You are on page 1of 87

8

Araling Panlipunan
Quarter 1

1
Subukin
Panimulang Pagsusulit:
Panuto. Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
kwaderno.
1. Ano ang tawag sa mga guhit sa globo na patimog at pahilaga mula sa isang polo
patungo sa isa pang polo?
A. Latitud B. Longhitud C. Ekwador D. Meridian
2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan?
A. Atlantic B. Indian C. Pacific D. Mediterranean
3. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang
pinakamalaking populasyon sa daigdig?
A. Africa B. Amerika C. Asya D. Europe
4. Ano ang tawag sa guhit sa globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan
ng timog at hilaga?
A. Ekwador B. Parallel C. Longhitud D. Meridian
5. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa dagat?
A. Burol B. Elebasyon C. Relief D. Talampas
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya
ng daigdig?
A. Ang daigdig ay tahanan ng tao
B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa
C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao
D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan
7. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng iba't ibang gawaing pang-ekonomiya sa daigdig?
A. Klima at panahon
B. Porma at elebasyon ng lupa
C. Lawak at anyo ng katubigan
D. Lahat ng A, B, at C.
8. Anong parirala ang lumalarawan sa heograpiya at kasaysayan?
A. Hindi magkatulad
B. may ugnayan sa isa’t isa
C. magkatulad
D. walang kaugnayan sa isa’t isa
9. Alin sa mga pangungusap ang nagpapatunay na ang heograpiya ay may
mahalagang bahagi sa kasaysayan?
A. Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa matinding lamig noong panahon
ng kanyang pagsalakay doon.
B. Hindi nasakop ng anumang bansa ang Thailand dahil sa relihiyon nito.
C. Maraming turista ang nais makarating sa Alaska dahl maamig doon.
D. Ayon sa iba, tamad ang mga Pilipino kaya mahirap ang Pilipinas.
10. Samot-saring balita ukol sa mga trahedyang dulot ng kalikasan ang ating naririnig sa
radyo, nababasa sa pahayagan, at napapanood sa telebisyon o social media. Iba’t
ibang organisasyon o ahensiya na rin ang nagpahayag ng inisyatibo na tugunan ang
mga isyung ito sa pamamgitan ng paghikayat sa mga tao na gawin ang kanilang
gampanin bilang residente ng daigdig na ito.
Bakit tungkulin ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan?
A. Upang magamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan
B. Para huwag magalit ang Diyos sa tao
C. Upang mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito
D. Upang magamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng
buhay ng mga taong naninirahan dito.

2
Aralin

1 Ang Daigdig

Tuklasin
Gawain: Picture-Suri
Suriing mabuti ang nasa larawan at punan ng mga letra ang mga patlang sa ibaba
upang mabuo ang salita na tumutukoy dito. Sagutin din ang mga katanungan na nasa
ibaba.

https://freesvg.org/3d-earth-globe

Tanong: E_R_H
1. Ano ang salitang tinutukoy sa larawan?

2. Anong mga katangian ang nakikitang mong tinataglay ng nasa larawan?

Suriin
Heograpiya
Ang salitang heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na geo o daigdig at graphia
o paglalarawan. Kaya, literal itong nangangahulugang, "paglalarawan sa daigdig".
Ito ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal o Physical
Geography, na agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa
kapaligiran gaya ng klima, heolohiya o Geology, biolohiya o Biology at iba pang sangay ng
agham-pangkalikasan.
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Ang planetang Earth, na kung tawagin natin ay daigdig, ay isa sa walong planetang
umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang
mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng
enerhiya mula sa araw. Gayundin halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin,
alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw. Mahalaga rin ang sinag ng araw
sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga
halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon
ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay
na ang pag- inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.
Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang crust ay ang matigas at
mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km)
palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7
km.

3
Ang mantle ay isang
http://4.bp.blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAA
Bdg/O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde_Schalenbau.jpg
patong ng mga batong
napakainit kaya malambot at
natutunaw ang ilang bahagi nito.

Tinatawag na core ang


kaloob-loobang bahagi ng daigdi
na binubuo ng mga metal tulad
ng iron at nickel.

Ang daigdig ay may


plate o malalaking masa ng
solidong bato na hindi nananatili
sa posisyon. Sa halip, ang mga
ito ay gumagalaw na tila mga
balsang inaanod sa mantle.

Ang daigdig ay may apat


na hatingglobo (hemisphere):
Ang Northern Hemisphere at
Southern Hemisphere na
hinahati ng equator, at ang
Eastern Hemisphere at Western
Hemisphere na hinahati ng
Prime Meridian.

Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao


Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalawakan, kalupaan, klima,
katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop, at mga mineral. Nakaiimpluwensiya ang bawat
katangian sa isa't isa. Ang sistema ng halaman, halimbawa, ay nakasalalay sa nagbabagong
klima na dulot naman ng nagbabagong temperatura at presipitasyon. Ang mga hayop ay
nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang hayop at
lamang- dagat at lupa. Gayundin, ang mga halaman ay may benepisyong nakukuha buhat
sa mga tao. llan lamang ang mga nabanggit sa mga pisikal na katangian ng nagbabagong
daigdig.
Grid ng Daigdig
Kung kaharap mo ang globo, mapapansin mo na oblate spheroid ang hugis ng
daigdig na nagiging patag sa mga polo.

Upang masukat ang kinaroroonan ng isang


lugar, naglagay ang tao ng mga kathang-isip na
guhit sa mundo. Nagsisimula ito sa magkabilang
dulo ng mga polo na may tawag na Timog Polo
(South Pole) sa bandang itaas at Hilagang Polo
(North Pole) sa bandang ibaba. Ang guhit na
makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng
hilaga at timog ay tinatawag na ekwador (equator).
Ang maliliit na mga bilog na naka-parallel sa
ekwador at ng polo ay tinatawag itong parallel ng
latitud dahil sa kanilang relasyon sa ekwador.
https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif

Meridian
Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo sa isang
polo. Sa wikang Latin, tanghali ang kahulugan ng meridian, kaya lahat ng pook na
bumabaybay sa kahabaan ng isang guhit meridian ay sabay-sabay na nakakaranas ng
katanghalian. Ibig sabihin nito, nakatutok sa kanila ang sikat ng araw. Dito rin kinuha ang
salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang ibig sabihin ay "bago sumapit ang
tanghali." Ang post meridian naman o P.M. ay nangangahulugang "pagkalipas ng tanghali."
4
Parallel
Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa kapwa nito guhit at walang paraan para sila
magsalubong. May apat na mahalagang parallel ang naiguhit sa umiinog na daigdig sa
pamamagitan ng sinag ng araw. Ito ang Arctic Circle, Tropic of Cancer, Tropic of Capricorn,
at ang Antarctic Circle.
Latitud
Latitud ang tawag sa pagitan ng dalawang guhit ng parallel. Bawat pagitan ay may
sukat na 10° o 15°. Ito ang pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog ng ekwador.
Longhitud
Ito ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian at
sinusukat ng digri. Sa pagbibigay ng lokasyon ng isang pook sa daigdig, nakasanayan nang
sabihin muna ang latitud, susundan ng longhitud at daragdagan ng direksyon (kung timog,
hilaga, silangan, o kanluran).
Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras
Patuloy ang daigdig sa pag-inog sa kanyang axis habang umiikot ito sa araw.
Taliwas ito sa paniniwala noong sinaunang panahon na hindi gumagalaw. Nakagagawa ito
ng kumpletong pag-inog sa kanyang aksis sa loob ng 24 oras. Ang bilis ng paggalaw ng
mga puntos sa ekwador habang umiinog ito ay 1,609 kilometro bawat oras. Nababawasan
ang bilis na ito habang papalapit sa magkabilang polo.
Inaabot naman ng 365 1/2 araw, sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, ang pag-
ikot ng daigdig sa araw. Hindi natin nararamdaman ang mga nasabing pag-ikot dahil
matatag at napakalaki nito kung ihahambing sa tao at mga bagay.
Tulad ng nabanggit, umaabot ng 24 na oras ang isang pag-inog ng daigdig sa
kanyang axis. Kung magsisimula ang pagtatala ng pag-inog na ito sa hatinggabi ay aabot ito
hanggang sa susunod na hatinggabi. Kaya gumagalaw ang daigdig ng 15 minuto bawat oras
o isang galaw bawat apat na minuto. Unti-unting pumapailanlang sa pakiramdam natin ang
araw sa ganitong pagkilos patungo sa kanluran dahil umiinog ang daigdig patungo sa
silangan.
Ang Klima
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng
buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang kapaligiran o atmospera
at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga
halaman at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang
rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima
sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon
din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng
araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na
tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga
lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp.
Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng
disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang
maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.

Pagyamanin
Gawain: Guhit Ko, Tukuyin Mo
Pag-aralan ang globo na nasa ibaba. Gamitin ang mga termino na nasa kahon
upang tukuyin ang mga mahahalagang guhit o bahagi ng globo. Isulat ito sa nararapat na
patlang.

Equator North Pole


Prime Meridian Antarctic Circle Arctic Circle
Tropic of Cancer Tropic of Capricorn South Pole

5
https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif

Isaisip
Gawain: Malayo Man, Malapit Din
Basahin at unawain ang mga kondisyon na nasa talahanayan. Tukuyin kung malapit
o malayo sa equator ang kinaroroonan ng lugar na inilalarawan ng mga kondisyong
nakasulat sa unang kolum. Iguhit sa ikalawang kolum ang kung malapit sa equator at iguhit
ang
kung malayo. Sagutin din ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa gawaing
kwaderno.
1. Pagkakaroon ng rainforest
2. Nakakaranas ng snowfall o niyebe
3. Nagsasaka ang mga tao at tuwirang nagagamit ang lupa
4. Makakapal ang mga kasuotan ng mga tao
5. Ang pagkakaroon ng disyerto
Tanong:
1. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?

2. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar?

3. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?

Isagawa
Gawain: Tala-Puna
Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon ukol sa mga pangyayari o
kaganapan sa loob at labas ng ating bansa na may kaugnayan sa paksang daigdig. Mga
pangyayaring iyong nasaksihan o napanuod sa telebisyon o social media, narinig sa radyo o
nabasa sa isang pahayagan.
Pangyayari/Kaganapan Ano ang iyong alam sa pangyayari o kaganapang ito?
1. Bagyo
2. Lindol
3. Baha
4. Pagsabog ng bulkan
5. Ipo-ipo
6. El Niño

6
Aralin

2 Ang Mga Kontinente

Balikan
Gawain: Complete It!
Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong natalakay
sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng paglapat ng wastong titk sa loob ng mga kahon.
Gawin ito sa activity notebbok.
1. Ang matigas at mabatong bahagi ng planetang Earth.
C T

2. Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
bahagi nito.
M N E

3. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
C E

4. Binubuo ng malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon.


P A E

5. Ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero.


E U R
Tuklasin
Gawain: Alamat, Ikuwento Ko!
Basahin at unawain ang kuwento na nakasulat sa kahon at sagutin ang mga tanong
na nasa ibaba.

Ayon sa isang matandang alamat, noong unang panahon ay walang lupa. Ang
langit at tubig lamang ang namamayani sa daigdig.
May isang uwak na lumipad sa himpapawid ngunit wala siyang madapuan. Sa
sobrang pagod sa paglipad, naisipan ng uwak na paglabanin ang langit at dagat.
Nagkaroon ng matinding labanan ang dalawa. Malalaking alon ang isinaboy ng dagat sa
langit. Ang langit nama'y naghulog ng malalaking bato sa dagat. Sa mga batong ito
sinsabing nagmula ang lupa. Isa sa mga pulo ng lupang naturan ay ang Pilipinas.

Tanong:
1. Tungkol saan ang kuwento?

2. Anong anyong lupa at anyong tubig ang nabanggit sa alamat?

7
Suriin
Ang Mga Kontinente
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory,
dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa
paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang
kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.
Pag-aralan ang dayagram tungkol sa Continental Drift Theory:

240 milyong taon

• Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na


pinaliligiran ng karagatang tinawag na Panthalassa Ocean.

200 milyong taon

• Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati sa


dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern
Hemisphere.

65 milyong taon

• Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti-


unting dumidikit sa Asya.

Sa kasalukuyan

• Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang


galaw ng North America at Europe bawat taon

Ang laki at sakop ng mga kontinente ay hindi magkapareho. Merong mga kontinente
ng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pitong kontinente ang daigdig – Africa,
Antarctica, Asia, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika,
ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa
Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang
Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, na
pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.
Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang
kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa
Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito.
Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas
malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya
ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya
rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng
Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng
kabuuang lupa ng daigdig.
Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig.
Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor
Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang
kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang
matatagpuan. Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, at iba
pa.
Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa
dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky
Mountains sa kanluran.
8
9
Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula
sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America.
Mga Anyong Tubig
Topograpiya ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Kung gusto
ng tao na mabuhay, dapat siyang matutong makiangkop sa kanyang kapaligiran.
Kung iyong mapapansin, sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang
kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga
lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Samantala, ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng
maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay
matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus
sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na
sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga
rehiyon. Ang mga hangganan sa pagitan ng mga rehiyon na ito ay nagbago sa paglipas ng
panahon dahil sa iba't ibang mga makasaysayang, kultura, heograpiya, at pang-agham na
rason o dahilan.
Noong 2000 itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang
panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot
hanggang 60ºS latitude. Kaya, nadagdagan nang isa ang apat na karagatan na kinilala sa
daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic.
Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig,
pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi
ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java
Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea,
Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.
Mga Uri ng Anyong Tubig
Ating balikan ang iba’t ibang uri ng anyong tubig upang mas lalo nating maunawaan
kung paano sila nakakaapekto sa kasaysayan ng daigdig.
Karagatan - Ito ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat
ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko,
Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang
Southern.)
Dagat – Ito ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa
karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang
sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat
Celebes, Dagat Mindanao at Dagat llapitan.)
Ilog – Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong
dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
Look – Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang
sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at
Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.) Ito ay parte ng isang golpo.
Golpo – Ito ay bahagi ito ng dagat.
Lawa – Ito ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Bukal – Ito ang tawag sa tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
Kipot – Ito ay makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong
tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging
arkipelago nito.
Talon – Ito ay matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
Batis – Ito ay ilug-ilogan o saluysoy na patuloy na umaagos.
Sapa – Ito ay anyong tubig na dumadaloy.
Mga Anyong Lupa
Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-
hati ito sa apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya,
at Aprica; Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at
Australia kasama ang Oceania.
10
Ang mga nabanggit na apat na rehiyon ay bumubuo ng 93 bagagdan ng 53.28
milyong milya kwadrado ng kalupaan. Bunga ng distribusyon ng mga nabanggit na masa ng
lupa, nahiwa-hiwalay nila ang katubigan sa tatlong pangunahing rehiyong katubigan: Pacific
Ocean; Atlantic Ocean at maliit na karagatang Arctic; at Indian Ocean. Para sa mga
oceanographer o mga siyentista na nag-aaral tungkol sa karagatan ng daigdig, tatlo lamang
ang matatawag na karagatan: ang Atlantic, Pacific, at ang Indian. Ang Pacific ang
pinakamalawak at sumasakop sa halos ikatlong bahagi (1/3) ng daigdig.
Mga Uri ng Anyong Lupa
Balikan natin ang iba’t ibang uri ng anyong lupa para mapalalim natin ang ating
pang- unawaan sa kasaysayan ng daigdig.
Kapatagan — Ito ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa,
patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais, at gulay.
Bundok — Ito ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at
hamak na mas mataas kaysa sa burol. Halimbawa nito ang Bundok Banahaw at Bundok
Apo.
Bulkan — Ito ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang
tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang
Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na
kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari
itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang
Pinatubo.
Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang
tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga
luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
Lambak — Ito ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring
mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
Talampas — Ito ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar na pwedeng gawing
taniman.
Baybayin — Ito ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
Bulubundukin — Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at
magkasunud-sunod.
Pulo — Ito ay mga lupain na napalilibutan ng tubig.
Yungib — Ito ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring
pasukin ng tao at hayop.
Tangway — Ito ay pahaba at nakausling na anyong lupa na naliligiran ng tubig.
Tangos — Ito ay mas maliit sa tangway.
Disyerto — Ito ay mainit na anyong lupa gaya ng tanyag na Sahara Desert sa Africa.

Pagyamanin
Gawain: The Map Says
Sagutin ang mga tanong batay sa mapa. Gawin ito sa gawaing kuwaderno

11
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:BlankMap-World-1957.png

12
I. Suriin ang mapa. Isulat sa patlang ang letra na kumakatawan sa bawat karagatan.
1. Pacific Ocean _
2. Atlantic Ocean
3. Indian Ocean
4. Arctic Ocean
5. Southern Ocean
II. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong kontinente ang pinakamalapit sa Africa?
a. Europe b. Antarctica c. North America d. Australia at Oceania
2. Anong kontinente ang hiwalay at di nakadugtong sa anumang kontinente?
a. Asia b. Africa c. Antarctica d. North America
3. Anong kontinente ang matatagpuan sa silangan ng Europe?
a. North America b. Africa c. Australia at Oceania d. Asia
4. Anong karagatan ang nasa kanluran ng Africa?
a. Arctic Ocean b. Atlantic Ocean c. Indian Ocean d. Pacific Ocean
5. Anong karagatan ang nasa sa silangan ng Africa?
a. Atlantic Ocean b. Indian Ocean c. Pacific Ocean d. Arctic Ocean

Isaisip
Gawain: Anyo Mo, Ilarawan Ko
Kumpletuhin ang mga talahanayan. Magbigay ng halimbawa ng mga anyong lupa at
anyong tubig at isulat ito sa unang kolum. Isulat naman sa ikalawang kolum ang katangian
ng bawat halimbawa na naibigay. Sagutin din ang tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa
gawaing kwaderno.
Anyong Lupa Katangian

Anyong Tubig Katangian

Tanong:
1. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang
pinaninirahan?

2. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at anyong tubig sa pag-unlad ng


kabuhayan ng tao?

Isagawa
Gawain: Iguhit Ko, Kuwento Ko
Maglahad ng karanasan o kwento tungkol sa mga lugar na iyong napuntahan.
Gumuhit ng isang anyong lupa o anyong tubig na iyong nakita sa lugar na may masaya
kayong ala- ala. Gawin ito sa iyong activity notebook.

13
Buod
Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang lahat sa kalikasan at kapaligiran
– mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan sa pag-inog ng araw.
Mahalaga na malaman nating kung saang parte tayo sa mundo nakatira dahil ito ay
nakakaapekto sa klase ng ating pamumuhay. Ang mga lugar na malapit sa equator ang
nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig.
Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng
halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit
ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga
halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang
napakalamig ng panahon.
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at
South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang
Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na
sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga
rehiyon. May limang karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, Arctic at
Southern Ocean.
Ang kalupaan ay may 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa
apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica;
Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia
kasama ang Oceania.
Ang ating kaalaman sa katangiang pisikal ng daigdig ay makatulong sa atin upang
lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating kasalukuyang panahon.

Pagtatasa
Pangwakas na Pagsusulit:
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang gumuguhit sa globo patimog at pahilaga mula sa isang polo hanggang sa isa
pang polo?
A. Parallel
B. Longhitud
C. Latitud
D. Meridian
2. Ano ang guhit ng globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at
timog?
A. Meridian
B. Parallel
C. Ekwador
D. Longhitud
3. Ano ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig?
A. Kalupaan
B. Katubigan
C. Klima at Panahon
D. Lahat ng nasa itaas
4. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa lebel ng dagat?
A. Elebasyon
B. Meridian
C. Relief
D. Ekwador
5. Ano ang pinakamalaking karagatan sa daigdig at may lawak na halos 1/3 ng daigdig?
A. Indian
B. Atlantic
C. Mediterranean
D. Pacific
6. Saang kontinente nakatira ang halos kalahati ng populasyon sa daigdig?
A. Aprica
B. Europa
14
C. Asya
D. Hilagang Amerika
7. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng
kabuhayan ng mga kultura at kabihasanan sa daigdig?
A. Klima
B. Anyo at lawak ng katubigan
C. Porma ng lupa
D. Lahat ng nasa itaas
8. Saan malaki ang impluwensiya ng heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa?
A. Kabuhayan
B. Panlipunan
C. Pulitika
D. Pangkabuhayan
9. Bakit mahalagang malaman ang aspetong ito daigdig bilang tahanan ng tao at
nakaaapekto sa pagpapatuloy ng ating buhay?
A. Pisikal
B. Pulitika
C. Kultura
D.Panlipunan
10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin?
A. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan.
B. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan.
C. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya ang pagpapahalaga sa kalikasan.
D. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang magpatuloy
nang maayos ang buhay ng tao.

Karagdagang Gawain
Gawain: Barangay Ko, Guhit Ko
Gamit ang iyong kuwaderno, iguhit ang mapa ng iyong Barangay at lagyan ito ng
mga marka kung saan dito ang mga lugar na may anyong lupa at anyong tubig.

15
Subukin
A. Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
kwaderno.
1. Anong relihiyon ang sinusunod ng 23.20 % populasyon ng mundo?
A. Islam
B. Iba pa
C. Hinduismo
D. Kristiyanismo
2. Sino ang tinatawag na lahing dilaw?
A. Negroid
B. Hinduismo
C. Aucasoid
D. Mongoloid
3. Ano ang naging batayan ng pagkilos ng tao sa kanyang pang-araw-araw na
pamumuhay?
A. Non-Religious
B. Heograpiyang Pantao
C. Relihiyon
D. Religare
4. Ang mga Negroid ay isa sa mga pangunahing lahi ng tao. Anong katangian kilala
ang lahing ito?
A. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok.
B. Mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.
C. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok.
D. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.
5. Ano ang itinuturing bilang pinakamatandang relihiyon sa daigdig?
A. Budismo
B. Relihiyon
C. Hinduismo
D. Indo-European

B. Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Alamin ang bahagdan ng populasyon sa


mundo na sumusunod sa mga pangunahing relihiyon. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kwaderno.
Hanay A Hanay B
1. Kristiyanismo A. relihiyong may 11.67%
2. Budismo B. relihiyong may 11.44%
3. Muslim C. relihiyong may 23.20%
4. Hinduismo D. relihiyong may 31.59%
5. Iba pa E. relihiyong may 15.0%
F. relihiyong may 7.10%

16
Aralin
3 Ang Daigdig
Balikan
Gawain: Punan Mo Ko
Kumpletuhin ang dyagram. Isulat sa mga bilog ang pitong kontinente ng daigdig.

https://freesvg.org/3d-earth-globe

Tuklasin
Gawain: Simbolo ng Pananampalataya
Mag-isip ng isang simbulo na magrerepresenta ng inyong relihiyon. Iguhit ito at
pagkatapos ay sagutiin ang mga tanong na nasa ibaba.

