNER UP -  Ms. Marjolyn Urtazon at Mr.
Marcus Reinier Madrid
1ST RUNNER UP - Ms. Bianca Janette Dela
Cruz at Mr. Aaron Kyle Bello
MR. AND MS. HSU 2019 - Ms. Camille Sanchez at
Mr. Danial Amiri

Bawat isa sa kanila ay nagpakita ng kanilang


tinataglay na kagandahan, talento at talino
ngunit hindi lahat ay maaring makamit ang
korona na kanilang inaasam. Bago masungkit
ang koronang ito ay marami silang hirap na
pinagdaanan at pagsubok na kailangan nilang
malampasan. Ito ay kinaya nilang lahat dahil sa
suporta ng kani-kanilang pamilya, mga
espesyal na kaibigan, at kanilang minamahal na
guro at kaklase. Ito ay ang mga taong sumuporta
sa kanila simula pa sa umpisa at ang naging
inspirasyon nila sa hamon na ito. Hindi man nila
nakuha ang inaasam na korona, lumalaban pa
rin sila at hindi nawawala ang kanilang tiwala sa
kanilang sarili, Alam nilang walang bagay ang
makukuha ng madalian bagkus ito’y
pinaghihirapan.

Ang Dean ng HSU na si Dr. Ma. Corazon E. Benosa


ay nag-iwan ng dalawang kataga, “Beauty is in
the eye of beholder”, walang ibang makakita ng
kagandahan ng ating sarili kundi ang ating
sarili rin. “Beauty Captures the eyes but character
captures the heart”, ang kagandahan na
makikita sa panlabas na anyo ay nakakakuha ng
atensyon ng nakakarami ngunit nakaaantig ng
maraming puso ang kagandahan na nagmumula
sa panloob na anyo.
                                                  
OKTUBRE 2019 PAHINA 24

CULMINATING ACTIVITY

Ika-25 ng Oktubre, 2019 nang


maganap ang isang
Culminating Activity sa Oval ng
Unibersidad ng Makati, isinagawa ito
ng Health-Optimizing Physical
Education (HOPE) Department sa
pamumuno ni Bb. Carmela Zambra.
Ang nasabing aktibidad ay
magsisilbing “Final Exam” ng mga
mag-aaral mula sa Ikalabing-isa at
Ikalabing dalawang baitang ng
Higher School ng UMak.
Kinuha ni Rich M. Barrios

IIba’t-ibang kategorya ng sayaw ang


masiglang itinanghal ng bawat pangkat ng
mag-aaral. Ang mga mag-aaral sa Ikalabing-
isang baiting ay nagpakita ng
Aerobics/Zumba sa pamamagitan ng
Wellness dance. Samantalang ang mga mag-
aaral sa Ikalabing dalawang baiting ay
nagpakita ng Ballroom, Cheer Dance, Hip Hop
at Contemporary sa larangan ng pagsasayaw.
Iba-t-ibang antas ng kahusayan ang
ipinamalas ng bawat pangkat. Ayon sa
isinagawang paghahatol ng mga hurado,
iba’t-ibang pangkat ang nanguna sa bawat
ng kategorya. Ang G12-03 ABM ang
nagkaroon ng unang karangalan  sa Ballroom,
ang G12-04 ABM sa Contemporary, G12-04
Kinuha ni Rich M. Barrios STM sa Hip Hop, G12-01 ABM at G12-02 ABM
sa Cheerdance at G11-01 HCP sa Wellness.

Matagumpay na isinagawa ng HOPE


Department ang Culminating
Activity para sa taong 2019. Dala ang
layunin nitong mabigyang tuon ang
kahusayan at isulong ang malusog
na pamumuhay ng mga mag-aaral
ng Higher School ng UMak sa
makabagong henerasyon.

