You are on page 1of 2

Pangalan: ________________________________________________________

Baitang at Pangkat: ______________________________________________


Nagugol na Oras sa Pagbasa: ________________ Iskor: ______________
(Reading Time in Seconds) (Score)

Panuto: Basahin nang tahimik ang seleksyon. Matapos magbasa,


isulat ang oras na nagugol sa pagbasa. Basahin ang mga
tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

PAGDIWATA

Pagdiwata ang pistang pasasalamat ng mga minoryang


Tagbanua ang dahil sa masaganang ani kanilang tinamasa.
Matatagpuan ito sa Palawan. Pag-aalay ng inumin at pagkain sa
mga pumanaw na kamag-anak ang paraan ng kanilang ritwal.
Pinaniniwalan ng mga minoryaang Tagbanua na nababahaginan
ang mga ispiritu ng namayapa.

Pagkatapos ng anihan, nagtitipun-tipon sila sa bahay ng


babaylan. Itinuturing nilang pinuno ang Babaylan. Sa saliw ng
tugtog ng tambol, sasayaw ang Babaylan. Magsisimula sa
banayad tungo sa marahas na pagsayaw sa paniniwalang
naitataboy ang masamang ispiritu.

Matapos itaboy ang masasamang ispiritu, sisimulan ng


Babaylan ang ritwal. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng manok,
alak-bigas ipinahihiwatig na mabubuting ispiritu ang kasama
nila. Ang unang paglagok o pag-inom ng Babaylan ng alak-bigas
ay hudyat ng kasiyahan na tinatanggap ng mabubuting ispiritu
ang kanilang mga alay.

Gr. III
Bilang nga mga Salita: 129

SY 2012-2013
Mga Tanong

1. Ano ang tawag sa pistang isinasagawa ng mga minoryang Tagbanua?


a. Pagdiwata c. Maytinis Festival
b. Flores de Mayo d. Moriones

2. Anu-ano ang iniaalay ng mga Tagbanua sa mga espiritu?


a. bulaklak at kandila c. pagkain at alak
b. larawan ng babaylan d. litsong tupa

3. Saan nagtitipun-tipon ang mga Tagbanua pagkatapos ng anihan?


a. sa bahay-bahay c. sa bukid
b. sa simbahan d. sa bahay ng babaylan

4. Bakit isinasagawa ang Pagdiwata?


a. upang makapag-inuman
b. upang mag- alay sa babaylan
c. upang magpasalamat sa masaganang ani
d. upang kausapin ang mga pumanaw na kaanak

5. Paano itinataboy ang mga masasamang espiritu ng Babaylan?


a. sa pamamagitan ng pag-aalay ng manok at alak-bigas
b. sa pamamagitan ng pagtanggap sa banal na espiritu
c. sa pamamagitan ng pagtitipon
d. sa pamamagitan ng kasiyahan

6. Dapat ba nating ipagpasalamat ang kasaganaang ating nakakamtan?


a. Oo,sapagkat hindi lahat ng tao ay nagkakamit ng kasaganaan
b. Oo, dahil ako’y napipilitan
c. Hindi, dahil pinaghihirapan ko naman yon
d. Hindi, dahil nakakaabala iyon

7. Kung isa kang Tagbanua, makikiisa ka ba sa pagsasagawa ng Pagdiwata?


a. Oo, upang makasama ako sa kasayahan
b. Oo, sapagkat nararapat nating ipagmalaki ang ating sariling kultura
c. Oo, baka magalit ang mga espiritu
d. Oo, takot ako sa espiritu

SY 2012-2013

You might also like