Tanong:

1. Ano ipinapahiwatig ng simbolo na iyong ginuhit?

2. Ano ang kinalaman nito sa iyong relihiyon?

17
Suriin
Heograpiyang Pantao
Ang ikalawang sangay ng heograpiya ay ang Heograpiyang Pantao o Human
Geography o Heograpiyang Kultural o Cultural Geograph. Ito ay isang agham panlipunan na
pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito
binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Saklaw ng
heograpiyang pantao ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.
Inaalam ng mga heograpong pantao ang mga dahilan kung paano nababago ng tao
ang kapaligiran, kung paano siya nakalilikha ng panibagong lugar na may kahulugan, at
kung paano nababago ng kapaligiran ang paraan ng pamumuhay ng tao. Ang interaksyong
ito ang pangunahing sinusuri sa Heograpiyang Pantao.
Wika
Ang wika ay itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura. Ito ang nagbibigay ng
pagkakakilanlan sa mga tao na kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa
daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Ang mga wikang ito ay napaloob sa
tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan.
Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay
nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

http://denzell.com/wp-content/uploads/2019/01/xlanguages.jpg.pagespeed.ic.AzYk5LfyOz.webp
Relihiyon
Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang religare na nangangahulugang “buuin
ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Ito ay kalipunan ng mga
paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang nilalang o Diyos. Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng
isang relihiyon, nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
Ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing-
gabay sa kanilang pamumuhay. Pero kung ikukumpara ito sa kasalukuyan, hindi ito
organisado at mayroong sistematikong mga doktrina. Malaki ang bahaging ginampanan ng
relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan kung ating tingnan
ang kasaysayan ng daigdig. Isa itong malaking salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga
kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga
kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang
relihiyon.
Makikita sa mapa ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng
dami ng tagasunod ng mga ito.

Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

18
Lahi/Pangkat-Etniko
Kung tingnan natin, parang isang malaking mosaic ang daigdig dahil sa maraming
natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang
race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang
pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.
Maraming eksperto ang bumuo ng iba’t ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig,
ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring
magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon gaya ng nangyari sa Estados Unidos noong
Mayo 25, 2020 kung saan napatay si George Floyd, isang negro, habang nasa kustodiya ng
mga pulis dahil sa pagbili ng sigarilyo gamit ang pekeng $20 perang papel. Naging viral ang
video ng huling sandali ng kanyang buhay na siyang nag-udyok ng malawakang protesta sa
ibat’t ibang panig ng bansang Amerika (https://www.nytimes.com/2020/05/31/us/george-floyd-
investigation.html).
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na
nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay
ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing
maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.
Mga Pangunahing Lahi ng Tao
Tingnan naman natin ang mga pagbabago sa pagkakaroon ng iba’t ibang lahi ng tao.
Nagkaroon ang daigdig ng tatlong pangunahing lahi ng tao – ang Mongoloid o Dilaw, ang
Negroid o Itim, at ang Caucasoid o Puti. Bagamat di na inuuri ang mga tao ngayon ayon sa
kulay, makakatulong sa pag-aaral ng pinagmulan ng tao ang ganitong klasipikasyon.
Mga Mongoloid. Mayroon ding sangang lahi ang lahing Mongoloid o dilaw na kayumanggi:
mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat. Hugis almond o
singkit ang mga talukap ng mga mata ng mga lahing Mongoloid. Halos bilog ang
hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok at hindi gaanong
mabalahibo ang kanilang balat. Manipis ang mga labí nila at hindi matangos ang
ilong. Laganap ang lahing Mongoloid sa Asya tulad ng mga Pilipino, Tsino,
Hapones, Koreano, Vietnamese, Thai, Tibetan, taga-Myanmar, Mongol, Malaysian,
Indonesian, Singaporean, taga-Hong Kong at karatig-pook. Ang mga Amerikanong
Indian na nabibilang sa lahing Mongoloid ay nasa kapatagang sentral ng Estados
Unidos, mga Eskimo ng Hilagang Amerikanong Arktiko at mga Indian sa Central at
Timog Amerika ay nabibilang din sa lahing ito.
Mga Negroid. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.
Matataas at malalaki ang kanilang pangangatawan. Matatagpuan ang mga purong
Negroid sa kanlurang Sudan at Guinea. Pahaba ang hugis ng kanilang ulo,
malalapad ang kanilang ilong at makakapal ang mga labí. Maitim hanggang
matingkad na kulay kape ang kanilang balat. Sa Silangang Sudan naman
matatagpuan ang mga Nilote, mga Bantu na binubuo ng mga Masai, Kikuyu, Zulu,
Swahili at Swazi. Hindi gaanong maitim ang mga nabanggit. Manipis ang kanilang
mga labí at ilong. Kulay tsokolate naman at hindi maitim ang balat ng mga Negroid
at Papuan sa New Guinea at ilang pulo ng Indonesia at Melanesia sa mga pulo ng
Pacific.
Mga Caucasoid. Mapuputing tao ang mga Caucasoid. Napapangkat sila sa Nordic,
Silangang Baltic, Alpine at Mediterranean. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng
kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok at bughaw o berde ang kulay ng mga
mata. Pandak ang mga Alpine, malalaki ang katawan at malalapad ang ulo. Ang
mga Mediterranean naman ay hindi gaanong mapuputi, may kaitiman ang kulay ng
balat at mata, maitim din at mahabang kulot ang kanilang buhok. Kasama rito ang
mga lahi na naninirahan sa rehiyon ng Dagat Mediterranean kasama na ang mga
Arabo. Matatagpuan ang iba sa hilaga at gitnang India. Mga ninuno ng Hammites
subalit nalahian ng Negroid ang mga nakatira sa Egypt, Ethiopia, Somalia at sa
kanlurang Sahara. Matatagpuan din sa Europa ang karamihan sa mga lahing
Caucasoid. Naninirahan ang mga Nordic sa Scandinavia, Ingglatera at Alemanya.
Ang mga Baltic naman ay paninirahan sa silangang Europa tulad ng mga Alpine na
Kinabibilangan ng mga Slav. Kasama rin sa lahing Caucasoid ang mga Polynesian
na nasa Islang Pasifico at New Zealand at ang mga Ainu ng Japan at Veddah ng
timog India.

19
https://pic.betweenmates.com/img/news/148/difference-between-race-and-ethnicity_1.jpg

Pagyamanin
Gawain: Crossword Puzzle
Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa
inilalarawan ng bawat bilang.
Pahalang Pababa

1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may pinakamaraming


3. Sistema ng mga paniniwala at tagasunod
rituwal 4. Pamilya ng wikang may
7. Pagkakakilanlang biyolohikal Pinakamaraming taong gumagamit
ng pangkat ng tao 5. Salitang-ugat ng relihiyon
9. Pamilya ng wikang Filipino 6. Salitang Greek ng “mamamayan”
10. Matandang relihiyong umunlad sa 8. Pangkat ng taong may iisang kultura
India at pinagmulan

20
Isaisip
Gawain: Pag-isipan Mo
Basahin ang mga katanungan sa ibaba at sagutin ito. Isulat ang iyong sagot sa isang
buong papel. Magbigay ng halimbawa kung maari.
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na
heograpiya?
2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?
4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o
isang pangkat ng tao?

Isagawa
Gawain: Modelo ng Kultura
Pumili ng isang bansa na nais mong bigyan ng malalim na pag-intindi ang kanilang
heograpiyang pantao.
Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.
1. Gumamit ng anumang uri ng papel at gupitin ito na kahugis ng isang damit o
kasuotan.
2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at
bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang iyong pinili.
3. Idikit ito sa gawaing kwaderno at isulat ang paliwanag sa disenyo ng iyong
ginawang kasuotan.
Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Wasto ang impormasyong nakasulat at mga
Nilalaman 10
bagay o simbolong nakaguhit sa damit; nakapaloob ang
ng Kasuotan
tatlo o higit pang konsepto ng aralin
Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay
Disenyo 10
at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit;
ng Kasuotan
malinaw ang mensahe batay sa disenyo
Kabuuan 20
Buod
Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang lahat sa kalikasan at kapaligiran
– mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan sa pag-inog ng araw.
Mahalaga na malaman nating kung saang parte tayo sa mundo nakatira dahil ito ay
nakakaapekto sa klase ng ating pamumuhay. Ang mga lugar na malapit sa equator ang
nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig.
Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng
halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit
ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga
halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang
napakalamig ng panahon.
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at
South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang
Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na
sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga
rehiyon. May limang karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, Arctic at
Southern Ocean.
Ang kalupaan ay may 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa
apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica;
Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia
kasama ang Oceania.
Ang ating kaalaman sa katangiang pisikal ng daigdig ay makatulong sa atin upang
lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating kasalukuyang panahon.

21
Pagtatasa
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.
A. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
papel.
Hanay A Hanay B
1. Lahi A. pinagmulang salita ng "etniko" na nangangahulugang
"mamayan"
2. Relihiyon B. tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao,
gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng isang
pangkat
3.Religare C. nagbibigay ng pagkakilanlan o identidad sa mga taong kabilang
sa isang pangkat
4. Ethnos D. kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga
tao tungkol sa kinikilalang makapangyarihang nilalang Diyos
5. Wika E. naging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-
araw na pamumuhay
F. pinanggalingan ng salitang relihiyon na nangangahulugang:
"buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang
kabuuan nito"
G. itinuturing kaluluwa ng isang kultura
B. Basahin ng mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Anong relihiyon ang sinusunod ng 15% ng populasyon sa mundo?
A. Hinduismo B. Budismo C. Islam D. Iba pa
2. Alin dito ang tumutukoy sa lahi ng mga puti?
A. Caucasoid B. Budismo C. Mongoloid D. Hinduismo
3. Ito ay mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan.
A. Austronesian B. Language Family C.Indo-European D. 6,200,000,000
4. Itinuturing na kaluluwa ng isang kultura.
A. Islam B. Iba pa C. Wika D. Hinduismo
5. Ang mga Negroid ay isa sa mga pangunahing lahi ng tao. Anong katangian kilala ang
lahing ito?
A. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok.
B. Mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.
C. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok.
D. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.
Karagdagang Gawain
Gawain: Respeto, Ikwento Mo
Gumawa ng isang kwento tungkol sa isang karanasan kung saan naipakita mo ang
pagrespeto mo sa relihiyon o lahi ng ibang tao..

https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jmzwn

22
Subukin
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.o
kwaderno.
1. Ano ang ibang tawag ng Panahong Paleolitiko?
A. Panahon ng Biak na Bato C. Panahon ng Ordinaryong Bato
B. Panahon ng Lumang Bato D. Panahon ng Makabagong Bato
2. Anong kataga ang pinagmulan ng Paleolitiko na nangangahulugan na matanda at
lithos o bato?
A. Neos B. Luma C. Old D. Paleos
3. Ano ang ugat sa pagsimula ng paggamit ng kasangkapang bato sa Panahon ng
Paleolitiko?
A. Hominid B. Humanoid C. Polaroid D. Taong Neandertal
4. Maliban sa pangangaso, ang ang unang ginamit ng mga sinaunang tao sa Panahong
Paleolitiko?
A. Bakal B. Tanso C. Apoy D. Tubig
5. Ano ang ibang tawag ng Homo habilis ng nangangahulugang able man dahil sila ang
unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato?
A. Homo Erectus B. Giant Man C. Handy Man D. Rational Man
6. Ano ang sumunod sa Homo habilis na may higit na kakayahan sa paggawa ng
kagamitang bato?
A. Homo habilis B. Taong Neandertal C. Taong Cro-Magnon D. Homo erectus
7. Saan natuklasan ang labi ng taong Neanderthal?
A. Germany B. Italy C. France D. Spain
8. Ano ang unang pamayanan na kadalasang matatagpuan sa mga lambak?
A. Dumpsite B. Campsite C. Tree house D. Village
9. Ano ang pumalit sa Taong Neanderthal nang ito ay nawala?
A. Tabon B. Cro-Magnon C. Erectus D. Habilis
10. Ano ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego?
A. Gitna B. Huli C. Luma D. Bago
11. Kailan nagsimula ang Panahong Mesolitiko?
A. 7,000 BC B. 8,000 BC C. 9,000 BC D. 10,000 BC
12. Ano ang salitang Greek na nangangahulugan na “bago” sa Panahong Neolitiko?
A. Neos B. Bios C. Paleos D. Zeus
13. Ano ang tawag sa naganap sa panahong ito ng Rebolusyong Neolitiko?
A. Sistematikong paghahayupan C. Sistematikong pangingisda
B. Sistematikong pagtatanim D. Sistematikong pangangaso
14. Ano ang isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng
gitnang Anatolia (Turkey ngayon)?
A. Catal Village B. Anatolia Village C. Baghdad D. Catal Huyuk
15. Ano ang itinuturing na kauna-unahang natuklasang uri ng metal?
A. Ginto B. Pilak C. Tanso D. Bronse
16. Ano ang simulang ginamit noong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa
Europe at 1500 BC naman sa Egypt?
A. Ginto B. Pilak C. Bronse D. Tanso
17. Ano ang tawag sa paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na
matigas na bagay?
A. Pulang tanso B. Pulang bato C. Pulang araw D. Pulang buwan
18. Ano ang natutuhan ng mga tao na gawin sa mga karatig-pook sa panahong bronse?
A. Makipagkuwentuhan B. Magsaka C. Makipagkalakalan D. Magluto
19. Sino ang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500 BC
na nakatuklas sa bakal?
A. Sumerian B. Babylonian C. Assyrian D. Hittite
20. Ilang beses kahalaga sa ginto ang bakal noong hindi pa gaanong marunong
magmina nito ang mga tao?
A. Tatlo B. Apat C. Limang D. Anim

23
Aralin

4 Panahon ng Bato

Balikan
Gawain: Kilalanin Mo!
Ano ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag? Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal
o biyolohikal na katangian ng isang pangkat.

2. Ito ay sinasabing lahi ng mga puti.

3. Ipinapalagay na ito ang nangunguna sa lahat ng language family.

4. Ito ang pinanggalingan ng salitang relihiyon na nangangahulugang: "buuin ang mga


bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito."

5. Ito ay sinasabing lahi ng mga itim.

Tuklasin
Gawain: Kung Ikaw Kaya?
Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili
sa cloud callout ng dalawang bagay na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong pang-araw-
araw na pamumuhay. Sagutin ang mga tanong sa ibaba

BATO
APOY KAHOY
BANGA
BUTO NG HAYOP

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Thinking_Cartoon_Businessman_(Flipped).svg
Tanong:
1. Alin ang iyong napili?
2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong napili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahon kung mayroon ka ng mga bagay na
iyong napili? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Suriin
Nakakuha ang mga antropolohista ng mga impormasyon tungkol sa pamumuhay ng
mga unang tao sa pamamagitan ng kanilang mga labí tulad ng bungo, buto, at mga
kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo. Buhat sa mga iyan nalaman ang
kanilang mga gawain at pamamaraan ng pamumuhay sa siyang bumubuo ng kanilang
kultura.

24
25
Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang mga
kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na pakikipagsapalaran.
Dahil diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang sa malinang ang
kasalukuyang kabihasnan sa iba’t ibang kapuluan ng daigdig.
Panahon ng Bato
Sa mahabang panahong nagdaan, nakalinang ng sibilisasyon ang mga sinaunang
tao. Sila ay namuhay bilang grupo ng sampu hanggang 30 katao. Pawang pangangaso at
pangingisda ang kanilang ikinabubuhay at karamihan ay mga yungib ang kanilang silungan
o panahanan.
Panahong Paleolitiko
Tinatayang nagtagal ang Panahong Paleolitiko mula noong 2,500,000 BC hanggang
10,000 BC. Sa panahong ito nabuhay ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo Habilis,
Homo Erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, at Homo Sapiens tulad ng Taong
Neanderthal at Taong Cro-Magnon.
Sa panahong ito, nakatira ang unang tao sa yungib upang pangalagaan ang sarili sa
malamig na panahon. Katatapos pa lamang ng panahon ng pagyeyelo at maaring
kasalukuyan pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng daigdig at walang permanenteng tirahan
ang mga tao sa panahong ito. Pagala-gala sila sa paghahanap ng pagkain. Namimitas sila
ng mga bungangkahoy, nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda sa tubig sa
pamamagitan ng mga kamay lamang. Kung minsan naman, gumagamit sila ng batong
panghampas o pambato at sanga ng kahoy upang maging madali ang panhuli. Sa panahon
ding ito natuklasan ang gamit ng apoy. Maaring sa hindi sinasadyang pagkakataon,
tinamaan ng kidlat ang isang puno. Nasunog ito at nagbigay ng init sa paligid. Maganda ang
epekto ng init sa panahon ng taglamig.
Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age) ang Panahong
Paleolitiko.
Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang “paleos” o matanda at “lithos” o bato
Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan
Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga hominid
Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao
Lower Paleolithic Period
Nagwakas dakong 120,000 taon na ang nakararaan
Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig
Hindi pa lumilikha ng mga kasangkapan
Ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang unang
species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato
Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may kakayahan sa paggawa ng
kagamitang bato
Middle Paleolithic Period
Dakong 120,000 – 40,000 taon ang nakararaan
Paglitaw ng makabagong tao noong 100,000 taon ang nakalilipas
Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa
bato
Nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi
Upper Paleolithic Period
Dakong 40,000 – 8,500 taon ang nakararaan
Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang
matatagpuan sa mga lambak
Ang mga Taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga Taong Cro-
Magnon
Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan.

Mga Homo Sapiens


Ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao ay ang Homo sapiens
Neanderthalensis (circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo
sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang
kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may
kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng
sining ng pagpipinta sa kuweba.

26
Taong Neanderthal Taong Cro-Magnon

https://humanorigins.si.edu/sites/default/fil https://humanorigins.si.edu/sites/default/files/styles/full_
es/styles/medium/public/images/square/n width/public/images/square/sapiens_Cromagon_HOP_
eanderthalensis_laferrassie_skull_3qtr_sq 3qtr_rt_sq.jpg?itok=CODZlkAo
.jpg?itok=9EmxIh-p

Panahong Mesolitiko
“Gitna” ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego. Kaya’t ito ang Gitnang
Panahon ng Bato. Dito nagsama-sama ang mga gawain sa panahong paleolitiko habang
unti-unting pumapasok ang tao sa Panahon ng Neolitiko.
Tinatayang nagsimula noong 10,000 BC hanggang 7,000 BC ang Panahong
Mesolitiko. Ipinanukala ni Sir John Marshall, isang antropolohista, ang teorya ng “paghamon
at pagtugon” upang matugunan ang mabilis na pagbabagong naganap sa kapaligiran
(hamon) ng mga tao na natugunan nila sa pamamagitan ng pagbabago ng mga kaugalian at
mga gawaing kilos (tugon). Nakahandang tumanggap ang ibang pangkat ng pagbabago
samantalang namuhay sa kasukalan ang ibang nanatili sa lumang kaalaman. Tumagal
lamang ng 3000 taon sa Mesopotemia at kaunting panahon lamang sa Europa ang Panahon
ng Mesolitiko. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito ang panustos na pagkain.
Pinakasolusyon dito ang pagiging prodyuser ng tao kaysa umasa sa likas na. Subalit sa
nagbabagong klima, mahirap na hamon ito.
Rebolusyong Neolitiko
Nahubog ang Panahong Neolitiko sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na
kinakain at ng pagtuklas sa pagtatanim. Ang pagtatanim o pagsasaka ang
pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito. Natuklasan marahil ng tao ang
pagtatanim nang minsan, sa paghahanap ng tao ng bungangkahoy na noon ay paunti na
nang paunti, nakakita siya ng isang uri ng bunga na may maraming buto. Nagsimula rin sa
panahong ito ang pagpapalayok. Natutunan ng taong gumawa ng mga bagay na yari sa
putik tulad ng laryo (bricks) na pinatitigas sa init ng araw gaya ng sa India, o kaya ay
pinatitigas sa pugon, gaya ng sa Mesopotamia. Ginagamit ang laryo sa paggawa ng bahay.
Sa Panahong Neolitiko, malaki ang naging pagbabago sa kasangkapan ng tao.
Pinakinis ang dating magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sa
kanilang gamit: pamutol ng kahoy, gamit sa pagsasaka, panghiwa, pang-ahit, pamutol ng
buhok, pamatay ng hayop, armas, at marami pang iba.
Lalo pang pinag-ibayo sa panahong ito ang pag-aalaga ng hayop na nasimulan
noong Panahong Mesolitiko. Sa kalaunan, ginamit na nila itong sasakyan o tagahila ng
behikulo katulad ng paragos at karwahe. Kabayo, baka at aso ang mga hayop na ginagamit
para rito. Nabago rin ang mga tirahan sa panahong ito. Bagamat nagsimula ang
pagkakaroon ng permanenteng tirahan noong Panahong Mesolitiko, higit pa itong nalinang
noong Panahong Neolitiko. Dahil ito sa pag-unlad ng pagsasaka, at pag-imbento ng asarol
at iba pang gamit sa bukid. Kailangang tumira ang tao sa isang lugar habang hinihintay
niyang tumubo at maani ang kanyang pananim. Habang wala pa ang tag-ani, gumagawa
naman siya ng mga palayok at iba pang gamit na yari sa putik. Natuto siyang maghabi ng
banig, basket at tela dahil mahirap umasa sa mga balat ng hayop upang gawing damit.
Noong una, para lamang sa pansariling konsumo at sa mga kaanak ang produksyon.
Hindi nagtagal, nakapag-iimbak ng maraming bagay ang tao sa sariling gamit. Dito
nagsimula ang pagpapalitan ng produkto o ang sistemang barter. Dinadala ang sobrang
produkto sa lugar ng palitan. Kung may kailangan ang tao, pumupunta lamang siya rito
upang makipagpalit ng produkto. Nagsimula rito ang konsepto ng palengke. Hindi nagtagal,
naging mahirap na
27
ang pakikipagpalitan ng produkto kaya umisip ng paraan ang tao upang maging maayos ang
sistema ng palitan. Dito naimbento ang sistema ng palitan gaya ng sa Mesopotamia kung
saan buto ng cacao ang unang ginamit na papalit produkto.

 Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko


(Neolithic Period) o Panahon ng Bagong Bato (New Stone Age) na hango sa
mga salitang Greek na neos o “bago” at lithos o “bato.”
 Ang terminong neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang
italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa
pamumuhay at teknolohiya.
 Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato,
permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng
palayok at paghahabi.
 Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o
sistematikong pagtatanim.
 Isa itong rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang
pangangailangan sa pagkain.
 Ito rin ang nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar upang
alagaan ang mga pananim
 Catal Huyuk – Isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng
Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon)
 Isang pamayanang sakahan
 May populasyong mula 3000 – 6000 katao
 Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng
isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan
 Inililibing ang mga yumao loob ng kanilang bahay
 May paghahabi, paggawa ng mga alahas, salamin, at kutsilyo

Pagyamanin
Gawain: Yugto, Tukuyin Mo.
Basahin at unawain ang mga katangian/kondisyon na nasa unag kolum ng
talahanayan. Tukuyin sa ikalawang kolum kung anong yugto ng sinaunang panahon ang
inilalahad ng mga katangian/kondisyon na nakasulat sa unang kolum. Isulat sa gawaing
kuwaderno ang sagot.

Yugto ng Sinaunang Panahon


(Piliin ang sagot)
Lower Paleolithic,
KATANGIAN/KONDISYON Middle Paleolithic,
Upper Paleolithic,
Panahong Mesolithic o
Neolithic
1. Ang pagtatanim o pagsasaka ang
pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito.
2. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa
pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato.
3. Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.
4. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa
anyong mga campsite na kadalasang
matatagpuan sa mga lambak.
5. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong
ito ang panustos na pagkain.

28
Isaisip
Gawain: Ano Ngayon? Chart
Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng pag-
unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa
kasalukuyang pamumuhay. Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa
kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan.
Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto
ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon? Chart, Isulat sa kahon ang
kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa kaliwang kahon. Gawin ito sa
iyong activity notebook.

(Halaw sa EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig)


Isagawa
Gawain: Pag-isipan Mo!
Mula sa iyong nalaman ukol sa mga sinaunag tao, ano sa iyong palagay ang anyo,
katangian at pamumuhay ng ating mga ninunong Pilipino? Ilahad ang iyong sagot sa
pamamagitan ng pagguhit sa iyong kuwaderno.

29
Aralin

5 Panahon ng Metal

Balikan
Gawain: Itala Mo!
Alalahanin mo ang nakaarang aralin. Isulat sa tahanayan ang mga pangunahing
katangian ng mga yugto ng sinaunang panahon upang mailahad ang pagkakaiba ng mga
ito. Gawin ito sa iyong gawaing kuwaderno.
Ano ang pagkakaiba ng Paleolitko, Mesolitko at Neolitiko?
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko

Tuklasin
Gawain: Ilista Mo!
Maglista ng mga bagay na iyong pag-aari o nasa inyong bahay na yari sa metal o
may bahaging metal. Isulat ito sa unang kolum ng talahanayan at sa ikalawang kolum isulat
ang paliwanag kung paano ito ginagamit.
Mga gamit na yari sa metal Paano ito ginagamit?
1.
2.
3.
4.
5.

Suriin
Panahon ng Metal
Ginto ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal. Nakukuha lamang ito sa gilid ng
ilog Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin. Subalit hindi nagkaroon ng panahon ng
ginto dahil hindi naman kapakipakinabang ito sa tao. Malambot ang ginto at hindi maaaring
gawing kasangkapan o armas. Tanso (copper) ang sumunod na natuklasan ng tao. Matigas
ito kaysa ginto at nahuhulma ito sa iba’t ibang hugis na nais ng tao.
Panahon ng Tanso

https://pixabay.com/photos/copper-scrap-metal-scrap-disposal-1504098/

Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso. Subalit patuloy pa rin ang
paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 BC sa
mga lugar sa Asia at 2000BC sa Europe at 1500 BC naman sa Egypt. Tinawag na Panahon
ng Tanso ang mga nabanggit na taon. Nalinang nang mabuti ang paggawa at pagpapanday
ng mga kagamitang yari sa tanso.

30
Panahon ng Bronse
Naging malawakan na noon ang
paggamit ng bronse nang matuklasan
ang panibagong paraan ng
pagpapatigas dito. Natutuhan ng tao na
paghaluin ang tanso at lata (tin) upang
makagawa ng higit na matigas na
bagay. Tinawag ang kombinasyong ito
na bronse o pulang tanso. Iba’t ibang
kagamitan at armas ang nagagawa mula
sa tanso tulad ng espada, palakol,
kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat.
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9
Lumaganap ang paggamit ng bronse GcTVuW6FIbmSsEnWC6ny7wEHOQWbdgQeEej7pg&usqp=C
noong 2000 BC. Sa panahong ito
natutong makipagkalakalan
ang mga tao sa mga karatig-pook. Ang pag-unlad ng palengke at kalakalan ang nagbigay
daan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod. Nagkaroon din ng mga ekspertong artisano
na may kani-kanilang kaalaman. Nagtayo ng kani-kaniyang samahan ang mga ito batay sa
produkto na kanilang ginagawa tulad ng mga gumagawa ng sandalyas. Ang mga samahang
ito ang nagsilbing tagasuri sa kalidad ng mga produktong nalilikha ng bawat kasapi.
Panahon ng Bakal
Natuklasan ang bakal ng mga
Hittite, isang pangkat ng Indo-
https://www.pickpik.com/iron-rebar-house-construction-iron-rods-
steel-rusty-147760
Europeo na nakatira sa Gitnang
Silangan noong 1500 BC. Natutuhan
nilang magtunaw at magpanday ng
bakal. Noong hindi pa sila gaanong
marunong magmina ng bakal,
lubhang mahalaga para sa kanila ito
ng limang beses kaysa ginto at
walong ulit kaysa pilak. Matagal
nilang pinanatiling lihim ang
pagtutunaw at pagpapanday ng
bakal. Dahil dito, umunlad ang
kabihasnan ng mga Hittite at madalas
silang manalo sa mga digmaan.
Subalit sa katagalan, natuklasan din
ang kanilang lihim at lumaganap na
ang paggamit ng bakal
sa iba pang kaharian. Ito marahil ang dahilan kung bakit humina ang kaharian ng Hittite.
Pagyamanin
Gawain: i-Graphic Organizer Mo!
Buuin ang graphic organizer batay sa nabasa mong teksto. Matapos mabuo ay
sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa iyong sa activity notebook.
YUGTO SA PANAHON NG
METAL

Mga Tanong:
1. Anu-ano ang mga yugto sa panahon ng metal?

31
2. Nakabuti ba ang pagbabagong naganap sa panahon ng metal sa pamumuhay ng
mga sinaunang tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isaisip
Gawain: Katangian Ko, Ibigay Mo
Punan ang ikalawang kolum ng mga katangian o mahahalagang kaganapan sa mga
yugto ng Panahon ng Metal. Sugutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa gawaing
kuwaderno.
Panahong ng Metal Katangian/Mahalagang Kaganapan
Panahong ng Tanso
Panahon ng Bronse
Panaho ng Bakal
Tanong:
1. Nakabuti ba ang pagkatuklas ng metal sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isagawa
Gawain: Archaeologist at Work
Isiping isa kang archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar. Iyong
susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1.
nito, ginawang pagsusuri at sagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2.

Pagkatapos
Buod
Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang mga
32
kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na pakikipagsapalaran.

33
Dahil diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang sa malinang ang
kasalukuyang kabihasnan sa iba’t ibang kapuluan ng daigdig.
Sa Panahon ng Bato nagsimula ang paglinang ng sibilisasyon sa mga sinaunang tao.
Sa Panahong Paleolitiko nabuhay ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo Habilis,
Homo Erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, at Homo Sapiens tulad ng Taong
Neanderthal at Taong Cro-Magnon.
Ang Panahong Mesolitiko “ang tinatawag na Gitnang Panahon ng Bato. Dito nagsama-sama
ang mga gawain sa panahong paleolitiko habang unti-unting pumapasok ang tao sa
Panahon ng Neolitiko.
Nahubog ang Panahong Neolitiko sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na kinakain at
ng pagtuklas sa pagtatanim. Ang pagtatanim o pagsasaka ang pinakamahalagang
kontribusyon ng panahong ito.
Sa Panahon ng Metal unang natuklasan ang ginto na nakukuha lamang sa gilid ng ilog
Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin.
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao sa Panahon ng Tanso. Subalit patuloy pa rin ang
paggamit sa kagamitang yari sa bato.
Sa Panahon ng Bronse natuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito.
Natutuhan ng tao na paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas
na bagay. Tinawag ang kombinasyong ito na bronse o pulang tanso.
Natuklasan ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan
noong 1500 BC. Sa Panahon ng Bakal natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng bakal.
Ang ating kaalaman sa mga yugto ng pag-unlad ng kultura sa Panahong Prehistoriko ay
makatutulong sa atin upang lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa
ating kasalukuyang panahon.
Pagtatasa
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.o
kwaderno.
1. Kailan nagsimula ang Panahong Mesolitiko?
A. 7,000 BC B. 8,000 BC C. 9,000 BC D. 10,000 BC
2. Ano ang salitang Greek na nangangahulugan na “bago” sa Panahong Neolitiko?
A. Neos B. Bios C. Paleos D. Zeus
3. Ano ang tawag sa naganap sa panahong ito ng Rebolusyong Neolitiko?
A. Sistematikong paghahayupan C. Sistematikong pangingisda
B. Sistematikong pagtatanim D. Sistematikong pangangaso
4. Ano ang isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng
gitnang Anatolia (Turkey ngayon)?
A. Catal Village B. Anatolia Village C. Baghdad D. Catal Huyuk
5. Ano ang itinuturing na kauna-unahang natuklasang uri ng metal?
A. Ginto B. Pilak C. Tanso D. Bronse
6. Ano ang simulang ginamit noong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa
Europe at 1500 BC naman sa Egypt?
A. Ginto B. Pilak C. Bronse D. Tanso
7. Ano ang tawag sa paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na
matigas na bagay?
A. Pulang tanso B. Pulang bato C. Pulang araw D. Pulang buwan
8. Ano ang natutuhan ng mga tao na gawin sa mga karatig-pook sa panahong bronse?
A. Makipagkuwentuhan B. Magsaka C. Makipagkalakalan D. Magluto
9. Sino ang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500 BC
na nakatuklas sa bakal?
A. Sumerian B. Babylonian C. Assyrian D. Hittite
10. Ilang beses kahalaga sa ginto ang bakal noong hindi pa gaanong marunong
magmina nito ang mga tao?
A. Tatlo B. Apat C. Limang D. Anim
11. Ano ang ibang tawag ng Panahong Paleolitiko?
A. Panahon ng Biak na Bato C. Panahon ng Ordinaryong Bato
B. Panahon ng Lumang Bato D. Panahon ng Makabagong Bato

34
12. Anong kataga ang pinagmulan ng Paleolitiko na nangangahulugan na matanda at
lithos o bato?
A. Neos B. Luma C. Old D. Paleos
13. Ano ang ugat sa pagsimula ng paggamit ng kasangkapang bato sa Panahon ng
Paleolitiko?
A. Hominid B. Humanoid C. Polaroid D. Taong Neandertal
14. Maliban sa pangangaso, ang ang unang ginamit ng mga sinaunang tao sa Panahong
Paleolitiko?
A. Bakal B. Tanso C. Apoy D. Tubig
15. Ano ang ibang tawag ng Homo habilis ng nangangahulugang able man dahil sila ang
unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato?
A. Homo Erectus B. Giant Man C. Handy Man D. Rational Man
16. Ano ang sumunod sa Homo habilis na may higit na kakayahan sa paggawa ng
kagamitang bato?
A. Homo habilis B. Taong Neandertal C. Taong Cro-Magnon D. Homo erectus
17. Saan natuklasan ang labi ng taong Neanderthal?
A. Germany B. Italy C. France D. Spain
18. Ano ang unang pamayanan na kadalasang matatagpuan sa mga lambak?
A. Dumpsite B. Campsite C. Tree house D. Village
19. Ano ang pumalit sa Taong Neanderthal nang ito ay nawala?
A. Tabon B. Cro-Magnon C. Erectus D. Habilis
20. Ano ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego?
A. Gitna B. Huli C. Luma D. Bago
Karagdagang Gawain

Gawain: Ninuno Ko, Gagayahin Ko


Maghanap ng isang piraso ng bato. Gamitin mo ito sa ilang mga gawain sa bahay
tulad ng pagpukpok ng pako at iba. Gumawa ng sanaysay sa iyong naging karanasan sa
paggaya sa ating mga ninuno ng paggamit ng bato sa iba’t ibang gawain. Pagkatapos ay
sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ito sa gawaing kwaderno.

https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jmzwn

Tanong:
1. Naging madali ba ang iyong ginagawa gamit ang bato bilang iyong kagamitan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

35
Subukin

PanimulangPagtataya:

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Anong tawag sa putik na dala ng ilog na unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile?


A. Delta B. Silt
C. Buhangin D. Putik
2. Sa anong kasalukuyang bansa makikita ang Ilog ng Huang Ho?
A. China B. Africa
C. Iraq D. India
3. Alin sa mga kabihasnan ang mayroong unang paninirahan at unang pinag-usbongan
ng agrikultura?
A. Mesopotamia B. Indus
C. Mesoamerica D. Africa
4. Ano ang tawag sa pataba mula sa pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates?
A. Silt B. Delta
C. Putik D. Buhangin
5. Ano ang pinakamahabang ilog sa buong mundo?
A. Huang Ho River B. Panuco River
C. Tigris River D. Nile River
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa lupaing Mesopotamia?
A. Uruk B. Harappa
C. Ashur D. Babylonya
7. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Sinaunang Kabihasnan?
A. Pangigisda B. Pangangaso
C. Pagsasaka D. Pagbebenta ng kagamitan
8. Bakit mahirap ipagtanggol ang lupaing Mesopotamia sa karatig lupain?
A. Dahil malakas ang puwersa ng kalaban.
B. Dahil mahina ang puwersa ng Mesopotamia.
C. Dahil labaspasok ang mgatagaibangkaratiglugar.
D. Dahil walang likas na hangganan ang Mesopotamia.
9. Ano ang kauna-unahang lungsod sa daigdig?
A. Uruk B. Harappa
C. Mohenjo-Daro D. Shang
10. Kung kabilang ka sapangkat ng mga sinaunang nomadiko na nakarating sa Egypt,
ano ang magiging dahilan mo kung bakit nais mong manatili sa nasabing rehiyon?
A. Ang nagtataasang hanay ng mgabundok ng Egypt ang magliligtas sa akin sa
mababangis na hayop.
B. Mas nanaisin kong manirahan sa rehiyong Mesopotamia o salambak-ilog ng
Indus dahil sa yamang-tubig na nagmumula sa mga ilog nito.
C. Ang mga lupain sa tabi ng ilog nito ang mainam na lugar sa pagsasaka dahil
sa pagkakaroon ng tubig para sa mga pananim.
D. Napaliligiran ng mga disyerto ang Egypt kung saan sumibol ang iba’t ibang
uri ng halamang nagdudulot ng maunlad na kabuhayan.

36
Aralin
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa
6 Kanlurang Asya

Alamin
Sa araling ito, malalaman ng mga mag-aaral ang heograpiya ng sinaunang
kabihasnan ng Mesopotamia sa Kanlurang Asya, ang kanilang uri ng pamumuhay at
pakikipagsapalaran sa hamon ng buhay. Inaasahan na ang mag-aaral ay maiuugnay ang
heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig at mabigyan
ng halaga ang mga ambag nito sa kasalukuyang panahon.

Tuklasin
Gawain 1: Suri-larawan
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at suriin ito. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong sa kwaderno.

https://www.ecwausa.com/2020/01/27/the-mesopotamian-civilization/

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong masasabi tungkol sa mga larawan?
2. Masasabi mo bang, ma-unlad ang kabihasnang binuo ng mga sinaunang tao? Bakit?

Suriin
Gawain 2: Basahin Mo!
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa KanlurangAsya
Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.
Nagmula ito sa salitang Greyego na “meso” o “pagitan” at “patamoso” o “ilog”. Ang
Mesopotamia ay nangangahulugang “lupain sapagitan ng dalawang ilog”. Sinakop at
pinanahanan ito ng mga sinaunang pangkat ng tao tulad ng mga Sumerian, Hattite,
Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean at Elamite.
Heograpiya ng Mesopotamia

Mapa ng Mesopotamia - http://www.mesopotamia.co.uk/geography/explore/exp_set.html

37
Ang Mesopotamia ang lupaing dinadaluyan ang mga ilog Tigris at
Euphrates.Matatagpuan ang Mesopotamia sa mainit na rehiyon ng Fertile Crescent. Ang
Fertile Cresent ay isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang
sa silangang babayin ng Mediterranean Sea. Ang pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay

38
nagdudulot ng baha at nag-iiwan ng banlik o silt na nagsisilbing pataba sa mga lupain at
nagdudulot ng mabuti sa pagtatanim kahit na kaunti lang ang ulan dito. Sa Kasalukuyan,
matatagpuan ang lupaing ito sa Iraq, bahagi ng Syria at Turkey.
Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang
lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil sa
mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang military.
Sa mga taong 5500 BCE, daang-daang maliliit na pamayanang sakahan ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay ng malalayo at
mahahabang rutang pangkalakalan. Bungan g pag-unlad ng lipunan sa mga sumunod na
taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon
na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na
isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.
Pagyamanin
Gawain 3: Pangalanan Mo!
Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat sa
kwaderno.
Silt Fertile Cresent Mesopotamia Persian Gulf
Tigris at Euphrates Iraq Sumerian Uruk
1. Ano ang sinaunang kabihasnan na nasa pagitan ng dalawang ilog?
2. Dahil sa pag-apaw ng dalawang ilog nagdudulot ito ng pataba. Ano ang
tawag sa patabang ito?
3. Ano ang rehiyong kinabibilangan ng Mesopotamia?
4. Ito ay isang paarkong matabang lupain na nagsisimula sa Persian Gulf
hanggang Mediteranean Sea.
5. Isa sa mga sinaunang pangkat sa Mesopotamia.
6. Kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.
7. ito ang ilog sa Mesopotamia.
8. Sa kasalukuyan saan matatagpuan ang Mesopotamia?
9. Anong kabihasnan ang matatagpuan sa kanlurang Asya?
10. Kauna-unahang lungsod sa buong daigdig
Isaisip
Gawain 4: Sanhi at Bunga
Panuto: Punan ang chart sa ibaba. Isulat ang mga bunga ng impluwensiya ng
heograpikal sa pag-unlad kabihasnang Mesopotamia. Isulat ito sa kwaderno ang iyong
sagot.
Sanhi Bunga
-Lupain sa pagitan ng
dalawang ilog
-rehiyon ng Fertile Cresent
-walang likas na hangganan

Isagawa
Gawain 5: Pinta-larawan
Panuto: Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit ang pag-unlad ng kabihasnang
Mesopotamia.
Pamantayan Puntos

KaugnayansaTema 20
Orihinalidad 10
Pagkamalikhain 10
PagkatugmasaKulay 5
Biswal impak 5
Kabuuan 50

39
Aralin
Ang Kabihasnang Indus sa Timog
7 Asya

Balikan
Gawain 1: Balikan Mo!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Anong Kabihasnan ang umusbong sa pagitan ang dalawang ilog?
2. Paano umunlad ang kabihasnang ito?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang pinakamahalagang ambag ng kabihasnang
Mesopotamia sa buong daigdig at Bakit?
Alamin
Sa araling ito, matutunghayan ng mga mag-aaral ang heograpiya ng sinaunang
Kabihasnan ng Indus sa Timog Asya, ang kanilang uri ng pamumuhay at
pakikipagsapalaran sa hamon ng buhay. Inaasahan na ang mag-aaral ay maiuugnay ang
heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig at mabigyan
ng halaga ang mga ambag nito sa kasalukuyang panahon.
Tuklasin
Gawain 2: Magkahalong salita
Panuto: Ayusin ang mga magkahalong salita sa pamamagitan ng mga kahulugang
katabi ng mga salita. Isulat sa kwaderno ang tamang sagot.

Tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng mga


E H G R
katangiang pisikal ng daigdig.
A P O G I
Y A

K I A B N U Sinaunang kabihasnan na malawak na tangway na


I H A S N A hugis tatsulok.
S N G D

K N H S A B
N A I A Tumutukoy sa isang maunlad na antas ng kultura ng
isang lipunan.

Suriin
Gawain 3: Basahin Mo!
Ang Kabihasnang Indus sa Timog
Asya Heograpiya ng Lambak ng Indus
Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok ang rehiyong ito ay
mayroong kakaibang aspektong heograpikal at kultura. Kadalas itong tinatawag ng mga
heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng kabundukan, kaya
maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente sa hilagang bahagi nito ay matatarik
ang kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran, sa kanlurang bahagi ay
pinalilibutan ito ng Arabian Sea, Indian Ocean naman sa katimugan at Bay Bengal sa
silangan.Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit rito.
Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River kung saan ang mga
sinaunang tao ay nanahan at bumuo ng kabihasnan. Ang pagkakaroon ng matabang lupa ay

40
naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipuan at estado sa sinaunang India. Ang pag-
apaw ng Indus River bawat taon ay nagdudulot ng pataba sa lupa.
Karamihan sa mga pamayanang nanahan sa lambak ng Indus ay mga maliliit na
pamayanang may tanggulan at maayos na kalsada, mga kanal pang-irigasyon at mga
estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.

