Mga Pabula

You might also like

You are on page 1of 8

Ang Tatlong Magkakaibigang Baka

Tatlong baka ang nanirahan sa isang berde at sariwang pastulan malapit sa isang kagubatan - isang puting
baka, isang itim na baka at isang pulang-kayumangging baka. Ang mga baka ay mabait sa isa't isa. Sabay
silang nanginginain sa parang at malapit silang matulog.

Isang araw, isang mamula-mula-kayumangging leon ang nagkataong naglakad-lakad palabas ng kagubatan
patungo sa parang. Ito ay gutom at naghahanap ng mabibiktima. Nang makita niya ang mga baka, natuwa
ito, ngunit hindi niya magawang salakayin, dahil magkasama sila. Kaya, ang leon ay nakaupo sa likod ng
isang malaking bato at matiyagang naghintay hanggang ang mga baka ay maghiwalay sa isa't isa.

Ang mga baka, gayunpaman, ay masyadong matalino upang humiwalay sa isa't isa. Alam nila na kung sila
ay magkasama, walang mandaragit na maaaring umatake sa kanila. Ang leon ay tumambang sa malapit sa
loob ng dalawa o tatlong araw. Ngunit ang mga baka ay patuloy na nananatiling magkasama, at hindi
humiwalay sa isa't isa. Ang leon ay naging naiinip. Nakaisip ito ng plano. Lumapit ito sa mga baka, binati
sila at sinabing, “Kumusta na kayo mga kaibigan ko? Ayos ka lang ba? Naging abala ako kani-kanina
lamang, kaya hindi ako makakapunta at bisitahin ka. Ngayon ay nagpasya akong bisitahin ka."
Ang mamula-mula-kayumangging baka ay nagsabi, "Ginoo, ang iyong pagdating ay talagang nakalulugod
sa amin at nagpapaliwanag sa aming pastulan."

Parehong nabagabag ang mga puti at itim na baka sa sinabi ng kanilang kaibigan, ang pulang kayumangging
baka, at nalungkot sa kawalang-iisip nito. Sinabi nila sa isa't isa, "Bakit pinaniniwalaan ng bakang mamula-
mula ang kayumanggi sa sinasabi ng leon?

Hindi ba nito alam na ang mga leon ay naghahanap ng ibang mga hayop para lamang manghuli sa kanila?"

Sa paglipas ng mga araw, ang mamula-mula-kayumangging baka ay lalong nakakabit sa leon. Pinayuhan ito
ng itim na baka at puting baka laban sa pakikipagkaibigan sa leon, ngunit ang kanilang mga pagsisikap ay
walang kabuluhan.

Isang araw, sinabi ng leon sa mamula-mula-kayumangging baka, “Alam mo na ang kulay ng ating katawan
ay madilim at ang kulay ng katawan ng puting baka ay magaan. Alam mo rin na ang liwanag na kulay ay
kabaligtaran ng madilim na kulay. Napakabuti kung kakainin ko ang puting baka, nang sa gayon ay wala
nang pagkakaiba sa atin at maaari tayong mamuhay nang maayos.”

Tinanggap ng mamula-mula-kayumangging baka ang argumento ng leon at nagsimulang makipag-usap sa


itim na baka upang panatilihing abala ito, upang kainin ng leon ang puting baka. Ang puting baka ay
naiwang mag-isa at pinatay, habang ang mga itim at pulang kayumangging baka ay abala sa walang
ginagawang usapan.

Dalawa o tatlong araw ang lumipas mula nang lamunin ng leon ang puting baka. Nagugutom na naman ito.
Tinawag nito ang pulang-kayumangging baka. Sumagot ang baka: "Oo, ginoo!"

Sinabi ng leon, “Ang kulay ng aking katawan at ang kulay ng iyong katawan ay parehong mapula-pula, at
ang itim ay hindi sumasama sa ating kulay. Napakabuti kung kakainin ko ang itim na baka, upang sa
kagubatan na ito ay magkakapareho tayo ng kulay.” Tinanggap ng mamula-mula-kayumangging baka ang
argumentong ito at lumayo sa itim na baka.

Sinalakay ng leon at nilamon ang itim na baka. At tungkol sa mamula-mula-kayumangging baka, ito ay
puno ng kagalakan na hindi alam kung ano ang gagawin. Gumagala ito at nanginginain at sinabi sa sarili,
"Ako lang ang may kulay ng leon."
Lumipas ang ilang araw, muling nagugutom ang leon. Umuungal ito at sinabing, “Baka na mapula-pula!
Nasaan ka?" Ang mamula-mula-kayumangging baka, nanginginig sa takot, ay pumunta sa harap at nagsabi,
"Oo, ginoo!"

