You are on page 1of 6

Pre test

Pangalan:_________________________________________
Paaralan:_________________________________________
Basahin at unawain ang mga pahayag o pangungusap sa bawat bilang. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa pagdiriwang na ginaganap sa Brgy. Manlayo ng
Guinayangan, Quezon tuwing Abril?
A. Boling Boling C. Sta. Cruzan
B. Carakol D. Gayang Festival
2. Alin ang nagpapakita ng paggalang sa kultura o tradisyon ng ibang tao?
A. Masayang nanonood ang magkakabarkada ni Jean habang pinagtatawan
ang pagsayaw ng mga nag-Cacarakol sa kalsada.
B. Matiyagang nanonood ng Carakol ang magkakaibigan ni Lenie habang
nagkukuwentuhan.
C. Nanonood sina Allen ng Carakol habang pinagkukumpara nila ang Carakol
ng Infanta, Quezon
D. Nanonood sina Ben ng Carakol habang pinag-uusapan nila ang
kahalagahan ng pagdiriwang sa bawat mamamayan ng Brgy. Manlayo.
3. Kung ikaw ay nakatira sa Brgy. Manlayo paano mo maipagmamalaki ang
pagdiriwang na Carakol sa ibang bayan?
A. Susulat ako ng artikulo tungkol sa pagdiriwang na Carakol at
ilalathala ko ito sa social media.
B. Ikukuwento ko ang pagdiriwang ng Carakol sa aking kaklase.
C. Susulat ako ng sanaysay at ipababasa ko ito sa aking guro at kaklase.
D. Ikukuwento ko ang pagdiriwang ng Carakol sa aking Ate at Kuya.
4. Ano ang iyong magandang masasabi sa pagdiriwang na Carakol?
A. Nakaka-inip itong panoorin.
B. Pagdiriwang ito ng mga taong itim sa bayan.
C. Pagsasayawan ito sa gitna ng dagat.
D. Nakapagbibigay kulay ito sa mga pagdiriwang ng bayan.
5. Saan ginaganap ang pinagdiriwang ng Buwan ng Wika?
A. Guinayangan Academy C. Paaralang Elementarya ng Gunayangan
B. Patio ng Simbahan D. Bulwagang Bayan
6. Ano ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa isang katulad
mong mag-aaral?
A. Nakapagbabalik tanaw sa kasaysayan ng pagkakaroon ng wikang
pambansa.
B. Nakikita ang magagandang lakambini at makikisig na lakan ng bawat
paaralan.
C. Nasasaksihan ang pagpapakitang gilas ng mga banda.
D. Nakikilala ang mga taong namumuno sa bayan.
7. Bakit kinakailangan makilahok sa gawaing pansibiko katulad ng pagdiriwang
ng Buwan ng Wika?
A. Upang makilala sa buong bayan
B. Upang maging sikat sa paaralan
C. Upang maipakita ang galing sa pagsasayaw at pag-awit
D. Upang maging halimbawa ng pagiging makabayan

8. Kung papipiliin ka ng teksto o sanaysay na babasahin, Alin ang iyong pipiliing


babasahin?
A. Alamat ni Maria Makiling
B. Biag ni Lam-Ang
C. Pista ng Wika
D. Tumbelina
9. Kailan pinagdiriwang ang Boling Boling?
A. Bago mag -Linggo ng Palaspas
B. Bago mag -Misa de Gallo
C. Bago mag –Krus ng Abo
D. Bago mag-araw ng mga puso
10.Alin ang tamang pagkakasunod-sunod sa kwento?
I. Nagsasayaw ang mga manang ng simbahang katoliko sa tapat ng mga
bahay
II. Nagkadamit ang mga manang ng Filipiniana
III. Binibigyan sila ng mga donasyon ng may ari ng bahay kanilang
natapatan
IV. Ginagamit nila ang donasyong naipon sa kanilang mga proyekto sa
simbahan

