You are on page 1of 9

UNIBERSIDAD NG MAPUA

SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

BUWAN NG WIKA 2019


“WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO”

Mga Tuntunin
at Pamantayan
ng mga
Timpalak
T.P. 2019-2020

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

TAGISAN NG TALINO 2019

Agosto 23, 2019


9 n.u – 12 n.t.
PLENARY HALL

Ang TAGISAN NG TALINO 2019 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at Samahan


ng Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Nilalayon ng timpalak na
pasiglahin at pataasin ang antas ng karunungang pangwika lalong higit sa pagsulong ng
intelektuwalisayon ng wikang Filipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapua – SHS,
Intramuros.
2. Ang bawat seksyon ay maaari lamang na magpadalo ng isang pangkat na may dalawang
miyembro. Maaaring pangasiwaan ng klase o ng guro sa Filipino ang pagpili sa mga lalahok.
3. Ang paksa ng timpalak ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”. Kaugnay
nito, ang mga napiling paksa para sa iba’t ibang antas ay ang mga sumusunod — mga tipo
ng panitikan, mga obra maestra, buhay ni Rizal, pagsasalin, pamamahayag, limang
makrong kasanayang pangwika, retorika, panunuring pampanitikan, kasaysayan ng
wikang pambansa, mga kilalang tao sa larangan ng pag-aaral ng wika, balarila,
lingguwistika, at mga kakayahang pangwika.
4. Bawat pangkat ay kailangang magdala ng isang sangkapat na illustration board, yeso, at
pambura sa mismong araw ng timpalak.
5. Maaaring magpatala kay Bb. Charisse Poraque sa numerong 09457056810. Ang talaan ng
mga kasapi ay isusumite kay Inst. Michael Art G. Muñoz. Hanggang ika- 21 ng Agosto
lamang tatanggap ng mga pangalan ng mga kalahok sa isang seksyon.
6. Ang mahuhuling may bitbit na kodigo o nangongopya sa ibang pangkat ay awtomatikong
hindi mabibilang sa opisyal na tala ng mga kikilalaning pangkat at wala nang pag-asang
magwagi.
7. Magkakaroon ng eliminasyon sa bawat antas ng timpalak.
8. Ang lahat ng kalahok ay tatanggap ng Katibayan ng paglahok. Ang makakukuha ng unang
tatlong puwesto ang siyang tatanghaling mga nagwagi, at ang kampeon ang tatanghaling
“Henyo ng Taong 2019”.
9. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

TIMPALAK NA TWEET TULA 2019

Agosto 12-16, 2019


Gamitin ang #MUSHSTweetTula
TWITTER

Ang TIMPALAK NA TWEET TULA 2019 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at


Samahan ng Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Nilalayon ng
timpalak na pasiglahin at pataasin ang antas ng karunungang pangwika lalong higit sa pagsulong
ng intelektuwalisayon ng wikang Filipino sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapua – SHS,
Intramuros.
2. Ang paksa ng timpalak ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”. Ang
magiging paksa ng bawat lahok na tula ay dapat may kaugnayan sa naturang tema ng
pagdiriwang.
3. Ang tulang ilalakip sa timpalak ay maaaring malayang taluduran o may sukat at tugma.
4. Ang bawat tula na may #MUSHSTweetTula na kalakip lamang ang opisyal na maisasama
bilang mga lahok sa timpalak na ito.
5. Bukas ang timpalak ng isang lingo, mula ika-12 hanggang ika-16 ng Agosto.
6. Ang mga lahok na gumamit ng #MUSHSTweetTula sa loob ng isang linggong nakalahad ay
lilikumin ni Bb. Gabrielle Gonzales at isusumite bilang pinal na mga tala kay Inst. Angie
Rivera. Kung may katanungan ay maaaring magpahatid ng mensahe sa numerong
09392957102.
7. Pipili ang inampalan ng sampong (10) natatanging entri na itatampok sa opisyal na pahina
sa Facebook at Twitter ng Mapua SHS - Samahan ng Filipino. Tatlo sa mga ito ay
paparangalan ng Sertipiko ng Pagkilala, at ang may pinakamataas na marka ay tatanghaling
“Makata ng Taong 2019”.
8. Ang ibang mga lahok naman ay maaaring magkaroon ng tiyansang mabasa sa pampinid na
palatuntunan.
9. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