Sinabi ng leon: “Ngayon ay iyong pagkakataon. Humanda ka, kakainin kita."

Ang mamula-mula-kayumangging baka, na may matinding takot at sindak, ay nagsabi, “Bakit sir, kaibigan
mo ako. Ginawa ko lahat ng pinapagawa mo sa akin. Bakit gusto mo pa akong kainin?"

Ang leon ay umungal at nagsabi, “Wala akong kaibigan. Paano posible na ang isang leon ay
nakikipagkaibigan sa isang baka?"

Gaano man magmakaawa at magmakaawa ang mamula-mula-kayumangging baka, hindi tinanggap ng leon
ang mga salita nito. Sa wakas ay sinabi ng baka, "Mr. Lion, hayaan mo akong umiyak ng tatlong beses bago
mo ako kainin."

Sinabi ng leon, "Ok. Bilis, dali!”

Sumigaw ang pulang-kayumangging baka, “Kinain ako noong mismong araw na kinain ang puting baka.
Kinain ako sa mismong araw na kinain ang itim na baka. Kinain ako noong mismong araw na
nakipagkaibigan ako sa leon.”

Mabilis na nilamon ng leon ang mamula-mula-kayumangging baka. Pagkatapos ay sinabi nito sa sarili:
“Natapos ko na ang aking trabaho sa kagubatan na ito. Ngayon mas mabuting pumunta ako sa ibang
kagubatan."

Ang Lamok at ang Leon

Minsang namamahinga sa tabing ilog ang Leyon ay naisipan itong buwisitin ng Lamok.

"Hoy, Leyon! Ikaw nga ba ang Hari ng Kagubatan?"

Tumindig ang Leyon at hinanap kung saan nanggagaling ang boses. Nang walang makita ay muli itong
nagbalik sa may damuhan. Habang ikinikiskis nito ang matatalim na ngipin sa batuhan ay may narinig
siyang busina na paikut-ikot sa kanyang tenga.

"Hoy Leyon.. Leyon," pangisi-ngising usisa ng pilyong Lamok na dumapo pa sa ilong ng nakangunot na
Leyon. "tinatanong kita. Ikaw nga ba ang Hari ng Kagubatan?"

"Oo, ako nga! Hindi mo ba alam? Ako ang Haring dapat igalang ng sinumang naninirahan sa kagubatan!"
pagyayabang ng Leyon.
"Teka, teka. Bakit ikaw ang dapat na maging Hari. Para sa akin wala kang karapatang mamuno sa
kapaligiran. Hindi ako hanga sa iyong pagtatapang-tapangan!"

Tumayo sa galit ang mga tenga ng Leyon. Tumindig din sa kabangisan ang mga balahibo nito.

"Grrr..." nanlilisik ang mga matang hinampas ng Hari ang ilong upang patayin ang maliit na Lamok na
madaling nakalipad at mailing nagbaon ng panusok sa pisngi ng Hari.

"Aruy! Aruy!" nagkikisay sa sakit ang Leyon.

"May Hari bang ganiyan? Isang tusukan lang ng insektong katulad ko ay nag-aaaruy na? Ako ang dapat
tanghaling hari. Maliit man ay may panandata namang makapagpapa-aruy sa hari-hariang di dapat patungan
ng korona ng kagitingan!"

Lumipad na naman nang paikut-ikot ang nambubuwisit na Lamok. Kahit maliit lang ang pangangatawan ay
pinagalaw naman niya ang laki ng kaniyang kaisipan.

Nang ituturok na naman niya ang matulis na panurok ay tumalon na sa gitna ng sapa ang takut na takot na
Leyon. Napag-isip-isip ng Lamok na mabisa pala ang matulis niyang panusok. Sa mariing tusok lang ay
nagkokokoromba na sa pag-aruy ang pobreng Hari ng kagubatan.

Tuwang-tuwa sa kahahagikgik ang pilyong Lamok. Tuwang-tuwang naglilipad sa paligid-ligid ang


insektong may matulis na panurok. Sa kasamaang palad ay nasabit ang pakpak niya sa sapot sa mga sanga
ng puno ng banaba.

Sa pagpipilit na ikampay ang mga pakpak ay napakapit siya sa malagkit na sapot ng Gagamba. Sa pagpipilit
na makawala ay lalong nagkasabit-sabit ang mga paa, pakpak at buong katawan ng Lamok.