Mapa ng Indus Valley - http://www.mapsofindia.com/history/indus-valley-civilization.html

Pagyamanin
Gawain 4: Sagutin Mo!
Panuto: Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.
1. Magbigay ng 3 katangian ng heograpiya sa kabihasnang Indus.
2. Ano ang kahalagahang naidulot nito sa pag-unlad ng kabihasnang Indus?

Isaisip
Gawain 5: Venn Diagram
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang Kabihasnang Mesopotamia sa
kanlurang Asya at Kabihasnang Indus saTimogAsya.
Mesopotamia sa Kanlurang Asya Indus saTimog Asya

Isagawa
Gawain 6: Reflection
Panuto: Batay sa nabasa mong teksto, ipaliwanag ang mga sumusunod na mga
katanungan at isulat ito sa kwaderno.
1. Paano nagsimula ang sinaunang kabihasnan?
2. Gaano kahalaga ang impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng kabihasnang
Indus?
3. Sa iyong palagay, mahalaga ba bilang isang mag-aaral ang araling ito at bakit?

41
Aralin
Ang Kabihasnang Tsino sa
8 Silangang Asya

Balikan
Gawain 1: Complete It!
Panuto: Kumpletuhin ang mga tinutukoy na salita. Isulat ang mga akmang letra sa patlang.
1. M P A – Lupainsapagitan ng dalawangilog.
2. R K – Kauna-unahanglungsodsadaigdig.
3. T __ O A A – Isang malawaknatangwaynahugistatsulok.
4. N K – Patabamulasapag-apaw ng Ilog Tigris
at Euphrates.
5. K Y R P S – Isa samgadaanangpinasukan ng mgataodala
ang kanilangsarilingwika at tradisyonnanagpayamansakulturang Indian.

Alamin

Sa araling ito malalaman ng mga mag-aaral ang heograpiya ng sinaunang


kabihasnan ng Tsino sa Silangang Asya, ang kanilang uri ng pamumuhay at
pakikipagsapalaran sa hamon ng buhay. Inaasahan na ang mag-aaral ay maiuugnay ang
heograpiya sa pagbuo at pag- unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig at mabigyan
ng halaga ang mga ambag nito sa kasalukuyang panahon.

Tuklasin

Gawain 2: Mapa-LarawanPanuto: Hulaan kung saang lugar o pook ang mga sumusunod na
mapa, sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ito sa kwaderno.

http://www.mesopotamia.co.uk/geography/explore/exp_set.html
http://www.mapsofindia.com/history/indus-valley-civilization.html

http://history.howstuffworks.com/asian-history/history-of-china.htm

42
PamprosengTanong:
1. Anong mga kabihasnan ang tinutukoy sa mga mapa na ito?
2. Ano ang pagkakatulad ng mga lupain sa mapa?
Suriin
Gawain 3: Basahin Mo!
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang kabihasnang ito na umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang
kabihasnang nanatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.
Heograpiya ng Ilog Huang Ho

Mapa ng Sinaunang China https://s3.amazonaws.com/s3.timetoast.com/public/uploads/photos/10813816/


xiamap.gif
Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o
Huang Ho. Ang kabihasnang ito ay umusbong sa North China Plain na naging dahilan ng
madalas na pagbabaha na nagdudulot ng pataba sa lupa.
Pinaniniwalaang si Yu ang unang pinuno ng dinastiya na gumawa ng paraan upang
makontrol ang pagbabaha na dulot ng Huang Ho River. Ito ang nagbigay-daan upang
makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
Tinaguriang ang Tsina na isa sa mga dakilang bansa dahil sa kanyang kabihasnan at
nakasulat na kasaysayan sa loob ng apat na libong taon. Kilala ang Tsina sa katawagang “
Natutulog na Higante” dahil sa matagal na panahong hindi nito pakikisalamuha sa ibang
kultura at ang pagsasara ng lupain nito sa mga dayuhan.

Pagyamanin
Gawain 4: Sagutin Mo!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong at ipaliwanag
ito ayon sa inyong kaalaman at isulat ito sa kwaderno.
1. Magbigay ng isang katangiang heograpikal ng kabihasnang Tsino.
2. Paano namuhay ang mga sinaunang tao sa panahong ito?
3. Para sa iyo, sangayon kaba sa pagsasara ng China ng kanilang kabihasnan sa
daigdig?
Isaisip
Gawain 5: Graphic Organizer
Panuto: Gamit ang graphic organizer, magbigay ng tatlong katangiang heograpikal ng
kabihasnang Tsino sa Silangang Asya.

43
Kabihasnang Tsino

Isagawa

Gawain 6: Sanaysay
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan sa kabihasnang tinalakay.

Mahusay na Pinuno

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos

Nilalaman 10

Organisasyon sa Paksa 8

Kaayusan at Kalinisan sa Pagsulat 7

Kabuuan 25

44
Aralin
Ang Sinaunang Kabihasnan sa
9 Africa

Balikan
Gawain 1: Balikan Mo!
Panuto: Gamit ang data retrieval chart, isulat ang mga heograpikal na katangian ng
kabihasnang Tsino at ang mga impluwensiya nito sa pag-unlad at isulat ito sa kwaderno.
DATA RETRIEVAL CHART
Sinaunang Kabihasnan sa Tsino
Katangiang Heograpikal Impluwensiya sa pag-unlad

Alamin

Sa araling ito malalaman ng mga mag-aaral ang heograpiya ng sinaunang


kabihasnan ng Africa, ang kanilang uri ng pamumuhay at pakikipagsapalaran sa hamon ng
buhay. Inaasahan na ang mag-aaral ay maiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad
ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig at mabigyan ng halaga ang mga ambag nito sa
kasalukuyang panahon.

Tuklasin
Gawain 2: Suri – larawan
Panuto: Suriin ang mga larawan, sagutin ang mga sumusunod na tanong at Isulat ito
sa kwaderno.
Pyramid Mummification

http://en.wikipedia.org/wiki/gizapyramid http://en.wikipedia.org/wiki/Tutankhamun
1. Ano ang iyong hinuhuna tungkol sa larawan?
2. Sa iyong palagay, ano ang kaugnayan ng mga larawang ito sa paksang tatalakayin?
Suriin
Gawain 3: Basahin Mo!
Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa
Ang kabihasnang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-
silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnang ito ay tinaguriang mas matatag kaysa sa
Mesopotamia. Bago
Heograpiya ng Egypt
Ang Egypt ay nahahati sa dalawang bahagi ang Lower Egypt ay nasa bahaging
hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert
hanggang sa Abu Simble. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay
dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
Tinawag na “The Gift of the Nile” ang Egypt dahil sa kung wala ang ilog na ito, ang
buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Sa panahong Neolitiko, ang taunang pag-
apaw

45
ng Nile ay nagbigay daan upang makapagtanim
ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang putik
na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa
bunganga ng Nile sa hilaga upang maging
latiang tinatawag na delta.
Ang mga sinaunang Egyptian ay gumawa ng
irigasyon o sistemang patubig upang padaluyin
ang tubig sa kanikanilang lupaing sinasaka. Ang
Nile din ay nagsilbing mahusay na ruta sa
paglalakbay at nagawang mapag-ugnay ang mga
pamayanang matatagpuan malapit sa pampang
ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa
silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay
nagbibigay kaligtasan at naghahadlang sa mga
pagsalakay dahil dito, ang mga Egyptian ay
nagawang makapamuhay nang mapayapa at
masagana sa loob ng mahabang panahon.

Pagyamanin

Gawain 4: Tama o Mali


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba, isulat ang TAMA kung
pangungusap ay tama at kung mali salungguhitan ang salitang mali at isulat sa patlang ang
tamang salita.
1. Ang Egypt ay binubuo ng dalawang bahagi ang Lower Egypt at Upper
Egypt.
2. Mas matatag na kabihasnan ang Mesopotamia.
3. Ang Lower Egypt ay nasa bahaging silangan ng lupain na dumadaloy
ang Ilog Nile.
4. Ang delta ay ang putik na dala ng ilog na unti-unting naiipon sa bunganga
ng Nile.
5. Ang mga disyerto at ilog ay nagbibigay kaligtasa at naghahadlang sa mga
pagsalakay.

Isaisip

Gawain 5: Graphic Organizer


Panuto: Gamit ang graphic organizer, magbigay ng dalawang heograpikal na
katangian ng kabihasnang Egypt at paano ito nakaimpluwensiya sa pag-unlad ng
kabihasnan. Isulat ito sa iyong kwaderno.
Katangiang Paano nakaimpluwensiya ang katangiang
Heograpikal ito sa pag-unalad ng kabihasnang Egypt?
Sinaunang
Kabihasnan
sa
Africa

Isagawa
Gawain 6: Reflection
Panuto: Batay sa nabasa mong teksto, ipaliwanag ang mga sumusunod na
katanungan at isulat ito sa kwaderno.
1. Ano ang mabuti naidulot ng katangiang heograpikal sa kabihasnan ng Egypt?
2. Sa iyong pananaw, ano ang pinakamahalagang impluwensiya ng heograpiya sa
kabihasnang ito at bakit?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo ito mapapahalagahan ang ambag ng kabihasnang
ito sa buong daigdig?

46
Aralin
Ang Kabihasnang Mesopotamia
10
Balikan
Gawain 1: Ilarawan Mo!
Panuto: Gamit ang mga sinaunang kabihasnan isa ibaba, pumili ng dalawang kahon
at ilarawan ito sa pamamagitan ng pagsulat ng isang salita o parirala.

Mesopotamia Indus
Sinaunang
Kabihasnan
Tsino Egypt

Alamin

Sa araling ito malalaman ng mga mag-aaral ang heograpiya ng sinaunang


kabihasnan ng Mesopotamia, ang kanilang uri ng pamumuhay at pakikipagsapalaran sa
hamon ng buhay. Inaasahan na ang mag-aaral ay maiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at
pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig at mabigyan ng halaga ang mga
ambag nito sa kasalukuyang panahon.

Tuklasin
Gawain 2: Ms. and Mr. Q&A (Showtime)
Panuto: Basahin at unawain ang salitang nasa ibaba. Ilarawan ito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng 3 salita o parirala. Sisimulan mo ito sa pagsulat ng “I believe” tataposin sa
katagang “ and I thank you !”

Suriin “ Mesoamerica”

Gawain 3: Basahin Mo!


Ang Kabihasnang Mesopotamia
Noong ika-13 siglo BCE, umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America ang
mga Olmec sakasalukuyan ay tinatawag na Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing
sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng
America. Pinaniniwalaan ng maraming siyentista na may mga pangkat ng mga
mangangaso o “hunter” ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America,
libong taon na ang nakaraan. Tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North
America patungong timog, at nagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga
kontinente ng North America at South
America.
Heograpiya ng Mesoamerica

47
Mapa ng Mesoamerica - https://www.thinglink.com/scene/550019534493319169

48
Ang Mesoamerica ay nagmula sa katagang “meso” na nangangahulugang “gitna”. Ito
ay lundayan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America
ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa
katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng
Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng
Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng
Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng
Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
Sa lupaig ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan
ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-
bago ang panahon sa rehiyong ito. Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa
mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China.

Pagyamanin

Gawain 4: Graphic Organizer


Panuto: Gamit ang graphic organizer, isulat ang mga katangiang heograpikal sa
kabihasnang Mesoamerica at isulat ito sa kwaderno.

Sinaunang
Kabihasnang
Mesoamerica

Isaisip

Gawain 5: Pangalanan Mo!


Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot na tinutukoy ng mga parirala tungkol sa
katangiang heograpikal ng sinaunang kabihasnan at isulat ito sa kwaderno.

Egypt Tsino Indus


Mesoamerica Mesopotamia

1. Sa pagitan ng mgailog
2. Nasa gitna ng kontinente
3. Biyaya ng Nile
4. Nasa tangway ng TimogAsya
5. May matabang lupain sa Huang Ho
6. Lupain ng Yucatan Peninsula
7. Timog ng Mediterranean
8. Nasa kanluran ng Yellow Sea
9. Dumadaloy ang Indus River
10. Nasa KanlurangAsya

49
Isagawa

Gawain 6: Reflection

Panuto: Batay sa nabasa mong teksto, ipaliwanag ang mga sumusunod na


katanungan at isulat ito sa kwaderno.
PamprosesongTanong:
1. Pagkatapos na malaman ang heograpiya ng mga lugar na tinalakay, gugustuhin niyo
bang makapunta sa mga lugar naito? Bakit? Bakit hindi?
2. Ano ang mga lugar nanatalakay na puno ng kaalaman at kasaysayan? Mahalaga ba
na pag-aralan ito? Sa anong dahilan?

Buod
Sa pag-usbong ng sinaunang kabihasnan, ang mga sinaunang tao ay nakahanap ng
permanenting tahanan at kabuhayan sa tabi ng ilog o lambak. Hindi madali ang buhay ng
mga sinaunang tao dahil sa hamon ng buhay, kalikasan at teritoryo na kanilang hinaharap.
Ang kabihasnang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sapagitan ng
dalawang ilog” na nasa Fertile Cresent. Dahil sa regular napag-apaw ng ilog Tigris at
Euphrates ito ay nagdudulot ng bahana nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito naging mataba
ang lupa na nakabubuti sa pagtatanim. Bagamat mayaman ang Mesopotamia sa likas na
yaman, naging hamon sa kanila ang ipagtangol ang kanilang rehiyon dahil sa walang likas
na hangganan ang lupaing ito.
Ang kabihasnang Indus saTimog Asya ay isang malawak na tangway na hugis
tatsulok. Namumukod-tangi ang kabihasnang ito dahil sa daan-daang pamayanan ang
nanahan, maliliit na pamayanang may tanggulan, maayos na kalsada, kanal pang-irigasyon
at mga estrukturang pumupigil sa mga pagbaha.
Ang kabihasnang Tsino sa Silangang Asya ay umusbong sa China na tinuturing na
pinakamatandang kabihasnan na nanatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.
Ang kabihasnan sa Africa ang masasabing mas matatag nakabihasnang yumabong
sa Egypt. Ang sinaunang Egyptian ay gumawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng
mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Maliban sa
kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay
noong mga panahong iyon.
Sa Kabihasnan ng Mesopotamia naitatag ang unang paninirahan ng mga tao at isa
sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikulturang Asya at China.
Ang sentro ng lahat ng Sinaunang Kabihasnan natalakay ay nasa tabi ng ilog.
Hanggang sa kasalukuyan, ang mga lugar na may madadaungan, satabi ng ilog o nasa
baybayin ang sentro ng kalakalan at industriya.

Pagtatasa

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Bakit mahalaga sa sinaunang kabihasnan ang pag-apaw ng ilog?


A. Dahil dito nag-iigib ng tubig B. Dahil nagdudulot ito ng pataba sa
lupa
C. Dahil dito sila kumukuha ng tubig D. Dahil sa pag-apaw ng ilog dumarami
upang ipangdilig ng mga halaman ang kanilang nahuhuling isda
2. Paano nakaimpluwensiya ang heograpiya sa pag-unlad ang mga sinaunang kabihasnan?
A. Ito ang naging dahilan upang B. Ang mga sinaunang tao ay naglakbay
makahaun sila sa hirap at nagtayo ng mga kabihasnan.
C. Dahil sa malapit sila sa tabing-ilog D. Naging masagana ang pamumuhay
nakapamuhay sila ng masagana at ng mga sinaunang tao dahil natuto
umunlad. silang sabayan ang hamon ng buhay.

3. Bakit itinuturing na “Natutulog na Higante” ang Kabihasnang Tsino?

50
A. Ang kabihasnang Tsino ay mga B. Isang higante ang nagbabantay sa
higanting natutulog ang kabihasnang Tsino.
naninirahan
C. Isinara ng kabihasnang Tsino ang D. Naniniwala ang kabihasnang ito na
kanilang lupain at hindi nakipag- sila lamang ang sibilisadong tao sa
ugnayan sa ibang lupain. gitna ng mga tribo na tinatawag
nilang barbaro.
4. Bakit tinaguriang “Gift of the Nile” ang Egypt?
A. Dahil kung wala ang ilognaito, ang B. Dahil hitik sa likasna yaman ang
buong lupain ay magiging isang Egypt.
disyerto.
C. Dahil sa maraming ginto rito. D. Dahil maraming isda sa Nile River
5. Paano nabuo ang kabihasnang Mesopotamia sa North America?
A. Maraming mga mangingisda ang B. Ang mga karatig lupain ay
nakadiskubre sa lupaing ito at nagpalipat-lipat at nakahanap ng
bumuo ng pamayanan. permanenteng tahan sa North
America.
C. Nabuo ang kabihasnang D. Pinaniniwalaang may pangkat ng
Mesopotamia dahil sa mga malilit mga hunter ang nandayuhan mula sa
na pamayanan ang nanahan rito. Asya patungong North America.

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan sa pag-unlad ang kabihasnang Africa?
A. Ang ilog Nile ay nagbibigay ng B. Ang Nile ay nagsilbing mahusay na
maraming isda sa Egypt. ruta sa paglalakbay noong mga
panahong iyon.
C. Masagana ang pagsasaka ng mga D. Ang disyerto sa silangan at ilog sa
sinaunang Egytian dahil sa pag- kanluran ay nakapagbigay ng
apaw ng ilog Nile kaligtasan sa Egypt
7. Alin sa mga sumusunod na sinaunang kabihasnan na mayroong malawak na tangway na hugis
tatsulok?
A. Mesopotamia B. Indus
C. Mesoamerica D. Africa
8. Bakit kadalasan sa mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa tabing-ilog?
A. Dahil mahilig silang maligo.
B. Dahil sariwa ang hangin sa tabing-ilog.
C. Dahil gusto lang nilang manirahan sa tabing-ilog.
D. Dahil dito nagmumula ang kanilang pangunahing pangkabuhayan.

9. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan


ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may
sistema ng pagsulat?
A. Imperyo B. Kabihasnan
C. Kalinangan D. Lungsod
10. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
A. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang
ito.
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya kaunti ang
kanilang mga ambag.
C. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa
kasalukuyang panahon.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga
kahanga-hangang bagay sa daigdig.

51
Subukin

PanimulangPagtataya:

1. Anong ilog na pinag-usbungan ng kabihasnang Shang?


A. Nile B. Euphratis
C. Tigris D. Huang Ho

2. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkatatag ng permanenting tirahan?


A. Baha B. Bagyo
C. Pagsasaka D. Digmaan

3. Ano ang tawag sa Sistema ng pagsulat ng kabihasnang Sumer?


A. Pictogram B. Hieroglyphics
C. Cunieform D. Caligraphy

4. Sa imperyong Persiano, ano ang tawag sa lalawigan nito?


A. Polis B. Drachma
C. Encomie D. Satrapy

5. Ano ang tawag sa nag-iisang lagusan sa matatarik na kabundukan ng Hindu Kush na


naging daan sa mga mananakop at mananalakay na makapasok sa kalupaan ng
India?
A. Tirad Pass B. Bering Strait
C. Khyber Pass D. Drake Passage

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pangunahing lahi sa mundo?
A. Mongoloid B. Dravidian
C. Caucasian D. Negroid

7. Ano ang tawag sa kauna-unahang imperyo sa daigdig?


A. Akkad B. Roman
C. Assyrian D. Babylonian

8. Ano ang pangkat ng tao sa sistemang Caste ng India ang mga magsasakang walang
sariling lupa?
A. Sudra B. Pariah
C. Vaisya D. Ksatria

9. Ano ang tawag sa wikang klasikal ng panitikang Indian?


A. Hindi B. Nepungo
C. Bengali D. Sanskrit

10. Bakit karapatdapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa


Mesoamerica?

A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.


B. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang
panahon.
C. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga Mesoamerica kaysa
sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.
D.Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na
pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.

52
Aralin
Mga Sinaunang Kabihasnan sa
11 Daigdig

Alamin

Sa araling ito inaasahang maipaliliwanag mo ang pagsulong ng mga unang


kabihasnan sa Asya batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Inaasahan na masusuri mo ang bawat sinaunang kabihasnan at mapahalagahan ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.

Tuklasin

Gawain 1: Ilarawan Mo!


Panuto: Pumili ng isa sa mga sinaunang kabihasnan at ilarawan ito sa isang salita o
paririla batay sa heograpikal na katangian nito at isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Kabihasnang Kabihasnang Kaihasnang Indus


Mesopotamia Tsino sa sa Timog Asya
Silangang Asya

Kabihasnang Kabihasnang
Egyptian Mesoamerica

Suriin

Gawain 2: Basahin Mo!

Ang Kabihasnang Mesopotamia


Ang kabihasnang itunuring na kauna-unahan sa buong daigdig. Iba’t ibang
sinaunang pangkat ng tao ang naninarahan tulad ng mga Sumerian, Akkadian, Babylonian,
Hittite, Assyrian, Chaldean at Persian. Sa araling ito malalaman mo ang mga heograpikal na
katangian, mga ambag, sanhi ng pag-unlad at pag-bagsak ng kabihasnang Mesopotamia.

Kabihasnang Sumerian (3500-2340 BCE)


 Ang nomadikong Sumerian ay namalagi sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog.
 Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan
ng isang hari.
 Pinaniniwalaan nila ang maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may
katangian at pag-uugaling tao.
 Ziggurat ang tawag sa istrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o
diyos na makikita sa bawat lungsod.