NILALAMAN 40%
*Wastong gamit ng mga salita
*Organisasyon ng mga ideya

ESTILO 50%
*Paggamit ng mga simbolismo/pahiwatig
*Lalim at pagiging makahulugan ng tula

ORIHINALIDAD 10%

KABUUAN : 100%

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

TIMPALAK NA DAGLIANG TALUMPATI SA RADYO 2019

Agosto 19, 2019


1:00 n.h. – 3:00 n.h. (Live Broadcast)
RADIO CARDINAL BOOTH

Ang TIMPALAK NA DAGLIANG TALUMPATI SA RADYO 2019 ay itinataguyod ng Kaguruan ng


Kagawaran ng Filipino at Samahan ng Filipino sa pakikipagtulungan ng Radio Cardinal kaakibat ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Nilalayon ng timpalak na pasiglahin at pataasin ang
antas ng karunungang pangwika lalong higit sa pagsusulong ng intelektuwalisayon ng wikang
Filipino sa aspekto ng komunikasyon.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapua – SHS,
Intramuros.
2. Ang paksa ng timpalak ay “Wikang Filipino: Tungo sa Isang Bansang Filipino”. Ang (mga)
magiging paksa ay may kaugnayan sa naturang tema ng pagdiriwang.
3. Ang bawat kalahok ay inaasahang darating ng labinlimang (15) minuto bago mag-ala-una
ng hapon sa tapat ng Rm. 1 sa Research Building upang isagawa ang pagbubunutan ng
pagkakasunod-sunod ng mga mananalumpati. Ang hindi tumalima sa oras kahit na
nakatala ang pangalan ay hindi na tatanggapin bilang kalahok.
4. Bawat kalahok ay bibigyan ng tatlong (5) minuto upang magtalumpati. Papasok lamang
siya sa loob ng booth sa oras ng kanyang talumpati. Hindi bibigyan ng pagkakataon ang
mga sasalang pa lamang upang marinig ang talumpati ng kanilang kalaban.
5. Ang mga hurado ay manonood ng live streaming sa online page ng Radio Cardinal at Mapua
Social Sciences Circle at magbibigay puntos ayon sa pamantayang nakalakip.
6. Ang lahat ng kalahok ay tatanggap ng Katibayan ng Paglahok. Tatlo sa mga ito ang pipiliing
mahusay sa Dagliang Talumpati na gagawaran ng sertipiko ng pagkilala. Ang unang
gantimpala ay tatanghaling “Mananalumpati ng Taong 2019”.
7. Maaaring magpatala kay G. Emmanuel Anthony Rosana sa numerong 09159376875. Ang
talaan ng mga kasapi ay isusumite kay Inst. Michael Art Muñoz. Hanggang ika- 17 ng
Agosto lamang tatanggap ng mga pangalan bilang pagpapatala.
8. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

BIGKAS 20%
*Kaangkupan ng tono, diin, lakas, at antala ng boses

NILALAMAN 40%
*Kaugnayan sa tema at sa paksa
*Pagiging angkop at wasto ng kaniyang mga argumento

ORGANISASYON 40%
*Kaisahan ng mga pangungusap
*Estilo at Daloy ng paglalahad

KABUUAN : 100%

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

TIMPALAK NA LIKHANG-AWIT 2019

Inisyal na Paligsahan: Pinal na Paligsahan:


Agosto 27 Agosto 30
8 n.u – 1 n.h. 8 n.u. – 12 n.t.
AV3 GYMNASIUM

Ang TIMPALAK NA LIKHANG-AWIT 2019 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at


