You are on page 1of 4

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Anu-ano kaya ang makikita natin sa ating kalawakan? Alamin


natin.

Mga Planeta sa Ating Kalawakan

Ang ating kalawakang araw ay binubuo ng walong planeta at


ilang asteroid, meteor at kometa.

Sa labas ng kalawakang araw may mga 202 pang planeta na


halos kapareho o malaki pa sa Jupiter.

Hindi kasama rito ang ilang mga planeta na nadiskubreng


lumilibot sa naupos na bituin na pulsar at ang iba’y sa bituing Mu
Arae. Ilan din sa mga planetang ito ay kasinlaki ng Neptuno. May
isang planetang lumilibot sa isang pulang dwendeng bituin na kung
tawagin ay Gliese 876. Ito’y tinatayang anim hanggang walong beses
ang bigat nito sa Mundo.

Hot Jupiters naman ang tawag sa bagong tuklas na planeta na


malapit sa kanilang magulang na bituin. Tumatanggap ito ng mas
matinding radyasyong estrelyar kaysa mga higanteng planetang gas ng
kalawakang araw. Mayroon ding mga hot jupiter na lumilibot ng
napakalapit sa kanilang bituin na hinihipan palayo na parang buntot
ng kometa na tinatawag na mga planetang Chthonian.

Mga Tanong:

Literal 1. Ano ang bumubuo sa ating kalawakang araw? ________


Sagot: Walong planeta at ilang mga asteroid,
meteoroid at kometa.

2. Ano ang tawag sa pulang dwendeng bituin? ________


Sagot: Gliese 876

3. Saan lumilibot ang ilang mga planeta? ________


Mga sagot:
 Sa nauupos na bituin na pulsar.
 Sa bituing Mu Arae.

SY 2022-23
Pagpapaka- 4. Bakit kaya tinatawag na Hot Jupiters ang mga
hulugan bagong tuklas na planeta? ________
Sagot:
 Dahil sila ay lubhang malapit sa kanilang mga
magulang na bituin.
 Dahil dubhang mainit ang mga ito dahil sa
matinding radyasyong estrelyar.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
5. Ano pa kaya ang mga bagay na makikita natin
sa kalawan na di nabanggit sa inyong binasa ? ________
Maaring Sagot:
 Araw
 Buwan
 Space Rocks
 Drawf planets
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

Paglalapat 6. Bakit mahalagang malaman natin ang mga planeta


sa labas ng kalawakang araw ? ________
Maaaring Sagot:
 Upang malaman natin kung mayroong may buhay
na naninirahan o matatagpuan doon.
 Upang malaman natin kung maaari itong tirahan
ng mga tao at iba pang nilalang.
 Upang malaman natin kung walang masamang
bagay na makaaapekto sa mundong ating tinitirahan.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
7. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong makapamili,
gugustuhin mo bang tuklasin ang mga planetang ito? ________
Bakit Oo?
 Gusto kong malaman at makita ang kabuuan ng mga
planetang nabanggit.
 Gusto kong tuklasin pa ang mga bagay-bagay na maaari
pang matagpuan doon at tuloy mapag-aralan.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
Bakit Hindi?
 Kuntento na ako sa aking nalalaman sa mga babasahin.
 Wala akong sapat na panahon at kakayahang pinansyal
para tuklasin at pag-aralan ang mga ito.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

SY 2022-23
8. Alin sa mga planeta ng ating kalawakan ang iyong
paborito? Bakit? ________
Maaaring Sagot:
 Earth/Mundo po natin, dahil dito po tayo nakatira.
 Saturn po, dahil gusto ko pong malaman ang tungkol
sa mga nakapalibot na rings nito
 Mars po, dahil nais ko pong malaman kung talagang may mga
aliens na nakatira dito o kung ano pong nilalang ang nakatira dito.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

SY 2022-23
,
Mga Planeta sa Ating Kalawakan

Ang ating kalawakang araw ay binubuo ng walong planeta at


ilang asteroid, meteor at kometa.

Sa labas ng kalawakang araw may mga 202 pang planeta na


halos kapareho o malaki pa sa Jupiter.

Hindi kasama rito ang ilang mga planeta na nadiskubreng


lumilibot sa naupos na bituin na pulsar at ang iba’y sa bituing Mu
Arae. Ilan din sa mga planetang ito ay kasinlaki ng Neptuno. May
isang planetang lumilibot sa isang pulang dwendeng bituin na kung
tawagin ay Gliese 876. Ito’y tinatayang anim hanggang walong beses
ang bigat nito sa Mundo.

Hot Jupiters naman ang tawag sa bagong tuklas na planeta na


malapit sa kanilang magulang na bituin. Tumatanggap ito ng mas
matinding radyasyong estrelyar kaysa mga higanteng planetang gas ng
kalawakang araw. Mayroon ding mga hot jupiter na lumilibot ng
napakalapit sa kanilang bituin na hinihipan palayo na parang buntot
ng kometa na tinatawag na mga planetang Chthonian.

SY 2022-23

You might also like