You are on page 1of 17

MONDAY FEBRUARY 20, 2023

WEEK 2 DAY 1
FILIPINO V
8:00-8:50 LOVE 9:00-9:50 CHARITY 10:30-11:20 HONESTY
I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Pamantayan sa Pagganap
 Nakapa-uulat ng impormasyong napakinggan at nakabubuo ng balangkas ukol dito.
Pamantayan sa Pagkatuto (MELC)
 Napagsusunod- sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsunod-
sunod)
II. PAKSANG-ARALIN: Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari
LC CODE: F5PN-IIIb-8.4
SANGGUNIAN: MELC Filipino Grade V p. 219, PIVOT 4A BOW p. 54
KAGAMITAN: kuwaderno, ppt, ballpen, laptop
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Padiktang Pagsulat
Mahalaga na magbasa tayo ng aklat araw-araw
Dapat natin panatilihin ang kalinisan ng ating paaralan
Mahalin at alagaan natin ang ating mga magulang
2. Pagbabalik-aral
PANUTO: Ayusin ang tamang pagkakasunod-sunod ng paraan ng paglalaba ng damit. Ilagay ang
bilang 1, 2, 3 4 at 5 sa patlang.
____ Maglagay ng sabon sa palanggana.
____ Banlawan ng tatlong beses ang mga damit.
____ Ihiwalay ang mga puting damit sa mga de-kulay na damit.
____ Kusutin nang mabuti ang mga damit.
____ Isampay ang mga nalabhan na mga damit.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Magpapalaro sa mga mag-aaral tungkol sa pagsasaayos ng mga babanggitin ng guro.
a. Ayusin ang edad simula pinakabata hanggang pinakamatanda
b. Ayusin ang taas simula malaki hanggang maliit
c. Ayusin simula sa may salamin hanggang sa walang salamin.

2. Paghahawan ng ng Balakid
Basahin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. Mapukaw – mapansin
2. Kahihinatnan – kalalabasan
3. Distansiya – layo
3. Paglalahad
Pakinggan ang babasahin ng guro at sagutin ang mga tanong sa ibaba
Ang ating daigdig ay binubuo ng mga kontinente. Kontinente ang tawag sa malalaking
dibisyon ng lupain sa daigdig. Binubuo ang daigdig ng pitong kontinente. Ang pinakamalaking
kontinente ay ang Asya. Dito napabibilang ang ating bansa. Ang sumunod na pinakamalaki ay
ang Africa. Sa Africa matatagpuan ang pinakamaraming bansa kung ihahambing sa iba pang
mga kontinente. Ang Hilagang Amerika at Timog Amerika ang sumunod sa listahan ng mga
malalawak na kontinente. Sinusundan naman ito ng Antarktika. Ang Europa naman ang ikalawa
sa pinakamaliit na kontinente at ang pinakamaliit ay ang Australia.

Ano-ano ang mga kontinenteng bumubuo sa ating daigdig?


Itala natin ayon sa wastong pagkakasunod-sunod mula sa pinakamalaki hanggang sa
pinakamaliit.
1. ___________ 2. ______________ 3. ___________ 4. _______________
5. ___________ 6. ______________ 7. ___________
4. Pagtalakay
Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan ay isang paraan ng
pagbubuod, kung saan mahalaga ang kasanayan sa pagkuha ng mga pangunahing kaisipan ng
bawat talata o pangungusap sa teksto. Lubos sa nakatutulong ito upang makuha rin ang
mahahalagang detalye at impormasyon sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
Kronolohikal na Pagkakasunod-sunod
Sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod, ang paksa ay ang tao o kung anong bagay na
inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad, taon, distansiya, tindi,
halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami at iba pang impormasyon at mahalagang pangyayari
ayon sa petsa gaya ng tiyak na araw at taon .
Kahalagahan ng Tamang Pagkakasunod ng mga Pangyayari
Mahalaga ang tamang pagkakasunod ng mga pangyayari dahil sa mga sumusunod na
dahilan:
1. Upang mailahad nang maayos ang kuwento o teksto. Importante na tama ang pagkakasunod
ng mga pangyayari nang sa gayon ay maayos ang magiging takbo ng kuwento.
Napakaimportante sa isang kuwento ang simula, gitnang bahagi at wakas nito.
2. Upang maintindihan ang mensahe ng kuwento. Kung magiging magulo ang pagkakasunod-
sunod ng pangyayari ay mahihirapan ang tagapakinig o mambabasa na intindihin kung ano
talaga ang mensahe na nais ipahiwatig ng kuwento o teksto.
3. Upang mapukaw ang interes ng tagapakinig o mambabasa. Ang tamang pagkakasunod ng
pangyayari sa pagsasalaysay ay pumupukaw rin ng interes ng tagapakinig o mambabasa
dahil naaaliw sila sa bawat pangyayari. Nabubuo ang magandang ugnayan ng tagapakinig o
mambabasa sa kuwento. Nagkakaroon sila ng pagnanais na malaman ang kahihinatnan ng
kuwento.
5. Kasanayang Pagpapayaman
Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat patlang ayon sa wastongpagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari mula sa pinakaumpisa/ pinakaunahanggang sa pinakahuli.
Ebolusyon ng Wikang Pambansa
______ Hunyo 4, 1946 --Ang Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal
______ Disyembre 30, 1937 – Iprinoklama ang wikang Tagalog na magiging batayan ng Wikang
Pambansa
______ 1940 -- Ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang Pambansa sa ikaapat na taon. Sa
pampubliko at pribadong paaralan
______ 1959 – Ang Wikang Pambansa ay tatawaging Filipino upang maiwasan ang Mahabang
katawagang “ Wikang Pambansang Filipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”
_____ 1987 -- Filipino na ang ngalan ng wikang Pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na
nagtatadhanang” ang Wikang Pambabnsa ng Pilipinas ay Filipino.
6. Karagdagang Gawain
Pakinggan ang tekstong babasahin at punan ng wastong datos bawat bilang.
Paghahanda sa Bagyo
Ang ating bansa ay madalas dalawin ng bagyo. May mga bagyong mahihina lamang subalit
mayroon ding mga mapaminsala kaya mahalaga na handa tayo kapag may bagyong paparating.
Unang-una, sundan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang balitang tungkol sa panahon.
Pangalawa, ay mag-imbak ng pagkain sa bahay at mga emergency kits. Pinakamahalaga sa
lahat ay manatiling mahinahon sa lahat ng sandal upang makaiwas sa dagdag na sakuna.
Panghuli, kailangang makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago ng panahon.
Isulat ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga dapat gawin kapag may bagyo.
1. __________ 2. ___________ 3. ___________ 4. _____________
7. Paglalahat
Ano ang kronolohikal na pagkakasunud-sunod?
Bakit mahalaga ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari?

