You are on page 1of 1

Teacher’s Day Celebration

Amin itong isinagawa bilang pagkilala, pag pupugay, at pagpapahalaga sa mga guro, ngayong
buwan ay ating ipinagdiriwang ang “World Teacher”s Day” Ang mga guro na itinuturing na
pangalawang magulang ng mga mag aaral sa paaralan.

 Bukod sa magulang, ang mga guro ang humuhubog sa ugali at pagkatao ng mga mag aaral
kasabay ang pag sasalin sa kanila ng karunungan upang maging mabuting mamamayan.

 Ang pag diriwang ng “World Teacher’s Day” ay idinaraos tuwing ika-5 ng Oktubre bilang pag
sunod sa nilagdaan nuong Oktubre 5, 1966 ng UNESCO ( United Nations Education Scientific
and Cultural Organization) at ng ILO (International Labor Organization) na nagrerekomenda ng
pagkilala sa kalagayan ng mga guro.

Hinihimok ang mga mag aaral, mga paaralan na magsagawa ng gawaing nagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng mga guro sa edukasyon at pambansang kaunlaran.

Layunin ng pagdiriwang na paigtingin ang paggalang sa pagtuturo bilang isang bokasyon at


pagkakaloob sa mga guro ng suporta. Unang isinagawa ang “World Teacher’s Day” noong
Oktubre 5, 1994.

Idinaos namin ang Teacher’s Day noong  ika 30-Setyembre 2022 na pinangunahan ng mga
emcee na sina Angelo Gabriel Rivera at Daxen Pascual, SSG officers at ng mga piling mag
aaral, pinangunahan naman ni Hanna Jane Roces mag aaral mula sa ika 9 na baitang ang
pagdadasal para sa mga guro, at sinundan ito ng pag awit ng lupang hinirang nina Adelaine
Raven Mobo at Hanna Agbisit mga mag aaral sa ika 9 na baitang, pag ka tapos nito ay
inumpisahan ang programa sa pag tawag sa mga guro upang sila ay pasalamatan,pagkaraan
ay ang pag sayaw ng mga piling mag aaral mula sa ika 7 baitang sa pangunguna ng kanilang
leader Loyd Jurien Magistrado, sinundan naman ito ng pag awit ni Jana Mae Ballion mag aaral
mula sa baitang 7 pangkat Zinnia. Muli ay hinandugan ng isang masigla at masayang sayaw
ang mga guro ng mga piling mag aaral ng ika 8 baitang sa pangunguna ng kanilang leader
Derreck Ferrer at inawitan naman nina Rosily Gonzales at Merylle Jungco ang mga guro,.
Hinandugan ng isang sayaw ng mga mag aaral ng ika 9 na baitang ang mga magigiting na
guro, pagka tapos ay inawitan nila Alexandra Ivhy Delfin at Hanna Agbisit att mga kaguruan
bilang kanilang pasasalamat sa mga ito. Sinayawan naman ng mga mag aaral mula sa ika 10
baitang ang mga guro sa pangunguna ng kanilang leader na si Erica Baun, at hinarana naman
nila Dhennis Manalo at Altheo Deocariza ang mga guro, hinandugan naman ng BKD ng 
masiglang sayaw ang mga guro at  mga mag aaral. Bago matapos ang programa ay kinilala si
Maam Lawrence V. Catahan bilang Outstanding Teacher.

Kami po ay lubos na nag papasalamat sainyong lahat lalo na sa ating punong guro na si Maam
Ana U. Ramos sa pag sang-ayon na kami ay mag sagawa ng munting  programa, kami den po
ay nag papasalamat sa MAPEH club sa pangunguna ng kanilang president na si Arianna Joyce
Torralba at sa kanilang member na tumulong at nag design sa ating stage sa mga nag ayos ng
sound system, nag papasalamat den po kami sa mga Class officers sa mga SSG officers at
mga mag aaral na nakiisa sa aming programa at sa mga gurong walang sawang sumuporta at
nakiisa, maraming maraming salamat po sainyong lahat!.

You might also like