You are on page 1of 2

SINGKABAN FESTIVAL

Setyembre 15, 1898 ang araw nang binuksan ni Pangulong Emilio


Aguinaldo ang Kongreso ng Malolos sa Barasoain. Dahil rito pinagdiriwang
natin ang Setyembre 8-15 bilang Linggo ng Probinsya ng Bulacan o
tinatawag na rin ngayong Singkaban Festival. Ang singkaban ay isang
mapalamuting arko na yari sa kawayan.

Ang Singkaban Festival ay isang taunang panlalawigang kaganapan


ng Bulacan kung saan ang kultura at sining ay itinampok sa isang linggong
pagdiriwang. Ipinapakita nito ang mga tradisyunal na sining ng
pampanitikan, balagtasan, katutubong sayaw, at tradisyonal na mga kanta
na kilala bilang kundiman. Ang arkong kawayan ay ginagamit upang
gawing pangunahing disenyo sa pistang ito dahil tayong Bulakenyo ay
mayaman sa produksyon ng kawayan kaya ito ang pinaka-binibigyang diin
sa pistang ito.
Halamanan Festival

Makikitang buhay ang sining sa pistang ito dahil ang makulay


nakasuotan at ibat ibang disenyong ginamit sa pistang ito ay maari ng
tawagin na isang sining. At ito ay sumasalamin sa ating kultura dahil sa
kapistahang ito hindi mabubuo ang ganitong okasyon kung sasabihin
nating walang sining na bumabalot sa araw na ito kaya ang kultura ng
Bulakan ay punong-puno ng sining.Ito ay ipinagdiriwang upang mapakita
sa ating mga kabataan o wala masyadong alam sa sining sa ating lugar
kung gaano tayo kayaman sa mga ibat ibang produkto sa ating lugar.
Ipanapakita rin dito ang ibat ibang kagandahan na gamit ang ating sariling
produkto sa paggawa ng kasuotan pagdidisenyo at iba pa. Makikita dito
ang parada na ginawa sa pistang ito na gustong ipakita ang ibat ibang
klase ng ating kayamanan sa kultura. At kung ano anong mga produkto
ang kaya nating malikha sa pamamagitan ng sining sa ating kultura.

You might also like