A. I, II, III, IV B. I, III, II, IV C. I, IV, III, II D. I, III, II IV

11.Ikukuwento mo ba sa kaklase mo ang nabasa mong teksto tungkol sa Boling


Boling?
A. Oo, dahil isa ito sa pagkakakilanlan ng bayan ng Guinayangan
B. Oo, dahil minsan lamang itong ginagawa sa loob ng isang tao
C. Hindi, dahil hindi naman sila interesado dito
D. Hindi, dahil hindi naman sila katoliko
12.Kailan ipinagdiriwang ang Gayang Festival ng Guinayangan?
A. Tuwing buwan ng Hunyo 13-21
B. Tuwing buwan ng Hunyo 12-21
C. Tuwing buwan ng Hunyo 14-21
D. Tuwing buwan ng Hunyo 15-21
13.Ang gayang ay lasong inilalagay sa dulo ng pana ng mga katutubo. Ang
pangungusap ay______.
A. piksyon B. hindi Piksyon C. hindi ko alam D. siguro piksyon
14.Pinaka makulay na pagdiriwang ang Gayang Festival sa bayan ng
Guinayangan. Ang pangungusap ay ____________.
A. piksyon B. hindi Piksyon C. hindi ko alam D. siguro piksyon
15.Sa iyong palagay bakit taon-taon pinaghahandaan ang makulay na pagdiriwang
ng Gayang festival sa ating bayan?
A. Upang makapangakit ng lokal at dayuhang turista
B. Upang maging masaya ang lahat ng mamamayan
C. Upang maipakilala ang mga lokal na produkto ng bayan
D. Upang maipagmalaki ang kulturang mayroon ang Guinayanganin
16.Tungkol saan ang tekstong Reyna Elena?
A. Sa paghahanap ng banal na Krus
B. Sa magagadang lakambini
C. Flores de Mayo
D. Santa at santo
17.Bakit mayroong pagdiriwang sa buwan ng Setyembre?
A. Upang ipakita ang pagmamahal sa Mahal na Birhen
B. Upang ipakita ang paghahanap ni Reyna Elena ng banal ni krus ni
Hesukristo
C. Upang ipakita ang makukulay na damit ng mga reyna sa bayan
D. Upang ipakita ang halaga ng pananampalataya ng mga katoliko
18.Ano ang dapat maging gawi ng isang hindi katoliko tungkol sa pagdiriwang ng
Santa Crusan tuwing Setyembre?
A. Igalang ang kanilang paniniwala tungkol sa Santa Crusan
B. Sabihin sa kaklase na huwag itong paniwalaan
C. Magsalita ng taliwas tungkol dito
D. Pabayaan na lamang sapagkat hindi ka naman katoliko
19.Pagsunod-sunurin ang paghahanap ni Reyna Elena ng krus na pinagpakuan
kay Hesukristo?
I. Natagpuan ni Reyna Elena ang krus na pinagpakuan kay Hesus noong
ika-14 ng Setyembre taong 326.
II. Dinalaw ng isang panaginip si Emperador Constatntino na siya ay
hinihingian ng tulong sa digmaan upang lumaban sa ngalan ng banal na
krus
III. Naging opisyal na relihiyon ng buong kahiraan ang kristiyanismo
IV. Nagapi niya ang kalaban at ang kanyang tagumpay ay naging daan
tungo sa kanyang pagiging Kristiyanismo

A. II, III, IV, I B. II, IV, III,I C. II, I, III, IV D. II, III, IV, I

20.Ano iyong masasabi tungkol sa pagdiriwang ng Santa Crusan sa buwan ng


Setyembre ng bayan ng Guinayangan?
A. Katulad din ito ng Flores de Mayo
B. Ipinakikita nito ang halaga ng pananampalataya
C. Pinaghandaan itong mabuti ng simbahan
D. Maraming nakilahok at nasiyahan sa Santa Crusan