53
Mga Ambag Mga Sanhi sa Pag-unlad
sa Kabihasnan at Pagbagsak
Mga Imbensyon: Pag-unlad:
1. Cuneiform –hugis-sinsel;unang nabuong 1. Ang mga imbensyong nagawa ng
sistema ng panulat na ginamitan ng stylus mga Sumerians ay nagpaunlad sa
at clay o luwad na lapida; isang uri ng pagsasaka, kalakalan, at iba pang
pictograph na naglalarawan ng mga mga industriya na nagpaunlad din sa
bagay na ginagamitan ng may 600 kanilang lipunansa pangkalaha-tan.
pananda sa pagbubuo ng mga salita 2. Naitatag ang mga lungsod-estado
2.Gulong – nagawa ang unang karwahe na lubos na nakatulong sa pagtatag
nang ito’y natuklasan ng pamahalaan at pagpapalakas sa
3. Cacao – ginamit bilang unang pamalit ng mga Sumerian bilang isang pangkat.
kalakal 3. Nakatulong nang malaki ang
4. Algebra – sa prinsipyong ito ng edukasyon sa pagiging bihasa ng
matematika, ginamit ang sistema ng mga mamamayan sa halos lahat
pagbilang na nakabatay sa 60, paghahati
o fraction, gayundin ang square root
5. Kalendaryong lunar na may 12 buwan
6. Dome, vault, rampa, at ziggurat – mga
disenyong pang-arkitektura at pang-
inhinyera naginamit sa mga palasyo at
templo sa Sumer
7. Luwad – ginamit sa paggawa ng laryo na ng aspeto ng pamumuhay, mula
nagsilbing talaan ng mga Sumerian kalakalan hanggang astrolohiya.
8. Prinsipyo ng calculator
Iba pang mga ambag sa kabihasnan: Pagbagsak:
1. Sila ang unang gumamit ng sistema ng panukat  Madalas ang tunggalian ng mga
ng timbang at haba. lungsod-estado tungkol sa lupa at
2. Unang nagtatag ng organisadong puwersa sa tubig kaya hindi nakabuo ng isang
pagtatayo ng mga dike. matatag na pamahalaan ang mga
3. Sila din ang nakatuklas sa agham ng pag- Sumerian.
oopera. Unang gumamit ng hayop sa pag-aararo ng mga
bukid.
Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Babylonian (1792-1595 BCE)


Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ngBabylon, ang
Mesopotamia. Ang Babylon ay naging kabisera ng imperyongBabylonia.
Sa panahon ni Hammurabi, nasakop ang mga kaharian sa hilaga, kabilangang kahariang
Ashur.
Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.
Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat naipagpatuloy
pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga dayuhang pinuno.
Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang silangang bahagi ng Black Sea.
Lumisan
sila at nanirahan sa Asia Minor (kasalukuyang Turkey).
Ambag sa Kabihasnan Mga Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Kodigo ni Hammurabi – binubuo ng 282 Pag-unlad:
batas na nagsisilbing pamantayan ng  Nagpatatag sa lipunan at pamahalaan
kabihasnang Babylonian. ang Kodigo ni Hammurabi. Nakatulong
- Sakop nito ang mga itinuturing na ito sa pag-unlad ng halos lahat ng aspeto
paglabag sa karapatan ng mga ng buhay ng mga Babylonian.
mamamayan at mga ari-arian nito;  Nagdulot ng katiwasayan sa lipunan ang
usapin sa kalakal, lupa, butaw, pakikipagtulungan ng mga mababang
serbisyong propesyunal; at pamilya. opisyal ng pamahalaan, sundalo, at
- Nakatala rin dito ang mga parusang huwes sa hari.
dapat na ipataw sa mga nagkasala Pagbagsak:
tulad ng kamatayan, mutilasyon, at iba  Paglusob ng mga Kassite, isang
pa na itinuturing na malupit sa tribong Indo-Europeo. Sinundan ito ng
kasalukuyang panahon. mga Hittite na may higit na mahusay
- Naglalarawan ang mga batas na ito ng na armas na gawa sa bakal.
isang organisadong lipunan.
Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

54
Kabihasnang Hittite (1400–1200 BCE)
 Sinakop ng mga Hittite ang sinaunang rehiyon ng Anatolia (kilala rin bilang Asia Minoro
Turkey sa kasalukuyan)
 Nabuo ang isang kultura na tila mula sa katutubong Hatti (at marahil ng mga Hurrian) na
tao
 Pinalawak ang kanilang mga teritoryo upang maging isang imperyo na pwedeng
makaribal at nagbanta sa matatag na bansa ng Egypt.
 Ang Hittite Empire ay umabot sa rurok nito sa pagitan ng pamumuno ni Haring
Suppiluliuma I (c.1344-1322 BCE) at ang kanyang anak na si Mursilli II (c.1321-1295
BCE)
 Humina ang imperyo pagkatapos ng paulit-ulit na pag-atake ng Sea Peoples at ng tribong
Kaska, at tuluyang nahulog sa mga Assyrian.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-Unlad at Pagbagsak
 Pagkakatuklas ng bakal na Pag-Unlad:
nanatiling lihim sa loob ng 200  Pangunahing dahilan ng kanilang pag-unlad
taon. Ang paggawa ng mga bilang isang pangkat ay ang pagkakatuklas nila
sandata mula sa bakal ay ng bakal. Superior na mga sandata ang kanilang
natuklasan lamang ng ibang nagawa mula sa bakal na naging dahilan ng
pangkat sa rehiyon nang mabilis nilang pananakop sa ibang mga lupain.
masakop at tuluyang bumagsak  Nakatulong nang malaki sa kanilang pag-unlad
ang mga Hittite noong 1200 ang kanilang sistema ng pagbabatas. Hindi ito
B.C. kasing-lupit ng mga batas ni Hammurabi subalit
 Pagkilala at paggalang sa iba’t naging maayos ang pagpapatakbo ng imperyo na
ibang wika nagbigay-daan sa pag-unlad ng kalakalan nito.
 Pagkakaroon ng titulo ng lupa Pagbagsak:
at mga talaan nito  Maraming pribilehiyo ang mga kamag-anak ng
 Pag-imbentaryo ng mga lupain hari na kadalasang naaabuso.
at pananim na naging batayan  Pakikipag-alyansa ng mga Hittite sa mga
ng pagbubuwis ng ari-ariang Egyptian na naging dahilan ng paghihimagsik ng
kaugnay sa lupa mga kaalyado nito sa silangan at kanlurang
 Pagtatayo ng mga istruktura na bahagi ng imperyo. Salik din dito ang paglawak
ginagamit bilang sandigan at ng kapangyarihan ng mga Griyego na nagbunsod
tanggulan sa pagdating ng mga tribo mula sa palibot ng
 Paglililok ng mga diyos, diyosa, Dagat Aegean sa hilagang bahagi ng Imperyong
at mga halimaw na may pakpak Hittite. Isa sa mga tribong ito, ang mga Mitas ng
Phyrrgia, ay lumusob at sinunog ang Hattusas
noong 1200 B.C.
 Nanatiling nakatayo ang ilang mga lungsod-
estado ng mga Hittite nang 500 taon. Naitatag
ang Carchemish bilang kabisera sa silangan.
Ngunit nasakop ito noong 717 B.C. ni Sargon II
ng Assyria. Ito ang naging hudyat ngpagwawakas
ng
pamahalaang Hittite sa Mesopotamia.
Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Assyrian (1813–605 BCE)


Noong 1120 BCE, nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 BCE) ang mga Hittite at
naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian.
 Noong ika-9 na siglo BCE, nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran
upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng
tribute.
 Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 BCE) sa mga haring kinakitaan ng maayos na
pamamahala sa kanyang panahon.
 Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak
 Ang mga Assyrian ang kaunaunahang  Ang patuloy na pag-aalsa ng
pangkat na nakabuo ngepektibong sistema mgalungsod tulad ng Media atBabylonia
ng pamumunosa imperyo. Kinopya ng na nasakop ng Assyriaay nakapagbawas
ibangpangkat sa malapit na silangan nang malaki sayaman ng Assyria at
angpamamalakad ng ImperyongAssyrian. nagpahina
55
sahukbo nito.
 Kauna-unahang aklatan na may 200,000  Nagkaisa ang mga Chaldeans,Medes, at
tabletang luwad na itinayo ni Ashurbanipal. Persiano noong 612 B.C.upang
pagtulungang salakayin angAssyria.

Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Chaldean (612 - 539 BCE)


Si Nabopolassar (612-605 BCE) ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia
matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 BCE), anak ni Nabopolassar ang
natitirang hukbo ng Assyria noong 609 BCE.
Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng
kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang
asawa na kinilala ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
Noong 539 BCE, ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia
hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang
Mesopotamia.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
 Ang Hanging Gardens of Pag-unlad:
Babylon ang isa sa  Ang pamumuno ni Haring Nebuchadnezzar ang
pinakanakakahangang tanawin nagdala sa mga Chaldean sa rurok ng tagumpay.
sa sinaunang panahon. Pumili siya ng matatalinong kabataan mula sa mga
 Ang mga Chaldeans ang sinakop na lupain upang maging katulong niya sa
luminang ng konsepto ng zodiac pamumuno.
at horoscope. Pagbagsak:
 Tanging si Nebuchadnezzar II lamang ang naging
malakas na hari ng mga Chaldean. Sa kanyang
pagkamatay, mahihinang hari na ang namuno sa
Chaldean. Sa karangyaan, kasaganaan, at
kasayahan lamang sila nakatuon. Hindi nila
napatatag ang ekonomiya, pulitika, at sandatahan.
Nang lumusob ang mga Persiano noong 529 B.C.
mabilis na nagapi ang mga Chaldean na naging
simula ng pagbagsak ng imperyo nito.
Kabihasnang Persian (539 - 330 BCE)
Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian na tinawag na Imperyong
Achaemenid. Nasa Persia (kasalukuyang Iran) ang sentro ng imperyong ito.
Sa ilalim ni Cyrus the Great (559-530 BCE) nagsimulang manakop ang mga Persian.
Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor
(kasalukuyang Turkey).
Sa pamumuno ni Darius the Great (521-486 BCE) umabot ang sakop hanggang India.
Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang
imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o
2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa.
Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na
itinatag ni Zoroaster.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
 Isang pinakamahalagang ambag ng Pag-unlad:
Persiano ang rehiyong  Ang galing ni Cyrus sa pamumuno ang
Zoroastrianismo kung saan nabigyang naging sanhi ng tagumpay ng mga Persiano.
diin ang konsepto ng pagpili ng tao sa  Ang pagkakaroon nito ng mahusay na
landas na tatahakin: kasamaan ba o mandirigma ang dahilan ng mabilis na
kabutihan. pagsakop ng mga lupain.
 Nabigyang-diin ang karapatan ng tao,  Ang makatarungan pagbubuwis at matapat
maging ng mga lupang sinakop. na pikikitungo sa mga nasakop na tao ang
 Ang pagkakaroon ng mga satrap ng nagbabantog sa kabutihan ni Cyrus at
Persia ang naglinang sa konsepto ng napanatili ang katiwasayan sa kanyang
sentralisadong pamahalaan. imperyo.

56
 Ang katapatan ng mga Persiano ang isa ring
dahilan ng kanilang pagsikat at pag-unlad.
Pagbagsak:
 Matapos ang pamumuno ni Cyrus,
Cambyses, Dariusat Xerxes, nawalan na ng
mahusay na pinuno ang mga Persiano. Ito
ang pangunahing dahilan ng kanilang
pagbagsak.
 Naging madalas ang awayan ng mga lupaing
nasasakupan ng imperyo.
 Ang kawalan nila ng pagakakaisa ang
Project EASE Modyul 3 pahina 3-12 nagpabilis sa kanilang pagbagsak

Pagyamanin
Gawain 3: Pangalanan Mo!
Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na ambag
ng kabihasnang Mesopotamia at isulat sa kwaderno.
Sumerian Babylonian Hittite Assyrian Persian
11. Cuneiform
12. Pagkakatuklas ng bakal
13. Hanging Gardens of Babylon
14. nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo.
15. Kodigo ni Hammurabi
16. Kauna-unahang aklat na may 200,000 tabletang luwad
17. Konsepto ng zodiac at horoscope
18. Gulong
19. Nagbigyang-diin ang karapatang pangtao.
20. Paglililok ng mga diyos, diyosa at mga halimaw na may pakpak.
Isaisip
Gawain 4: Data Retrieval Chart
Panuto: Gamit ang data retrival chart pumili ng dalawang pangkat ng tao na
nanirahan sa Mesopotamia, punan ng tamang sagot ang chart at sulat ito sa kwaderno ang
iyong sagot.
Kabihasnang Mesopotamia
Pangkat ng tao Ambag ng Sanhi ng Pag-unlad Sanhi ng
kabihasnan Pagbagsak
1.
2.

Isagawa
Gawain 5: Reflection
Panuto: Batay sa nabasa mong teksto, ipaliwanag ang mga sumusunod na mga
katanungan at isulat ito sa kwaderno.
1. Paano umunlad ang kabihasnang Mesopotamia?
2. Masasabi mo bang isang kabihasnan ang Mesopotamia?
3. Paano naiiba ang kabihasnang Mesopotamia sa ibang Kabihasnan?
4. Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang Mesopotamia, anong pipiliin
mong pangkat at bakit?
Tandaan Mo!
Ang Mesopotamia ay ang kauna-unahang sinaunang kabihasnan sa buong daigdig. Ang
mga sinaunang pangkat na nanirahan dito ay nagtayo at nagtatag ng maunlad na pamayanan at nag-
iwan ng mahahalagang ambag.
Ang sinaunang kabihasnang ito ay binubuo ng mga lungsod-estado ng Sumer at mga
imperyong Akkad, Babylonia, Hittite, Assyria, Chaldea at Persia.

57
Aralin
Ang Kabihasnang Indus sa Timog
12 Asya

Balikan

Gawain 1: Balikan Mo!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Magbigay ng tatlong ambag ng kabihasnang Mesopotamia na sa iyong palagay ay


pinakamahalaga, ipaliwanag.

Alamin

Sa araling ito inaasahang maipaliliwanag mo ang pagsulong ng mga unang


kabihasnan sa Asya batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Inaasahan na masusuri mo ang bawat sinaunang kabihasnan at mapahalagahan ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.
Tuklasin Gawain 2:
Complete It!

Panuto: Kumpletuhin ang mga tinutukoy na salita. Isulat ang mga akmang
letra sa patlang.

1. T O S A - isang malawak ng tangway na hugis tatsulok.


2. U -KO T E N T __– tawag ng mga heograpo sa Indus dahil sa laki ng
lupaing ito.
3. K Y R P S – Isa samgadaanangpinasukan ng mgataodala
ang kanilangsarilingwika at tradisyonnanagpayamansakulturang Indian.

Suriin

Gawain 3: Basahin Mo!

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang kabihasnang tinawag ng mga heograpiko na su-kontenti ng India dahlia lawak


ng lupaing nito na umusbong sa ilog at lambak ng Indus. Mayaman ang kabihasnang Indus
dahil sa likas na yaman na pumapalibot rito. Tunghayan sa mga sumusunod na talahanayan
ang mga ambag, lipunan, kultura, ekonomiya, sanhi ng pag-ulad at pagbagsak ng
kabihasnang Indus sa Timog Asya

58
Kabihasnang Mohenjo-Daro at Harappa (2500-1500 B.C.)
Lipunan at Kultura
 May malalaking kalsada, alkantarilya, at sistema ng patubig (Sewer system) na
tumutustos sa pangangailangan ng mga tahanan.
 Gumamit ang mga tao ng laryong putik na pinatutuyo sa pugon sa paggawa ng bahay.
 Maganda ang kanilang mga iskultura at simple ang istilo ng arkitektura.
 Naniniwala at sumasamba sa mga kaluluwa na naninirahan sa kalikasan
Ekonomiya
 Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay nila. May matabang lupa dulot ng malimit na
pag-apaw ng mga ilog na pinagtaniman ng palay, mais, kape, bulak, niyog, at iba pa.
 May mga nahukay na relikyang nagpapatunay na nakipagkalakalan ang sinaunang India
sa Mesopotamia tulad ng mga inukit na batong seal na ginamit sa pagtatak ng mga
kalakal.
Ambag sa Kabihasnan
 Parisukat na seal carving na yari sa Soapstone, isang uri ng pulbos na pinatigas at
kadalasang ginagawang dekorasyon at selyo.
 Mga piguring bronse at terracotta ng mga bagay at diyos na sinasamba ng tao.
 Mga alahas na yari saginto, metal, at mamahaling bato tulad ng jade at lapis lazuli.
Sanhi ng Pagbagsak
 Pagdating ng mga mananakop na Aryan mula sa Gitnang Asya noong 1500 B.C.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29
Kabihasnang Aryan (1500-530 B.C.)
Pamahalaan
 Nahahati sa mga pamayanan na may kanya-kanyang pamahalaan. Pinamumunuan ito
ng rajah na nagmamana ng katungkulan at may katulong na lupon ng tagapayo na
binubuo ng mga pinuno ng tahanan.
Lipunan at Kultura
 Tinawag na Panahong Vedic dahil dito isinulat ang mga Veda o ang apat na aklat ng
karunungan na kalipunan ng mga himnong pandigmaan, mga ritwal na panrelihiyon, at
mga kwento. Ang Rig Veda, ang pinakamatanda sa apat, ay tungkol sa kalikasan; ang
Sama Veda naman ay tingkol sa mga ritwal; habang ang Veda ay naglalaman ng mga
sinaunang seremonya. Ang Athava Veda ay tungkol naman sa kultura at mga tradisyon
ng mga Aryan.
 Ang Upanishad naman ay nagsasaad ng mga pangunahing paniniwala ng Hinduismo
tulad ng reinkarnasyon.
 Sistemang caste ang sinunod kung saan, inuri ang mga Brahman na binubuo ng mga
pari na nagsisilbing guro; ang mga Kshatriya o ang mga maharlika at mandirigma; ang
mga Vaisya o mga karaniwang mamamayan, mga artisano, mangangalakal,
magpapastol, at magsasaka; at ang mga Sudra na mga manggagawa at alipin. Sa labas
ng sistema matatagpuan ang mga untouchable o pariah, mga mamamayang hindi Aryan
na karaniwang mahihirap at gumaganap ng mababang uri ng trabaho.
 Sumasamba sa maraming diyos sa kalikasan tulad nina Indra, ang diyos ng bagyo at
Agni, ang diyos ng apoy kung saan nagmula ang relihiyong Hinduismo, ang
pangunahing relihiyon sa India ngayon at isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
Ang Budismo, na pinasimulan ni Gautama Buddha noong 600 B.C., ay isa ring
mahalagang relihiyon sa India na kumalat sa iba pang lupain sa Asya.
 Walang kalayaan ang babaing Indian, ngunit mayroon silang karapatang magmay-ari ng
negosyo at kasangkapan tulad ng alahas na maaaring ipamana sa kanilang mga anak.
Ang mga biyuda ay hindi na maaari pang mag-asawa at dapat mamuhay nang simple
hanggang sa kanyang kamatayan. Ang iba ay nagpapakamatay at sumasama sa libing
ng asawa na tinatawag na suttee.
 Ang mga anak ng mayayamang pamilya ay nakapag-aaral.
 Ang krimen noong panahong iyon ay maaaring maparusahan ng kamatayan.
 Mahilig sa kasayahan ang mga Aryan. Sila ay madalas manood at makilahok sa karera
ng mga karwahe, pagsasayaw, at pagsusugal.
Ekonomiya
 Pagpapastol at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Aryan. Nagtanim sila
ng barley at trigo.

59
 Magaling din sa mga gawang-kamay ang mga Aryan gaya ng pagkakarpintero,
paghahabi, pagkukulti ng balat ng hayop, at paggawa ng mga kasangkapan sa bahay
gaya ng araro at asarol.
Ambag sa Kabihasnan
 Relihiyong Hinduismo at Budismo
 Sistemang caste
 Konsepto ng reinkarnasyon o muling pagkabuhay
 Konsepto ng karma na nagsasabing ang ginawa ng tao sa kasalukuyang buhay ay
maparurusahan o magagantimpalaan sa susunod nilang buhay
 Sa panitikan, ang mga Veda at ang Upanishad
Sanhi ng Pagbagsak
 Sinalakay at napailalim sa mga Persiano sa pamumuno ni Cyrus the Great noong 530
B.C.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29
Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat ng mga tao.

Brahmin
Kaparian
Ksatriya
mandirigma
Vaisya
mangangalakal, artisan, magsasakang may
lupa

Sudra
magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo ng Aryan na
nakapag-asawa ng hindi Aryan
Pariah
naglilinis ng kalsad, nagsusunog ng mga palay, nagbibitay sa mga kriminal

(Hango sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig LM pahina 74)


Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 BCE- 500 CE)

Naglakbay mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyonng Punjab, ang mga


Aryan at nagtungo sa bahaging pasilangan. Mga 600 BCE noon at 16
pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagang India mula
sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito ang Magadha, Kosala,
Kuru, at Gandhara.
Ating alamin ang mga imperyong naitatag sa sinaunang India sa susunod na talaha-
Nayan.

Imperyong Maurya 320-185 B.C.


Nagtatag: Chandragupta Maurya (324-300 B.C.)
Pamahalaan
 May maayos na pamahalaan na nakasentro sa hari. Ang imperyo ay hinati sa mga distrito
na pinamunuan ng mga kasapi ng pamilya ng hari. Malaki rin ang bahaging ginampanan
ng mga tagapayo ng hari, tulad ni Kautilya sa panahon ni Chandragupta Maurya.
 Sa ilalim ni Bandusara (297 B.C.), anak ni Chandragupta, nasakop ng imperyo ang
talampas ng Deccan (273-232 B.C.)
 Si Asoka, ang pinakamagaling na pinuno ng imperyo, ay nagpalabas ng maraming batas
na tinawag na Rock Edicts na nakaukit sa mga bato, dingding ng mga kweba, at sa mga
pampublikong lugar. Ang mga batas na ito ay naglalaman ng mga konsepto ng kawalan ng
karahasan, paggalang sa lahat ng relihiyon at opinyon, pagsunod sa magulang, at pagiging
makatao sa mga naninilbihan.

