You are on page 1of 3

PISTA NG MGA HIGANTE

PISTA NG MGA HIGANTE

Ipinagdiriwang ang Pista ng mga Higante tuwing ika-23 ng Nobyembre


kada taon sa bayan ng Angono, Rizal, bilang paggunita kay San Clemente, ang
patron ng mga mangingisda. Itinatampok sa pista ang matatangkad na tao na
yari sa papel na dinamitan at pinalamutian ng kung ano-anong bagay upang
maging kaakit-akit sa madla. Ang mga "higante" ay karaniwang may taas na
apat hanggang limang talampakan o kaya'y sampu hanggang labindalawang
talampakan. Itinatanghal at inililibot iyon sa mga bahayan, samantalang ang
mga deboto'y nakasuot ng damit-mangingisda.

Ang makulay na selebrasyon na ito ay bahagi ng tradisyonal na


pasasalamat ng mga residente ng Angono dahil sa masaganang ani ng mga
isda mula sa Lawa Laguna.

PINAGMULAN

Nagsimula ang Pista ng mga Higante nang asyenda pa lamang ang


Angono, (kilala bilang Art Capital of the Philippines) at ang mga panginooong
maylupa ay nangangamba sa labis na mahal ng pagdiriwang ng pista. Inisip
naman ng mga tao na ipagpatuloy ang pista kahit kulang sa salapi. Lumikha
sila ng mga karikatura ng mga frayle at panginoong maylupa, at
kinasangkapan ang mga pulang lupa (clay) para makagawa ng malalaking
maskara. Nang lumaon, pinalitan ang clay at ginamit ng mga taga-Angono ang
plaster of Paris at resin. Dinidikitan ng mga papel ang molde, ibinibilad sa
araw, at pagkaraan ay pipinturahan ng iba't ibang kulay. Ang katawan naman
ng higante ay yari sa kawayan, ngunit ginagamit din kung minsan ang yantok
at bara ng bakal.

Noong 1987, iminungkahi ng yumaong Perdigon Vocalan, na isang


tanyag na pintor at artist ng Angono, ang paglikha ng apat na higante kada
barangay upang sumagisag iyon sa sipag, tatag, at kaakuhan ng naturang mga
barangay.
SELEBRASYON

Kasama sa prusisyon ng mga "higantes" ay ang imahe ng patron nilang


si San Clemente na nakadamit "higante" din. Puros kalalakihan lamang ang
nakasuot ng pang San Clemente na nakadamit ng roba ng papa o obispo. Ang
mga “parehadoras” naman ay ang mga deboto ni San Clemente na may suot na
pang-mangingisda (makukulay na damit, sapatos na gawa sa kahoy na may
dalang mga sagwan). Ang street event ay hahantong sa isang prusisyong
pandagat na kadalasang ginaganap sa Lawa Laguna hanggang sa maibalik ang
imahe ni San Clemente sa simbahan.

Kasabay sa malakas at masayang tugtog ng banda ay ang indayog ng


mga kasama sa prusisyon. Habang nagaganap ang parada, libu-libong mga
deboto ang nakikisali sa pagsaboy ng tubig sa mga walang kamalay-malay na
mga deboto na nakakadagdag ng saya sa selebrasyon.

LOKASYON

Nasa silangang bahagi ng Lungsod Pasig ang Angono, at maaaring marating


mulang Pasig sa loob ng isang oras. Dyipni ang karaniwang sinasakyan
patungo roon, na bumibiyaheng Pasig-Angono o Angono-Crossing.

MGA TANYAG NA TAO

Sentro ng sining ang Angono, dahil dito lumaki si Carlos "Botong"


Francisco, Lucio San Pedro, at naging tahanan na rin ng gaya ng pamilyang
Blanco na pulos pintor, at nina Perdigon Vocalan, Nemi Miranda, at Angono
Artists Collective.

You might also like