Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________
Pagganyak: Anu-ano kaya ang makikita natin sa ating kalawakan? Alamin
natin.
Mga Planeta sa Ating Kalawakan
Ang ating kalawakang araw ay binubuo ng walong planeta at
ilang asteroid, meteor at kometa.
Sa labas ng kalawakang araw may mga 202 pang planeta na
halos kapareho o malaki pa sa Jupiter.
Hindi kasama rito ang ilang mga planeta na nadiskubreng
lumilibot sa naupos na bituin na pulsar at ang iba’y sa bituing Mu Arae. Ilan din sa mga planetang ito ay kasinlaki ng Neptuno. May isang planetang lumilibot sa isang pulang dwendeng bituin na kung tawagin ay Gliese 876. Ito’y tinatayang anim hanggang walong beses ang bigat nito sa Mundo.
Hot Jupiters naman ang tawag sa bagong tuklas na planeta na
malapit sa kanilang magulang na bituin. Tumatanggap ito ng mas matinding radyasyong estrelyar kaysa mga higanteng planetang gas ng kalawakang araw. Mayroon ding mga hot jupiter na lumilibot ng napakalapit sa kanilang bituin na hinihipan palayo na parang buntot ng kometa na tinatawag na mga planetang Chthonian.