Nang dumating ang gutum na gutom na Gagamba ay maluwag sa loob na tinanggap ng Lamok ang
kapalaran niya. Ang ikinalulungkot lang ng Lamok ay nailublob niya sa sapa ang higanteng Leyon pero
maliit na Gagamba lang pala ang sa kaniya ay lululon.

Ang Mayabang na Pulang Tandang


Minsan may isang napakayabang na pulang Tandang na tinitingala at kinatatakutan sa isang komunidad.
Pinakamalaki at pinakamataba siya sa lahat ng manok na naroroon.

Lagi at laging kinatatakutan ito sapagkat mapalapit lang dito ang alinmang manok ay ginigirian na nito at
hinahabol ng tuka. Kapag lumalapit na ito ay nagkakaripasan ng takbo ang ibang matatakuting tandang,
inahin at mga sisiw.

Walang makatatalo sa Tandang na ito. Pinakamagarbo itong tumindig, pinakamalakas tumilaok,


pinakamabilis tumakbo at pinakamataas lumipad. Walang ibang tandang na naglakas loob na lumaban dito.
Lagi at laging nanginginig ang tumbong nila iniisip pa lamang nilang hamunin ito.

Lagi nitong pinaiiral ang pananakot kaya ang lahat ng mga biyaya ay napupunta rito.

Ang pulang Tandang ang nagpapasasa sa mga butil ng palay na unang nakikita ng iba pang tandang sa mga
pilapil.

Ito ang tumutuka sa mga butil ng mais na unang nahahanap ng mga inahin sa mga lansangan.

Ito rin ang umaagaw sa mga bulateng nakakahig ng mga sisiw sa mga bakuran.
Ang pulang Tandang ang dapat mauna sa pagtilaok kapag sumikat na ang araw sa umaga.

Ang pulang Tandang ang dapat mauna sa pag-ikut-ikot nito sa kabukiran, sa kagubatan, sa mga lansangan at
sa mga bakuran matapos makapananghalian.

Ang pulang Tandang ang dapat mauna sa paglipad sa pinakamagandang sanga kapag humahapon na.

Ang pulang Tandang ang Hari ng lahat, lumiwanag o dumilim man ang kapaligiran.

Isang umaga ay nanakot na naman ang pulang Tandang. Itiningkayad nito ang mahahabang mga paa sa
kinatatayuang sanga. Sinipat nito ang mababang puno na kinaroroonan ng nangakapikit pang mga tandang,
inahin at sisiw. Nang mapansing siya pa lang ang gising ay lalo nitong pinakatuwid-tuwid ang pagkakatindig
at parang torotot ng haring rumapido ng pagtilaok sa kaitaasan.

"Ko... ko... ro... kok!" tilaok nito.


Nangagising ang lahat na napatingala. Nagulat ang mga tandang, inahin at sisiw nang matanawan sa
kalawakan ang isang malaking Lawin na dumagit sa pulang Tandang.

Inilipad paitaas ang mayabang na pulang Tandang na walang nagawa kundi magkakawag. Nang mataas na
mataas na ang nalilipad ay binitawan ng higanteng Lawin ang biktima.
Nagkabali-bali ang mga buto ng masibang Tandang nang bumagsak sa lupa.
Magmula noon, matahimik na nabuhay sa komunidad ang mga tandang, inahin at sisiw.

Wala na ang mayabang na pulang Tandang. Naglaho na ang naghahari-harian.


Ang Musikerong Mangingisda
Isang musikerong mangingisda ang hinahangaan ng marami sa husay niyang tumugtog ng plawta. Kapag
namamahinga ay maririnig mo ang kaniyang musika. Napapaindak ang mga dalaga kapag balitaw na ang
tinutugtog niya. Napapakanta naman ang mga binata kapag nangungundiman siya. Para sa mga nakakatanda,
gusto nilang sa halip na paghusayan niya ang pagtugtog sa plawta ay pagbutithin sana niya ang
pangingisdang bubusog sa pamilya.

Tuwing pupunta sa dagat, laging dala-dala ng mangingisda ang lambat niya. Sapagkat konting-konti lamang
ang mga isdang nahuhuli, lungkut na lungkot siyang sapat lamang na pang-ulam ang handog sa kaniya ng
karagatan.

"Hindi ko matututuhan ang galaw ng karagatan. Sa tinagal-tagal na pangingisda ko lagi at laging sapat lang
ang huli ko." paliwanag ng mangingisda sa mga anak.