IV. PAGTATAYA
Pakinggan ang babasahin na teksto pagkatapos ibigay ang pagkakasunud-sunod na mga pangyayari.
“Misa de Gallo”
Noong panahon ng mga kastila, ang mga prayleng Kastila ay nagpupunta sa bukid kung panahon
ng kapaskuhan. Ito ang panahon na ang mga magsasaka ay nakapag aani ng kasaganaan sa kanilang
bukirin. Sa gayon, nagkakaroon sila ng pandiriwang at kasayahan bilang pasasalamat.
Nagsasagawa ng misa ang mga pari sa unang pagtilaok ng manok bilang pasasalamat sa
masaganang ani sa bukirin.
Simula noon, sa panahon ng kapaskuhan, nagtutungo na sa bahay-bahay ng mga magsasaka ang
mga pari para magsagawa ng misa. Patuloy na isinasagawa ang kaugaliang ito hanggang ito’y maging
isang tradisyon. Ang pagmimisang ito ng mga pari ang tinatawag na “Misa de Gallo”.
Panuto: Lagyan ng titik A–F ang mga pangyayari o ideya ayon sa pagkakasunud- sunod ng mga ito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Ang pagmimisa sa unang pagtilaok ng manok ay isinasagawa ng mga pari sa bahay ng mga
magsasaka.
_____2. Ang pagmimisa ay tinaguriang “Misa de Gallo”.
_____3. Simula noon, nagpupunta na sa bahay-bahay ang mga pari upang magmisa sa panahon ng
kapaskuhan.
_____4. Isinasagawa na ito, hanggang maging isang tradisyon.
_____5. Nagkakaroon ng pagdiriwang bilang pasasalamat sa masaganang ani.
_____6. Noong panahon ng Kastila, nagpupunta sa bukid ang mga pari kung panahon ng
kapaskuhan.
V. KASUNDUAN
Isulat sa kuwaderno ang edad ng kanilang pamilya na kasama sa bahay simula bata hanggang
matanda.

LOVE HONESTY CHARITY


PL= ___________ PL= ___________ PL= ___________
5x ______= _______ 5x ______= _______ 5x ______= _______
4x ______= _______ 4x ______= _______ 4x ______= _______
3x ______ = _______ 3x ______ = _______ 3x ______ = _______
2x ______ = _______ 2x ______ = _______ 2x ______ = _______
1x ______= _______ 1x ______= ________ 1x ______= _______
0x ______ = _______ 0x ______ = _______ 0x ______ = _______

NO OF PUPILS: NO OF PUPILS: NO OF PUPILS:


TUESDAY FEBRUARY 21, 2023
WEEK 2 DAY 2
FILIPINO V
8:00-8:50 LOVE 9:00-9:50 CHARITY 10:30-11:20 HONESTY
I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
 Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
 Nakapag-uulat ng impormasyong napakinggan at nakabubuo ng balangkas ukol dito.
Pamantayan sa Pagkatuto (MELC)
 Napagsusunod- sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsunod-
sunod)
II. PAKSANG ARALIN: Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari
LC CODE: F5PN-IIIb-8.4
SANGGUNIAN: MELC Filipino Grade V p. 219, PIVOT 4A BOW p. 54
KAGAMITAN: kuwaderno, ppt, ballpen, laptop
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Padiktang Pagsulat
Ang mga bata ay maging masunurin sa kanilang magulang.
Tayo ay magkaisa para sa samabayanan.
Dapat ugaliin natin na maglinis ng ating kapaligiran.
2. Pagbabalik-aral
Ano ang mga dapat tandan sa pagsunod ng isang panuto?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Panuto: Isulat sa isang malinis na papel ang iyong ginagawa bago pumasok sa paaralan, ayusin
ang bawat pangyayari sa ibaba sa wastong pagkakasunod-sunod.
• Kumain ng alamusal bago pumasok.
• Iligpit ang higaan.
• Ihanda ang mga gamit para sa paaralan.
• Pumunta sa banyo at maligo.
• Magpaalam sa magulang bago umalis papuntang paaralan.
2. Paghahawan ng ng Balakid
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita
1. Dekorasyon – palamuti
2. Lansangan – daanan
3. Kaligayahan - kasiyahan
3. Paglalahad
‘Bordi’ Geocadin, Kidney, Bago na
Tagumpay ang isinasagawang operasyon ng mga dalubhasang doktor sa National Kidney
Institute kay Bryan “Bordi” Geocadin, ang 12-anyos na batang nagkaroon ng di-pangkaraniwang
sakit sa bato.Ayon kay NKI Executive Director Filoteo Alano, ang matagumpay na operasyon kay
Bordi ay bunga na rin ng ipinamalas na determinasyon ng bata na malagpasan ang kanyang
karamdaman.
“Humanga kami sa kanyang ipinakitang lakas ng loob sa halos limang oras na operasyon
upang palitan ang kanyang bato na may misteryosong depekto ,” sabi pa ni Alano. Sinabi
naman ni Dr. Enrique Una, kabilang sa walo kataong dalubhasang doktor na umopera kay Bordi,
bagaman hindi magkatugma ang ipinalit na bato sa katawan ng bata, tiniyak nila na ang batong
nanggaling sa ama nitong si Brydon ay “aayon” sa Sistema ng katawan ni Bordi. “Malaki ang
aming paniniwala na pagkatapos ng dalawang linggong obserbasyon, ang bagong bato sa
katawan ni Bordi ay sasang-ayon sa kanyang katawan,” wika ni Dr. Una. Sa ngayon, ang bata ay
nasa recovery room na ng ospital at umaasa sa kanyang tuluyang paggaling. Umaasa rin si
Bordi na paggaling niya ay makalaro ang kanyang paboritong child actor na si Vandolph, ang
anak ng pamosong komedyanteng si Dolphy at aktres na si Alma Moreno.
“Sana, dumalaw rito si Vandolph para kami ay makapaglaro at makapagkuwentuhan at
pagkatapos ay magkasalo kaming kakain ng alimango, sugpo at bagoong,” pabulong na hiling ni
Bordi sa kanyang tiyahing si Honey Geocadin Vidal. Samantala, taos-pusong pinasalamatan ni
Bordi at ng buong pamilya Geocadin ang mga taong nagmamalasakit sa bata para malagpasan
nito ang krisis na naganap sa kanyang buhay.
Lagyan ng tamang bilang 1-5 ang mga tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Pinasalamatan ni Bordi at ng kanyang pamilya ang mga taong nagmamalasakit sa kanya.
_____2. Sa ngayon ang bata ay nasa recovery room at nagpapagaling.
_____3. Tagumpay ang isinagawang operasyon ng mga dalubhasang doktor ng National Kidney
Institute kay Bordi.
_____4. Humanga sa katatagan ng loob ni Bordi si Director Filoteo Alano.
_____5. Umaasa si Bordi na paggaling niya ay makakalaro niya ang paboritong actor na si
Vandolph.

