You are on page 1of 3

Enfant Cheri Study Centre, SFADS Branch Inc.

Alegria, San Francisco, Agusan del Sur

Ikatlong Markahang Pasulit


Araling Panlipunan 3

Pangalan:__________________________ Iskor: __________


Guro : Mel Grace R. Jaum Petsa: __________

I. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung ito ay tama at M kung ito ay mali.

1. Ang klima sa ating bansa ay may malaking epekto sa bawat mamamayang Pilipino.
2. Nakasalalay sa lokasyon ang hanapbuhay ng mga tao.
3. Ang Tagaytay ang tinaguriang Summer Capital of the Philippines.
4. Gawa sa kawayan ang mga bahay sa Batanes.
5. Sequential cropping ang tawag sa pagpapalit ng mga produktong itinatanim sa mga sakahan
upang makaangkop sa klima ng iba’t-ibang lugar ng sakahan sa Pilipinas.
6. Ang rural ay isang agrikulturalna pook.
7. Ang Urban ay isang pook na kakaunti lamang ang bilang ng tao.
8. Ang lungsod ng Cebu ay maituturing na urban.
9. Nagsisimulang magtanim ang mga magsasaka sa tag-araw.
10. Walang kinalaman ang hanpbuhay ng mga tao sa klima ng bawat lalawigan s Pilipinas.
11. Yari sa kahoy at nipa ang mga bahay sa lugar na madalas daanan ng bagyo.
12. Itinataon sa tag-araw ang bakasyon ng mga paaralan.
13. Nagsusuot ng mga makakapal na damit tuwing tag-init.
14. Ang mga mangingisda ay hindi pumapalaot kung tag-ulan.
15. Ang mga taong naninirahan sa rural ay kadalasang pagtatanim at pangingisda ang hanapbuhay.
16. Ang Sinulog ay isang ritwal na seremonya bilang pagbibigay pugay sa mga kinikilala noon bilang
anito.
17. Nang dumating si Sikatuna sa Cebu, nabinyagan ang mga mamamayan ng Cebu bilang Kristiyano
at naipakilala sa mga taga-Cebu ang Santo Niňo.
18. Ang Kultura ay tumutukoy sa kabuuang uri ng pamumuhay ng tao.
19. Naipapasa natin an gating kultura sa pamamagitan ng pakikisalamuha natin sa mga taong
nakapaligid sa atin.
20. May dalawang uri lamang ng pamayanan sa ating kapuluan.

II. Basahing mabuti ang bawat katanungan at piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian.
21. Ito ay isang seremonya o aksiyon na ginagawa bilang pasasalamat o pagbibigay pugay.
a. Ritwal
b. Sayaw
c. Musika
d. Sining
22. Ito ay nangangahulugang nagkakaisang kabuuan na nagging dahilan upang makilala at maging
tanyag ang bayan ng Alfonso.
a. Dugso
b. Dinagyang
c. Sanghiyang
d. Ukkir
23. Sa anong buwan idinadaraos/ipinagdidiwang ang Sanghiyang Festival?
a. Enero
b. Pebrero
c. Marso
d. Mayo
24. Ano ang tawag sa lugar kung saan isinasaayos nila ang mga santo, anghel at iba pang imaheng
panrelihiyon?
a. Altares
b. Latok
c. Dugso
d. Dulang
25. Ano ang tawag sa maliit na lamesa kung saan inilalagay nilang ang kanilang alay?
a. Altares
b. Latok
c. Dugso
d. Dulang
26. Ang _______ ay puno ng mga pagkain tulad ng manok, suman, maruya,nilagang itlog,kanin at iba
pa na kanilang inaalay sa altar.
a. Altares
b. Latok
c. Dugso
d. Dulang
27. Ito ay isang kaugalian /kultura ng mga Higaonon na nangangahulugang sayaw.
a. Dugso
b. Sanghiyang
c. Sinulog
d. Ukkir
28. Sino ang nangunguna sa mga babaeng mananayaw ng Dugso?
a. Babaylan
b. Ginang
c. Ginoo
d. Bata
29. Ano ang tawag sa pulseras sa paa na sinusuot ng mga mananayaw ng Dugso?
a. Kaliga
b. Kaamulan
c. Dulang
d. Pewter bells
30. Ano ang tawag sa kompletong hanay ng kasuotan ng mga Higaonon?
a. Saliyaw
b. Kaliga
c. Kaamulan
d. Sinuyaman
31. Kalian idinadaraos ang Sinulog Festival?
a. Unang-linggo ng Enero
b. Ikalawang-linggo ng Enero
c. Ikatlong-linggo ng Enero
d. Ikaapat na lingo ng Enero
32. Sa anong taon dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu?
a. 1520
b. 1521
c. 1522
d. 1523
33. Ito ay isang kaugalian/kultura ng mga Pilipino na nangangahulugang “tulad ng agos ng tubig”.
a. Dugso
b. Sanghiyang
c. Sinulog
d. Ukkir
34. Ano ang pinakaunang pangalan ng lalawigan ng Cebu?
a. Mactan
b. Nasugbu
c. Sugbo
d. Hukbo
35. Ito ay tumutukoy sa masining na disenyo ng Maranao na madalas nagpapakita ng ukit sa kahoy,
tanso, pilak, at sining na disenyo sa pader.
a. Dugso
b. Sanghiyang
c. Sinulog
d. Ukkir

You might also like