Samahan ng Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Nilalayon ng
timpalak na pagyamanin at pagyabungin ang kakayahang maipakita ang talento at galing sa
pagtatanghal ng sariling likhang awit gamit ang wikang Filipino na may tunguhing pagpapayaman
ng wika at kulturang Pilipino.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral na nasa baitang labing-isa (11) ng
Unibersidad ng Mapua – SHS, Intramuros.
2. Ang bilang ng mga miyembro ng isang pangkat ay maaaring solo o grupo na hindi lalagpas
ang bilang ng miyembro sa anim (6).
3. Ang paksa ng timpalak ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”.
Inaasahang ang bawat kalahok ay may sariling linikhang awitin na tatanghalin sa entablado.
Ang nasabing likhang-aawit ay nararapat na sariling komposisyon ang titik at tono. Hindi
rin ito dapat kukulangin sa tatlong (3) minuto at hindi naman lalampas sa limang (5)
minuto.
4. Ang bawat kalahok ay inaasahang magdadala ng sariling instrumento/tugtog (minus one)
na siyang gagamitin sa kanilang pagtatanghal. Maaaring ito ay hiniram lamang o sariling
gamit. Iwasan ang pagbili pa ng bagong instrumento para rito.
5. Ang lahat ng kalahok ay tatanggap ng Katibayan ng Paglahok. Tatlo sa mga ito ang pipiliing
mahusay sa Likhang-Awit na gagawaran ng sertipiko ng pagkilala. Ang unang gantimpala
ay tatanghaling “Musikero ng Taong 2019” o “Banda ng Taong 2019”.
6. Maaaring magpatala kay Bb. Mary Magyawi sa numerong 09296841489. Ang pinal na
talaan ng mga kasapi kalakip sa dokumento na naglalaman ng likhang awit ng pangkat ay
isusumite kay Inst. Wilrose Cipriano. Hanggang ika-23 ng Agosto lamang tatanggap ng mga
pagpapatala.
7. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

LIRIKO 35%
*Pagkakabuo ng titik at kaugnayan sa tema

TONO 35%
*Kaangkupan ng paglalapat ng paghihimig,
musikang ginamit, at paggamit ng instrumento

HUSAY NG PAGTATANGHAL 20%


*Kaisahan ng kilos, tindig, boses, at paglipat ng puwesto

DATING SA MANONOOD 10%


*Koneksiyon ng nagtatanghal sa mga nakikinig/manonood

KABUUAN : 100%

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

TIMPALAK NA SABAYANG PAGBIGKAS 2019

Inisyal na Paligsahan: Pinal na Paligsahan:


Agosto 27 Agosto 30
9 n.u – 12 n.h. 8 n.u. – 12 n.t.
SEMINAR ROOM GYMNASIUM

Ang TIMPALAK NA SABAYANG PAGBIGKAS 2019 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng


Filipino at Samahan ng Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Nilalayon
ng timpalak na pasiglahin at pataasin ang antas ng karunungang pangwika lalong higit sa pagsulong
ng intelektuwalisayon at pagkamalikhain sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtatanghal.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral na nasa baitang 12 (labindalawa) ng
Unibersidad ng Mapua – SHS, Intramuros.
2. Ang bilang ng mga miyembro ng isang pangkat ay kinakailangang hindi bababa sa labinlima
(15) at hindi naman hihigit sa dalawampo (20).
3. Ang paksa ng timpalak ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”. Ang tulang
“Katutubong Wika: Tungo Sa Bansang Filipino” ni G. Pat Villafuerte, ang gagamitin bilang
piyesa. Maaaring magdagdag ng sound effects o pagpasok ng iba pang mga salita basta’t
siguraduhing mababanggit ang kabuuan ng tula ngunit hindi dapat lumampas sa
labinlimang (15) minuto ang pagtatanghal ng bawat pangkat kasama na ang preparasyon.
May kaukulang bawas sa puntos sa bawat minutong kakulangan o kalabisan.
4. Hindi pinahihintulutan ang paggamit ng matatalim na bagay, confetti, at apoy; gayundin
ang pagmumura at pagbabanggit ng maseselang salita. May kaukulang bawas sa puntos
sa bawat paglabag nito.
5. Iwasan din ang labis na paggastos sa mga praps, kasuotan, at iba pang mga gamit sa
pagtatanghal. Higit na makabubuti kung gagamit na lamang ng mga resiklong materyales.
6. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng koryo na hindi miyembro ng pangkat.
Idedeskuwalipika ang pangkat na mapatutunayang lumabag nito.
7. Ang lahat ng kalahok ay tatanggap ng Katibayan ng Paglahok. Tatlo sa mga ito ang pipiliing
mahusay sa Sabayang Pagbigkas na gagawaran ng sertipiko ng pagkilala. Ang unang
gantimpala ay tatanghaling “Kampeon sa Sabayang Pagbigkas ng Taong 2019”.
8. Maaaring magpatala kay Bb. Shaira Mesina sa numerong 09052105836. Ang pinal na
talaan ng mga kasapi ay isusumite kay Inst. Jastine S. Bandojo. Hanggang ika- 23 ng
Agosto, ika-5 ng hapon lamang tatanggap ng mga pagpapatala.
9. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:
BIGKAS 30%
*kaangkupan ng tono, diin, lakas at antala ng boses
INTERPRETASYON 30%
*Kaangkupan ng mga kilos at galaw sa piyesa
*Kaangkupan ng paglalapat ng paghihimig at sound effects
KOREOGRAPIYA 20%
*Kaisahan ng kilos, pormasyon at paglilipat ng pwesto