4. Pagtalakay
Sa pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa isang proseso, mapapansing lohikal ang
batayan. May dahilan kung bakit dapat mauna ang isang hakbang kaysa ikalawa. Anumang
proseso o pangyayari ay may pagkakasunod-sunod. Ang buhay ng tao, hayop, at maging
pagtubo ng halaman ay may pagkakasunod-sunod ang isang bagay bago nabuo ay may
pinagdaanang proseso o hakbang.
Ang bawat kwento ay binubuo ng mga sunud-sunod na pangyayari: simula, gitna, at
wakas. Ang pagsunud-sunod ay naglalayon ding ipabatid sa mga mambabasa ang isang paksa
sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon sa parang;
a. Sekwensyal- ito ay pinagkalooban ng mga serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa
na humantong sa isang pangyayari na siyang pinakapaksa ng teksto, kwento,
pangyayari at iba pa.
b. Kronoholohikal – ito ay mga impormasyon at mahalagang pangyayari at ginagamit ayon sa
petsa gaya ng tiyak na araw at taon.
c. Prosidyural – ito ay tungkol sa serye ng gawain upang matamo ang inaasahang hangganan
o resulta.
5. Kasanayang Pagpapayaman
Pakinggang mabuti ang babasahin ng guro at ayusin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari.
Pistang Bayan
Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga Pilipino. Bago pa
dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani kanilang mga tahanan,
naglalagay ng dekorasyon sa mga lansangan at naghahanda ng mga pagkain.
Sa madaling-araw naririnig ang ingay ng baboy, kambing, itik, manok, bibe, baka at iba
pang hayop na pinapatay.
Sa araw ng kapistahan, makikita ang mga matatanda at bata na masayang nagsisimba,
nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang umiikot. Masaya rin silang
lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan upang pagsaluhan ang inihandang pagkain.
Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga palabas. Pagkatapos ng pista,
masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng pinagkainan at nagkukuwenta ng
pinagkagastusan subali’t makikita mo sa kanilang mga mukha ang labis na kaligayahan
Ayon sa isinasaad ng mga pangyayari sa kuwentong binasa, ayusin ang mga ito ayon sa
wastong pagkakasunud-sunod. Isulat ang titik A-F. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______ sumasama sa prusisyon
______ naglilinis ng tahanan
______ masayang nagsisimba
______ naglalagay ng dekorasyon
______ nagkukuwenta ng pinagkagastusan
______ nagpapatay ng hayop
6. Karagdagang Gawain
Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing kuwento at pag-aralan ang tamang pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari.
LUPIG
Sa isang lupain na kung tawagin ay Ilam nakatira ang isang binatang mandirigma na
nagngangalang Sata, anak ni Kular, pinuno ng kanilang lipi. Naging mabuting mentor si Kular sa
anak na si Sata sa larangan ng pakikipagdigma. Sinanay niya ito sa paghawak ng espada upang
ilaban sa mortal niyang kalaban na si Tamo.
At dumating ang araw ng pagtutuos. Gulat ang nadama ni Sata na hindi si Tamo ang
kanyang makakaharap, itoy si Rala ang nag – iisang binata sa angkan ni Tamo. Nagsimulang
magpambuno ang dalawa. Pareho silang magsinlakas at magsinggilas. Tumagal ang kanilang
labanan ng mga araw at linggo. Sa tagal ng kanilang laban ay kapwa silang nakadama ng
pagod. Pareho silang hindi nasugatan at nagalusan man lamang. Bigla, nagising sila sa
katotohanan na hindi sila ang magkaaway. Ipit sila sa alitan ng angkan at hindi nila alam ang
puno’t dulo nito. Nagyakap ang dalawa at pinangakong ititigil na ang walang kwentang alitan.
Panuto: Ayusin ang sumusunod na mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod- sunod.
Isulat ang bilang 1-5. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______ Gulat ang nadama ni Sata na hindi si Tamo ang kanyang makakaharap. Ito’y si Rala,
ang nag-iisang binata sa angkan ni Tama.
_______ Naging mabuting mentor si Kular sa anak na si Sata na sa larangan ng pakikipagdigma.
_______ Sa tagal ng kanilang labanan, ni isa man sa kanila’y hindi nasugatan o nagalusan man
lang.
_______ Sa isang lupain na kung tawagin ay Ilam nakatira ang isang mandirigmang si Sata,
anak ni Kular, pinuno ng kanilang lipi.
_______ Nagsimulang magpambuno ang dalawa at kapwa sila magsinlakas at Magsinggilas.
7. Paglalahat
Paano aayusin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari?
IV. PAGTATAYA
Pakinggang ang babasahin at unawain ang istorya sa buhay ni Theo. Pagkatapos ay pagsunud-sunurin
ang sumusunod nitong mga pangyayari sa kronolohikal na ayos. Isulat ang bilang 1-5 sa iyong
kuwaderno.
Si Theo ay isang batang mula sa mayamang pamilya. Ipinanganak siya sa Amerika noong Hunyo 8,
1998 ng kanyang mga magulang na kapwa Pilipino. Noong taong 2002 na siya’y limang taong gulang
pa lamang ay umuwi na sila ng Pilipinas. Naawa siya nang makita niya ang mga batang kasing edad
niya na pagala-gala sa lansangan at namamalimos. Kaya agad siyang humingi ng paalam sa kanyang
mga magulang upang ibahagi sa kanila ang kanyang pagkain. Agad namang sumangayon ang mga
butihin niyang magulang. Mula noon ay tumutulong na siya sa mga kapus-palad. Ipinangako niyang
magsusumikap siya sa kanyang pag-aaral upang maging doktor at maipagpatuloy ang pagtulong sa
mga mahihirap. Sa kasalukuyan, isa na siyang napakagaling na doktor ng ating bansa na patuloy na
nag-aalay ng tulong sa mga Pilipinong mahihirap.
______ Nag-aral ng medisina si Theo.
______ Umuwi siya ng Pilipinas noong 2002 kasama ang kanyang mga magulang.
______ Ipinanganak siya noong Hunyo 8, 1998 sa Amerika.
______ Ipinagkaloob niya ang kanyang pagkain sa mga batang mahihirap.
______ Siya’y naging doktor at patuloy na tumutulong sa mahihirap na Pilipino.