Post test
Pangalan:_________________________________________
Paaralan:_________________________________________
Basahin at unawain ang mga pahayag o pangungusap sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa pagdiriwang na ginaganap sa gitna ng karagatan ng mga magingisda?
A. Boling Boling C. Carakol
B. Reyna Elena D. Gayang Festival
2. Alin ang nagpapakita ng paggalang sa kultura o tradisyon ng ibang tao?
A. Masayang nanonood ang magkakabarkada ni Princess habang pinagtatawan ang
pagsayaw ng mga nag-Cacarakol sa kalsada.
B. Matiyagang nanonood ng Carakol ang magkakaibigan ni Precious habang
nagkukuwentuhan.
C. Nanonood sina Allen ng Carakol habang pinagkukumpara nila ang Carakol ng
Catanuan, Quezon
D. Nanonood sina Julius ng Carakol habang pinag-uusapan nila ang kahalagahan ng
pagdiriwang sa bawat mamamayan ng Brgy. Manlayo.
3. Kung ikaw ay nakatira sa Brgy. Manlayo paano mo maipagmamalaki ang pagdiriwang na
Carakol sa ibang bayan?
A. Susulat ako ng artikulo tungkol sa pagdiriwang na Carakol at
ilalathala ko ito sa social media.
B. Ikukuwento ko ang pagdiriwang ng Carakol sa aking kaklase.
C. Susulat ako ng sanaysay at ipababasa ko ito sa aking guro at kaklase.
D. Ikukuwento ko ang pagdiriwang ng Carakol sa aking Ate at Kuya.
4. Ano ang iyong magandang masasabi sa pagdiriwang na Carakol?
A. Masaya itong panoorin.
B. Pagdiriwang ito ng mga taong itim sa bayan.
C. Pagsasayawan ito sa gitna ng karsada.
D. Nakapagbibigay kulay ito sa mga pagdiriwang ng bayan.
5. Saan ginaganap ang pinagdiriwang ng Buwan ng Wika?
A. Guinayangan National High School C. Paaralang Elementarya ng Gunayangan
B. Bulwagang Bayan D. Patio ng Simbahan
6. Ano ang magandang naidudulot ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa isang katulad
mong mag-aaral?
A. Nararagdagan ang kaalaman ko sa wika.
B. Nagkikita ko ang mga lakambini at lakan ng mga paaralan .
C. Naririnig ko ang iba’t ibang saliw ng musika ng banda.
D. Nakikilala ko ang mga taong nasa aming lokal na pamahalaan.
7. Bakit kinakailangan makilahok sa gawaing pansibiko katulad ng pagdiriwang ng Buwan
ng Wika?
A. Upang maipakita ang pagmamahal sa wikang Filipino
B. Upang makiisa sa gawain dahil sinabi ng guro
C. Upang maipakita ang talento ng kalahok sa programa
D. Upang dumami ang tao sa plasa
8. Kung papipiliin ka ng teksto o sanaysay na babasahin, Alin ang iyong pipiliing babasahin?
A. Alamat ng Pina
B. Epiko ng Hud Hud
C. Buwan ng Wika
D. Pahiyas Festival
9. Paano isinasagawa ang pagdiriwang ng Boling Boling sa bayan ng Guinayangan?
A. Sa pamamagitan ng pag-awit
B. Sa pamamagitan ng pagtula
C. Sa pamamagitan ng pagsayaw
D. Sa pamamagitan ng pagtalumpati
10. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod sa kwento?
I. Nagsasayaw ang mga manang sa tapat ng mga bahay
II. Nagkadamit ang mga manang ng Filipiniana
III. Binibigyan sila ng mga donasyon ng may ari ng bahay kanilang natapatan
IV. Ginagamit nila ang donasyong naipon sa kanilang mga proyekto sa simbahan
A. I, II, III, IV B. I, III, II, IV C. I, IV, III, II D. I, III, II IV
11. Ikukwento mo ba sa ibang kaklase ang tekstong nabasa mo tungkol sa Boling boling??
A. Oo, dahil isa ito sa pagkakakilanlan ng bayan ng Guinayangan
B. Oo, dahil minsan lamang itong ginagawa sa loob ng isang tao
C. Hindi, dahil hindi ko naman alam ito
D. Hindi, dahil hindi naman ako katoliko
12. Kailan ipinagdiriwang ang Gayang Festival ng Guinayangan?
A. Tuwing buwan ng Hunyo 13-21
B. Tuwing buwan ng Hunyo 12-21
C. Tuwing buwan ng Hunyo 14-21
D. Tuwing buwan ng Hunyo 15-21
13. Maraming umuuwing taga- Guinayangan kapag ipinagdiriwang ang Gayang Festival . Ang
pangungusap ay______.
A. piksyon B. hindi Piksyon C. hindi ko alam D. siguro piksyon
14. Bawat gabi bago sumapit ang pista ng bayan ay mayroong programa o panoorin sa
plaza. Ang pangungusap ay ____________.
A. piksyon B. hindi Piksyon C. hindi ko alam D. siguro piksyon

15. Sa iyong palagay bakit taon-taon pinaghahandaan ang makulay na pagdiriwang ng


Gayang festival sa ating bayan?
A. Upang makapangakit ng lokal at dayuhang turista
B. Upang maging masaya ang lahat ng mamamayan
C. Upang maipakilala ang mga lokal na produkto ng bayan
D. Upang maipagmalaki ang kulturang mayroon ang Guinayanganin
16. Tungkol saan ang tekstong Reyna Elena?
A. Sa paghahanap ng banal na Krus
B. Sa magagadang lakambini
C. Flores de Mayo
D. Santa at santo
17. Bakit mayroong pagdiriwang sa buwan ng Setyembre?
A. Upang ipakita ang pagmamahal sa Mahal na Birhen
B. Upang ipakita ang paghahanap ni Reyna Elena ng banal ni krus ni Hesukristo
C. Upang ipakita ang makukulay na damit ng mga reyna o sagala sa bayan
D. Upang ipakita ang halaga ng pananampalataya ng mga katoliko
18. Ano ang dapat maging gawi ng isang hindi katoliko tungkol sa pagdiriwang ng Santa
Crusan tuwing Setyembre?
A. Igalang ang kanilang paniniwala tungkol sa Santa Crusan
B. Sabihin sa kaklase na huwag itong paniwalaan
C. Magsalita ng taliwas tungkol dito
D. Pabayaan na lamang sapagkat hindi ka naman katoliko
19. Pagsunod-sunurin ang paghahanap ni Reyna Elena ng krus na pinagpakuan kay
Hesukristo?
I. Natagpuan ni Reyna Elena ang krus na pinagpakuan kay Hesus noong ika-14 ng
Setyembre taong 326.
II. Dinalaw ng isang panaginip si Emperador Constatntino na siya ay hinihingian ng
tulong sa digmaan upang lumaban sa ngalan ng banal na krus
III. Naging opisyal na relihiyon ng buong kahiraan ang kristiyanismo
IV. Nagapi niya ang kalaban at ang kanyang tagumpay ay naging daan tungo sa
kanyang pagiging Kristiyanismo
A. II, III, IV, I B. II, IV,III,I C. II, I, III, IV D. II, III, IV, I
20. Ano ang iyong masasabi tungkol sa pagdiriwang ng Santa Crusan sa buwan ng
Setyembre ng bayan ng Guinayangan? Isulat ang iyong opinion sa patlang.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

You might also like