KASUOTAN at PROPS 20%


*Kaakmaan ng mga props at kasuotan sa tema
KABUUAN : 100%

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

[Piyesa ng Sabayang Pagbigkas 2019]

KATUTUBONG WIKA: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO


ni Pat V. Villafuerte

Sa bawat panahong dumatal, may sekularisasyon man o digmaan,


Tradisyonal man o kontemporaryo,
Nagsasanib ang puwersa ng kasaysayan, kultura, at lipunan
Na nag-uugnay sa panlipunang kaganapan at ideolohiyang kolonyal
Na unti-unting pumupulupot sa pormulasyon ng pagsulong.
Gamit ang wikang pinuhunanan ng tinig at kumpas, ng lakas at giting.
Wikang dinaluyan ng maraming pagtatangka, panunupil, pakikibaka at pagbabanta
Wikang gumising sa ating nahihimlay na kamalayan
At nagpahayag ng di-mabilang na kontradiksyon – pagsalungat o pagsang-ayon,
Pagtatalo o pangangatwiran, paglalahad o paglalarawan
Gamit ang wika ng sibilisasyon at rekognisyon
May masining na pagpapahayag, may retorikang busog sa proseso ng integrasyon
Sapagkat ang bawat isa sa atin ay may kapaniwalaang ang wika ay sinasalita.
Sinasalita ang wika.

Kayraming katawagang ikinakapit sa unang wikang natutuhan natin:


Orihinal. Inang wika. Mother-tongue. Ekolek. Diyalekto. Katutubo.
Bawat rehiyon, bawat lungsod, sa kabundukan man o sa kapatagan,
May transmisyon at kontekstuwalisasyon ng katutubong salita
Na pinayaman ng diin at lakas, ng himig at aliw-iw.

Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pangasinan, Bicol, Hiligaynon,


Waray, Capampangan, Maranao, Maguindanaon,
Ibanag, Ivatan, Zambal, Kamayo, Aklanon
Mga katutubong wikang may kongkretong identipikasyon ng pagsilang at pagmulat.
Iniluwal sa tahanan.
Binihisan sa paaralan.
Hinubog sa simbahan.
Kinandili ng pamayanan.
Pinagyaman ng pamayanan.

Ang katutubong wika’y


May sining ng pagbuo, pagbabalangkas, at pagsasabansa

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

May demokratikong paglikha, pagtangkilik, at pagtanggap


May sariling bihis na mapagkukunan ng oportunidad at realisasyon ng pangarap
Sa larang ng edukasyon, ekonomiya, politika, at teknolohiya
Na nagpapayaman sa ating karanasan sa pagdidisiplina ng kaayusan
Sa pagtatamo ng kapayapaan, kalayaan at katarungan.