V. KASUNDUAN LOVE HONESTY CHARITY


Isulat sa inyong kuwaderno PL= ___________ PL= ___________ PL= ___________
ang 5x ______= _______ 5x ______= _______ 5x ______= _______
pagkakasunud-sunod ng inyong 4x ______= _______ 4x ______= _______ 4x ______= _______
mga ginagawa sa araw-araw. 3x ______ = _______ 3x ______ = _______ 3x ______ = _______
2x ______ = _______ 2x ______ = _______ 2x ______ = _______
1x ______= _______ 1x ______= ________ 1x ______= _______
0x ______ = _______ 0x ______ = _______ 0x ______ = _______

NO OF PUPILS: NO OF PUPILS: NO OF PUPILS:


WEDNESDAY FEBRUARY 22, 2023
WEEK 2 DAY 3
FILIPINO V
8:00-8:50 LOVE 9:00-9:50 CHARITY 10:30-11:20 HONESTY
I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Pamantayan sa Pagganap
 Nakapa-uulat ng impormasyong napakinggan at nakabubuo ng balangkas ukol dito.
Pamantayan sa Pagkatuto (MELC)
 Napagsusunod- sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsunod-
sunod)
II. PAKSANG-ARALIN: Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari
LC CODE: F5PN-IIIb-8.4
SANGGUNIAN: MELC Filipino Grade V p. 219, PIVOT 4A BOW p. 54
KAGAMITAN: kuwaderno, ppt, ballpen, laptop
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Padiktang Pagsulat
Ang paggalang ay tanda ng magalang kaugalian.
Dapat na maging maingat tayo sa kalamidad na dadating sa atin.
Pahalagahan natin ang ating mga magulang.
2. Pagbabalik-aral
Ano-ano ang mga panuto na dapat natin sundin sa pakikinig?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Basahin / Makinig na mabuti sa kuwentong babasahin ng guro. Ayusin ang mga pangungusap
gamit ang titik A, B, C, D at E ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Isulat
sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Si Aling Larah ay nagtitinda sa palengke. Tuwing Lunes, ay namimili siya ng kanyang mga
paninda sa Divisoria. Martes naman ay nasa puwesto na siya at nagtitinda sa palengke.
Miyerkules, nagtutungo siya sa Baclaran para magsimba. Huwebes hanggang Sabado ay muling
nagtitinda siya. Ang araw ng Linggo ay inilaan naman niya para sa kanyang pamilya. Sama-
sama silang nagsisimba at kumakain sa mga sikat na kainan sa kanilang lugar.
_____ Linggo, inilaan niya para sa kanyang pamilya at sa pagsisimba.
_____ Lunes, namimili siya ng kanyang mga paninda sa Divisoria.
_____ Huwebes hanggang Sabado muli siyang nagtitinda sa palengke.
_____ Si Aling Larah ay nagtitinda sa palengke.
_____ Miyerkules, nagtutungo siya sa Baclaran para magsimba.
2. Paghahawan ng ng Balakid
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita
1. Pamantasan – isang paaralan sa kolehiyo
2. Agham – siyensiya
3. Puhunan – perang gagamitin sa negosyo
3. Paglalahad
Basahin / Pakinggan ang maikling talambuhay.
Ang Talambuhay ni Ricardo Manuel
Si Ricardo Manuel ay ipinanganak noong Enero 31, 2009 sa Lipa, Batangas. Ang kanyang
mga magulang ay sina Eleonor Cruz at si Simeon Manuel ang kanyang ama. Nagtapos siya sa
Paaralang Elementarya ng Lipa na may karangalan. Sa Mataas na Paaralan ng Rizal naman siya
pumasok ng sekundarya. Muli siya ay nagkamit ng karangalan ng siya ay magtapos.
Dala ng kahirapan, hindi na siya kayang pag- aralin ng kanyang mga magulang sa kolehiyo.
Masipag at matalino si Ricardo, ayaw niyang tumigil sa kanyang pag-aaral. Nag-aplay siya ng
mga Scholarship Program sa pamantasan na nais niyang pasukan. Sa kabutihang palad,
nakapasa at natanggap siya sa pamantasan. Nakatapos siya sa kanyang kolehiyo na may
pinakamataas na karangalan.
Laking tuwa ng kanyang mga magulang at taos-puso silang nagpasalamat sa Poong
Maykapal
Tingnan natin kung paano isinulat ang bawat pangyayari gamit ang bilang 1 hanggang 5 sa
pagkakasunod-sunod na pangyayari o kronolohikal na pagsusunod-sunod.
1. Si Ricardo Manuel ay ipinanganak noong Enero 31,2009.
2. Nagtapos siya sa Paaralang Elementarya ng Lipa na may Karangalan.
3. Dahil sa kahirapan hindi na siya kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang.
4. Nag-apply siya sa sholarship program ng Pamantasan.
5. Laking tuwa ng kanyang mga magulang ng siya ay makapagtapos sa kolehiyo na may
pinakamataas na karangalan.

