You are on page 1of 6

DEPED NIGHT 2023

Ika – 29 ng Nobyembre, 2023 / Ika-6:00 ng Gabi


Municipal Ground Cainta, Rizal

PANG -KULTURANG PAGTATANGHAL


(Suman, Bibingka at Latik Dito Lang ‘Yan sa Bayan ng Cainta)

S1. CAINTA….hitik sa kayamanang pang-kultura, pinanahanan ng


mga taong masidhi ang pagnanasang isabuhay ang minanang
tradisyon. Bayang ang nais ay maibantog ang gintong kultura
mula pa sa mga ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon.
Cainta, bayang mahal! Bayang pinagpala! Nag iisang Cainta!

S2. Isang maningning na gabi sa ating lahat. Isang gabi ng


pagtatanghal ang inyong mamamalas na pinangtulungang
isakatuparan ng dalawampu at tatlong paaralang elementarya,
sekundarya at Senior High School ng Kagawaran ng Edukasyon,
Purok ng Cainta sa pamumuno ng aming mga Tagamasid
Pampurok, G. Magno R. Abueme, . Ramon T. Patay at Gng.
Minerva C. David at sa patnubay ng mga Punong Guro ng lahat
ng paaralan sa Cainta Sub-Office.

I. Ating simulan ang palatuntunan sa pamamagitan ng pag-awit


ng “Pilipinas Kong Mahal” na susundan ng Himno ng One
Cainta. At ito ay susundan ng Panalangin ng Pasasalamat na
pamumunuan ni Gng/Bb. Lea A. Molina, Gurong Tagapag-
ugnay sa Musika ng Paaralang Elementarya ng Planters.

II. Ang maningning na gabing ito ay mas bibigyang kulay ng


Bating Pagtanggap mula kay Gng. NICOLETTE C. FELIX,
Officer- Municipal Tourism Department.

III. Tayo ay mapapaibig at aaliwin ng mga awiting pamasko at


kundiman na gagampanan ng Cainta Senior HS Chorale sa
pagkumpas ni G. Jansen F. Padasas, Music Teacher ng Cainta
Senior High School.

IV. Ang kulturang kinagisnan natin dito sa ating bayan, ay tunay


na nahubog, naalagaan at napagyaman dahil sa mga
pinunong nagsilbing tagapagtaguyod upang patuloy na
maramdaman at makita ng mga Kabataang Caintaenyo. At isa
sa masasabing matibay na haligi ng bayan ng Cainta at
patuloy na tumutulong upang ang kultura ay manatili sa
bawat puso natin, mga kababayan, ang atingPunong Bayan,
KGG. ELENITA D. NIETO para sa kanyang mensahe.

V. Sa punto pong ito, tayo naman ay haharanahin ng malamyos


na tinig ng mga Guro mula sa San Juan NHS….. G. Conrad J.
Baltazar at Bb. Catherine D. Villamin.

(Blackout)
S3. Sinasabing ang “sayaw ang kaluluwa ng bawat tao”. Sa
pagsilang pa lang, ang ugoy sa bisig ng ina ang nagbibigay
kapayapaan sa ating mga puso. Ang galaw ng mga halaman at
agos ng tubig sa mga ilog at sapa ay tumitighaw sa bawat
kalungkutan at nagpapasaya hindi lamang ng ating damdamin
kundi maging sa kapaligirang nilikha ng Diyos laan para sa atin.

Ang SAYAW sa lahat ng gawain ay sumasalamin sa ating


pamumuhay tulad na lang ng SUMAN, BIBINGKA AT LATIK na
bahagi na ng buhay ng bawat Caintaenyo, saan man, kahit kailan
DITO LANG YAN SA BAYAN NG CAINTA!!!

Mga kababayan… ang Pangkulturang Handog ng mga


naglilingkuran sa kagawaran ng Edukasyon sa Bayan ng
Cainta…and DEPED NIGHT!!

(ENTRANCE 1ST PERFORMERS)

A. KULTURA NG PAGPURI SA DIYOS AT PAMAMANATA

S4. Ang papuri at pasasalamat sa Panginoon ang isa sa mga katangian


ng mga taga Cainta. Sa bawat biyaya, maging sa mga pagsubok
sa buhay, bahagi na ng kultura ng Caintaenyos ang
sumampalataya sa kapangrihan ng Poong Lumikha, kaya mga
kababayan, saksihan ang mga katutubong sayaw sa Pilipinas na
nagpapakita ng papuri at pasasalamat sa ating Diyos na
lumikha!

(Literature) Subli: San Francisco ES


Karatong: Planters ES
B. KULTURA SA PAGGAWA

S.5 Tunay na mayaman sa kultura ang ating bansa. Sa mga


kinagawiang pamamaraan sa buhay, maging sa mga hanap-
buhay na kinamulatan ng bawat mamayan. Lahat ng kilos ay
naiaakmaat binibigyang-kahulugan sa pamamagitan ng sayaw.
Ating malasin ang mga katutubong sayaw na sumisimbolo ng
pagiging masayahin, positibo at kalakasan ng mga Caintaenyo sa
hamon ng buhay!
(Literature): Gaway-Gaway Exodus ES
Tiklos Marick ES
Raragsakan Balanti ES
Magmomoron Cainta ES
Sagudsod de Mano Kabisig ES
Bakya Dance FP Felix Unit1
Binoyugan Arinda ES
Manlambus San Juan ES U1

S6. Likas sa ating mga Caintaenyos ang pagiging mapagmahal.