60
 Nagpagawa si Asoka ng mga daan, mga balon, at mga bahay-pahingahan. Ipinagbawal din
ang pagsasakripisyo sa mga hayop at nagpatayo ng mga sentrong pangkalusugan para sa
lahat ng mamamayan.
 Pinalaganap ang Budismo sa panahon ni Asoka.
Lipunan at Kultura
 Ang lipunan ay nahahati sa pitong uri – mga pilosopo, magsasaka, kawal, pastol, artisano,
mahistrado, at konsehal. Pinakamalaking grupo ang mga magsasaka.
 Hindi maaaring mag-asawa ng hindi kauri ang mga Hindu.
Ekonomiya
 Nakipaglaban sa mga Persiano na pinamunuan ni Seleucus, ang mga Seleucid, noong
3000 BC.
 Pagsasaka at pagpapastol ang pangunahing hanapbuhay, pagtanim ng millet, trigo, at
bulak.
 Nangulekta ng buwis mula sa mga mangangalakal ng bulak at may-ari ng lupa.
Ambag sa Kabihasnan
 Encyclopedia sa medisina na isinulat ni Charaka.
 Aklat sa pulitika ni Kautilya, ang Arthasastra (The Science of Material Gain) na tungkol sa
pagpapalawak at paggamit ng kapangyarihan.
Sanhi ng Pag-unlad
 Ang maayos na sistema ng pamahalaan at ang mga buwis ang siyang tumustos sa mga
gastusin ng imperyo.

Sanhi ng Pagbagsak
 Umusbong ang mga nagsasariling estado sa timog ng kahariang Sunga at Kalinga.
 Napabayaan ang hukbong military sa panahon ni Asoka dahil itinuon niya ang pansin sa
pagpapalaganap ng Budismo. Hindi nito nakayang ipagtanggol ang imperyo mulasa mga
nag-alsang Hindu na ayaw ng Budismo.
 Hindi nakaagapay ang pamahalaan sa mga gastusin ng imperyo.

Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29

Imperyong Gupta 320-500 A.D.


Nagtatag: Chandragupta (320-335 A.D
Pamahalaan
 Lalong napalawak ang imperyo hanggang Talampas ng Deccan sa ilalim ng pamumuno
ni Samudragupta (335-375 A.D.), anak ni Chandragupta I. Ito ay nagdala ng yaman sa
imperyo sa pamamagitan ng mga buwis na sinisingil ng imperyo sa mga nasakop na
lupain.
Lipunan at Kultura
 Ito ay itinuturing na Gintong Panahon ng India. Ang mga ambag ng Imperyong Gupta sa
kabihasnan ay nagpapahayag ng kasaganaan na dulot ng mga yaman mula sa mga
nasakop at kapayapaang tinamasa nito sa panahon ni Asoka. Sa panahong ito umunlad
ang pagkamalikhain ng mga tao at nalinang ang sining at kultura sa India.
Ekonomiya
 Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Gupta. Nagtanim sila ng bigas, trigo,
tubo, at mga prutas tulad ng mangga, melon, apricot, peach, peras, at iba pa.
 May mga minahan ng mineral at asin, mga pabrika ng sandata, at pagawaan ng
ornamenting ginto at pilak.
 Nakipagkalakalan sa Ehipto, Gresya, Roma, at Ceylon (ngayon ay Sri Lanka). Ang ilan
sa mga produkto nila ay bulak,mga telang chintz, calico at cashmere, garing, at elepante
na ipinagpalit nila sa musk, seda, at amber
Ambag sa Sibilisasyon
 Dinar – gintong barya na inuukitan ng tula at iba pang disenyo
 Sakuntala – dula ni Kalidasa at mga pabula na may aral tungkol sa moralidad at pulitika
 Sa arkitektura, ang Iron Pillar sa Delhi ay isang magandang halimbawa ng teknolohiya
noong panahong iyon.
61
 Mga epikong Ramayana at Mahabharata
 Simbolong zero at bilang na 1 hanggang 9.
 Pi na katumbas ng 3.14 at 365.3568 na bilang ng araw sa isang taon
 Sistemang decimal
 Ang University of Nalanda, ang unang unibersidad sa daigdig, na nag-alok ng mga
kurso sa relihiyon, pilosopiya, at sining.
 Nagbigay sa mundo ng mga telang cashmere, calico, at chintz na hanggang ngayon ay
ginagawang damit at sapin sa bahay.
 Mga fresco painting (pinta sa pader na plaster) sa kweba ng Ajanta sa Maharashtra.
Sanhi ng Pag-unlad
 Mahusay na pamamahala ng mga naunang pinuno.
Sanhi ng Pagbagsak
 Pagsalakay ng mga Hun mula sa Gitnang Asya noong 415 A.D.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29
Imperyong Mogul 1526-1793 A.D.
Nagtatag: Babur (1526-1530)
Pamahalaan
 Nagpatayo ng mga monumento at palasyo sa India sa ilalim ng pamamahala ni Akbar
the Great (apo ni Babur) noong 1556-1605 A.D.
 Naabot ng imperyo ang katanyagan sa panahon ng pamamahala nina Akbar Jahangir
na namuno noong 1605-1627 at Shah Jahan noong 1628-1658.
Lipunan at Kultura
 Magkahalong tradisyong Hindu at kaugaliang Muslim ang umiral sa lipunan noong
panahon ni Akbar at sumunod na namuno.
 Ipinagbawal ang pang-aalipin ng mga babae at batang bihag sa digmaan.
 Inalis din ang suttee o ang pagsunog ng mga biyuda kasama ng bangkay ng kanilang
asawa. Ang kaugaliang ito ay nagsimula noong 1 A.D., dala ng mga Raiputs, mga
mandirigmang Kushan na naniniwala sa monogamya o pagaasawa ng isa lamang.
 Nagkaroon ng direktang komunikasyon ang emperador at mga mamamayan sa
pamamagitan ng mga korte ng hustisya na pinamunuan ng emperador.
Ambag sa Kabihasnan
 Istilong Mogul sa sining at arkitektura. Ito ay sining ng India na hinaluan ng impluwen-
sya ng Persia.
 Ang Taj Mahal na itinayo sa pagitan ng 1620-1648 ay itinuturing na isa sa pinaka-
magandang halimbawa ng arkitekturang Indian. Ipinatayo ito ni Shah Jahan para sa
paborito niyang asawa na si Muntaj Mahal.
Sanhi ng Pag-unlad
 Pinalawak ang imperyo sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga Hindu at Muslim
sa imperyo.
Sanhi ng Pagbagsak
 Napabayaan ang pamahalaan sa panahon ni Aurangzeb (1695-1707), na nagtuon ng
pansin sa pakikidigma sa pag-asang masasakop ng imperyo ang buong India.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29

Pagyamanin

Gawain 4: Sagutin Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang teksto, hanapin sa hanay B ang tamang sagot na
tinutukoy sa hanay A, isulat ang titik ng piling sagot sa iyong kwaderno.
Hanay A Hanay B
1. Sistemang patubig ng kabihasnang Indus A. Imperyong Maurya
2. Apat na aklat ng mga karunungan na kalipunan B. Panahong Vedic
ng mga himnong pandigmaan at ritwal.

62
3. isang uri ng na pinatigas at kadalasang C. Soap stone
ginagawang dekorasyon at selyo
4. pangkat ng tao na mangangalakal, artisan, D. Sewer system
magsasakang may lupa
5. panahong isinulat ang mga Veda E.Vedo
6. kabihasnan na may sistemang caste F. Imperyong Mogul
7. imperyong may ambag ng encyclopedia G.Vaisya
sa medisina na isinulat ni Charaka
8. imperyong may epikong Ramayana at H. Brahmin
Mahabharata
9. Taj Mahal I. Imperyong Gupta
10. Sistemang decimal J. Sudra
K. Kabihasnang Aryan

Isaisip

Gawain 5: Graphic Organizer

Panuto: Gamit ang Graphic Organizer, punan ang chart ng isang pinakamahalagang
ambag ng imperyong Timog Asya at isulat ito sa kwaderno.

Maurya
Imperyong
Timog sa
Maurya
Asya
Maurya

Isagawa Gawain 6:
Sanaysay
Panuto: Mula sa iyong natutuhan sa tekstong ito sumulat ng isang sanaysay na
naglalarawan sa kabihasnang tinalakay.

Mahusay na Pinuno

Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos

Nilalaman 10

Organisasyon sa Paksa 8

Kaayusan at Kalinisan sa Pagsulat 7

Kabuuan 25

63
Aralin
Ang Kabihasnang Tsino sa
13 Silangang Asya

Balikan

Gawain 1: Pangalanan Mo!


Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na ambag
ng imperyo sa Timog Asya at isulat sa kwaderno.
Maurya Gupta Mogul

1. Sistemang decimal
2. Arthasastra ni Kautilya
3. Taj Mahal
4. Encyclopedia.
5. Sakuntala

Alamin
Sa araling ito inaasahang maipaliliwanag mo ang pagsulong ng mga unang
kabihasnan sa Asya batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Inaasahan na masusuri mo ang bawat sinaunang kabihasnan at mapahalagahan ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.

Tuklasin

Gawain 2: Spider Web


Panuto: Gamit ang Spider Web Organizer isuat sa bilog ang mga ambag ng
kabihasnan at isulat ito sa kwaderno.

Indus

China

Mesopotamia

64
Suriin
Gawain 3: Basahin Mo!
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang kabihasnang ito na umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang
kabihasnang nanatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Ang mga natural na
hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang nagbigay-daan sa
pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang
kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon.
Tinagurian ang Tsina na isa sa mga dakilang bansa dahil sa kanyang kabihasnan at
nakasulat na kasaysayan sa loob ng apat na libong taon. Kilala ang Tsina sa katawagang
“Natutulog na Higante” dahil sa matagal na panahong hindi nito pakikisalamuha sa ibang
kultura at ang pagsasara ng lupain nito sa mga dayuhan. Sa mahabang panahon napanatili
ng kabihasnang ito isolationism at ang pagpapanatili ng kanilang ideolohiya, kultura at
pamayanan.Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na talahanayan.

Xia or Hsia (200 B.C. – 1600 o 1500 B.C.)


 Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho ang
itinuturing na pinakauna sa kasaysayan ng Tsina. Pinamunuan ito ng mga paring-
hari na pinaniniwalaang gumawa ng mga sikretong kalendaryo na ikinamangha ni
Confucius noong panahon ng Han kung kaya’t binuhay niya ang paggawa at
Project EASE Modyul
paggamit 3 pahina 32 – 45
nito.
 Hindi pa lubusang napatutunayandahil sa kawalan ng ebidensyang arkeolohiya.

Shang (1700-1200 B.C.)


 Sila ang mga unang dayuhang permanenteng nanirahan sa Tsina. Nakasentro ang
kanilang kabihasnan sa lambak ng Huang Ho. Nakabuo sila ng mataas na antas ng
lipunan na pinamumunuan ng aristokrasya.
 Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito.
Kultura
 Naniniwala ang mga Tsino noong panahong ito na taglay ng kanilang pinuno ang bisa
ng “Utos ng Langit” na batayan ng kanilang pamumuno. Kapag nawala na ang bisa nito,
babagsak ang pinuno at papalitan ng bago.
 Pinaghalong animismo at pagsamba sa mga ninuno ang kanilang relihiyon. Kaugnay
nito, naniniwala sila sa oracle bone reading o panghuhula sa pamamagitan ng pagbasa
ng mga nakaukit sa buto ng hayop o bahay ng pagong.
 Nagtatag ng Calligraphy o kaligrapo na isang uri ng pagsulat. Pictogram o mga larawan
ang kanilang gamit sa calligraphy na dikit-dikit ang pagkakasulat upang makabuo at
maipakita ang ideya.
 Gumamit ng elepante bilang sasakyang pandigma gayundin ng karwaheng hila ng
kabayo.
Ekonomiya
 Pagsasaka ang pangunahing industriya ng mga Shang. Umani sila ng millet, palay, at
barley. Sila ang nagpasimuno sa sistemang irigasyon sa Ilog Huang He
 Nag-alaga dito na baka, baboy, manok, at aso.
 Natutong mag-alaga ng uod bilang pagkukunan ng seda (silkworm) na tanging Tsina
lamang ang marunong gumawa sa buong daigdig noong sinaunang panahon.
 Marunong maghulma ng bronse upang gawing mga gamit.
 May kasanayan sa paggawa ng mga alahas mula sa jade.
 Ang mga artisanong Shan gang nagpasimula ng paggawa ng mga seramika gamit ang
kaolin, isang uri ng maputing putik.
Ambag sa Kabihasnan
 Paggamit ng tanso
 Paggamit ng elepante at karwaheng hila ng kabayo bilang mga sasakyang pandigma
 Sistemang irigasyon at pagkontrol sa tubig-baha
 Nakaimbento ng kalendaryong lunar na sampung araw ang pinakamalaki – anim na
tigsasampung araw ang bumubuo ng 360 araw sa loob ng isang taon.
Sanhi ng Pagbagsak
65
 Naging masama at makasarili ang mga huling pinuno.
 Nilusob ng mga Chou, mga barbaro mula sa lambak ng We sa kanlurang bahagi ng
Tsina.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Chou (1122-256 B.C.)


 Nagmula ang mga Chou sa kanlurang bahagi ng Tsina ngunit direktang namuno sa
hilagang bahagi lamang nito, sa pangunguna ni Wu Wang, ang nagtatag nito. Ang
silangang bahagi nito ay pinamumunuan ng ibang mga miyembro ng pamilya at
pinagkakatiwalaang kasapi ng military. Naghari sa loob ng 900 taon, ito ang itinuturing
na pinakamahaba at pinakadakilang dinastiya sa Tsina. Sa panahong ito naging
matatag at permanente ang pamahalaan bilang isang institusyon.
 Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.” na, ang
emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit. Pinili siya dahil puno siya ng
kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangitan
sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.
Pamahalaan
 Pinamunuan ng emperador katulong ang limang ministro o mandarin: punong ministro
(Mandarin of Heaven); ministro ng seremonya (Mandarin of Ceremonies); ministro ng
digma (Mandarin of Summer); ministro ng krimen (Mandarin of Autumn); at ministro ng
publikong paggawa (Mandarin of Winter).
 Sa ilalim ng mandarin, ang iba pang opisyal ay pinili mula sa hanay ng mga iskolar na
may kaalaman sa kasaysayan at relihiyon.
 Ipinatupad ang sistemang civil service kung saan kailangang pumasa sa pagsusulit ang
mga magiging opisyal at kawani ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, napahusay ng
mga Chou ang pamamalakad ng pamahalaan.
 Sa panahong ito, nagsimula ang pilosopiyang Legalism kung saan higit na
pinahahalagahan ang estado at ang pinuno nito, taliwas sa mga turo ni Confucius at iba
pang mga pantas.
Lipunan
 Itinatag ang piyudalismo o ang sistemang sosyo-pulitiko at ekonomikong pamamahala
na nakabatay sa pag-aari ng lupain. Pinamamahalaan ang mga lupaing piyudal ng mga
warlord na nasa ilalim ng kapangyarihan ng emperador. Siya ang regular na bumibisita
rito upang magbigay ng tributo.
 Bawat estado ng dinastiya ay may libreng paaral at tinustusan ng mga aklat tungkol sa
kasaysayan, panitikan, pilosopiya, agrikultura, at maging sa mahika.
Kultura
 Itinuturing ng Ginituang Panahon ng pilosopiyang Tsino ang Chou dahil sa pagsikat ng
sumusunod na mga pantas.
a. Confucius (551-479 B.C.) – nagpakilala sa daigdig ng Five Classics at Four Books.
Ayon sa kanya, may anim na salik na dapat sundin ang tao sa pakikipagugnayan:
kagandahang-asal, kabutihan, katapatan, pagkamakatarungan, pagkakawanggawa, at
katalinuhan. Ilan sa kanyang mga ginintuang palaisipan ang sumusunod.
1. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo ng ibang tao.
2. Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag masamang tao, suriin mo
ang iyong puso.
3. Ang taong nakagawa ng kamalian na hindi nagtatangkang iwasto ito ay makagagawa
pang muli ng isa pang kamalian.
b. Lao Tzu (604-517 B.C.) – nagpakilala ng Tao Te-ching kung saan nakasulat ang
kanyang mga turo. May mga paliwanag ito ukol sa landas na dapat tahakin ng bawat
tao tungo sa kabutihan. Ayon din sa kanya, makakamtan ng tao ang walang
hanggang kaligayahan kung susundin niya ang “Daan Tungo sa Kabutihan” o “Way of
Virtue”. Itinuro niya na kailangang maging matiyaga, mahinhin, at mababa ang loob
ng tao. Ang kanyang mga ginituang aral ay ang sumusunod.
1. Lumagi ka sa hulihan at bago mo malaman, ikaw ay nasa unahan na.
2. Ang taong nasusupil ang iba ay matapang, subalit ang taong nasusupil ang sarili
ay higit na matapang.
c. Mencius (372-289 B.C.) – may-akda ng Doctrine of Mean, naniniwalang may
karapatan ang mga mamamayang gumamit ng dahas ngunit dapat sikaping manatili
ang kapayapaan dahil walang mabuting ibubunga ang digmaan. Para sa kanya, ang
tao ang
66
pinakamahalagang salik ng bansa kaya tungkulin ng pamahalaan na paunlarin ang
kanilang kabuhayan at kaisipan. Ayon sa kanya, ang taong hindi nagtataglay ng
damdaming makatao ay walang karapatang manatili sa trono ng kapangyarihan.
d. Mo Ti o Mo Tzu (480-390 B.C.) – nagtaguyod ng pandaigdigang pagmamahalan at
pagtutulungan bilang mga prinsipyo ng isang maayosna lipunan. Tinawag na Mohism
ang pilosopiyang kanyang itinaguyod.
 May elemento ng pilosopiya, kasaysayan, at tula ang panitikan na yumabong noong
panahong ito. Kinakatawan ito ng tatlong aklat:
a. Book of Changes – isang manwal na nagsasaad na hindi nakasalalay sa mga
diyos o kapalaran ang kinabukasan ng tao at kaluluwa kundi nasa sistema ng
pagbabago sa mundo.
b. Book of Documents – koleksyon ng mga makasaysayang dokumento mula sa mga
talumpati ng mga hari at opisyal ng imperyo. Ipinakilala nito ang mga kaisipang
pangkasaysayan at pulitikal na mga pinuno ng panahong ito.
c. Book of Poetry o Book of Songs – koleksyon ng mga dalit at awit na
naglalarawan ng mga hinagpis at tuwa sa araw-araw na buhay
Ambag sa Kabihasnan
 Mga pilosopiyang itinatag nina Confucius, Lao Tzu, Mencius, at Mo Ti.
 Pagpapatupad ng sistemang civil service para sa pagpili ng mahuhusay na kawani
ng pamahalaan.
Sanhi ng Pagbagsak
 Pagpapagawa ng mga proyektong irigasyon kung saan kinakailangan ang
maraming manggagawa. Dahil dito, nawalan ng bantay ang mga hangganan na
nagpahina sa depensa nito, higit sa kanlurang bahagi kung saan nagmula ang
pagsalakay ng mga barbaro.
 Paglakas ng mga warlord ng imperyo. Inilipat ng mga Chou ang kanilang kabisera
mula Xi’an sa Luoyang (Henan ngayon) sa may silangan.
 Bagaman noong 771 B.C. tunay na nagwakas ang kapangyarihan ng Chou,
nanatili sa pangalan ang pamamahala nito hanggang 256 B.C.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Qin o Ch’in (246-206 B.C.)


 Sa huling mga taon ng dinastiyang Chou, isa si Prinsipe Cheng sa mga warlord na
naghahari sa silangang bahagi ng imperyo. Noong 221 B.C., matapos na talunin
ang mga kaaway nito, itinatag niya ang dinastiyang Ch’in o Qin. Naghari siya sa
loob ng 15 taon at higit na kilala sa pangalang Shih Huang-ti o Shih Huang Ti. Ang
kanyang dinastiya ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Tsina na may matatag na
pamahalaang sentral. Siya rin ang nagsimulang magpalawak ng teritoryong
nasasakupan ng Tsina. Pinangalanan niyang Tsina ang kanyang kaharian, hango
sa kanyang pangalang Ch’in.
 Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing-tanggulan
laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba 2400
kilometro o 1500 milya.
Pamahalaan
 Itinatag niya ang kaharian batay sa prinsipyong legalismo, hindi sa mga
nakagisnang kaugalian at katuruan.
 Pinagtibay ang depensa ng dinastiya laban sa mga dayuhan sa pamamagiatn ng
pagdurugtong sa pader na sinimulan ng mga nakaraang dinastiya. Tinawag na
Great Wal of China ang depensang ito na nagpalawak sa teritoryo ng kaharian ni
Shih Huang-ti.
Lipunan at Kultura
 Ipinasunog ni Shih Huang-ti ang mga aklat ng katuruang klasiko, lalo na ang mga
aklat ni Confucius upang maipag-ibayo ang mga pagbabago ng kaharian.
 Sinunog din ang lahat ng talaan ng nakaraan upang maalis sa isipan ng mga tao
ang tungkol sa nakaraang pamahalaan. Subalit maraming iskolar ang nagtakas ng
mga aklat at ibinaon upang mailigtas ang mga ito. Ipinasunog ni Shih ang 500 na
iskolar nang malaman niyang tinangka ng mga ito na magtago ng mga klasikong
aklat. Pinalayas naman ang ibang mga iskolar na tumuligsa sa pamahalaan o
patuloy na nagtuturo tungkol sa mga klasiko.

67
 Sinimulan ang sistema ng scholarship, ang pagsasanay sa mga hihiranging
gobernador at opisyal ng imperyo.
 Ginawang simple ang sistema ng pagsulat upang mas maraming mamamayan
ang matutong magbasa at magsulat.
Ambag sa Kabihasnan
Great Wall of China – may habang 2,200 kilometro, taas na 7 metro, at lapad na 6
metro.
May tore ito sa bawat 9 metro. Bumabaybay ito mula hilagang silangan ng Hopei
hanggang kanluran ng Kansu.
Sanhi ng Pagbagsak
 Pagkawala ng mga iskolar na gumagabay sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
 Sa pagkamatay ni Shih Huang-ti noong 206 B.C., wala ng malakas na pinuno
ang pumalit sa kanya na naging dahilan upang maagaw ng mga nagrerebeldeng
mamamayan ang pamahalaan.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Han (206-219 B.C.)