4. Pagtalakay
Kronolohikal na pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
Ang kronolohikal na pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ay tumutukoy sa agham na pag-
aayos ng mga pangyayari ayon sa kung ano ang nauna batay sa petsa gaya ng tiyak na araw at
taon o panahon. Ito ay gumagamit ng mga panandang noong una, habang, pagkatapos,
kasabay
nito, hanggang sa huli at iba pa. Sa kasanayang ito dapat pakinggan at unawaing mabuti ang
teksto upang magawa natin nang tama ang kronolohikal na pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa nabasa o napakinggang teksto.
5. Kasanayang Pagpapayaman
Basahin / Pakinggan ang kuwento.
Si Roman ay isang taksi drayber. Nagpapasada siya ng taksi mula ika-6 ng umaga hanggang
ika-8 ng gabi. Madalas ay inaabutan siya ng gutom sa pamamasada dahil sa kagustuhan niyang
maihatid nang maayos ang kanyang mga pasahero. Isang araw isa sa kanyang naging pasahero
ay nakaiwan ng bag sa kanyang taksi at nakita ni Roman na may mahahalagang papeles at
malaking halaga ng pera. Hindi siya nagdalawang-isip na isauli ito sa may-ari ng bag. Natuwa
ang may-ari sa katapatang ipinakita ni Roman kaya binigyan siya ng magandang
trabaho sa kanilang kumpanya.
PANUTO: Gamitin ang mga Patinig na A, B, C, D at E sa pag- aayos ng pangungusap ayon sa
kronolohikal na pangyayari. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
_____ 1. Madalas inaabutan ng gutom sa pamamasada si Roman.
______2. Binigyan siya ng magandang puwesto sa kanilang kumpanya.
______3. Isinauli ni Roman ang bag na may mahahalagang papeles at malaking halaga ng pera.
______4. Si Roman ay isang taksi drayber.
______5. Nagpapasada siya mula ika-6 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi
6. Karagdagang Gawain
Kopyahin at pagsunud-sunurin ayon sa kronolohikal na ayos ang mga pangungusap sa ibaba.
Isulat ang bilang 1- 5 sa patlang. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
A. Lumipat sa Negros ang kanyang pamilya noong taong 1985.
B. Siya’y nagtapos ng BEED sa Negros Oriental State University noong 2000.
C. Nagtapos ng kursong abogasya sa San Beda College of Law noong 2005.
D. Si Ramon Grande ay isinilang noong Marso 28,1980.
E. Siya ay pinarangalan noong taong 2010 sa Negros Oriental.
7. Paglalahat
Ano ang kronolohikal na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari?
IV. PAGTATAYA
Basahin / Makinig sa kuwentong babasahin ng guro. Ayusin ang mga pangungusap ayon sa
kronolohikal na pagkakasunod-sunod nito gamit ang bilang 1,2, 3, 4, at 5.
Si Donya Marina ay likas na mayaman. Lahat ng bagay na naisin niya ay ibinibigay ng kanyang mga
magulang. Nabibili niya ang lahat ng gusto niya. Subalit ganunman ang kanyang kalagayan sa buhay,
si Donya Marina ay may magandang pag-uugali. Pagkagising niya sa umaga ang una niyang ginagawa
ay manalangin at magpasalamat sa Diyos. Susundan niya ito ng pagpunta sa simbahan at namimigay
ng tulong sa mga mahihirap.
Pagkatapos nito, siya ay nagpupunta sa sementeryo at nagdadala ng bulaklak sa namayapa niyang
mga magulang. Nag-aalay siya ng panalangin para sa mga ito. Mahal na mahal niya ang kanyang mga
magulang. Pag-uwi niya sa kanilang tahanan ay may mga taong naghihintay sa kanya para humingi ng
tulong.
Tinutulungan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa kanila. Minsan ay
binibigyan niya sila ng perang pampuhunan sa maliit na negosyo. Dahil dito, labis siyang minahal at
pinahalagahan ng kanyang mga kapitbahay.
____ Pag-uwi niya sa kanilang tahanan ay may mga taong naroroon na para humingi sa kanya ng
tulong.
____ Siya ay nagpupunta sa sementeryo at nagdadala ng bulaklak sa namayapa niyang mga magulang.
____ Pagkagising niya, siya ay nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos.
____ Si Donya Marina ay likas na mayaman.
____ Labis siyang minahal at pinahalagahan ng kanyang mga kapitbahay
V. KASUNDUAN
Pag-aralan ang pagbuo ng tanong sa napakinggang teksto.

LOVE HONESTY CHARITY


PL= ___________ PL= ___________ PL= ___________
5x ______= _______ 5x ______= _______ 5x ______= _______
4x ______= _______ 4x ______= _______ 4x ______= _______
3x ______ = _______ 3x ______ = _______ 3x ______ = _______
2x ______ = _______ 2x ______ = _______ 2x ______ = _______
1x ______= _______ 1x ______= ________ 1x ______= _______
0x ______ = _______ 0x ______ = _______ 0x ______ = _______

NO OF PUPILS: NO OF PUPILS: NO OF PUPILS:


THURSDAY FEBRUARY 23, 2023
WEEK 2 DAY 4
FILIPINO V
8:00-8:50 LOVE 9:00-9:50 CHARITY 10:30-11:20 HONESTY
I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan, at damdamin.
Pamantayan sa Pagganap
 Nakagagawa ng isang ulat o panayam
Pamantayan sa Pagkatuto (MELC)
 Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay.
II. PAKSANG ARALIN: Pagbuo ng Tanong sa Napakinggang Salaysay
LC CODE: F5PS-IIIb-e-3.1
SANGGUNIAN: MELC Filipino Grade V p. 219, PIVOT 4A BOW p. 54
KAGAMITAN: kuwaderno, ppt, ballpen, laptop
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Padiktang Pagsulat
Dapat nating alagaan ang ating kalusugan.
Uminom tayo ng walong basong tubig araw-araw.
Umiwas tayo sa masamang bisyo.
2. Pagbabalik-aral
Bakit mahalaga ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan/nabasa?
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Masdan ang larawan.

Anong hayop ang nasa larawan?


Sa inyong palagay, bakit masikip ang damit ng kalabaw at maluwag naman ang sa baka.
2. Paghahawan ng ng Balakid
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita
1. Katuwang – kasama
2. Iniatas – ibinigay
3. Napagkasunduan - napagdesisyunan
3. Paglalahad
Basahin ang Alamat ng Baka at Kalabaw.
Alamat ng Baka at Kalabaw
Noon pa man ay matalik ng magkaibigan sina baka at kalabaw. Parehas silang katuwang ng
mga magsasaka sa gawaing bukid. Masipag sila at masunurin sa kanilang mga amo maski anong
hirap ng trabaho sa bukid. Ngunit mayroong isang kuwento tungkol sa dalawa nang isang araw
sila ay tinamad na magtrabaho.
Noong unang panahon ang pinakaunang baka at kalabaw ay itinalaga ni Bathala na
tumulong sa magsasaka sa gawaing bukid. Tulad ng kanilang amo, masipag sina baka at
kalabaw. Hindi nila inaanlintala ang bigat ng araro at init ng araw sa trabaho sa bukid. Araw-
araw na ganito ang ginagawa ng magkaibigang hayop. Sa gabi lamang sila nakapagpapahinga.
Isang gabi pagkatapos ng trabaho sa bukid ay nagsama-sama ang mga alagang hayop ng
magsasaka. Nagkuwentuhan sila sa kanilang ginawa sa buong maghapon.
Napansin ng dalawa mula na rin sa kuwento ng mga ibang hayop na sila lamang ang pagod
na pagod sa buong maghapong pagtatrabaho sa bukid. Samantalang ang ibang hayop ay walang
ginawa kundi maglaro o di kaya’y kumain lamang. Tulad na lamang ni manok na buong
maghapon daw na palakad-lakad lamang na naghahanap ng uod na makakain, o di kaya’y si
pato na palangoy-langoy lang daw sa ilog at si kambing na walang ring ginawa kundi kumain ng
kumain ng damo.
Kinabukasan, dahil sa mga narinig mula sa ibang hayop ay napagkasunduan ng dalawa na
magpahinga sa araw na iyon. Sa halip na magtrabaho ay pupunta sila sa katabing ilog upang
maligo. Inantay nilang makatulog ang magsasaka at saka tahimik na inalis ang mga suot na
araro at nagtungo sa may ilog.
Tinanggal ng dalawa ang kanilang mga balat at isinampay ito sa may puno saka tumalon sa
ilog. Ngunit biglang nagising ang magsasaka at nakita na nawawala ang dalawa. Hinanap niya
ang mga ito at natanaw niya sa may ilog na masayang naliligo.
Kinuha ng magsasaka ang kanyang pamalo at lumapit sa dalawang magkaibigan. Nagulat si
baka at kalabaw ng makitang papalapit sa kanila ang magsasaka. Dali-daling tumayo ang dalawa
at isinuot ang kanilang balat na nakasampay sa puno. Ngunit dahil sa pagmamadali at sa takot,
nagkapalit ng nakuhang balat ang dalawa. Dahil mas mataba si kalabaw masikip sa kanya ang
balat ni baka. Samantalang maluwag naman kay baka ang balat ni kalabaw kaya’t nakalawit sa
may leeg ang balat.
Nagmamakaawang humingi ng tawad ang dalawa sa magsasaka. Pinatawad niya ang mga
ito ngunit bilang parusa sa ginawa ng dalawa ay hindi na pinagpalit ng magsasaka ang mga balat
nila. Ito na rin ang magpapaalala sa dalawa na huwag maging tamad at gawin ang iniatas na
trabaho
Sagutan ang mga tanong:
1. Sino ang dalawang magkaibigan?
2. Anu ang napansin ng dalawang magkaibigan isang araw?
3. Bakit sila pumunta sa ilog?
4. Anu ang nangyari sa pag mamadali nilang dalawa?
5. Anu ang naging kaparusahan sa kanila?

