You are on page 1of 1

Ika Dalawangput anim na Anibersaryo

Ika dalawamput anim na taon ng pagdiriwang ng Alicia National High School ay isang pinaka-magandang
pagdiriwang na naganap noong ika labing lima ng disyembre at kalahok dito ang mga istudyante at mga
guro.

Isa sa mga naganap dito ay ang “Fun Run” na nanghikayat ng madaming kabataan sa bayan ng Alicia,
naganap ito ng ika labing lima ng disyembre alas singko ng umaga, lumahok din dito ang mga guro ng
naturang eskwelahan bilang pagsuporta sa aktibidad. Pagbalik aa eskwelahan sinalubong ng mga guro at
iba pang mataas na opisyal ng bayan ng alicia ang mga mag aaral nito at mga bisita sa pagpunta sa
pagdiriwang na ito.

Ibinida sa sumunod na aktibidad ang mga talento sa pagsayaw at pagkanta, naisagawa din ang mga
patimpalak para sa mga studyante para mailabas nila ang kanilang mga talento. Itong araw din na iyon
naganap ang year end party sa kanya kanyang mga seksyon. Ika alas dos ng hapon naganap ang
koronasyon para sa mga nangyari at nagkaroon ng mga sayawan at kantahan.

Bilang pagtatapos ng pagdiriwang nagbigay ng pasasalamat ang mga guro at prinsipal ng paaralan sa
pagpunta sa ginawang pagdiriwang. At eksakto alas singko ng hapon ay natapos na ang pagdiriwang sa
paaralan ng Alicia National High School.

You might also like