**Unisan Integrated High School Nagdaos ng Makulay na Kick-off
para sa National Teachers Month**
Unisan, Quezon - Sa ika-11 ng Setyembre, nagdaos ng
masayang pagdiriwang ang Unisan Integrated High School (UIHS) bilang bahagi ng pagbubukas ng National Teachers Month. Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng mga guro mula Grade 7 hanggang Senior High School, kasama ang mga estudyante, sa pangunguna ng kanilang mga lider at opisyal ng SSLG (Supreme Student Learner Government).
Naging pangunahing bahagi ng programa ang panalangin, na
itinaguyod ni Joy Heart Amparo, isang mag-aaral sa paaralan. Nagbigay rin ng inspirasyonal na mensahe ang isa sa mga mag-aarl na si Edenjen Loveres Presidente ng SSLG, kung saan itinampok ang kahalagahan ng mga guro sa buhay ng mga mag-aaral.
Si Proverbs Cataquis at Edenjen Loveres ang nagsilbing emcee,
kasama ang mga opisyal ng SSLG, na nagtulong-tulong upang mapanatili ang kasiyahan ng programa.
Sa buong kaganapang ito, ipinakita ng UIHS ang kanilang
pagmamahal at pasasalamat sa kanilang mga guro, na nag-aambag ng kanilang kaalaman at pagmamahal para sa edukasyon. Ito ay isang makabuluhang hakbang sa paggunita at pagpapahalaga sa mga bayani ng edukasyon ng bansa. UNISAN INTEGRATED HIGH SCHOOL UNISAN, QUEZON