4. Pagtalakay
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Pansinin ang mga pangungusap na ginawang
patanong.
Maaring gumawa ng tanong sa pamamagitan ng paggamit ng salitang sino, bakit, kailan,
saan at ano. Ito ay nagtatapos sa tandang patanong. Nasusukat ang kaalaman sa paggawa ng
tanong kung naintindihan mabuti ang tekstong binasa

a. Matalik na magkaibigan sina baka at kalabaw. Sino ang matalik na magkaibigan?


b. Napansin ng dalawa mula na rin sa kuwento Bakit pagod na pagod ang dalawa
ng mga ibang hayop na sila lamang ang pagod sa maghapon?
na pagod sa buong maghapong pagtatrabaho
sa bukid.
c. Kinabukasan, dahil sa mga narinig mula sa ibang Kailan nila napagkasunduan
hayop ay napagkasunduan ng dalawa ng magpahinga?
dalawa na magpahinga sa araw na iyon.
d. Sa halip na magtrabaho ay pupunta sila sa Saan sila nagpunta sa halip na
katabing ilog upang maligo. Magtrabaho?
e. Tinanggal ng dalawa ang kanilang mga balat at Ano ang kanilang tinanggal at
Isinampay ito sa may puno saka tumalon sa sinampay sap uno?
ilog.
5. Kasanayang Pagpapayaman
Panuto: Basahin ang sanaysay. Piliin at salugguhitan ang angkop na salita upang makabuo ng
tanong.
Ang Dakilang Lumpo
Tinawag na “Dakilang Lumpo” si Apolinario Mabini . Kahit siya may kapansanan, marami
siyang nagawa sa bayan. Nagsilbing utak siya ng himagsikan. Iginalang siya ng mga Amerikano
dahil sa angking talino. Nanungkulan siya bilang tagapayo ni Pangulong Aguinaldo . Dinakip siya
ng mga kawal –Amerikano at ipinatapon sa Guam . Noong 1903, namatay siya sa sakit na kolera
sa kaniyang bahay sa Nagtahan , Maynila.
1. (Sino,Paano,Kailan) ang Dakilang Lumpo?
2. (Bakit,Sino,Ano)iginalang siya ng mga Amerikano ?
3. (Ano,Kanino,Saan) ang naging katungkulan niya sa himagsikan?
4. (Saan,Sino,Ano)siya pinatapon ng mga Amerikano?
5. (Kailan,Saan,Sino) siya namatay sa sakit na kolera sa kaniyang bahay sa Nagtahan, Maynila
6. Karagdagang Gawain
Panuto: Piliin ang angkop na tanong sa mga pangungusap na nasa loob ng kahon.
Emilio Aguinaldo
Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala ngayon
sa tawag na Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad
Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay. Ang kanyang
ama ay ang inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na gobernador) sa
administrasyon ng Espanyol kolonyal. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran
ngunit ay hindi niya nagawang tapusin ito dahil sa pagsiklab ng kolera noong 1882. Si Emilio ay
naging "Cabeza de Barangay" ng Binakayan, isang punong baryo ng Cavite el Viejo noong siya
ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal.
1. Ipinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22, 1869.
A. Sino ang magulang ni Emilio Aguinaldo? C. Saan ipinanganak si Emilio Aguinaldo?
B. Bakit ipinanganak si Emilio Aguinaldo? D. Kailan ipinanganak si Emilio Aguinaldo?
2. Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit, Cavite)
A. Kailan siya ipinanganak? C. Saan siya ipinanganak?
B. Sino ang kanyang ina? D. Ano ang Cavite el Viejo?
3. Ang mga magulang ni Emilio Aguinaldo ay sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy
Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay
A. Sino ang kanyang asawa? C. Sino si Trinidad Famy Aguinaldo?
B. Sino si Carlos Jamir Aguinaldo? D. Sino ang kanyang mga magulang?
4. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin
ito dahil sa pagsiklab ng kolera noong 1882.
A. Bakit hindi natapos ni Emilio Aguinaldo ang kanyang pag-aaral sa Colegio deSan Juan de
Letran?
B. Bakit hindi natapos ni Carlos Jamir Aguinaldo ang kanyang pag- aaral sa Colegio deSan
Juan de Letran?
C. Bakit hindi natapos ni Aguinaldo ang kanyang pag-aaral sa Colegio de Letran?
D. Bakit hindi natapos ni Trinidad Famy Aguinaldo ang kanyang pag-aaral sa Colegio deSan
Juan de Letran?
5. Si Emilio ay naging "Cabeza de Barangay" ng Binakayan, isang punong baryo ng Cavite el Viejo
noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal.
A. Ano ang naging katungkulan ni Emilio Aguinaldo noong siya ay sampung gulang palang?
B. Ano ang naging katungkulan ni Emilio Aguinaldo noong siya ay labingwalong gulang
palang?
C. Ano ang naging katungkulan ni Emilio Aguinaldo noong siya ay labimpitong gulang
palang?
D. Ano ang naging katungkulan ni Carlos Aguinaldo noong siya ay labimpitong gulang
palang?
7. Paglalahat
Paano tayo makakabuo ng mga tanong mula sa ating napakinggang salaysay?
IV. PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Piliin ang angkop na tanong sa mga pangungusap
na nasa loob ng kahon.
Alamat ng Ilog Pasig
Payapa ang gabi noon, nagniningning ang mga tala sa langit. Nagsisilbing ilaw ang liwanag
sa buwan sa kapaligiran. Isang binata’t dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi.
Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan. Napagkasiyahan ng magkasintahan na
mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang Pilipina ang
isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata.
Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may
napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak nakita ang dalaga na nakalutang
sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-abot niyang iyon, ang bangkang kanilang sinasakyan
ay nawala sa balanse at nahulog ang binata. Sa di inaasahan, ang binata ay hindi marunong
lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawag niya si Paz na tulungan
siyang makaahon.
“Paz sigueme! Paz, sigueme!” Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo
ako. Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng
binata ay “Paz sig!” Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sa
pangyayaring ito ang ilog ay tinawag ng “Pasig” o Ilog Pasig.
1. Isang binata’t dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi. Nagawian na nilang
mamangka tuwing kabilugan ng buwan.
A. Sino ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi? C. Sino ang binate?
B. Sino ang namamasyal sa gabi? D. Sino ang dalaga?
2. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak nakita ang dalaga na nakalutang sa tubig. Agad niya
itong inabot. Subalit sa pag-abot niyang iyon, ang bangkang kanilang sinasakyan ay nawala sa
balanse at nahulog ang binata
A. Bakit nawalan ng balanse ang kanilang sinasakyan at nahulog ang babae?
B. Bakit nawalan ng balanse ang kanilang sinasakyan at nahulog ang binata?
C. Bakit nawalan ng balanse ang kanilang sinasakyan at nahulog ang magandang bulaklak?
D. Bakit nawalan ng balanse ang kanilang sinasakyan at nahulog ang bangka?
3. Sa di inaasahan, ang binata ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa
pagkalubog , tinatawag niya si Paz na tulungan siyang makaahon.
A. Sino ang tinatawag nya upang siya ay tulungan makaahon?
B. Sino ang tinatawag nya upang siya ay tulungan lumakad?
C. Sino ang tinatawag nya upang siya ay tulungan tumakbo?
D. Sino ang tinatawag nya upang siya ay tulungan lumangoy?
4.“Paz sigueme! Paz, sigueme!” Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo ako.
A. Ano ang ibig sabihin ng.“Paz sigme! Paz, sigme!”?
B. Ano ang ibig sabihin ng.“Paz siguele! Paz, siguele!”?
C. Ano ang ibig sabihin ng.“Paz sigueme! Paz, sigueme!”?
D. Ano ang ibig sabihin ng.“Paz sige me! Paz, sige me!”?
5. Dahil sa pangyayaring ito ang ilog ay tinawag ng “Pasig” o Ilog Pasig.
A. Ano ang naging tawag sa ilog? C. Saan matatagpuan ang ilog?
B. Bakit ito tinawag na ilog? D. Kailan ito tinawag na ilog?
V. KASUNDUAN
Sumulat ng dalawang tanong ayon sa napakinggang salaysay?

