You are on page 1of 4

Phil-IRI Form 1 – Posttest

ORAL READING

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Anu-ano ang ang mga pagdiriwang na alam mong idinaraos


sa Pilipinas?

Tayo ay Magdiwang

Sa klase ni Gng. Ortiz sa Sibika, tinatalakay nila ang tungkol sa


mga pagdiriwang sa Pilipinas.

“Ang mga pagdiriwang sa buong bansa na mahalaga sa ating


kasaysayan at lipunan ay Pambansang Pagdiriwang. Pagdiriwang ito na
nakadeklarang pista opisyal kaya walang pasok ang mga opisina at
paaralan sa buong Pilipinas. Ilan sa mga pagdiriwang na ito ay ang:

Araw ng Edsa Rebolusyon. Tuwing ika-25 ng Pebrero ginugunita natin


ang kalayaan ng mga Pilipino sa rehimeng diktador.
Araw ng Kagitingan. Pagsapit ng ika-9 ng April, binibigyang pugay natin
ang mga sundalong nakipagdigma sa mga hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Araw ng Kalayaan. Tuwing Hunyo 12, ipinagdirawang ng Pilipino ang
kalayaan mula sa Espanya. Pinararangalan din sa araw na ito ang ating
pambansang bayaning si Gat Jose Rizal sa Luneta.

Ipinamamalas natin ang mga katangian at kaugalian ng mga Pilipino sa


Pansibikong Pagdiriwang. Halimbawa ng mga pagdiriwang na ito ay ang:

Araw ng Ina at Ama. Sa araw na ito ginugunita natin ang


pagmamahal at pag-aaruga sa atin ng ating mga magulang. Tuwing
ikalawang Linggo ng Mayo ipinagdirawang ang Araw ng mga Ina
samantalang tuwing ikatlong Linggo naman ng Hunyo ang Araw ng
mga Ama.

Linggo ng Wika. Ipinamamalas natin sa buong linggo na ito ang ating


pagmamahal sa sariling wika. Si dating Pangulong Manuel L. Quezon
ang Ama ng Wikang Pambansa.

Araw ng Nagkakaisang Bansa. Ginugunita natin sa araw na ito ang


pakikipagbuklod at pakikipagkaibigan natin sa ibang bansa.

Gr. VI
Bilang ng mga Salita: 242

SY 2012-2013
Mga Tanong:

Literal 1. Ano ang dalawang uri ng pagdiriwang na


nabanggit sa iyong binasa? ________
Sagot: Pambansa at Pansibiko

2. Anong pagdiriwang ang isinasagawa tuwing


ika-25 ng Pebrero? ________
Sagot: Araw Edsa Rebolusyon

3. Sino ang ama ng Wikang Pambansa? ________


Sagot: Manuel L. Quezon
Pangulong Manuel L. Quezon

Pagpapaka- 4. Bakit kaya natin ginugunita ang mga pansibikong


hulugan pagdiriwang? ________
Maaaring Sagot:
 Dahil nagpapakita ito ng ating pagkakaisa.
 Dahil dito nakikita ang ating kaugalian at katangian.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

5. Bakit kaya tinalakay ni Gng. Ortiz ang mga


pagdiriwang na ating ginugunita sa Pilipinas? ________
Maaaring Sagot:
 Upang makasali o makalahok ako sa mga pagdiriwang
 Upang magampanan ko ang aking pananagutang
panlipunan
 Upang maging isa akong mabuting tagasunod.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

Paglalapat 6. Ano ang gagawin mo kung niyaya ka ng iyong


kaibigan na manood ng palabas sa plasa tungkol
sa kadakilaan ng mga bayani? ________
Maaaring Sagot:
 Sasama po ako dahil nais ko itong mapanood.
 Pupunta po ako dahil pinahahalagahan ko ang kanilang
ginawa para sa bayan.
 Dadalo po ako dahil gusto ko pong ipakita ang aking
pakikiisa.
 Pupunta po ako dahil ito po ay nagpapakita ng aking
pagkamakabayan.
 Sasama po ako dahil magsisilbi po itong halimbawa sa akin.
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.)

SY 2012-2013
7. Paano mo maipakikita ang paggunita sa
Araw ng Ina at Ama sa iyong mga magulang? ________
Maaaring sagot:
 Bibigyan ko po sila ng bulaklak.
 Magiging masunurin po ako.
 Magbabait po ako.
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.)

8. Sa paanong paraan mo maipapakita ang


pakikiisa sa mga pagdiriwang na ito? ________
Maaaring Sagot:
 Sasama po ako sa mga parada ukol dito.
 Manonood po ako ng mga pagtatanghal sa plasa ukol dito.
 Mag-aalay po ako ng bulaklak sa mga puntod/lapida ng mga
bayani.
 Sasali po ako sa mga palatuntunan sa paaralan kaugnay
nito.
 Lalahok po ako sa paligsahan ng pagsulat.
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.)

SY 2012-2013
Phil-IRI Form 1 – Posttest

Tayo ay Magdiwang

Sa klase ni Gng. Ortiz sa Sibika, tinatalakay nila ang tungkol sa


mga pagdiriwang sa Pilipinas.

“Ang mga pagdiriwang sa buong bansa na mahalaga sa ating


kasaysayan at lipunan ay Pambansang Pagdiriwang. Pagdiriwang ito na
nakadeklarang pista opisyal kaya walang pasok ang mga opisina at
paaralan sa buong Pilipinas. Ilan sa mga pagdiriwang na ito ay ang:

Araw ng Edsa Rebolusyon. Tuwing ika-25 ng Pebrero ginugunita natin


ang kalayaan ng mga Pilipino sa rehimeng diktador.
Araw ng Kagitingan. Pagsapit ng ika-9 ng April, binibigyang pugay natin
ang mga sundalong nakipagdigma sa mga hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Araw ng Kalayaan. Tuwing Hunyo 12, ipinagdirawang ng Pilipino ang
kalayaan mula sa Espanya. Pinararangalan din sa araw na ito ang ating
pambansang bayaning si Gat Jose Rizal sa Luneta.

Ipinamamalas natin ang mga katangian at kaugalian ng mga Pilipino sa


Pansibikong Pagdiriwang. Halimbawa ng mga pagdiriwang na ito ay ang:

Araw ng Ina at Ama. Sa araw na ito ginugunita natin ang


pagmamahal at pag-aaruga sa atin ng ating mga magulang. Tuwing
ikalawang Linggo ng Mayo ipinagdirawang ang Araw ng mga Ina
samantalang tuwing ikatlong Linggo naman ng Hunyo ang Araw ng
mga Ama.

Linggo ng Wika. Ipinamamalas natin sa buong linggo na ito ang ating


pagmamahal sa sariling wika. Si dating Pangulong Manuel L. Quezon
ang Ama ng Wikang Pambansa.

Araw ng Nagkakaisang Bansa. Ginugunita natin sa araw na ito ang


pakikipagbuklod at pakikipagkaibigan natin sa ibang bansa.

SY 2012-2013

You might also like