"Bakit si Mang Teban at Mang Kiko po laging maraming nahuhuli. May pusit na, may tulingan pa.
Nakakahuli rin po sila ng bisugo at hasa-hasang pinagkakaguluhan ng mga suki nila sa bayan."

"Si Mang Teban at Mang Kiko ay sanay nang mangisda sa karagatan. Sa umaga, tanghali o gabi man ay
alam na alam na nila kung aling bahagi ng dagat ang dapat pangisdaan. Isang sining din ang pangingisda na
dapat na matutuhan. Kailangang alam mo kung saan mo ibababa ang lambat at kung kailan mo itataas upang
huli ay masukat."

Hindi gaanong naunawaan ng mga bata ang paliwanag ng ama. Hindi nila gaanong masakyan ang sining na
sinasabi ng mangingisda. Ang alam lang nila ay sapat lang na huli ang laging uwi ng ama nila. Pangarap
nilang sana ay matulad ang ama nila kina Mang Teban at Mang Kiko na maraming huling kayamanan mula
sa kalikasan.

Nag-isip nang malalim ang mangingisda. Nang umagang iyon ay naghanda siyang pumalaot sa karagatan.
Inisip niyang bukod sa lambat ay dalhin din niya ang plawtang iniingatan.
"Hindi ako mahusay mangisda pero baka makatulong ang pagiging musikero ko sa pagpaparami ng huli ko."

Sa gitna ng dagat ay ibinaba ng mangingisda ang lambat. Sa ilang minutong paghihintay ay iniangat niya
ang panghuli subalit ang huli niya ay iilan lamang. Baba na naman. Angat. Baba uli. Angat. Mabibilang mo
sa daliri ang huli. Nanlumo ang mangingisda.

"Malas!" bulong nito.

Naisip ng mangingisdang kunin ang plawta at tumugtog. Inisip niyang ang husay niya sa pagtugtog ay
maaaring makatawag sa mga isda upang magsilapit.

Sa pagbababa at pag-aangat ng lambat ay wala siyang nahuli isa mang isda. Natugtog na niya ang
pinakamalulungkot at pinakamasasayang musika ay wala ring pagbabago ang pangingisda.

Nag-isip nang malalim ang pobreng mangingisda. Pumunta siya sa hilaga, nagbaba at nag-angat ng lambat.
May mangilan-ngilang huli siya. Pumunta siya sa timog, wala isa mang huli siya. Pero nang magpunta siya
sa kanluran at inangat niya ang lambat ay marami siyang handog na tinanggap mula sa kalikasan. Pinag-
aralan niyang mabuti kung paano ihulog ang lambat. Pinag-aralan din niya kung paano ito hatakin. Sinuri
niya kung saan ihuhulog ang lambat at kung gaano katagal ang ipaghihintay niya.

Nang umuwi ng gabing iyon ay punung-puno ng isda ang bangkang ipinalaot ng mangingisda.

Hindi lamang bisugo, pusit, hasa-hasa at tulingan ang huli niya. May ipagmamalaki rin siyang malalaking
tamban na tiyak na pagkakaguluhan sa pamilihang bayan.

Tama ang mangingisda. Ang paglusong sa tubig ay dapat na pangatawanan at ang pangingisda ay dapat na
matutuhan.
Baryo Maligaya
Sa pusod ng isang malawak na kagubatan matatagpuan ang Baryo Maligaya. Malalaki ang mga puno rito
kaya malamig at malinis ang hangin. Marami ring iba't ibang halamang namumunga at naggagandahang
mga ligaw na bulaklak dito. Tahimik at sagana rin sa pagkain ang lugar kaya maligaya ang mga hayop dito.
Dahil dito, ang lugar na ito ay tinawag na Baryo Maligaya ng mga naninirahan dito.

Bahagi na ng pamumuhay ng mga nakatira sa Baryo Maligaya ang pagkakaroon ng mga pagdiriwang. Ang
bawat isa ay nagdadala ng masasarap na pagkain na masaya nilang pinagsasaluhan pagkatapos ng
palatuntunan.

Isang araw ay nagpulong ang mga hayop sa Baryo Maligaya tungkol sa nalalapit na kaarawan ni Haring
Leon. Kailangang espesyal ang gagawin nilang pagdiriwang. Tulad ng dati, napagkasunduan ng lahat na
magdadala sila ng masasarap na pagkain. Napag-usapan din nilang magkaroon ng paligsahan sa pag-awit
upang masiyahan ang haring mahilig sa musika. Ang mananalo ay tatanghaling "Koro ng Baryo Maligaya."

