You are on page 1of 9

TOMAS CLAUDIO COLLEGES

Morong, Rizal
SY: 2018-2019
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL

LAWAK NG KAALAMAN SA WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL


SA IKA-11 NA BAITANG NG PANGKAT STEM H
SA TOMAS CLAUDIO COLLEGES

Isang Akademikong Sulatin na Inihain kay

Bb. Manilyn D. De Rosas

Tomas Claudio Colleges

Morong, Rizal

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan Para sa Asignaturang Pagbasa


at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

CASANOVA, Shane Alexis

JULIAN, Clarence

MAKAYAN, Maria Khyla

MARCELINO, Isabel

PARAISO, Jonathan

SOLOMON, Kim David

TALABIS, Brendan Joseph

STEM 11

Marso 2019
TOMAS CLAUDIO COLLEGES
Morong, Rizal
SY: 2018-2019
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tiyakin ang lawak ng kaalaman sa


wikang Filipino ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng pangkat STEM H sa
Tomas Claudio Colleges.

Sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tanong:

1. Gaano kalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng


pangkat STEM H sa Tomas Claudio Colleges sa wikang Filipino?
2. Gaano kadalas nagagamit ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng
pangkat STEM H sa Tomas Claudio Colleges ang purong wikang Filipino
sa pakikipagtalastasan at paglimbag ng isang talata?
3. Gaano kahusay ang paggamit ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng
pangkat STEM H sa Tomas Claudio Colleges sa wikang Filipino?

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan dahil ang maibibigay na


impormasyon ukol sa lawak ng kaalaman sa wikang Filipino ng mga mag-aaral
sa ika-11 na baitang ng pangkat STEM H sa Tomas Claudio Colleges ay
makakatulong upang masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap nila sa
paggamit nito.

Ang pag-aaral na ito ay maaaring kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral


upang mas tumaas ang lawak ng kanilang kaalaman sa paggamit ng wikang
TOMAS CLAUDIO COLLEGES
Morong, Rizal
SY: 2018-2019
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa paraan ng pasalita man o pasulat na makakatulong din sa kanilang


pag-aaral.

Mga Mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng


kaalaman ukol sa kahalagahan ng wikang Filipino at kung paano pahahalagahan
ang kinagisnang wika.

Mga Susunod pang Henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang


balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa paggamit ng purong
wikang Filipino.

Mga Risertser. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang


makapagbigay ng kaalaman ukol sa pag-aaral ng wika.

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino/


Filipino: Do they Differ sa bias ng Executive Order No. 134 na nilagdaan ni
Pangulong Quezon noong ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog
bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa. Marahil ang pagkakaroon
ng opisyal na wika ng isang bansa ay siyang maging tulay tungo sa matatag at
matagumpay na ekonomiya nito. Dagdag pa rito, ayon naman kay Dr. Aurora
Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipino ay multibilinggwal at multicultural,
nabubuklod an gating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag
hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon kundi gayon din sa
isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang
papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang
bansa. Hindi rin kayang baguhin, palitan at malimutan ng isang bansa ang wika
nito dahil malaki ang naging gampanin nito noon at magpahanggang ngayon.
TOMAS CLAUDIO COLLEGES
Morong, Rizal
SY: 2018-2019
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL

Ayon kay Bienvenido Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa


bawat sandal ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at
may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat
pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika upang kamtan ang kailangan
natin.” Kasabay ng araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal kabilang na
ang mga pulitiko, propesyonal at mga simpleng mamamayan ay nakakabit na sa
kanila ang paggamit ng wika sa tuwing makikisalamuha’t makikipagtalastasan
upang kanilang makamtan ang layunin sa lipunang ginagalawan. Pinapatunayan
lamang nito na kapag ginamit at pinapalaganap ang wikang Filipino kasabay ng
modernisasyon sa kasalukuyan ay maipapalaganap din ang produkto, kultura at
iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng


ekonomiya sa isang bansa. Ito ay isang instrumenting ginagamit sa ugnayan at
transakiyon ng bawat tao sa isang ekonomiya. Kung wala nito, magkakaroon ng
hindi pagkakaunawaan at maaaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya
ng isang bansa sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal at kultural.

