You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Lungsod ng Cabanatuan
MARCIANO DEL ROSARIO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Pamaldan, Lungsod ng Cabanatuan

8
KAGAMITANG PANG-AKTIBIDAD NG MGA MAG-AARAL (LAS)
(MODYUL 6)
PAKSA:
Proyektong Panturismo Batay sa Pananaliksik
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
katutubong kulturang Pilipino.
F8PU-Ii-j-23
NILALAMAN:
Basahin ang maikling kasaysayan ng Lungsod ng Cabanatuan na tiyak kong kapu-pulutan ng aral. Sikaping matukoy ang
mahahalagang pangyayari kung paano nabuo ang Cabanatuan.
Sa pagdiriwang ng ika-animnapu’t limang taon ng pagkakatatag ng Lungsod ng Cabanatuan ay nararapat lamang
na ating balikan ang isa sa mga makukulay nitong kasaysayan. May tatlong alamat ang pinagmulan ng pangalang
“Cabanatuan”. Ang una ay “Kabatuhan” batay sa dahilang noong unang panahon ay mabato ang lugar na ito. Ikalawa,
sinasabing ito ay galing sa pariralang “Kaban ng Tuwa” na pinag-isa at naging Cabanatuan. Ito ay tumutukoy sa kasiyahan
ng mamamayan tuwing panahon ng anihan. Subalit ang ikatlong alamat, ang malawakang tinatanggap sa tatlo, ay ang
“Banatu”. Sa mga nakalipas na taon, nakaugalian na nating tawagin ang pista ng bayan sa simpleng pariralang “Araw ng
Cabanatuan”. Bagamat taunang nagdudulot ng saya sa mga lehitimong Cabanatueno, ito ay hindi pansin o kilala sa buong
bansa.
Sa pangunguna ng bagong tatag na Departamento ng Turismo at Impormasyon, at sa tagubilin na rin ng ating
mahal na dating ama ng Lungsod ng Cabanatuan, Mayor Julius Cesar V. Vergara, minarapat po nating humanap ng isang
katutubong kataga na maaari nating maihambing sa mga pista ng bayan katulad ng Panagbenga sa Baguio, Sinulog ng
Cebu, at Ati-atihan ng Kalibo, Aklan. Isang kataga na sumasalamin sa tunay na kakayanan ng lungsod ng Cabanatuan.
Pagsasalarawan ng ating nakaraan, ngayon at bukas, at higit sa lahat, isang kapistahan na pagsasaluhan, hindi lamang ng
mga taga-Cabanatuan, kundi ng buong sambayanan para sa pagpapalakas ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng lokal
na turismo.
Ang Banatu ay isang uri ng baging na matatagpuang yumayabong sa kabila ng hirap ng “buhay” sa gilid ng
kailugan. Ang baging na ito ay ginagawang panali ng baklad, palukso at bunuhan. Pang-bigkis upang magsilbing gabay at
pang-patibay. Kahalintulad, ang Cabanatuan ay namulat sa isang masalimuot na nakaraan. Bagamat dumaan sa mga
pagsubok, sa pinagsamang tibay at pagkakaisa ay nakarating sa katayuan ngayon bilang sentro ng ekonomiya ng lalawigan
ng Nueva Ecija.
Ang Banatu Festival ay may tatlong kinakatawan: isang pagbabalik tanaw kung saan nga ba tayo nagsimula,
isang pasasalamat, at higit sa lahat, isang pagdiriwang, hindi lamang para sa mga taga-Cabanatuan, kundi para rin sa
ating mga panauhin mula sa loob at labas ng bansa.
Cabanatuan, tara na at pasyalan!

PAGTATAYA SA NATUTUHAN

Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot na hinihingi sa
bawat bilang at isulat sa patlang.

______1. Ilan ang alamat na pinagmulan ng kasaysayan ng Cabanatuan.


a. 2 b. 3 c. 4 d. 5
______2. Ito ang unang alamat ng Cabanatuan kung saan mabato ang lugar na ito noong unang panahon.
a. kaban ng tuwa b. kabatuhan c. banatu d. kaban ng kabanatu
______3. Ito ang alamat ng Cabanatuan na sinasabing galing sa sa kasiyahan ng mamayan tuwing panahon ng anihan.
Pinaniniwalaang ito ay nagmula sa dalawang parirala.
a. kaban ng tuwa b. kabatuhan c. banatu d. kaban ng kaban
______4. Sa aling alamat ng Cabanatuan sinasabing nagmula ang lugar sa isang uri ng bag-ing na matatagpuang
yumayabong sa kabila ng hirap ng “buhay” sa gilid ng kailugan.
a. kaban ng tuwa b. kabatuhan c. banatu d. kaban ng kaban
______5. Tuwing kailan ipinagdiriwang ang “Araw ng Cabanatuan”?
a. Enero b. Pebrero c. Marso d. Hunyo

1
Gawain 2:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap na may kaugnayan sa pagdiriwang ng kapistahan. Tukuyin
ang iba’t ibang paraan ng pagdiriwang sa Pilipinas. Piliin sa mga sumusunod na titik ang sagot na hinihingi sa bawat bilang
at isulat sa patlang.

A. Pasko Araw ng mga Puso


B. Bagong Taon
C. Mahal na Araw
D. Araw ng mga Bayani
E. Araw ng mga patay

______1. Ito ay ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Enero. Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng
Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan ang mga kasapi ng mag-anak.
______2. Ipinagdiriwang ito upang mag-alay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa.
Sinasariwa dito ang kanilang mga ginamapan at sakripisyo. Pinahahalagahan sa araw na ito para sa kalayaan at
kapakanan ng bansa.
______3. Tuwing sasapit ang ika-14 ng Pebrero ito ipinagdiriwang. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung
gaano natin sila inaalala. Marami tayong ginagawang paraan gaya ng pagbibigayan ng kard o anumang alaala sa
araw na ito.
______4. Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang na ito tuwing sasapit ang ika-25 ng Disyembre.
Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano.
_______5. Isang napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino. Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos
nito. Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay
ni Kristo.

PERFORMANCE TASK #1:

Likhain Mo
Panuto: Magsaliksik ng isang pagdiriwang na nagpapakita ng mga katutubong kultura, gawi at tradisyon sa inyong
lugar. Sa iyong isasagawang pananaliksik, gumamit nga mga makatotohanang datos o impormasyon. Maaaring
gumamit ng pakikipanayam sa magulang o mga kawani ng iyong barangay. Sikaping masunod ang mga hakbang sa
paglikha ng pananaliksik. Maaaring maging gabay ang iyong binasang teksto. Isulat ang iyong sagot sa isang buong
papel. ISULAT o I-PRINT ITO SA LONG BONDPAPER, SUNDAN ANG BALANGKAS NA NASA IBABA.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Tatayain ang iyong isasagawang pananaliksik sa pamamagitan ng rubrik sa pagmamarka.

 Paksa 5
 Daloy ng Pananaliksik 10
 Awtentik 10
 Istilo ng pagsulat (wastong pagbabantas) 5
 Kabuuan 30

Balangkas sa Pagbuo:

Pamagat ng Pananaliksik:__________________________________________
Mananaliksik: ___________________________________

Panimula:

Paglalahad ng nakuhang Datos:

Konklusyon:

You might also like