You are on page 1of 4

Aralin 4.

2: Mga Pagdiriwang sa aking Komunidad

Petsa: April 21, 2021


Oras: 2:00-3:00
A. Pamantayang Pagganap
Naipagmamalaki ang kultura ng sariling komunidad.
B. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kwento ng pinagmulan ng sariling komunidad batay
sa konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy at pagpapahalaga sa kulturang nabuo ng
komunidad.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nailalarawan ang pagkakakilanlan ng kultura ng komunidad.
I. Layunin
Natutukoy ang iba’t ibang pagdiriwang na Pansibiko sa ating Komunidad.
II. Paksang Aralin
Paksa: Iba’t Ibang Pagdiriwang na Pansibiko sa Komunidad
Araw ni Dr. jose Rizal-Disyembre 30
Araw ng mga Bayani-Agosto 27
Araw ng Kalayaan-Hunyo 12
Sanggunian: CG Code: AP2KNN-IIf-g-9
Learners’ Manual p110-116
Teachers’Guide p33-34
Kagamitan: Makukulay na papel, board, marker
Integrasyon: sining, Pakikinig

III. Pamamaraan:
A. Panimula
1. Pagsasanay 1: Pakinggan ang awiting Magkaisa
(https://www.youtube.com/watch?v=tQFTrhy95cQ)
2. Pangganyak
Pagpapakita ng larawan ng ilang Pagdiriwang na Pansibiko

B. Panlinang na Gawain
a. Talasalitaan
1. Pinakatanyag-Ang COVID 19 ang pinakatanyag na sakit sa buong
mundo.
2. Sakripisyo- Tulong-tulong na sakripisyo ng ating mga bayani
upang tayo ay magkaroon ng Kalayaan.
3. Kasarinlan-June 12, ang ating unang kasarinlan.
4. Sumakop-Kastila ang sumakop sa ating bansa noon.
b. Pagkukuwento
Ang Magkapatid
Isang araw ng Lunes ay walang pasok sa paaralan ang
magkapatid na Lino at Miko. Si Lino ay nasa ika-anim na baitang at
si Miko naman ay nasa Ikalawang baitang pa lamang sa Mababang
Paaralan ng Acacia.
Ang dahilan ng kanilang pag-uusap ay ang pagkawala ng pasok
nung araw na iyon sa kanilang paaralan.
“Kuya Lino, ano ba ang dahilan ng pagkawala ng pasok natin sa
paaralan ngayon?”. Tanong ni Miko. “ Ngayon ay Araw ng Kalayaan.
Nabanggit ito sa aming klase ng aming gurong si Bb. Domiguez.
Ngayon daw ay araw ng Kasarinlan na taunang pagdiriwang dito sa
ating bansa. Ito ay tulong-tulong na sakripisyo ng ating mga bayani”.
“Ah, ganun ba kuya? Eh, Sino naman ba ang ating pambansang
Bayani?”. Tanong na muli ni Miko. “ Naku kapatid ko! Si Dr. Jose P.
Rizal ang pinakatanyag noong panahon ng pananakop ng mga kastila.
Kaya tayo ay mayroon ding Araw ni Dr. Jose P. Rizal na taunan ding
ginugunita”. Ang sagot ni Lino. “Marami pala tayong mga bayaning
Pilipino na siyang namuno noon sa ating bansa kuya”. “Naku bunso!
Iyan ay matututunan mo din sa mga susunod mo pang baitang. Kaya
kailangan mag-aral ka pang mabuti”. “Opo kuya, maraming salamat
sa mga naipaalam mo sa akin ngayong araw na wala tayong pasok sa
paaralan”.
C. Pagtalakay
1. Sino ang magkapatid na nasa ating kwento?
2. Ano ang nagging paksa nila?
3. Ano-ano ang mga pagdiriwang na nabanggit na pagdiriwang?
4. Sa inyong palagay, may kabutihang dulot ba ang ginawa noon ng
ating mga bayani ?
5. Paano inilarawan sa kwento si Dr. Jose P. Rizal?

D. Paglalahat

May iba-ibang pagdiriwang na ginaganap sa bawat komunidad. Ang


pagdiriwang na pansibiko ay isinasagawa taon-taon. Ang mga ito ay pinagtibay ng
batas. Sa mga araw na ito, nakadeklarang walang pasok sa mga paaralan at tanggapan
maging pampubliko
man o pangpribado. Ginagawa ito upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na
makisali at makiisa sa mga programa.
Ang ibat ibang Pagdiriwang na Pansibiko sa ating komunidad ay Araw ng
Kalayaan, Araw ng mga bayani, Araw ni Dr. Jose P. Rizal at marami pang iba. Ang
pagdiriwang na pansibiko ay patungkol sa mga bayani ng ating bansa.

E. Mga Gawain
1. Pinatnubayang Pagsasanay
Magpapakita ng mga larawang pansibiko ang guro. Isulat sa board
ang sagot.

2. Malayang Pagsasanay
Tukuyin ang Pagdiriwang na pansibiko na aking ilalarawan. Isulat sa
White board ang inyong sagot.
a. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Hunyo 12? Araw ng Kalayaan
b. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Enero 1? Bagong Taon
c. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 30? Araw ni Andres Bonifacio
d. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero 25? Edsa Revolution
e. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 30? Araw ni Jose Rizal

IV. Pagtataya

Pagtapatin ang larawan sa Hanay A at mga pagdiriwang na Pansibiko na tinutukoy


nito sa Hanay B.

A B

1. a. Bagong Taon

2. b. Araw ng Kalayaan
3. c.Edsa Revolution

4. d,Araw ni Jose Rizal

5. e. Araw ni Andres Bonifacio

V. Takdang Aralin
Kumalap ng mga larawan ng Pagdirirwang na Pansibiko at idikit sa
kuwaderno.
Inihanda ni:

FE M. ORTIZ

Nagmasid:

MARILISA B. ODTUJAN

Dalubguro 2

You might also like