Ayon kay Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La


Salle, “Kapag walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung iisipin natin, kung
walang lipunan, walang transaksiyon, wala tayong ekonomiya.” Ang wika umano
ay isang paraan ng paggawa ng transaksiyon. Binanggit din niya na lahat ng
nangyayari sa ekonomiya ay base sa kung paano mo ito naiintindihan kung
kaya’t dapat ay maipahayag mo rin ng malinaw sa iba ang iyong naintindihan
tungkol doon. Dahil ditto, masasabi na ang wikang pambansa ay may malaking
papel na ginagampanan sa pagpapaunlad n gating bansa.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan,


ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito an gating kultura at mga
TOMAS CLAUDIO COLLEGES
Morong, Rizal
SY: 2018-2019
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL

tradisyon. Maaari raw mawala ang matatandang henerayon, subalit sa


pamamagitan ng wika, naipababatid pa rin nila ang kanilang mga ideya,
tagumpay, kabiguan at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap.
Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at susunod pang henerasyon ay
natututo o maaaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan
ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga
dating pagkakamali.

Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas

Makikita sa balangkas konseptuwal ng pag-aaral na ito ang mga


kasagutang mula sa mag-aaral ay may mahalagang kaugnayan sa lawak ng
kanilang kaalaman sa wikang Filipino.

Ang proseso na ginamit upang masukat ang lawak ng kaalaman ng mga


mag-aaral sa wikang Filipino ay pagsusuri ng datos na makukuha sa
talatanungan at pagsusulit na sasagutin ng mga mag-aaral. Bukod dito,
gagamitin ang sarbey upang malaman ang mga suliraning kinakaharap ng mga
mag-aaral sa wikang Filipino.

Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Aalamin ng pag-aaral na ito ang lawak ng kaalaman sa wikang Filipino ng


mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng pangkat STEM H sa Tomas Claudio
Colleges. Sasagutin sa pag-aaral na ito kung gaano kalawak ang kaalaman ng
mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng pangkat STEM H sa Tomas Claudio
Colleges sa wikang Filipino, gaano kadalas nagagamit ng mga mag-aaral sa ika-
11 na baitang ng pangkat STEM H sa Tomas Claudio Colleges ang purong
wikang Filipino sa pakikipagtalastasan at paglimbag ng isang talata at gaano
kahusay ang paggamit ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng pangkat
STEM H sa Tomas Claudio Colleges sa wikang Filipino.
TOMAS CLAUDIO COLLEGES
Morong, Rizal
SY: 2018-2019
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL

Ang mga respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa ika-11


na baitang sa pangkat STEM H sa Tomas Claudio Colleges. Lahat ng mga mag-
aaral sa pangkat STEM H ang bibigyan ng talatanungang personal at pagsusulit.

Ang pag-aaral na ito ay limtado sa mga mag-aaral ng ika-11 na baitang sa


sa pangkat STEM H sa Tomas Claudio Colleges.

Daloy ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng tatlong kabanata at ito ang mga


sumusunod:

I. Ang Suliranin at Sanligan Nito


II. Metodolohiya at Pamamaraan
III. Resulta at Diskusyon

Sa unang kabanata, nagbibigay ng ideya ang mga mananaliksik kung


tungkol saan ang pag-aaral na ito, kung ano ang layunin, ang nais patunayan at
ang saklaw ng pag-aaral na ito. Tinatalakay din ditto ang tungkol sa kung gaano
kalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wikang Filipino at kung gaano nila
kabilis maunawaan ang isang malalim na salita.

Sa ikalawang kabanata nakapaloob ang mga paraang ginamit sa pakalap


ng datos ng mga mananaliksik sa kanilang ginawang talatanungan at pagsusulit.
Makikita rin sa kabanatang ito ang kabuuang bilang ng mga tagatugon,
pamamaraan, instrumenting ginamit sa paglikom ng mga datos at paraan ng
pagsusuri ng mga ito.

