You are on page 1of 1

OSUKAN, MATAGUMPAY NA GINUNITA ANG TAONANG IP MONTH AT 26th IPRA

COMMEMORATION ‘23
Sabay na ipinagdiriwang ng Osukan Elementary School ang IP Month at 26th IPRA Commemoration
noong ika- 8 ng Setyembre taong 2023, bilang pagkilala sa Katutubong Mamamayan .
Sa pahintulot ng punongguro ng paaralan ng Osukan na si Ginang Cherry C. Amplayo,pinangunahan ng
School IPED Coordinator na si Ginang Viema B. Tanade ang paghahatid ng mga imbitasyon para sa mga
elders ng barangay.
Naroon din sa okasyon ang Labason District Supervisor na si Ginang Mary Jean P. Acedo at ang Labason
District IPED Coordinator na si Ginoong Johayre S. Bese. Sa loob ng school campus ay nakikiisa at
nakikilahok ang mga Indigenous leaders kagaya ni Timuay --------------mula sa tribu ng Subanen ,IPMR
leader Ghamar Ladjim mula sa tribu ng Kolibugan at Maharadja Mastol D. Tanade naman mula sa tribu
ng Samal.
Ang bawat leader ng tribu ay nagpapahayag ng kanilang saloobin bilang mamamayan ng
komunidad.Pinasisilip din ng mga mamamayang katutubo ang kanilang mayamang kultura at
paniniwala . Mula sa kakaibang pagluluto ng pagkain at kagamitan ay nag-ambag-ambag ang mga guro sa
handaan.Mas lalong nagiging makulay ang selebrasyon dahil sa mga matitingkad na kasuutan ng mga
panauhin.
Sumayaw ng Gigal o Hands Exhibition ang mga tribong Kolibugan na mag-aaral gamit ang
instrumentong kawayan at mga palayok upang makabuo ng kakaibang tunog.Sumabay din sap ag-indak
ang tribu ng Subanen.Hindi rin nagpapahuli ang mga guro buhat sa ibat-ibang baitang sa pagsayaw ng
modernong etnik na sayaw.
Ang pagdiriwang ng IP Month at 26th IPRA Commemoration bawat taon sa paaralan ng Osukan
Elementary School ay patunay na may pagkakaisa ang mga naninirahan dito.Kahit ano pa man ang iyong
tribo mahalaga ang pagmamahalan at respeto sa bawat isa.

You might also like