Ang katutubong wika sa ikadalawampu’t isang siglo


Ang huhukom sa diskursong moralidad ng pagkatao
Susupil sa kapitalistang ugat ng kahirapan at karahasan
Wawasak sa paglaganap ng katiwalian at kasamaan
Bubuhay muli sa nawawalang tradisyon, pagkakapatiran at pagkakaisa
Dahil tayo’y nasa isang bansang malaya
May tungkulin tayong sundin ang umiiral na batas
May layunin tayong palawakin ang dunong na kaloob ng akademya’t institusyon
May pananagutan tayong ipagtanggol ang demokrasya’t kasarinlan
May adbokasiya tayong palaganapin ang kultura, panitikan, at kasaysayan
May pangarap tayong makibahagi sa representasyon ng kaganapang global
Tungo sa isang bansang Filipino,
Ang Pilipinas.

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com
UNIBERSIDAD NG MAPUA
SENIOR HIGHSCHOOL
KAGAWARAN NG LHS - KLASTER NG FILIPINO
SAMAHAN NG FILIPINO

TANGHAL ETNIKO 2019

Agosto 30, 2019


1 n.h. – 4 n. h.
GYMNASIUM

Ang TANGHAL ETINKO 2019 ay itinataguyod ng Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at Samahan ng


Filipino kaakibat ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansâ. Nilalayon ng timpalak na
pasiglahin at pataasin ang antas ng karunungang pangwika at pangkultura lalong higit sa iba pang
mga katutubong wika sa bansa.

TUNTUNIN:
1. Bukas ang timpalak sa lahat ng opisyal na mag-aaral ng Unibersidad ng Mapua – SHS,
Intramuros.
2. Nakabatay ang mga pangkat sa kanilang guro sa Filipino ng kasalukuyang semestre. Ang
mga pangkat ay matatalaga sa isa sa mga sumusunod na wika na ginagamit ng iba’t ibang
pangkat etniko sa bansa: Kapampangan, Pangasinense, Bicolano, Waray, Hiligaynon,
Ilokano, Mëranaw, at Chavacano.
3. Ang paksa ng timpalak ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”.
Magtatampok ang bawat pangkat ng mga pamanang kultura tulad ng mga pagtatanghal,
mga putahe, at mga sining na magpapakilala sa mga pangkat etniko na nagsasalita ng
wikang nakatalaga sa kanila.
4. Bibigyan ng lima (5) hanggang pitong (7) minuto ang bawat pangkat upang itanghal ang
kanilang hinandang presentasyon ng mga pamanang kultura.
5. Iwasan ang labis na paggastos sa mga props, kasuotan, at iba pang mga gamit sa
pagtatanghal. Higit na makabubuti kung gagamit na lamang ng mga resiklong materyales.
6. Ang lahat ng kalahok ay tatanggap ng Katibayan ng Paglahok. Tatlo sa mga ito ang pipiliin
upang gawaran ng sertipiko ng pagkilala. Ang pangkat na magkakamit ng unang gantimpala
ay tatanghaling “Haring Etniko ng Taong 2019”.
7. Kung may mga katanungan ay maaaring magpaabot ng mensahe kay Inst. Princess Joy
Ragsac at G. Aaron Mañalac sa numerong ito 09956120130 at/o sa mga guro ng Filipino.
8. Ang pasya ng inampalan ay pinal at di-maipaghahabol.

PAMANTAYAN:

KAANGKUPAN NG PUTAHE 35%


*Pagkaing inihanda batay sa pangkat na ipinapakilala

HUSAY SA PAGTATANGHAL NG SINING 35%


*Pagiging malikhain sa pagpapakilala sa pangkat etniko
*Magpapakita ng kaugnayan nito sa kanilang sinasalitang wika

KARIKTAN 15%
*Kagandahan ng buong presentasyon

DISIPLINA AT PAGKAKAISA 15%


*Pagiging malinis at maayos ng pangkat
*Pagsunod sa mga tuntunin

KABUUAN : 100%

1/P Timog na Gusali, Unibersidad ng Mapua, Intramuros, Lungsod ng Manila


Sulatroniko: mapuashs.snf@gmail.com

You might also like