You are on page 1of 3

CHERRIELYN H.

LOZADA
BSED FIL 2-MENTOR

Ang buwan ng wika,na pinamagatang "Filipino at katutubong wika ng kapayapaan


seguridad at inklusibong pagpapaunlad ng katarungang panlipunan". Agosto 31,2023 huwebes
ipinagdiriwang ng talisay city college ang buwan ng wika , bilang isa sa miyembro ng
organisasyon tadifil , alas kwarto palang ng umaga ay nandoon na kami sa complex upang
tumulong sa pag-ayos sa mga upuan at dekorasyon . Dahil naatasang ang aming seksyon na
tumulong sa mga komite, kaya tumulong ang aking mga kaklase at ako naman ay nag make-up
sa iba kong kaklase kasi kami at may hinandang sayaw para sa mga mag-aaral at guro.

Alas siyete ng umaga, nagsidatingan na ang mga estudyante at guro, pagtungtong ng alas otso
ay sinimulan na agad ang programa Ang panalangin ay pinangunahan ng Talisay City College
chorale , na sinundan ng pambansang awit. Pagkatapos ay pinakilala ni ginoong ritchel ang
lahat ng mga guro sa iba't-ibang programa. Kasunod nito, nagsimula na ang pagpapakilala sa
mga lakan at lakan bini, sinundan ng isang sayaw at awit na inihanda ng samahang tadifil.

Ang programa ay lubos na kasiya- siya , kasama ang mga mag-aaral at guro na nakikilahok sa
pagsasayaw ng buwan ng wika . Lahat ay nakasuot ng tradisyunal na kasuotan at nagkaroon
pa ng kompetisyon para sa mga mag-aaral at guro na may pinakamagandang damit.
Napakaganda ng mga lakan bini at ang gwapo ng mga lakan . Ang organisasyong X-Eliminators
ay nanalo sa kategoryang lakan , habang ang organisasyong Tadifil ay nanalo sa kategoryang
lakan bini. Matapos ipahayag ang mga nagwagi , sumayaw ang lahat mula sa organisasyong
Tadifil para sa huling programa, kasama ang mga guro at mag-aaral.

You might also like