Sinisimbulo nito ang respeto, paggalang at pagbibigay halaga sa
pamilya. Tulad na lang ng mainit na relasyon ng bawat pamilya
sa ating bayan.
Upang mas lalong pagyabungin ang kultura ng pagmamahalan,
ating balikan ang mga Kundiman na awit na sumikat noong
2013….ang “Ang Tangi Kong Pag-ibig” na gagampanan ni
Teacher Joy May R. Mias, guro ng Paaralang Elementarya ng St.
Gregory na susundan ng isa pang awit na Kundiman at OPM na
gagampanan ni G. Ramon C. Pajarillo ng Gov. Isidro Memorial
National High School!

S.7 Sayaw na Carinosa!….nakilala bilang pambansang sayaw na


sumisimbolo ng paggalang at paraan ng pagmamahal ng mga
Pilipino sa dalagang Pilipina. Isang popular na katutubong
sayaw na ipinakilala sa bansa ng mga ninunong Espanyol. Ito
rin ay pagkilala kay Maria Clara na sumisimbolo ng kayumian
ng mga Pilipina. Mga kaibigan, ang espesyal na awit at sayaw na
handog ng mga piling Guro ng St.Joseph Elementary School, ang
Carinosa!

C. KULTURA NG PAGMAMALAKI SA BIGAY NA KALIKASAN AT


KASIYAHAN

S8. Sa mahigit na pitong libong islang bumubuo sa arkepelago ng


Pilipinas, karamihan sa mga ito ay nabubuhay sa tulong ng mga
likas na yamang nakukuha at naibibigay ng sangkalupaan, ng
mga karagatan at mga kabundukan. At dahil sa mga likas na
mga yamang ito, nakapaghahandog tayo ng pasasalamat sa mga
biyayang ibinibigay nito sa pamamagitan ng mga sayaw.
Sa sobrang pagkamalikhain ng mga Pilipino, maging ang mga
kilos ng hayop ay ginagaya at nagiging basehan upang ang ang
bawat oras ay maging mahalaga. Malikhain, Masayahin at
Maningning na pagsasabuhay ng mga kultura…para sa One
Cainta……ating malasin ang mga sumusunod na katutubong
sayaw!
(Literature) Wasiwas San Juan ES
Pas An Sumbintik Halang ES
Lapay Bantigue Janssenville ES
Sayaw sa Bangko FP Felix MNHS
Salakot Dance FP Felix ES Main
Bilao Dance Balanti ES U1
“Pukol” Karangalan ES
Itik-Itik St. Anthony ES

S9. Isang Pangwakas na Pananalita ang maririnig natin mula sa isa sa


mga Tagamasid Pampurok ng Cainta Sub-Office GNG. MINERVA C.
DAVID!

S10. Sa magkakatuwang na pwersa ng Kagawaran ng Edukasyon at ang


Sangguniang Bayan ng Cainta, buo at taos puso kaming bumabati sa pagdaraos ng
SUMBINTIK FESTIVAL 2023! Nawa ay patuloy tayong biyayaan ng lakas, talino
at pagkakasa upang ang ang adhikain ng bayan ng Cainta sa pagpapayaman ng
Kultura ay patuloy na umunlad……. Suman, Bibingka at Latik Dito Lang
‘Yan sa Bayan ng Cainta, ang nag-iisang Cainta,...bayang pinagpala!
At upang bigyang-pagkilala ang lahat ng paaralang nakiisa sa Gabi ng
Kagawaran ng Edukasyon, narito po sila….. (Music “SAYAW”)

S11. SALUDO (Saliw ng SAYAW)

Cainta Senior High School Chorale

Conrad J. Baltazar at
Catherine D. Villarin Mga Guro ng San Juan NHS

Joy May R. Mias Guro ng Paaralang Elementarya ng St.


Gregory

Ramon T. Pajarillo Guro ng Gov. Isidro Memorial National


High School

Allen Z. Dela Cruz Mga Piling Guro ng St. Joseph ES


Zorren Atienza
Aubrey Policarpio

Subli Mga Piling Guro ng San Francisco ES


Karatong Mga Piling Guro ng Planters ES
Gaway-Gaway Mga Piling Guro ng Exodus ES
Tiklos Mga Piling Guro ng Marick ES
Raragsakan Mga Piling Guro ng Balanti ES
Magmomoron Mga Piling Guro ng Cainta ES
Sagudsod deMano Mga Piling Guro ng Kabisig ES
Bakya Dance Mga Piling Guro ng FP Felix ES U1
Binoyugan Mga Piling Guro ng Arinda ES
Manlambus Mga Piling Guro ng Sa Juan ES U1
Wasiwas Mga Piling Guro ng San Juan ES
Pas An Sumbintik Mga Piling Guro ng Halang ES
Lapay Bantigue Mga Piling Guro ng Janssenville ES
Salakot Dance Mga Piling Guro ng FP Felix ES Main
Bulaklakan Mga Piling Guro ng Balanti ES U1
Pukol Mga Piling Guro ng Karangalan ES
Itik-Itik Mga Piling Guro ng St. Anthony ES

FINALE:
Mula sa mga Tagamasid Pampurok ng Cainta sir Magno, sir
Ramon at mam Mine at sa panulat ng Punong Guro ng Exodus
Elementary School Gng. Aileen SG. Martinez, kasama ang dalawampu
at dalawa pang mga Punong Guro ng mga pampublikong paaralan sa
Cainta, sa mga katuwang na guro sa produksyon, Mam Michelle
Pedroso, mam Rosemarie T. Dadulla, mam Ludy Ching, sir Zorren
Atienza, mam Leilanie Pelisigas at ang inyong lingkod Sir Jose Roy
Julian…….MARAMING MARAMING SALAMAT PO MULA SA
DEPED CAINTA SUB-OFFICE!
ONE CAINTA!MABUHAY!!!

You might also like