You are on page 1of 5

Department of Education Division of Quezon

Panuto: Basahin nang tahimik ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga
katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

PISTANG MAUBAN
ni: Bb. Lyka I. Balingbing
Lopez National Comprehensive High School

Nakagawian ng bawat bayan sa lalawigan ng Quezon na magdaos ng

kasiyahan na nagtatampok ng kanilang kultura at tradisyon. Isa na ang bayan ng

Mauban. Idinaraos ang Maubanog Festival tuwing ika-15 ng Hulyo kasabay ang

pagdiriwang ng kapistahan ng mahal na Patron na si San Buenaventura.

Mapagmahal at dakilang patron ng mga manggagamot.

Tanyag ang bayan ng Mauban sa kanilang lokal na alak na mula sa nipa at

sasa. Kilala sa tawag na lambanog. Ito’y pinaghanguan ng salitang Maubanog na isa

sa pinagkakakitaan ng mga Maubanin.

Sa pagdiriwang ng Maubanog Festival, sinisimulan ito sa pag-aalay ng misa

pasasalamat bilang pagpupugay sa masaganang ani. Kaugnay nito ang iba’t ibang

paligsahang inihanda ng Sangguniang Bayan.May parada ng sayaw sa kalye.

Karera ng bangka sa pantalan. Patimpalak sa pag-inom ng lambanog. Masining na

gabi ng kultura at marami pang iba na tunay na makikita ang kanilang pakikiisa.

May inihahandang papremyo ang Sangguniang Bayan na ikinatutuwa ng mga

Maubanin. Gayundin, natatampok sa telebisyon ang pagdiriwang na ito kaya naman

nakikilala ang kultura at napapalago ang kanilang turismo. Nakatutuwa.

Nakamamangha. Masayang magbangkikian.

Taun-taon tinatayang 50,000 mga bisita ang dumarating sa bayan ng Mauban

upang makiisa sa masayang Maubanog Festival.

1
Department of Education Division of Quezon
Hindi matatawaran ang pasasalamat ng mga Maubanin sa tuwing sasapit ang

kapistahan . Ang pagkakaroon ng masaganang ani ay masasabi na nilang sila’y

tunay na pinagpala. Ang pagiging masayahin ng mga Maubanin ang nagsisilbi nilang

sandata upang manatili at magpatuloy ang pag-unlad ng turismo .Hindi lamang sa

bayan ng Mauban kundi ang makilala sa buong mundo.

May isang mithiin. May isang hangarin. Maubaning ang hangad ang kanilang

baya’y paunlarin.

Sanggunian: www.google.com
Baitang: 8
Bilang ng Salita: 270

2
Department of Education Division of Quezon
Mga Tanong:

1.Saan ipinagdiriwang ang Maubanog Festival?(L)


A.Tayabas, Quezon
B.Mauban, Quezon
C.Infanta, Quezon
D.San Antonio, Quezon
2.Sinong patron ang ipinagdiriwang ng Maubanog Festival? (L)
A.San Buenaventura
B.San Pablo
C.San Martin
D.San Antonio
3.Saang salita hinango ang Maubanog Festival na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng
Hulyo? (L)
A.sa indayog
B.sa lambanog
C. sa nipanog
D.sa sasa
4. Saang bahagi ng teskto makikita ang pinakang paksa nito? (L)
A.simula
B.Gitna
C.Wakas
D.Simula at wakas
5.Bakit ipinagdiriwang ang Maubanog Festival? (P)
A.upang ipakilala at itaguyod ang produkto ng Mauban at bigyang parangal ang
patron
B.magpasikat sa mga kalapit bayan
C.magpakilala ang mga namumuno
D.maging masaya ang mga mamamayan
6.Paano ipinakita ng mga Maubanin ang kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng
Maubanog Festival? (P)

3
Department of Education Division of Quezon
A.gumawa ng pansariling pagkakakitaan
B.nakiisa sa mga gawaing inihanda ng Sangguniang Bayan
C.nagpasalamat sa patron ng bayan at sa Poong Lumikha para sa pagkakaroon ng
masaganang ani
D.naghanda ng mga palabas para sa mga bisitang dumating
7.Ang mga sumusunod ay ang mga gawaing inihanda ng Sangguniang Bayan para
sa ikasisiya ng mga mamamayan maliban sa : (P)
A.karera ng bangka sa pantalan
B.sayaw sa kalye/ street dancing
C.patimpalak sa pag-inom ng lambanog
D. karera ng bisikleta
8. Bilang mamamayan, paano mo maitataguyod ang kultura ng iyong bayan? (K)
A. makikiisa sa mga gawaing pampamayanan
B.ituturo ang kahulugan ng kultura
C.magsasaliksik tungkol sa kultura
D.magiging halimbawa ng pagpapahalaga sa kultura
9.Ano ang pinakang layunin ng teskto?
A.ipaalam sa lahat ang kasiyahang dulot ng pista
B.ipakita ang kaugalian ng mga Maubanin
C.itaguyod ang turismo ng Mauban
D.ipagmalaki ang kanilang produkto
10.Sa mga antas ng wika mayroon tayong tinatawag na lalawiganin, sa bayan ng
Mauban ay talamak ang salitang ‘’bangkiki”, ito ay may kahulugang_________? (K)
A.masaya
B.maingay
C.tahimik
D.makulit

4
Department of Education Division of Quezon
Susi ng Pagwawasto :
PISTA NG MAUBAN

1.B
2.A
3.C
4.B
5.A
6.C
7.D
8.D
9.C
10.B

You might also like