“Umindak, gumalaw at sumayaw, sa


hamon ng buhay ‘wag kang
bibitaw”
              -Nadine Lustre, Sumayaw sa
Indak
Kinuha ni Rich M. Barrios
OKTUBRE 2019 PAHINA 25

MATHGALING

Ginanap ang isang patimpalak noong ika-27 ng


Setyembre na pinamunuan ng ABM Society.
Mga piling estudyante galing sa ABM ang
mga kalahok sa patimpalak na ito ang
patimpalak ay isang tagisan ng talino sa
Matematika na tinawag nilang Mathgaling
ngunit hindi lang puro pang-Matematika
ang mga katanungan dito mayroon ding
agham, general knowledge(pakitranslate na
lang po) at mga elective subjects(patranslate)
na mayroon ang ABM strand. Dalawang
estudyante kada seksyon ang mga kasali sa
patimpalak ngunit dahil sa kakulangan ay
anim na estudyante ang sumali mula sa Grade
12-01 ABM.
Kinuha ni Althea Laylo at Kim Janine Ines

Isa sa mga kasali sa patimpalak ang aming


mga kamag-aral na sina Joshua Dullete at
Carl Martin Panti na sa kasamaang palad ay
di nanalo sa patimpalak. Binubuo ng tatlong
kategorya ang mga tanong mula easy,
average at difficult may kaukulang oras din
ang nakalaan sa pagsagot ng bawat tanong.
Pinangunahan din ng adviser ng ABM society
na si Prof. Michael Robert Alviar ang
patimpalak na isinagawa.

Kinuha ni Althea Laylo at Kim Janine Ines

Naging maganda ang daloy ng


patimpalak at talagang binigay ng
bawat kalahok ang abot ng
kanilang makakaya para masagutan
ang  bawat tanong kahit na
nahihirapan ang iba dito. Kaya rin
nagsasagawa ng mga ganitong
patimpalak dahil ang Math ay
maaaring maihambing sa ating
buhay dahil ang Math ay parang
problema sa ating  buhay kailangan
munang pagisipang mabuti bago
solusyonan.
Kinuha ni Althea Laylo at Kim Janine Ines
OKTUBRE 2019 PAHINA 26 

EXHIBIT

NG ANIMATION STUDENTS

Simula noong Oktubre 15, isang


kamangha-manghang exhibit ang
ipanakita ng mga estudyante ng Arts
and Design Track. Namangha ang ilang
estudyante nang pasukin ang venue
kung saan nakalagay ang kanilang mga
gawa. Ilang mga artista ang iginuhit.
Mayroon ding mga ipinintang larawang
na kakikitaan ng mga bulaklak, bahay at
iba pa. HSU-Department

Malinis na naipakita ng mga


mag-aaral sa Arts and Track
Design ang kanilang mga
obra.
Marapat lang na bigyan sila ng
komendasyon sa kanilang
presentasyon.

HSU-Department
OKTUBRE 2019 PAHINA 27 

WORK

IMMERSION 2019

Ika-28 ng Oktubre 2019, Lunes, ginunita


ang isang pagpupulong na may
pamagat na “Work Immersion General
Orientation” na ginanap sa Unibersidad
ng Makati, Grand Theater. Ito’y
dinaluhan ng mga mag-aaral galing
ABM na may sampung (10) seksyon at
423 na mag-aaral .

kinuha ni Leah Alicia Ariate

Ang nasabing pagpupulong ay


pinangunahan ni Dr. Tomasa Quiñones.
Sinimulan naman ito ng Dean ng Higher
School ng Umak na si Dr. Ma. Corazon E.
Benosa sa isang pambungad na panimula
na nanghikayat sa mga mag aaral na
maging aktibo sa pakikinig sapagkat ito'y
may mahalagang gampanin sa kanilang
pag aaral bilang estudyante ng
Accountancy Business and Management
lalo na sa darating na Pangalawang
Semester.

HSU-Department

May mga inimbitahang mga panauhin na sila


namang nagbigay kaalaman sa mga
estudyante. Naroon si Ginoong Glen Feist na
tumalakay tungkol sa 'passion', Sirach
Guanzon na nagpakilala sa isang application
na LYKA, Robert Palomar na nagturo kung
paano gumawa ng resume online, at ang
nagturo ng mga dapat at hindi dapat gawin
sa trabaho na si Gng. Maria Teresa Tabbu.
Natapos ang pagpupulong sa panghuling bati
ni Dr. Quiñones at pagbibigay regalo ng LYKA
sa mga maagang dumating na mga mag-
HSU-Department
aaral.

You might also like