You are on page 1of 2

Tradisyon/Practice

Ipinagdiriwang ang Masskara Festival simula ika-isa hanggang ika-dalawampu


ng Oktubre. Ginaganap naman ang isang malaking pagdiriwang sa huling Linggo ng
kapistahan na kung saan maraming mga masasayang programa at paligsahan ang
nagaganap. Ang mga tao ay nagsusuot ng mga elegante at malikhaing damit,
makukulay at kakaibang mga palamuti, at ang pinakamahalaga, ang mga nakangiting
maskara. Sila ay sumasayaw sa kalsada suot-suot ang mga ito na sinisimbolo ang
masiyahin at masiglang Negrense spirit. Hindi mapipigilang mapaindak sa malakas na
masayang tugtog at punong kalsada na tila isang malaking dagat ng mga
nagkakasiyahang tao. Isa sa pinaka-inaabangan dito ang paglisahan sa pagsasayaw sa
kalye, na kung saan ang mga manglalahok ay nagmula sa iba’t ibang bayan ng Bacolod.
Sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag-indak, masasalamin mo ang pagiging
malikhain, at masiyahin ng mga Pilipino. Mensahe ng kapistahan na ito ang pagiging
masaya sa kabila ng mga naranasang dagok sa buhay. Hindi mahalaga ang mga
palamuti, kasuotan o karunungan sa pagsayaw, sapagkat ang taglay na malaking ngiti
ang pinakamahalaga na mayroon ka upang maging handa sa pakiki-isa sa Masskara
Festival.
https://www.philstar.com/lifestyle/travel-and-tourism/2014/10/07/1377476/history-bacolods-festival-
smiles

https://uclaliwanagatdilim2015.wordpress.com/2015/03/01/ang-masskara-festival-ng-lungsod-ng-
bacolod/

You might also like