Apat na grupo ang nagpalista: ang Gintong Tinig na koro ng mga unggoy, ang Kundiman ng mga ibon, ang
Tinig Malambing ng mga kuneho, at ang Tunog Makabago ng mga palaka.

Ang apat na pangkat ay dati nang mga mang-aawit. Lahat sila ay mahuhusay at hindi masabi kung sino sa
kanila ang talagang mas magaling. Ngayon ay malalaman na kung sino ang tatanghaling "Koro ng Baryo
Maligaya."

Sa apat na pangkat ay ang Kundiman ng mga ibon lamang ang naghahanda. Nagkaisa sila na araw-araw
silang magpapraktis. Pinagsama-sama-nila ang mga tinig na mataas, katamtaman, at mababa. Isang
kundimang pangkapaligiran ang napili nilang awitin sa paligsahan. Pumili rin sila ng damit na gagamitin na
siya namang angkop sa napili nilang awit.

Ang ibang pangkat ay hindi naghanda. Masyado silang tiwala sa kanilang mga sarili. Ang katwiran nila ay
sanay na sila at kabisado na ng isa't isa ang timbre ng kanilang boses. Hindi na rin sila namili ng kanta.
Iyong dating inaawit na lamang nila sa mga nakaraang pagdiriwang ang aawitin nila para hindi na sila
magpagod sa pagpapraktis.

Dumating ang araw ng pagdiriwang. Tulad ng dati, naroon ang lahat ng mga hayop. Bawat isa ay may
dalang pagkain. Punung-puno ng pagkain ang mga mesa. Ang tanghalan ay maganda ang pagkakaayos at
nakaupo na rito ang mga huradong sina Bayawak, Agila, at Tigre. Ang may kaarawang si Haring Leon at
ang asawa nito ay nakaupo na rin sa isang bahagi ng tanghalan.

Di-nagtagal, sinimulan na ang paligsahan. Unang tinawag ang Tinig Malambing. Hindi mapakali ang mga
kuneho. Hindi magkakapareho ang kanilang mga suot at kitang-kitang ninenerbyos sila. Dahil hindi
naghanda, maraming itinagubilin ang lider na si Kunita sa kanyang mga kasama. Sa nerbyos, hindi lubos na
naunawaan ng mga kasamahan ang mga sinabi niya.
Nang umakyat na sila sa tanghalan, nag-uunahan ang mga kuneho sa likuran ni Kunita. Bawat isa ay ayaw
mapunta sa harapan. Dating sanay sila sa pag-awit sa harapan ng karamihan ngunit ngayon ay nakaramdam
sila ng matinding kaba. Dahil sa nerbyos at hindi sila handa, hindi naging maganda ang ipinakita ng mga
kuneho.

Sumunod na tinawag ang Gintong Himig ng mga unggoy. Tulad ng mga kuneho ay hindi rin sila handa.
Natawa ang mga manonood. May nauuna at may nahuhuli sa pagkanta at tila minamadali nila na matapos
ang kanilang awitin.

Ang Tunog Makabago ang ikatlong tinawag. Humanga ang mga nanonood nang umakyat sa tanghalan ang
mga palaka. Maganda at makabago ang kanilang kasuotan. Iba't ibang instrumento rin ang kanilang dala.
Sumayaw sila sa saliw ng mga instrumentong tinugtog nila bilang panimula. Nagpalakpakan ang mga
manonood. Ngunit nang sila'y umawit, natawa rin ang mga manonood. May pumiyok at may sintunado. Ito'y
dahil sa hindi rin sila nagpraktis. Hindi nila naiayos ang boses nila sa bagong awitin. Dahil dito, ang iba'y
hindi na umawit at sumayaw-sayaw na lamang.

Ibang-iba naman ang ipinakita ng pangkat Kundiman. Pare-pareho ang kanilang kulay berdeng kasuotan at
makikita sa anyo nila ang kahandaan. Humanga ang mga manonood sa istilo ng kanilang pag-awit at sa
bagong awiting pangkapaligiran na inawit nila. Masigabong palakpakan ng mga nagsitayong hayop ang
narinig matapos ang kanilang pag-awit.

Masayang-masaya ang mga ibon. Dahil sa kanilang sipag at pagkakaisa, sila ang nagwagi sa paligsahan. Sila
ang tinanghal na "Koro ng Baryo Maligaya."

Mula noon, ang pangkat ng mga ibon ang umaawit sa lahat ng pagdiriwang na ginagawa ng mga hayop.

You might also like