You are on page 1of 2

PRINCESS NINFA M.

MACAILING
BSCE 2A

BINIRAYAN FESTIVAL

Ang salitang binirayan ay nag mula sa salitang biray; mga makukulay na bangkang

ginamit ng mga Bornean sa kanilang pag takas sa borneo. Ang binirayan ay nangangahulugang

“kung saan sila naglayag” na nagpapa alala ng pag dating ng 10 datu mula sa borneo sa

malandog, hamtic, antique noong 1240. Ang binirayan festival ay sinasaulog ng mga Antiqueno

bilang pag alala sa unang pagdating ng mga malay sa Antique. Partikular sa pagdaraos na ito ay

ipinapakita rin ang unang barter na naganap sa pagitan ng mga malay at ati; ang mga katutubo na

naninirahan sa may baybayin na lumipat sa mga kabukudan pagkatapos ng barter ng aninipay.

Ang binirayan festival ay ipinag daraos kada taon sa probinsya ng Antique upang

alalahanin ang makasaysayang pag dating ng mga datu sa Antique. Ang unang selebrasyon nito

ay pinangunahan ni Gov. Elvelio Javier na tinawag na ama ng binirayan Ang pag bubukas ng

pagdiriwang ay ipinag daraos asa pamamagitan ng parada sa dagat ng makukulay na mga

Bangka na sumisimbolo sap ag lalayag at pag dating ng mga datu mula sa borneo sakay sa

kanilang mga biray. Kasunod nito ay ang mga makukulay at nakaka aliw na “street dance”

kasabay rin neto ay ang “pasundayag” o pagtatanghal ng mg talent ng mga Antiqueno at isang

beauty pagent na tinatawag na “Lin ay kang Antique”.

Naipapakita sa binirayan ang pagiging isang Antiqueno ng mga tao dahil ina alala ng mga

antiqueno ang pinagmulan ng lahi, kultura, at tradisyon na meron ang Antique ngayon. Dahil na

rin sa tema ng binirayan nag pag alala sa pinagmulan ng kultura at tradisyon naipapakita natin sa

ibang tao kung ano ang meron sa mga Antiqueno na hindi makikita sa iba at tanging sa

probinsya lamang ng Antique makikita at mararanasan. Ang kultura ng mga Antiqueno ay

masagana at naiiba at sa pag-daraos ng binirayan kasama na ang ibang mga fiesta sa probinsya
PRINCESS NINFA M. MACAILING
BSCE 2A

ay naipapakita ng mga Atinqueno sa iba na naiiba at meron tayong sariling atin na

maipagmamalaki sa iba.

Kung ako man ay mabibigyan ng ppagkakataon pra magmungkahe ng isang selebrasyon

na nag bibigay simbolo sa pagiging isang antiqueno ang aking maimumungkahe ay ang

pagdaraos ng mga ibat ibang klase ng mga kagamitan sa antique gaya ng paghahabi ng buri at

paggawa ng patadyong dahil ang tradisyon na ito ay nanggaling pa sa ating mga ninuno at

naipapakita ng mga Antiqueno ang galing sa pag gawa ng mga kasuotan. Naipapakita rin sa mga

habi na ito ang makulay na kasaysayan ng Antique at ang pagiging matiyaga at masikap ng mga

Antiqueno. Maraming katangian ng mga Antiqueno ay naipapakita sa simpleng paghahabi ng

mga damit na ito at ito ay magandang simbolo ng pagiging isang Antiqueno.

You might also like