You are on page 1of 9

FILIPINO PAGBASA

BRIGADA
ANG PAGSILANG NG
MALAWAK NA KALAWAKAN
Sa Klase ni Gng. Ortiz sa Sibika, tinatalakay nila
ang tungkol sa mga pagdiriwang sa Pilipinas.
“Ang mga pagdiriwang sa buong bansa ay
mahalaga sa ating kasaysayan at lipunan ay
Pambansang Pagdiriwang”. Pagdiriwang ito na
nakadeklarang pista opisyal kaya walang pasok
ang mga opisina at paaralan sa buong Pilipinas.
Ilan sa mga pagdiriwang na ito ay ang:
•Araw ng Edsa Rebolusyon. Tuwing ika-25
ng Pebrero ginugunita natin ang Kalayaan
ng mga Pilipino sa rehimeng diktador.

•Araw ng Kagitingan. Pagsapiy ng ika-9 ng


Abril, binibigyang pugay natin ang mga
sundalong nakipagdigma sa mga
hapones noong ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
•Araw ng Kalayaan. Tuwing Hunyo 12,
ipinagdiriwang ng Pilipino ang Kalayaan
mula sa Espanya. Pinararangalan din sa
araw na ito ang ating pambansang
bayaning si Gat Jose Rizal sa Luneta.

Ipinamamalas natin ang mga katangian at


kaugalian ng mga Pilipino sa Pansibikong
Pagdiriwang. Halimbawa ng mga
pagdiriwang na ito at ang:
•Araw ng Ina at Ama- Sa araw na ito ginugunita
natin ang pagmamahal at pag-aaruga sa atin
ng ating mga magulang. Tuwing ikalawang
Linggo ng Mayo ipinagdiriwang ang Araw ng
mga Ina samantalang tuwing ikatlong Linggo
naman ng Hunyo ang Araw ng mga Ama.

•Linggo ng Wika. Ipinamamalas natin sa buong


lingo na ito ang ating pagmamahal sa sariling
wika. Si dating Pangulong Manuel L. Quezon
ang Ama ng wikang Pambansa.
Araw ng Nagkakaisang Bansa.
Ginugunita natin sa araw na ito
ang pakikipagbuklod at
pakikipagkaibigan natin sa ibang
bansa.

Bilang ng mga Salita: 242 (Phil-IRI Form 1 – Posttest)


MGA TANONG
1.Ano ang dalawang uri ng pagdiriwang na nabanggit sa iyong binasa?
a.Pagdiriwang at Pambansa
b. Pambansa at Pansibiko
c. Kultura at Pambansa

2. Anong Pagdiriwang ang isinasagawa tuwing ika-25 ng Pebrero?


a. Araw ng Kagitingan
b. Araw ng Edsa Rebolusyon
c. Linggo ng Wika

3. Sino ang ama ng Wikang Pambansa?


a. Jose P. Rizal
b. Benigno Aquino
c. Manuel L. Quezon
4. Bakit kaya natin ginugunita ang mga pansibikong pagdiriwang?
a. Dahil dito nakikita ang ating kaugalian at katangian.
b.Dahil nagpapakita ito ng ating pagiging makasarili.
c. Dahil maraming handing pagkain

5. Bakit kaya tinalakay ni Gng. Ortiz ang mga pagdiriwang na ating ginugunita sa Pilipinas?
a. Upang magampanan ko ang aking pananagutang panlipunan.
b. Upang makasali ako sa mga handaan.
c. Upang maging isa akong mabuting tagasunod ng ibang bansa.

6. Ano ang gagawin mo kung niyaya ka ng iyong kaibigan na manood ng palabas sa plasa
tungkol sa kadakilaan ng mga bayani?
a. Pupunta po ako dahil ito ay kailangan.
b. Sasama po ako dahil gusto kong manood.
c. Pupunta po ako dahil ito po ay nagpapakita ng aking pakikiisa at pagkamakabayan.
7. Paano mo maipakikita ang paggunita sa Araw ng Ina at Ama sa
iyong mga magulang?
a. Magiging masunurin po ako at magpapakabait.
b. Bibigyan ko sila ng mamahaling regalo.
c. Magbabait baitan po ako

8. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pakikiisa sa mga


pagdiriwang na ito?
a. Sasama po ako sa parada kahit hindi alam ng aking magulang.
b. Mag-aalay po ako ng bulaklak sa mga puntod/lapida ng mga bayani,
sasali po ako sa mga palatuntunan sa paaralan kaugnay dito.
c. Manonood po ako ng mga programang pang-ibang bansa.

You might also like