Sa ikatlo at huling kabanata ipinapakita ang resulta at diskusyon ng pag-


aaral. Sa pagtalakay ng talatanungan, narito ang presentasyon ng mga
katanungan na nasa sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik. Kasama rin dito
ang presentasyon ng mga resulta. Maipapakita ang mga opinyon at ideya ng
TOMAS CLAUDIO COLLEGES
Morong, Rizal
SY: 2018-2019
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL

mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng pangkat STEM H sa Tomas Claudio


Colleges.

KABANATA II

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Tatalakayin sa kabanatang ito ang mga disenyo at paraang ginamit sa


pangagalap ng datos upang alamin ang lawak ng kaalaman sa wikang Filipino ng
mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng pangkat STEM H sa Tomas Claudio
Colleges.

Makikita rin sa kabanatang ito ang kabuuang bilang ng mga tagatugon,


pamamaraan, instrumenting ginamit sa paglikom ng mga datos at paraan ng
pagsusuri ng mga ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang lawak ng kaalaman sa wikang


Filipino ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng pangkat STEM H sa Tomas
Claudio Colleges.

Deskriptibong sarbey ang gagamitin ng risertser sa paglikom ng mga


datos na lubhang kailangan sa pag-aaral. Ang mga respondent dito ay ang mga
mag-aaral sa ika-11 na baitang sa pangkat STEM H sa Tomas Claudio Colleges.

Upang masukat ang lawak ng kaalaman sa wikang Filipino, bibigyang


pagsusulit ang mga respondent.

Ang mga malilikom na datos ay aanalisahin, susuriin at bibigyang


interpretasyon ng nararapat na estatistika.

Lokal at Populasyon ng Pananaliksik


TOMAS CLAUDIO COLLEGES
Morong, Rizal
SY: 2018-2019
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL

Ang mga tagatugon ng pananaliksik ay nagmula sa mga mag-aaral sa ika-


11 na baitang ng pangkat STEM H sa Tomas Claudio Colleges, Morong, Rizal sa
taong panuruang 2018-2019. Sa kasalukuyan ay dalawampu’t apat (24) na mag-
aaral sa ika-11 na baitang ng pangkat STEM H ang kanilang nakuhang maging
tagatugon sa talatanungan. Ang napiling bilang maging respondente ng
pananaliksik ay upang malaman kung gaano kalawak ang kanilang kaalaman sa
wikang Filipino.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng convenience sampling kung saan


ang mapipiling respondente sa talatanungan ay kung sino lamang ang may
libreng oras sa pagtugon sa talatanungan sa oras ng pagbibigay ng nito.

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Ang mga risertser ay gumamit ng talatatanungan at pagsusulit. Ang


talatanungang personal at pagsusulit ay sasagutin ng mga mag-aaral. Ang
unang bahagi ng pagsusulit ay bubuuhin ng mga katanungan tungkol sa
kasanayan nila sa paggamit ng wikang Filipino. Ang ikalawang bahagi ng
pagsusulit ay tungkol sa lawak ng kanilang kaalaman sa mga salita mula sa
wikang Filipino. Ang ikatlong bahagi ng pagsusulit ay nauukol sa kahusayan ng
kanilang kaalaman sa paggamit ng wikang Filipino.

Ang talatanungang personal ay maglalaman ng pangalan(opsyonal),


kasarian at edad.

Paraan sa Paglikom ng Datos

Ang mga malilikom na datos sa pag-aaral na ito ay mula sa mga naging


kasagutan sa pag-aaral buhat sa mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng
pangkat STEM H sa Tomas Claudio Colleges.
TOMAS CLAUDIO COLLEGES
Morong, Rizal
SY: 2018-2019
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL

Makakalap ang mga hihinging datos mula sa resulta ng ginawang


talatanungan at pagsusulit na ibinigay ng mga risertser sa mga respondente.

Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Ang makakalap na datos at kasagutan ng mga respondent ay sasailalim


sa iba’t ibang estatistika upang masuri, maanalisa at mabigyan ng interpretasyon
ang mga datos na saklaw sa pag-aaral na ito.

KABANATA III

RESULTA AT DISKUSYON

You might also like