LOVE HONESTY CHARITY


PL= ___________ PL= ___________ PL= ___________
5x ______= _______ 5x ______= _______ 5x ______= _______
4x ______= _______ 4x ______= _______ 4x ______= _______
3x ______ = _______ 3x ______ = _______ 3x ______ = _______
2x ______ = _______ 2x ______ = _______ 2x ______ = _______
1x ______= _______ 1x ______= ________ 1x ______= _______
0x ______ = _______ 0x ______ = _______ 0x ______ = _______

NO OF PUPILS: NO OF PUPILS: NO OF PUPILS:


FRIDAY FEBRUARY 24, 2023
WEEK 2 DAY 5
FILIPINO V
8:00-8:50 LOVE 9:00-9:50 CHARITY 10:30-11:20 HONESTY
I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan, at damdamin.
Pamantayan sa Pagganap
 Nakagagawa ng isang ulat o panayam
Pamantayan sa Pagkatuto (MELC)
 Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay.
II. PAKSANG ARALIN: Pagbuo ng Tanong sa Napakinggang Salaysay
LC CODE: F5PS-IIIb-e-3.1
SANGGUNIAN: MELC Filipino Grade V p. 219, PIVOT 4A BOW p. 54
KAGAMITAN: kuwaderno, ppt, ballpen, laptop
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Padiktang Pagsulat
Maging maingat tayo sa pagsasalita sa ibang tao upang hindi makasakit ng kapwa.
Bawat isa ay magkaisa upang mapagtagumpayan ang pangarap.
Tayo ay maging mabuting mamamayan.
2. Pagbabalik-aral
Bakit mahalaga ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan/nabasa?
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang makabuo ng tamang pangungusap na
patanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. (Saan, Ano, Sino) ang paksa ng salaysay na nasa Gawain A?
2. (Bakit, Paano, Kailan) mo pahahalagahan ang mga tulad niya?
3-4. (Kailan, Saan, Ilan) at ba siya ipinanganak sa ibang bansa?
5. (Saan, Alin, Sino) ba natin matatagpuan si Theo sa kasalukuyan?
2. Paghahawan ng ng Balakid
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. Pagbubuklod – pagsasama-saama
2. Mabisa – epektibo
3. Salinlahi - pinagmulan
3. Paglalahad
Basahin ang maikling salaysay at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa iyong
kuwaderno ang sagot.
Si Maria ay isang batang mula sa isang simpleng pamilya. Siya ay isang batang matiisin.
Hindi niya alintana ang malayo at maputik na daang kanyang tinatahak tuwing may klase kaya’t
nakapagtapos siya ng elementarya sa taong 1990. Dahil sa kasipagan sa pag-aaral ng kanyang
leksyon, isa siya sa nakatanggap ng medalya bilang With Honors. Dahil sa matinding kahirapan
ay pumasok siya bilang working student sa kanyang guro upang maipatuloy ang pag-aaral sa
sekondarya.
Sinabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho at natapos niya ang hayskul sa taong 1994.
Hindi pa rin siya tumigil sa pag-aaral hanggang kolehiyo. Sa awa ng Diyos, nagtapos siya ng
BEEd, Cum Laude sa taong 1998. Siya’y nakapasa ng Board Exam for Teachers at naging isa sa
mga guro ng Pilipinas mula taong 1999. Talagang kapag may tiyaga, may nilaga!
Mga Tanong:
1. Sino ang pinag-uusapan sa tekstong iyong binasa?
2. Ano-ano ang dahilan kung bakit siya nagtagumpay?

