You are on page 1of 3

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Umiinom ka ba ng gatas araw-araw? Bakit kailangan ng ating


katawan ang gatas?

Gatas na Pampalakas

“May ulat si Aya tungkol sa gatas, pakinggan natin siya.” Ang


hiling ni Gng. Santos.

“Taglay ng gatas ang lahat ng sustansya na kailangan ng tao.


May asukal at taba ito na nagbibigay ng init at lakas. May protina din
ito na tumutulong sa paglaki. Ang mineral naman nito ay nagpapatigas
at nagpapatibay ng mga buto at ngipin. May mga bitamina pa na
tumutulong sa maayos na gawain ng katawan.”

Mga Tanong:

Literal 1. Tungkol saan ang ulat ni Aya? ________


Sagot: sa gatas

2. Ano ang taglay ng gatas na kailangan ng tao ________


Sagot: lahat ng sustansya

3. Ano ang mayroon sa gatas natumutulong


sa paglaki? ________
Sagot: protina

Pagpapaka- 4. Bakit mahalaga ang gatas? ________


hulugan Maaaring Sagot:
 Dahil taglay ng gatas ang lahat ng sustansiya na
kailangan ng katawan.
 Dahil taglay nito ang taba at asukal na nagbibigay
ng init at lakas.
 Dahil may protina ito na tumutulong sa paglaki ng
katawan.
 May mga bitamina ito na tumutulong sa maayos
na gawain ng katawan.
 Dahil may mineral ito na nagpapatigas
at nagpapatibay ng buto at ngipin.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

SY 2022-23
5. Sa iyong palagay, bakit dapat uminom ng gatas
ang mga bata? ________
Maaaring mga Sagot:
 Upang lumusog ang katawan.
 Upang maging masigla ang katawan.
 Upang di magkasakit agad.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

Paglalapat 6. Napansin mo na hindi iniinom ng kapatid mo


ang gatas na inihahanda ng nanay mo.
Ano ang gagawin mo at sasabihin sa kanya? ________
Maaaring sagot:
 Pagsasabihan ko siya na inumin ang gatas.
 Sasabihin ko ang kahalagahan ng gatas sa katawan
ng tao.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

7. Ano ang maaari mong gawin upang ang gatas na binili


ng iyong ina ay di masira agad? ________
 Ilalagay sa refrigerator.
 Itatago sa malamig na lugar.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

SY 2022-23
Phil-IRI Form 1 – Pretest

Gatas na Pampalakas

“May ulat si Aya tungkol sa gatas, pakinggan natin


siya.” Ang hiling ni Gng. Santos.

“Taglay ng gatas ang lahat ng sustansya na kailangan


ng tao. May asukal at taba ito na nagbibigay ng init at
lakas. May protina din ito na tumutulong sa paglaki. Ang
mineral naman nito ay nagpapatigas at nagpapatibay ng mga
buto at ngipin. May mga bitamina pa na tumutulong sa
maayos na gawain ng katawan.”

SY 2022-23

You might also like