 Ang mga Han ang sumunod na nagtatag ng dinastiya pagkatapos ng
Ch’in.Naghari ito ng 400 taon. Si Wu Ti (140-87 B.C.) ang itinuturing na
nagpalawak atnagpalakas sa kaharian.
Pamahalaan
 Pinamunuan ng emperador ang estado. Siya ang tagagawa ng mga batas,
tagapagpatupad nito, at tanging hukom sa buong kaharian. Isang pari naman ang
kinikilalang makapangyarihan sa lahat ng mga ritwal na panrelihiyon.
 Katulong ng emperador ang isang Gabinete na binubuo ng dalawang pangkat:
a. Tatlong Duke – ang chancellor, kalihim ng imperyo o vice chancellor, at great
commandant na namahala sa pamahalaang sibil at militar.
b. Siyam na Ministro – higit na nakatalaga sa pagpapatupad ng mga batas.
Pagtataguyod ng agresibong patakarang panlabas na nagpahina sa mga Hun sa may
hilagang hangganan ng imperyo.
Lipunan at Kultura
 Pinag-ibayo ang pagpapanumbalik sa mga klasikong kaalaman. Tinipon nito ang
mga aklat na naitago at hindi nasunog ng Ch’in.
 Sinimulang linangin ang edukasyon. Nagkaroon ng historyador at mga manunulat
ang Tsina. Nagsimulang magtipon ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan
ng Tsina si Pan-chao.
 Sa panahong ito, ipinakilala ng mga Indian ang relihiyong Budismo sa Tsina.
Sanhi ng Pagbagsak
 Malawakang rebelyon noong 220 A.D. na nagpahina sa kaharian.
Ambag sa Kabihasnan
 Papel – naimbento noong 105 A.D.
 Lexicon o diksyunaryo – nalathala dulot na rin ng pagkakaimbento ng papel.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Sui (581-618 A.D.)


Pamahalaan
 Dahil sa magulong buhay-pulitika bunga ng pamumuno ng batang emperador sa
trono ng dinastiyang Chou, iniluklok ni Yang Chien ang isang bata bilang
puppetemperador at pagkatapos inagaw niya ang trono. Siya ang muling
nagbuklod sa Tsina sa pamamagitan ng Grand China.
 Pinamahalaan ni Yang Chien ang buong hilagang Tsina. Itiinatag ang Ta-shing
bilang bagong kabisera. Pinalakas niya ang depensa sa hilaga laban sa mga
Turko sa pamamagitan ng pagpapaayos ng Great Wall. Nagtagumpay siya sa
muling pagkakaisa ng imperyo.
 Pagpapatupad ng binagong kodigo, ang kodigong K’aihuang, na higit na payak
kaysa mga batas ng hilagang Tsina.
 Ang sentro na pamahalaan ay binubuo ng mga direktor, lupon, ministro, at
68
hukuman.

 Nagtatag ng sistemang hsiang sa lokal na pamahalaan na ang bawat isa ay


binubuo ng 500 pamilya.
Ambag sa Kabihasnan
 Sistema ng pamamahala
 K’aihuang Code – naging modelo ng Kodigo Tang, ang pinakamaimpluwensyang
kalipunan ng mga batas sa ilang bansa sa silangan
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Pag-unlad
 Maayos na pamamahala ni Yang Chien at ibang pinuno
 Pagsasaisa ng imperyo
Pagbagsak
 Paghina ng militar dulot ng mga kampanya, pagbabanta ng mga Turko, rebelyonng
bawat rehiyon ng imperyo, at pagtatanghal sa sarili ng emperador ng
bagongdinastiyang T’ang.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

T’ang (618-906 A.D.)


 Itinuturing na panahon ng kasaganaan at malawakang kultural na pag-unlad ang
300 taong paghahari ng mag T’ang. Una itong pinamahalaan ng ama ni Li
Shihmin. Noong 626, pinatalsik ni Shih-min sa trono ang kanyang ama at siya ang
naghari rito. Kinilala siya bilang Emperador Tai Tsung. Sa panahon ni Ming Huang
nakamit ng T’ang ang pinakamalawak na sakop nito.
Pamahalaan
 Isinanib ang mga prefecture sa mga lalawigan sa buong imperyo upang higit na
mapaunlad, mapanatili, at mapadali ang pamamahala.
 Pinasimulan ang tunay na sistema ng serbisyo sibil batay sa galing. Ang Chin-
Shin ang pinakamataas na pagsusulit para sa nais makabilang sa pangkat ng mga
namumuno.
 Batay pa rin sa katuruan ni Confucius ang pagsusulit sa serbisyo sibil.
Ekonomiya
 Ipinakilala ang isang uri ng palay na madaling itanim at anihin mula dalawa
hanggang tatlong ulit bawat taon. Malaki rin ang naging ani ng tsaa at seda na
iniluwas ng mga Tsino sa Asya at Europa.
 Nakilala ang mga Sung sa paggawa ng makikinis at makikintab na porselana.
 Umunlad sng sericulture o ang pag-aalaga ng uod sa paggawa ng telang seda.
Sanhi ng Pagbagsak
 Paglaki ng populasyon at pagsalakay ng mga Mongol mula sa hilaga.
Ambag sa Kabihasnan
 Mga naimbento sa panahon ng Sung: gunpowder, wheelbarrow, movableprinting.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Yuan (1280-1367 A.D.)


 Mga dayuhan ang mga Mongol. Sila amg kauna-unahang dayuhan na naghari sa
Tsina. Sinimulan ni Gengis Khan ang pagsalakay sa hilagang bahagi ng Tsina
noong 1205 hanggang sa masakop niya ito noong 1227. Ito ang naging simula at
pundasyon ng pinakamalaking imperyongnaitatag sa buong mundo. Si Kublai
Khan, ang kanyang apo, ang nagpatuloy sa kanyang nasimulan hanggang sa
masakopniya ang mga lupain ng mga Sung sa timog. Itinatag ni Kublai noong
1260 ang dinastiyang Yuan, na nangangahulugang “Unang Simula” at kinilala
bilang Great Khan.
 Malaki ang pagkakaiba ng mga Mongol sa mga Tsino. Iba ang kanilang kultura,
wika, at mga kaugalian. Hindi nila inangkop ang kulturang Tsino bilang isang
paraan ng pagkontrol sa mga ito.

69
Pamahalaan
 Hindi binago ang sistema at balangkas ng pamahalaan. Pinanatili ang anim
nadibisyon sa ilalim ng anim na ministro, gayundin ang ehekutibo, militar,
atadministratibong sangay ng pamahalaan. Gayunpaman, pawang mga
Mongolang itinalagang mga opisyal sa mga ito. Yaong mga mababang posisyon
lamangang ibinigay sa mga Tsino.
 Iba ang mga batas ang kanilang sinunod kaysa mga batas na ipinatupad nila sa
buong bansa.
 Naging bukas ang mga Mongol sa pakikipag-ugnayan sa mga taga-Kanluran
tuladng mga mangangalakal na Europeo at mga misyonerong Kristiyano. Patunay
nito ay ang pagdating at pananatili sa bansa ni Marco Polo at ang kanyang tiyo na
si Maffeo Polo
Lipunan at Kultura
 Hiwalay ang panahanan ng mga Mongol sa mga Tsino.
 Inangkop at itinaguyod ang ideolohiyang Confucian sa buong imperyo.
 Kilala bilang Ginintuang Panahon ng dulang Tsino.
 Malaking pagbabago sa pagpipinta at naging aktibo sa Tibetan Buddhism.
Ekonomiya
 Ipinagpatuloy ang mga industriya ng agrikultura at kalakalan at inobasyon na
sinimulan ng T’ang at Sung.
 Malawakang paggamit ng papel na pera sa halip na ginto, pilak,
Sanhi ng Pagbagsak
 Kawalan ng pondo dahil na rin sa lubhang magastos na digmaang kinasangkutan
ni Kublai Khan.
 Hindi nakalimutan ng mga Tsino na dayuhan ang mga Mongol. Noong 1368,
pinangunahan ni Chu Yu-chang, isang mongheng Budista, ang isang pag-aalsa at
pinatalsik ai Shun Ti, ang huling haring Mongol.
Ambag sa Kabihasnan
 Sa lawak ng sakop ng imperyo, naging madali ang pakikipagpalitan ng mga ideya
at imbensyon sa pagitan ng Tsina, Europa, at ibang bahagi ng Asya.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Ming (1368-1643 A.D.)


 Si Chu Yu-chang ang nagtatag ng dinastiyang Ming at kinikilala bilang Emperador
Hung Wu o Hung-wu. Matapos ang 74 taong pamamahala ng mga dayuhan, ninais
ni Hung Wu na ibalik sa tradisyong Tsino ang estado.
Pamahalaan
 Ibinatay sa tradisyong T’ang at Sung ang organisasyon ng pamahalaan.
 Ibinalik at pinag-ibayo ang pagsusulit para sa serbisyo sibil sa pagpili ng mga
opisyal ng pamahalaan. Nilimita lamang sa kaalaman tungkol sa ideolohiyang
Confucian ang paksa sa pagsusulit.
 Itinuring na kasalanan ang hindi pag-uulat agad ng mga opisyal tungkol sa mga
kalamidad sa kanilang lugar. May karampatang kaparusahan ang paglabag na ito.
Lipunan at Kultura
 Hindi katuyad ng mga klasiko ang panitikang nasulat sa panahong ito. Ngunit ang
mga nobelang nalathala ay tinangkilik ng mga ordianryong tao at ng mga iskolar.
Ekonomiya
 Pinaigting ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa, tulad ng India, Arabia, at Aprica
sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon.
 Pinag-ibayo ang paggawa ng mga mamahalin at pinong porselana na naging
pangunahing kalakal sa pandaigdigang kalakalan.
Sanhi ng Pagbagsak
 Pagtulong sa Korea laban sa pananalakay ng mga Hapones noong 1590. Isa ito
sa mga dahilan ng paghina ng depensa ng dinastiya.

70
 Ang kaguluhan at rebelyon sa loob ng imperyo ay nagpadali sa paglusob ng mga
Manchu mula sa hilaga.
 Itinatag ang mga tanggapan na nagbigay ng balanse sa pamamalakad ng
pamahalaan.
a. Imperial Secretariat – tagapagbuo ngmga patakaran ng imperyo
b. Imperial Chancellor – tagasuri ng mga patakarang binuo ng Imperial Secretariat
c. Department of State Affairs – tagapagpatupad ng mga patakarang sinangayunan
ng una at ikalawang tanggapan
d. Board of Censors – taga-ulat sa emperador ng mga taong hinihinalang taksil
sa pamahalaan. Iniuulat din dito ang mga katiwalian ng mga emperador.
 May pakikipag-ugnayan sa Persia, Arabia, at iba pang bansa sa Kanlurang Asya,
gayundin sa Timog-Silangang Asya tulad ng Annam (Vietnam ngayon).
Lipunan at Kultura
 Higit na pinasigla ang kaisipang iskolar dulot na rin ng pagkakaimbento ng
imprenta.
 Nalimbag ang unang aklat at diyaryo sa panahong itona nakapagpaibayo sa
edukasyon at pagsusulit para sa serbisyo sibil. Nilinang din ang panitikan at sining.
 Lumitaw si Li Po, Tu Fu, at iba pang dakilang manunula.
 Nagkaroon din ng kalipunan ng mga batas.
Sanhi ng Pagbagsak
 Katulad ng mga salik ng pagbagsak ng dinastiyang Han.
Ambag sa Kabihasnan
 Unang imprenta na yari sa bloke ng kahoy. Nauna itong naimbento kaysaimprenta
sa Europa.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Sung (960-1278 A.D.)


 Kaguluhan ang naghari sa Tsina matapos bumagsak ang dinastiyang
T’ang.Walang malakas na pinuno ang pumalit sa trono kung kaya’t nailuklok
anglimang magkakasunod na dinastiya na naghari sa Tsina sa loob ng
kalahatingdantaon. Sa kabila ng kaguluhan at kawalan ng kontrol sa pamahalaan
nglimang dinastiya, nagpatuloy ang kulturang Tsino.
 Nagwakas ang paghahari ng limang dinastiya noong 960 B.C. nang talunin
niK’uang-yin. Siya ang nagtatag ng dinastiyang Sung na muling nagbuklod
sabuong Tsina. Kinilala siya sa kasaysayan bilang T’ai Tzu.
Pamahalaan
 Higit na sentralisado ang pamahalaan kaysa panahon ng T’ang.
 Higit na may direktang kontrol sa pangungulekta ng buwis kung kaya’t malaki ang
kita ng pamahalaan at hindi naging suliranin ang pondo para sa mga proyekto nito.
 Pinagtibay ang Chin-Shin o ang pagsusulit sa serbisyo sibil at ibinigay ito tuwing
ikatlong taon.
 Ibinatay ang pag-angat sa puwesto ng mga opisyal ng pamahalaan sa haba ng
serbisyo, kagalingan, markang nakuha sa Chin-Shin, at nominasyon ng isang
mataas na opisyal ng pamahalaan.
 Mabisa ang sistema ng serbisyo sibil ng Sung. Nahikayat nito ang mag bata,
mahusay, at matalinong mamamayan na manilbihan sa pamahalaan. Dahil dito,
napaalis ang mga kawani ng militar at mga walang alam na nasa pamahalaan.
Lipunan at Kultura
 Higit na pinag-ibayo ang panitikan, sining, at edukasyon.
 Naimbento ang gunpowder na ginamit sa paggawa ng mga paputok.
 Naimbento rin ang movable printing na higit na nagpasigla sa panitikan, sining, at
edukasyon.
 Nagawa ang kalendaryo at kompas.
 Umabot sa 10 milyon ang populasyon ng Tsina sa panahong ito.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

71
Pagyamanin

Gawain 4: Tama o Mali


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusnod na pahayag. Isulat
ang tama kapag ang pahayag ay wasto at mali naman kung ang pahayag ay hindi wasto
salungguhitan ang maling salita, isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Ang dinastiyang Shang ang nakasulat ng mga oracle bone.
2. Naging tirahan ng mga emperador noong dinastiyang Ming ang Great Wall
3. Si Shih Huangdi ay itinuring ang sarili bilang “unang emperador”
4. Ang dinastiyang Yuan ang unang dayuhang dinastiyang namahala sa
Tsina.
5. Dinastiyang Chou ang huling dinastiya ng Tsina.
6. Nakasentro ang pag-aaral ni Confucius sa kaisipang Taoism.
7. Ipinatayo ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang Sui.
8. Si Kublai Khan ang nagtatag ng dinastiyang Yuan sa Tsina.
9. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang Chou.
10. Hangad ng kaisiapang Confucianism ang balanseng kalikasan at
pakikiayon ng tao sa kalikasan.

Isaisip
Gawain 5: Data Retrieval Chart
Panuto: Gamit ang data retrieval chart, pumili ng dalawang dinastiyang Tsino punan
ng tamang sagot ang chart at isulat ito sa kwaderno.
DATA RETRIEVAL CHART
Sinaunang Kabihasnan sa Tsino
Mga kaalaman
Dinastiyang nabuo
Kultura Pamahalaan Ambag Sanhi sa Pagbagsak

Isagawa
Gawain 6: Pinta-larawan
Panuto: Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit ang pag-unlad ng kabihasnang
Mesopotamia.

Pamantayan Puntos

KaugnayansaTema 20

Orihinalidad 10

Pagkamalikhain 10

PagkatugmasaKulay 5

Biswal impak 5

Kabuuan 50

72
Aralin
Ang Sinaunang Kabihasnan sa
14 Africa

Balikan
Gawain 1: Balikan Mo!
Panuto: Sagutin ang mga susunod na tanong mula sa kabihasnang Tsino at isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.
1. Huling dinastiya ng China
2. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China
3. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito
4. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism
5. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng
tao sa kalikasan

Alamin
Sa araling ito inaasahang maipaliliwanag mo ang pagsulong ng mga unang
kabihasnan sa Asya batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Inaasahan na masusuri mo ang bawat sinaunang kabihasnan at mapahalagahan ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.

Tuklasin
Gawain 2: Magkahalong salita
Panuto: Ayusin ang mga magkahalong salita sa pamamagitan ng mga kahulugang
katabi ng mga salita at isulat sa kwaderno ang tamang sagot.

D Y P R o Libingan ito ng mga pharaoh kung kaya


sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng mamuno.
A I M

F M A T I M I o Isang proseso ng preserbasyon ng patay na


katawan ng tao
C M UI O N

o Sistema ng pagsusulat ng mga Egyptian


H E R O G Y
P H I S I L C

Suriin
Gawain 3: Basahin Mo!
Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa

Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa


mgapanahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang
tumayongpinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang
mgalihim ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa
kanilangnasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh
anglahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa kaniyangmga
tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga
batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ngEgypt.

73
Nakalatag ang Ehipto sa mainit na lupain ng Aprica at halos binubuo ng
disyertomaliban sa mga oasis. Dahil sa Ilog Nile, nagkaroon ng pag-asa ang mga taga-
Ehiptona ang kanilang lupain ay magbibigay-buhay. Isa pang mahalagang aspeto ng Ilog
Nileay ang hanging umiihip ditto na tinatawag na Hanging Extensian. Ito ang hangin
nananggagaling sa Dagat Mediterranean at umiihip patimog at pasalungat sa agos ng
ilog.Ito ang nagpapalamig sa kabuuan ng lupain. Dahil sa magandang klima at
matabanglupa, umunlad ang sinaunang sibilisasyon ng Ehipto.Basahin mo at unawain ang
buod ng kasaysayan ng Ehipto at ng iba’t ibangaspeto ng kabihasnan nito: pamahalaan,
lipunan at kultura, ekonomiya, at mga ambagsa kabihasnan ng daigdig.

Pamahalaan:

Lumang Kaharian (2686 B.C. – 2181 B.C.)


 Tinawag itong panahon ng piramide. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayong
mga piramide sa Ehipto na nagsilbing libingan ng mga paraon.
 Hindi malinaw kung ilan at sinu-sino ang mga namuno. Gayunpaman, ang ilan
samga tanyag na paraon noong panahong iyon ay ang sumusunod.
1. Zoser (2750 B.C.) – sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide
saEhipto, ang step pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong2780.
Idinesenyo ni Imhotep, ang punong tagapayo ni Zoser at isang magalingna arkitekto.
2. Khufu o Cheops (2650) – sa kanyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza
na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na70 metro
kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito angpinakamalaking istruktura na
itinayo ng tao.
3. Unis – sa piramide niya natagpuan ang Pyramid Texts o ang kalipunan
ngHieroglyphics na naglalarawan ng mga tradisyon ng paglilibing sa paraon at
angkanyang kahahantungan sa kabilang buhay.

Gitnang Kaharian (1991 B.C. – 1786 B.C.)


 Pinamunuan ng 14 na paraon na ang mga pinakamahalaga ay ang sumusunod:
1. Amenemhet I (1991-1962 B.C.) – Binuo niyang muli ang Ehipto mula
sakaguluhan na namayani pagbagsak ng Lumang Kaharian. Binuhay niya
angpakikipagkalakalan sa Palestina at Syria.
2. Amenemhet III (1842-1797 B.C.) – Siya ang nagpagawa ng sistema ng
irigasyonsa Faiyum na ginagamit pa hanggang ngayon.

Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)


 Itinuturing na Panahon ng Imperyo dahil ditto nagsimula ang pananakop ng
mgasinaunang Ehipsyano. Pinamunuan ng 33 paraon na ang mga may
mahalagangambag ay ang sumusunod.
1. Ahmose – itinaboy ang mga Hyksos palabas ng Ehipto at sinimulan ang
BagongKaharian. Itinatag niya ang kauna-unahang magaling na hukbong
pandigmagamit ang natutuhan mula sa mga Kyksos.
2. Thutmose II (1512 B.C.) – idinagdag sa imperyo ang Nubia, Syria, at Palestina.
3. Hatshepsut – asawa ni Thutmose II; unang babaing namuno sa daigdig;nagpatayo
siya ng mga templo at nagpaigting ng masiglang kalakalan kaysapananakop ng
lupain.
4. Thutmose III – itinuturing na magaling na mandirigma; napalawak ang
imperyohanggang sa mga baybayin ng Euphrates. Nagpatayo siya ng
magagarangtemplo sa panahong ito. Ang pinakamagara ay ang mga templo sa
Kamak at angapat na Obelisk na kinauukitan ng mga tagumpay niya.
5. Amenhotep IV o Ikhnaton (1300 – 1358 B.C.) – nagpasimula ng monoteismo
opagsamba sa iisang diyos, Aton, na itinuturing niyang pinakamataas
atpinakamagaling.
6. Tutankhamen (1358 – 1353 B.C.) – ang kanyang piramide ang itinuturing
napinakamahalagang labi ng sinaunang kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto
anglaman nito nang matuklasan. Ibinalik niya ang polyteismo o paniniwala
samaraming diyos sa panahon niya.
7. Rameses II (1304 -1237 B.C.) – Ipinagtanggol niya ang imperyo laban sa
mgasumasalakay na Hittite mula sa Gitnang Asya. Nag-iwan siya ng
maramingsariling monumento.
74
Lipunan at Kultura:
 Sumasamba sa mga diyos at diyosa tulad nina Amn Re, diyos ng araw; Osiris,diyos
ng Nile; Isis, asawa nito; at iba pa.
 May apat na uri ng tao sa lipunan: ang mga maharlika, pari, at pantas; mgasundalo;
mga karaniwang mamamayan; at mga alipin.
 Naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan na pinagmulan ng dalawa
sadakilang pamana nila sa kabihasnan, ang pag-eembalsamo at ang piramide.
 Umusbong ang gitnang uri ng tao sa lipunan sa panahon ng Gitnang Kaharian.