4. Pagtalakay
Sa pagtatanong, gumagamit tayo ng pangungusap na patanong.
Ang pangungusap na patanong ay nilalagyan ng tandangpananong (?) sa hulihan o dulo ng
pangungusap.
Mga salitang ginagamit sa pagtatanong
Ano - ginagamit sa pagtatanong ng ngalan ng hayop at bagay, katangian, pangyayari at ideya
Sino / Kanino - ginagamit sa pagtatanong sa ngalan ng tao
Saan - ginagamit sa pagtatanong o pagtukoy sa isang lugar.
Kailan- ginagamit para sa pagtatanong ng panahon,petsa, oras at pangyayari
Bakit - ginagamit sa pagtatanong / naghahanap ng dahilan
Paano - nagtatanong ng paraan sa paggawa
Ilan- ginagamit sa pagtatanong sa dami o bilang
Magkano- ginagamit sa pagtatanong tungkol sa halaga ng pera
Iba’t ibang uri ng pagtatanong
1. Tanong na ang sagot ay “oo” o “hindi”
2. Tanong na ang sagot ay may dalawang pagpipilian
3. Tanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar o pangyayari
4. Tanong na humihingi ng palagay
5. Tanong na naghahanap ng dahilan
6. Tanong na panimbang
Kahalagahan ng Pagtatanong
Laging tandaan na ang pagtatanong ay nakatutulong lalo na kungmay nais kang malaman
mabatid.
Ang pagtatanong ay isang mabisang paraan upang maunawaan angmensahe ng
napakinggang teksto o salaysay. Sa pamamagitan nito makatitiyak sa impormasyong narinig at
nagiging mas malinaw ang hindi nauunawaang bahagi ng pahayag ng nagsasalita.
Ang pagtatanong ay makatutulong sa pagbubuklod ng mga impormasyon, sa pagsusuri ng
mga nalalamang ideya at sa pagbuo ng mga bagong ideya o impormasyon.
5. Kasanayang Pagpapayaman
Panuto: Basahin ang maikling sanaysay. Sagutin ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot.
Si Tandang Sora
Ang kasaysayan ng bansa ay hindi kailanman mawawaglit sa alaala. Isa si Mechora Aquino
sa nagbigay kaganapan sa isang kasaysayan. Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang
Tandang Sora.. Matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres
Bonifacio.
Kinupkop niya ang mga Katipunero. Binigyan niya ng pagkain at tirahan ang mga ito.
Inalagaan niya ang mga may sakit at sugatan. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni
Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae man o lalaki. Nalaman ng
mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, kaya’t siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng
Marianas.
Bumalik lamang siya nang ang Pilipinas ay nasa pamamahala na ng mga Amerikano. Isa
siyang matapang na Pilipino. Binabasa ng mga Pilipino ang talambuhay niya at patuloy na
babasahin. Babalikan ang isang panahong makasaysayan ng bawat salinlahi.
1. Ano ang tunay na pangalan ni Tandang Sora?
A. Melchora Aquino C. Melchora Arellano
B. Corazon Aquino D. Corazon Arellano
2.Sino-sino ang mga dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora?
A. mga kastila C. mga katipunero
B. mga mandirigma D. mga Amerikano
3. Bakit niya tinulungan ang mag katipunero?
A. dahil sa kanyang kabutihang loob C. dahil sa kanyang kayamanan
B. dahil sa kanyang kasipagan D. dahil sa kanyang kasikatan
4. Saan siya pinatapon ng mga kastila?
A.sa Maynila B.sa Marinduque C.sa Malabon D.sa Marianas
5.Kailan siya bumalik ng Pilipinas?
A. noong nasa pamamamhala na ng Hapones ang Pilipinas
B. noong nasa pamamamhala na ng Amerikano ang Pilipinas
C. noong nasa pamamamhala na ng Kastila ang Pilipinas
D. noong nasa pamamamhala na ng Arabo ang Pilipinas
6. Karagdagang Gawain
Panuto: Pakinggang mabuti ang kuwentong babasahin ng iyong guro o ng iyongnanay o tatay.
Pagkatapos ay bumuo ng limang tanong tungkol sa kuwentongnapakinggan at isulat ito
sa loob ng kahon.
Ang Aming Simpleng Pamilya
Sa isang maliit na bahay kami nakatira ng aking nanay at tatay. Ang akingTatay Rene ay
isang simpleng kawani ng gobyerno. Si Nanay Marissa naman ayisang komadrona sa maliit na k
klinika. Tatlo lamang kami sa aming bahay pero anglahat ng mga gawain ay nagiging madali
dahil sa aming pagtutulungan. Kahit maraming gawain ang aking nanay at tatay sa kanilang
pinapasukang trabaho ayhindi nila pinapabayaan ang responsibilidad nila sa aming tahanan.
Ang aming hapag kainan ay napupuno ng tawanan sa pagkukuwentuhannamin ng mga
pangyayari sa buong maghapon. Kapag may libreng oras at maysobrang pera, namamasyal kami
sa parke na malapit lamang sa aming lugar.
Tuwing Linggo naman ay sama-sama kaming nagsisisimba at nagdadasal at
nagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyayang aming natatanggap sa bawat araw.
7. Paglalahat
Paano tayo makakabuo ng mga tanong mula sa ating napakinggang salaysay?
IV. PAGTATAYA
Buuin ang bawat pangungusap na patanong sa ibaba. Piliin sa ibaba ang sagot.
Ilan Kanino Bakit Paano Saan
1. ______ piraso ng bakuna ang darating sa bansa?
2. ______ ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon?
3. ______ matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas?
4. ______ mo ibibigay ang mga rosas na iyan?
5. ______ kaya naantala ang pagdating ng mga bakuna?

V. KASUNDUAN
Sumulat ng tatlong tanong batay sa napakinngang teksto.

LOVE HONESTY CHARITY


PL= ___________ PL= ___________ PL= ___________
5x ______= _______ 5x ______= _______ 5x ______= _______
4x ______= _______ 4x ______= _______ 4x ______= _______
3x ______ = _______ 3x ______ = _______ 3x ______ = _______
2x ______ = _______ 2x ______ = _______ 2x ______ = _______
1x ______= _______ 1x ______= ________ 1x ______= _______
0x ______ = _______ 0x ______ = _______ 0x ______ = _______

NO OF PUPILS: NO OF PUPILS: NO OF PUPILS:

You might also like