You are on page 1of 1

Unang Markahang Pagsusulit-FILIPINO 7

PANGKALAHATANG PANUTO: ISULAT ANG INYONG SAGOT SA ISANG BUONG PAPEL (1 TABLET
PAPER). HUWAG KALIMUTANG LAGYAN NG IYONG PANGALAN AT SEKSIYON. GAWING
MALINIS ANG SULAT-KAMAY. SEGURADUHING WALANG BURA. BAWAT BURA AY KABAWASAN
NG ISANG PUNTOS.
I. Uring Papili: Kilalanin kung ano ang hinihinging konsepto o kaisipan ng sumusunod na tanong. Piliin
lamang ang titik ng tamang sagot. (2 PUNTOS bawat tamang sagot)

1. Ano ang tawag sa pahayag na naglalahad ng isang pangyayaring maaaring mangyari o magkatotoo ngunit
walang katiyakan o kasiguruhan?
a. ekspresyon b. posibilidad c. pahayag d. pagkakataon
2. Ano ang tawag sa mga pantulong na kataga o salita sa pagbuo ng mga pangungusap o teksto upang
higit na maging maganda at wasto ang mga pangungusap o teksto?
a. salita b. kataga c. sugnay d. pang-ugnay
3. Anong uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa ito: Aba!?
a. pandiwang pautos b. pormularyong panlipunan c. maikling sambitla d. pangungusap na pamanahon
4. Anong uri ng pang-abay ang gumagamit ng mga katagang "talaga," "tunay," "oo," "opo," "sadyang," at
"totoo?"
a. pagpapatotoo b. pananggi c. panang-ayon d. pagbibigay-layunin
5. sinasalamin ng kuwentong bayan ang mga sumusunod maliban sa:
a. kaugalian b. tradisyon c. kultura d. tunggalian

II. PAGTUKOY: Ibigay ang konsepto o kaisipang hinihingi ng bawat paglalarawan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang appel ( 2 puntos bawat tamang sagot)

6. Ito ay kuwentong produkto ng ating imahinasyon na karaniwang gumagamit ng mga HAYOP bilang
mga tauhan. _________________
7. Ito ay kuwentong likhang-isip na pinakalayunin ay tukuyin ang pinagmulan ng mga bagay-
bagay.________________
8. Ito ay ga kwentong napasalin-salin sa iba't ibang tao na napapatungkol sa kwento
ng ating bayan._________________
9. Ito ay kuwento na ang pangunahing tauhan ay may tiyak na suliraning kinakailangang kabakahin o
lutasin sa bawat pakikipaglunggati nito sa kaniyang buhay. ____________

III. Pagpupuno:Dugtungan ang sumusunod na pahayag, magbigay ng posibleng maging bunga ng mga
pangyayari. Tiyaking gumagamit ng mga angkop na pang-ugnay. (4 puntos bawat sagot)

10. Umulan nang malakas kahapon_______________________________________________.


11. Naglunsad ng programang OPLAN-Sagip Kalikasan ang pamahalaang pambaranggay _____.
12. Maraming nagtatapon ng basura sa ilog ________________________________________.
13. Sama-samang naglinis ng pamayanan ang mga mamamayan ng Brgy. 164 _____________.
14. Dumarami na ang mga nangangaso sa gubat _______________________________.
IV. Tukuyin ang mga PANGATNIG na ginamit sa mga pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel. (2
puntos)
15. Nag-aaral ako nang mabuti sapagkat kinakailangan kong ipasa ang lagumang pagsusulit sa Biyernes.
16. Nagkasakit si Adam dahil naligo siya sa ulan at hindi agad nakapagbanlaw.
17. Masarap magluto si Anna, palibhasa’y laki sa pamilya ng mga chef.
18. “Hindi na ako makapapasok next semester kasi mahina ang kita ni Tatay ngayon”, ani Karla.
19. Naging malulungkutin si Tina nang maghiwalay sila ng nobyo.
20. Naparami ang pagkain niya ng manggang hilaw kaya sumakit ang kaniyang tiyan.
21. Gabi na nakauwi si Bea dahil dito nakagalitan siya ng kaniyang ama kinaumagahan.
22. Lalangoy kami sa sapa at kakain ng masarap na adobo.
23. Huwag kang kumain ng kendi upang huwag sumakit ang ngipin mo.
24. Kumakain ako ng sorbetes habang nag-aantay sa aking nanay.
25. Mag-aaral ako ngunit wala namang koryente.

You might also like