Ekonomiya:
 Dalubhasa sa mga gawang-kamay ang mga sinaunang Ehipsyano. Sila ay
mgaplatero, manggagawa ng palayok, manghahabi, at karpintero.
 Pagsasaka at pagpapastol ang mga pangunahing hanapbuhay. Nagtanim sila ng
 barley, trigo, at mga gulay. Nagmina rin sila ng tanso at ginto.
 Nagkaroon ng palitan ng kahoy na cedar mula sa Phoenician at olive oil mula
saCrete para sa flax, papyrus, inasnang isdang alabaster at ginto ng Ehipto.
Angkalakalang ito ay nagdala ng karangyaan sa mga mangangalakal.
 Nagkaroon ng bugso ng pagtatayo ng mga kanal at daan.
 Mga ani at paglilingkod ang uri ng buwis na kinokolekta mula sa mgamamamayan.

Sanhi ng Pagbagsak:
Lumang Kaharian:
 Pag-aalsa ng mga mamamayan laban sa mataas na buwis.
 Mahina at walang kakayahan sa pamumuno ang mga sumunod na hari.

Gitnang Kaharian:
 Pag-aalsa ng mga maharlikang galit sa mga pribilehiyo ng mga bagong-yamanna
gitnang uri.
 Pagsalakay ng mga Hyksos mula sa Arabia at Syria noong 1700 B.C.

Bagong Kaharian:
 Pagpapabaya sa ekonomiya ng kaharian.
 Pagsalakay ng mga Hittite sa mga kolonya ng Ehipto na nagdulot ng pagkawalang
mga buwis ni kinukolekta mula rito.
 Pag-aalsa sa loob ng kaharian.
 Pagsakop ng mga Assyrian noong 570 B.C., ng mga Persiano noong 525 B.C.,at ni
Alexander the Great ng Macedonia noong 332 B.C.

Ambag sa Kabihasnan:
 Ang kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan ay mulasa
mga sinaunang Ehipsyanong astronomo noong 424 B.C. Ginawa nila itoupang
masubaybayan ang paghaba ng Nile.
 Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na tinawag
nahieroglyphics o hiroglipiko noong 3000 B.C. Ito ay binubuo ng mga salitang
hiero,isang salitang Griyego na nangangahulugang sagrado o banal, at glype na
angibig sabihin ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal anghiroglipiko.
Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo. Mayroon itong 24simbolo at ang
bawat isa ay may tig-isang titik ng katinig. Bukod sa 24 simbolo,mayroon pang 80
simbolo na may tig-dalawang katinig.
 Ang mga piramide ang kauna-unahang monumentong bato na nananatili
pahanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking piramide ay ang piramide niKhufu
o Cheops na nasa Giza.
 Ang pagkakaimbento ng papel mula sa dahon ng halamang papyrus ay nagmularin
sa mga sinaunang Ehipsyano.
 Ang mummification o proseso ng pag-eembalsamo ay nagsimula noong 2600B.C. sa
ilalim din ng pamumuno ni Khufu. Natagpuan ang pinakalumang mummysa Medum
ni Sir Flinders Petrie na tinatayang inembalsamo noong panahongiyon.
 Ang mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide. Una itong itinayo sapanahon ni
Haring Djer noong 2900 B.C.

75
 Naimbento rin ang araro sa panahong ito.
 Pagtatayo ng malaking imbakan ng tubig na tinawag na faiyum na nagtustos ngtubig
sa panahon ng tagtuyot. Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang sistemangito ng
irigasyon.
 Amarna art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga sa
pagigingmakatotohanan ng mga bagay na inilalarawan.
Halaw sa Project EASE Modyul 3 pahina 14 - 19

Pagyamanin

Gawain 4: Pangalanan Mo!


A. Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na ambag
ng imperyo sa Timog Asya at isulat sa kwaderno.

Khufu Hieroglyphics Mummification Zoser Piramid


1.
Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian
2.
Ipnatayo niya ang tinuturing na kauna-unahang piramid
3.
Proseso ng pag-eembalsamo ng patay na katawan ng tao.
4.
Nagsilbing libingan ng mga pharaoh sa Egypt
5.
Nagpatayo ng Great Pyramid sa Giza na itinuring na isa sa Seven
Wonders of the Ancient World.
B. Panuto sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Gaano kahalag sa panahong ito ang pagpili ng pinuno?
2. Sa mga nabanggit na ambag, alin sa mga ito ang nanatili parin
hanggang sa kasalukuyan at paano mo ito mapapahalagahan?

Isaisip

Gawain 5: Graphic Organizer


Panuto: Gamit ang graphic organizer, punan ang mga sumusunod pimili ng isang
pinuno na para sa iyo ay may pinakamalaking nagawa para umunlad ang kabihasnang
Egypt at isulat ito sa iyong kwaderno.

Sinaunang Kabihasnan sa
Egypt

Kaharian Pinuno Mga Nagawa

Lumang
Kaharian

Gitnang
Kaharian

Bagong
Kaharian

76
Isagawa
Gawain 6: Reflection
Panuto: Batay sa nabasa mong teksto, ipaliwanag ang mga sumusunod na
katanungan at isulat ito sa kwaderno.
4. Ano ang mabuti naidulot ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa
Kabihasnang Egypt?
5. Sa iyong pananaw, ano ang pinakamahalagang ambag ng kabihasnang ito?
6. Bilang isang mag-aaral, paano mo ito mapapahalagahan ang ambag ng kabihasnang
ito sa buong daigdig?

Aralin
Ang Kabihasnang Mesopotamia
15
Balikan
Gawain 1: Ilarawan Mo!
Panuto: Gamit ang mga sinaunang kabihasnan isa ibaba, pumili ng dalawang kahon
at magbigay ng mga ambag na hanggang sa kasalukuyan ay nanatili pa rin.

Mesopotamia Indus
Sinaunang
Kabihasnan
Tsino Egypt

Alamin
Sa araling ito inaasahang maipaliliwanag mo ang pagsulong ng mga unang
kabihasnan sa Asya batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan.
Inaasahan na masusuri mo ang bawat sinaunang kabihasnan at mapahalagahan ang mga
kontribusyon nito sa kasalukuyang panahon.

Tuklasin
Gawain 2: Suri - larawan
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba, pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na tanong at isulat sa kwaderno.

The Wrestler, rebultong gawa ng mga Olmec


http://en.wikipedia.org/wiki/File:The_Wr estler_(Olmec)_by_DeLange.jpg

1. Ano ang iyong palagay tungkol sa mga larawang ito?


2. Ano ang kaugnayan nito sa ating aralin?

77
Suriin
Gawain 3: Basahin Mo!
Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica
Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000-1500 B.C.E.)Maraming siglo muna ang
lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhaysa mga pamayanan at pagkakaroon ng
mga lipunang binuo ng estado saMesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng
mais at iba pang mgaprodukto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang
Veracruz noonpa mang 3500 B.C.E. Sa pagsapit ng 1500 B.C.E., maraming taga-
Mesoamericaang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang
karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na
hayop.
Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at
panlipunang kaayusan saMesoamerica sa pagitan ng
2000
B.C.E. at 900 B.C.E. Sa maraming rehiyon, angmaliliit
subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng
mga pinuno.Nagkaroon din ng ilang mga angkang
pinangibabawan ang aspektong
pangekonomiya,pampolitika, at panrehiyon. Ang
pinakakilala sa mga bagong tatag nalipunan ay ang
Olmec. Ang mga Olmec
Olmec (1500-500 B.C.E.)
Ang kauna-unahang umusbong sa Central America
(at maaaring maging kabuuang America) ay ang Olmec
Ang katagang olmec ay nangangahulugang rubber
people dahil sila ang kaunaunahang taong gumamit ng
dagta ng punong rubber o goma
Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon
ng Gulf Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon
ay lumawig hanggang Guatemala
Ang panahong ito ay halos kasabayan ng
Dinastiyang Shang sa China
The Wrestler, rebultong gawa ng mga Olmec - http://en.wikipedia.org/wiki/File:The_Wr
estler_(Olmec)_by_DeLange.jpg
Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistemang irigasyon na itinayo
rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa ng
kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics
ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining. Naunawaan na rin nila
ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi pa
lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang ngayon. Dahil dito ang mga kaalaman sa
Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa America ay hango mula sa iba pang labi ng
kanilang panahon. Ang mga likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking
impluwensiya sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec.
Kulturang Olmec
Ang rituwal ukol sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa
pamumuhay ng mga Olmec. Sila aymay panrituwal na larong tinatawag
na pok-a-tok na tila kahalintulad ng
larong basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaringgumamit
ng kanilang kamay upanghawakan ang bolang yari sa goma. Sa halip,
gamit ang mga siko at
Larong baywang, tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola sa
Pok-a-tok isang maliit na ring na gawa sa bato at
nakalagay sa isang mataas na pader. Pinaniniwalaan ng
mga arkeologo na ang ilang mgamanlalaro ay ginagawang sakripisyo
matapos ang nasabing laro. Nang
lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang sentro sa buong Mesoamerica.

78
Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa
mga bato. Ang pinakamalaking ulo ay may taas na siyam
natalampakan at may bigat na 44 libra.
Lilok ng anyong Maaari diumanong ang mga lilok na ito ay hango sa anyo ng kanilang
ulo mga pinuno. Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugis-piramide sa
mula sa mga bato ibabaw ng mga umbok ng lupa. Ang mga estrukturang ito ay nagsilbing
mga lugar-sambahan ng kanilangmga diyos.
Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar
napinakakinatatakutanng maninila(predator) sa central America at
Hayop na jaguar South America. Ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at kakayahang
manirahan saan mang lugar. Ito rin ay agresibo at matapang.
Sinasamba
ng mga Olmec angespiritu ng jaguar.

Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga lugar na
ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong mineral tulad ng jade,
obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng Costa Rica.

Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec ay


humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba pang mga pangkat
na sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga sinaunang taong sumunod sa kanila ay
nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.

Ang mga Teotihuacan


Sa pagsapit ng 200 B.C.E., ang ilan samga
lugar sa lambak ng Mexico ay nagingmas maunlad
dahil sa ugnayangkalakalan at pagyabong ng
ekonomiya Isa sa mga dakila at
pinakamalakinglungsod sa panahong ito
ay angTeotihuacan na
nangangahulugang“tirahan ng diyos”
Pagsapit ng 150 C.E., ito ay naging isang
lungsod na may halos 12.95 kilometrokuwadrado
na mahigit sa 20,000 katao
Sa pagitan ng 150 C.E. at 750 C.E., ang
populasyon nito ay minsang umabot sa120,000

Teotihuacan (250 B.C.E.-650 C.E.)


Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay
nagbigay ng karangyaan, kadakilaan, at kapangyarihan
sa lungsod. Maliban dito, ang mga pinuno nito ay
nagawang makontrol ang malaking bahagi ng lambak
ng Mexico.
Naging sentrong pagawaan ang lungsod samantalang ito ay nagkarooon ng
monopolyo samahahalagang produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian. Ang
obsidianay isang maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. Ginamit
itong mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga
kutsilyo.Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang
malakingbahagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol
saekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan.

Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, angFeathered


Serpent God. Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sakaniya nagmula ang iba’t
ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. Kinatawandin niya ang puwersa ng
kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.

Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod atsinunog
ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650 C.E.Ang paghina ng
lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar, tagtuyot, at pagkasira ng
kalikasan.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al (2012)

79
80
Pagyamanin
Gawain 4: Tracing the Beginning
Panuto: Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum.
Ano ang sinaunang Paano nagsimula Ano ang katangian
kabihasnang ang kasaysayan ng ng mga
umusbong sa daigdig? kabihasnang ito? katutubo nito?

Hango sa AP 8 LM pahina 99

Isaisip
Gawain 5: Graphic Organizer
Panuto: Gamit ang graphic organizer, isulat ang mga mahalagang ambag
kabihasnang Mesoamerica sa kasalukuyang panahon at isulat ito sa kwaderno.

Sinaunang
Kabihasnang
Mesoamerica

Isagawa
Gawaing 6: Sanaysay
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng mabuting katangian
ng isang pinuno.
Mahusay na Pinuno

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos

Nilalaman 10

Organisasyon sa Paksa 8

Kaayusan at Kalinisan sa Pagsulat 7

Kabuuan 25

81
Aralin
Mga Pamana ng mga Sinaunang
16 Kabihasnan sa Daigdig

Balikan
Gawain 1:Puno ng Kaalaman
Panuto: Pumili sa mga Sinaunang Kabihasnan, Isulat sa loob ng kahon ang mga
kaalaman tungkol sa kabihasnang napili.
ekonomiya kultura

paniniwala at lipunan

Politika relilihiyon

Sinaunang Kabihasnan

Alami
n
Sa araling malalaman ang mga mag-aaral ang mga ambag o kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig. Inaasahang pahahalagahan ng mga mag-aaral ang mga
ambag na ito sa kasalukuyang panahon.

Gawain 1: Crossword Puzzle


Panuto: Buuin ang puzzle tungkol sa sinaunang kaihasnan sa pamamagitan ng
pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang.
2. 8.
1.

10.

9. 7.

4.

5. 6.
3.

82
Pahalang: Pababa:
1.Paraan ng pagsulat ng mga Sumer 2. Sistema ng pagsulat ng Egypt
3.Wikang klasikal ng panitikang India 4. Sistemang Indian na nanga-
5.Tawag sa lalawigan ng Persia ngahulugang lahi o angkan
7.Rubber people 8. Sistemang alkantarilya
9.Kabihasnang Tsino na pinamunuan 10. Pinuno at hari ng Egypt
ng mga dayuhang barbaro
Pataas:
6.Monumento o libingan ng mga Pharaoh

Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kani-
kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan, husay,
at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Hindi natin napapansin
subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay maaaring mag-ugat sa
malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at
relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang kabihasnang ito. Bilang
mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay may nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa
mga sinaunang kabihasnan na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?
Mesopotamia

Ang ziggurat ay estruktura kung saan


pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng
isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang ziggurat.

http://www.crystalinks.com/ziggurat Ang katipunan ng Great Flood ng Bibliya. mga


batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of
Hammurabi, ayisangnapakahalagang ambag. Ito ay
naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat
na aspekto ng arawaraw na buhay sa Mesopotamia.

Sa larangan ng literatura, itinuturing ang Epic of


Gilgamesh bilang kaunaunahang akdang
pampanitikan sa buong daigdig. Ito ay kuwento
niHaring Galgamesh ng lungsod-estadong Uruk sa
Sumeria noong ikatlongsiglo B.C.E. Ang isa sa mga
kabanatang epikong ito ay kahalintulad sa The
Great Flood ng Bibliya.

Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng


pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer. Ito ay
tinatawag na cuneiform.

https://www.ancient.eu/cuneiform
/ Iba pang kontribusyon

 water clock  sexagesimal system opagbibilang na nakabatay sa 60


 paggawa ng unang mapa  astronomiya

Mula sa AP 8 Module pahina 104 – 111

83
Indus

May sewerage system ang Mohenjo-Daro.


Bukod dito, ang mgapamayanan sa Indus ay
kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang
sumailalim satinatawag na urban o city planning o
pagpaplanong panlungsod. Ang mga kalsada sa
matatandanglungsod ng Mohenjo-Daro atHarappa
ay nakaayos na parangmga nagsasalubong na guhit
o gridpattern.
Ang dalawang epikong pamana ng India sa
larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang
salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng
dalawang pamilya na magkakamag-anak – ang mga
Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan.
Ang Ramayana naman ay isang salaysay tungkol sa
buhay ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay
Prinsesa Sita, ang kaniyang asawa, na sapilitang kinuha
ni Ravana, isang demonyong hari.
Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong ikatlong
siglo B.C.E. Ito ang kaunaunahang akda o treatise
hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ay Arthasastra
tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag
ng Imperyong Maurya.
Ang Ayurveda o “agham ng buhay’’ ay isang
mahalagang kaisipang pangmedisina ng
sinaunang India. Tinawag itong “agham ng buhay’’
sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng Ayurveda
kalusugan at kaligtasan mula sa mga
karamdaman.

Iba pang kontribusyon:


 Pamantayan ng bigat at sukat  Decimal system
 Paggamot at pagbubunot ng ngipin  Halaga ng pi(3.1416)
 Taj Mahal  Pinagmulan ng mga relihiyon(Hinduism,
Buddhism, Jainism, at Sikhism)

Tsino

Sa panahon ng Qin, tinatayang isang milyong


katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ang
Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing simbolo ng
kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon.

https://en.wikipedia.org/wiki/G

Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay


ng perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol sa
iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao.
Samantala, ang BingFa (Art of War) ay itinuturing na
isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na aklat
https://www.slideshare.net/AB ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni Sun Zi o
Sun Tzu noong 510 B.C.E.

84
Ang paniniwala sa feng shui o geomancy ay
nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol sa
tamang pagbalanse ng yin at yang upang
makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman.
Ang yin ay sumisimbolo sa kababaihan—malambot at
kalmado. Samantala ang yang ay tumutukoy sa
kalalakihan— matigas at masigla.
https://en.wikipedia.org/wiki/F

Iba pang kontribusyon:

 Paggamit ng silk o seda  Kalendaryo  Star map

 magnetic compass  seismograph  wheel barrow

 water clock  sundial  chopsticks

Egypt

May sistema ng pagsusulat din ang mga


Egyptian na tinatawag na hieroglyphics. Sa simula,
ang isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan.
Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga
papel kundi nakaukit din sa mga pampublikong gusali
o kaya naman ay nakapinta sa luwad o kahoy.
Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala
at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o paper
scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag http://en.wikipedia.org/wiki/Hieroglyp
na papyrus.

Ang mga piramide ay hitik sa mga


simbolismong relihiyoso. Libinga ito ng pharaoh
kung kaya sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng
mamuno. Gayundin, pinatunayan nito ang paniniwala
sa buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng
kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita
sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay.

Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim


sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa
isang prosesong tinatawag na mummification, Ang
mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang
patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang isang
mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan,
binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas.

http://en.wikipedia.org/wiki/Tutankh

Pagyamanin
Gawain 2. K-A-K Organizer
Panuto: Unawain ang panuto sa pagbuo ng organizer.
a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan- Ambag-
Kabuluhan (K-A-K) Organizer.
b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang ambag, at
pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao.

85
Kabihasnan Ambag Kabuluhan

Hango sa AP 8 LM pahina 109

Isaisip
Gawain 3. Thank You Letter.
Panuto: A. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad
ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat.
B. Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang sa gawaing ito:
1. Pumili ng isang anyong lupa, tubig o kahit anong bagay na may kaugnayan sa
heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong gawan ng liham
pasasalamat.
2. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na
ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao.
3. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong liham.
Rubric sa Pagmamarka
Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nakapaloob sa diagram ang 5 o higit pang
Nilalaman mahahalagang pangyayari sa
nakatalagangkabihasnan; wasto ang pagkakasunod- 10
sunodnito
Mahusay na naipaliwanag ang kasaysayan ng
Pag-uulat nakatalagang kabihasnan batay sa nabuong 10
diyagram
Iba pang Nakapaglahad ng iba pang datos na may kaugnayan
impormasyon sa kasaysayan ng nakatalagang kabihasnan 5
Kabuuan 25
Hango sa AP 8 LM pahina 110
Isagawa
Gawain 4. Maimpluwensiyang Kabihasnan
Panuto:Kumpletuhin ang kasunod na dayagram. Itala ang pamana ng mga
sinaunang kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa
sa kasalukuyang panahon.

Hango sa AP 8 LM pahina 111

Buod
Tinalakay sa yunit na ito ang heograpiya ng daigdig. Ang mga saklaw nito tulad ng
mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman ay tunay na maymalaking impluwensiya
sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao.Nakasalalay ang pamumuhay ng mga
prehistorikong tao sa kanilang mahusay napakikiayon sa idinikta ng kanilang kapaligiran.

86
Ang kanilang talino at kakayahan ang naging instrumento upang magin matagumpay
sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang higit na100mapabuti ang
kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng mga mauunladna pamayanang
tinawag na kabihasnan.
Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng
politika,relihiyon, ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay lubos na may
kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat ng panahon.

Pagtatasa
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa sistemang caste ng India?
A. Torah B. Sudra C. Vaisya D. Brahin
2. Bakit kinilala si Ashoka na pinakamahusay na pinuno ng Maurya at sa kasaysayan
ng daigdig?
A. Dahil marami siyang mga lupain na sinakop.
B. Dahil na gapi niya ang lahat ng kanyang mga kalaban.
C. Dahil pinalaganap niya ang walang karahasang pakikidigma.
D. Dahil tinalikdan niya ang karahasan at sinunod ang mga turo ni Buddha.
3. Ano ang tawag sa unang banyagang dinastiyang namamahala sa Tsina?
A. Yuan B. Ming C. Chou D. Shang
4. Ano ang pinagawa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa na naging Seven
Wonders of the Ancient World?
A.Pyramid B. Taj Mahal
C.Hanging Gardens D. Graet Wall of China
5. Bakit tinawag na rubber people ang mga Olmec?
A. Dahil mahilig silang maglaro ng goma..
B. Dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng dagta.
C. Dahil gawa sa goma ang kanilang mga tahanan atdamit
D. Dahil ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Olmec ay ang pagtatanim
ng punong goma
6. Anong pangkat ng tao sa sistemang caste ng India ang mga mangangalakal, artisan,
magsasakang may lupa?
A. Saudra B. Vaisya C. Pariah D. Ksatria
7. Alin sa kabihasnang Tsino ang sinasabing pinakamaunlad na kabihasnang gumamit
ng bronse?
A. Xia B. Han
C. Chou D. Shang
8. Alin sa mga pangkat ng sinaunang lungsod ang tinaguriang “tirahan ng diyos”
A. Olmec B. Pyramid
C. Tetahuacan D. Teotihuacan
9. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa
Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-
estado? (U)
A. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.
B. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang
bagay.
C. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling
masakop ang mga teritoryo nito.
D. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na
magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
10. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa
rin sa kasalukuyan? (U)
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.
D. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.

87

You might also like