You are on page 1of 3

Basahin at unawain ang kuwento.

Mula sa Lungsod ng San Carlos, sa Pangasinan ang mga


magulang nina Jeck at Chen ngunit sa kasalukuyan ay sa Lungsod
ng Pasig sila nakatira. Guro ang kanilang ina sa Paaralang
Elementarya ng Pasig samantalang biyahero naman ng mga gulay
ang kanilang ama. Dalawa lamang silang magkapatid at parehong
nag-aaral. Nasa ikawalong baitang si Jeck samantalang ikaapat
naman baitang si Chen.
Tuwing bakasyon, masayang-masaya ang magkapatid dahil
umuuwi sila sa kanilang probinsiya. Kasama ang kanilang mga
pinsan, nagbabakasyon sila sa bahay ng kanilang Lolo Cesar.
Nagiging kapaki-pakinabang ang kanilang bakasyon dahil isinasama
sila sa bukid upang magpastol ng baka at kambing o dili kaya ay
mag-ani ng iba’t ibang uri ng gulay tulad ng talong, ampalaya, okra,
kamatis at sitaw. Nararanasan din nilang manghuli at kumain ng
isda mula sa Agno River. Mangingisda kasi ang kanilang Tito Pekto
at Tito Al.
Sa buwan ding ito, maraming pagdiriwang ang kanilang
pamilya tulad ng pista ng patron, anibersaryo ng kasal at kaarawan
ng kanilang mga pinsan at ni Lola Celing. Simple ngunit
magkakasama silang nagsasalo-salo ng kanilang handa tulad ng
litsong baboy, tinolang manok, sinigang at adobo na paborito ni
Jeck. Siyempre pa, hindi nawawala ang mga kakanin tulad ng
bibingka, biko, suman at ang palitaw na paborito naman ni Chen.
Tunay na mapalad ang magkapatid dahil pareho nilang nararanasan
ang pamumuhay sa lungsod at sa probinsiya.

Itanong:
1. Sino ang magkapatid sa kuwento?
2. Ano ang hanapbuhay ng kanilang mga magulang?
3. Saan at kailan sila nagbabakasyon?
4. Paano nagiging kapaki-pakinabang ang kanilang bakasyon?
5. Bakit sinasabing mapalad ang magkapatid?

You might also like