You are on page 1of 4

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: _________________

Pagganyak: Umiinom ka ba ng gatas araw-araw? bakit kailangan ng ating


katawan ang gatas?

Gatas na Pampalakas

May ulat si Aya tungkol sa gatas, pakinggan natin siya.”


Ang hiling ni Gng. Santos.

Taglay ng gatas ang lahat ng sustansya na kailangan ng


tao. May asukal at taba ito na nagbibigay ng init at lakas. May
protina din ito na tumutulong sa paglaki. Ang mineral naman
nito ay nagpapatigas at nagpapatibay ng mga buto at ngipin.
May mga bitamina pa na tumutulong sa maayos na gawain ng
katawan.
Gr.II
Bilang ng mga Salita: 65

Mga tanong:

Literal
1. Ano ang pamagat ng tekstong iyong binasa?
A. Gatas na Pampalakas
B. Gatas na Pampatibay
C. Gatas na Pampatulog
D. Gatas na Pampatalino
2. Tungkol saan ang ulat ni Aya?
A. Sa gulay
B. Sa tsokolate
C. Sa Gatas
D. Sa Bahagi ng katawan
3. Ano ang taglay ng gatas na kailangan ng tao?
A. Asukal
B. Taba
C. Init
D. Lahat ng Sustansya

4. Ano ang mayroon sa gatas na tumutulong sa paglaki?


A. Mineral
B. Bitamina
C. Protina
D. Asukal

5. Ano ang taglay ng gatas ang tumutulong upang maging maayos ang
gawain ng katawan?
A. Asukal
B. Bitamina
C. Mineral
D. Protina
6. Bakit mahalaga ang mineral na nakukuha sa pag inom ng gatas? _________
A. Pampatigas at pampatibay ng mga buto at ngipin
B. Pampahaba ng buhay
C. Pampagana sa pagkain
D. Pampalinaw ng mata
7. Ano ang naibibigay ng asukal at taba mula sa pag inom ng gatas?_______
A. Nagpapatibay ng ngipin
B. Nagpapatigas ng buto
C. Nagbibigay ng init at lakas sa katawan
D. Nagpapakinis ng balat
8. Bakit mahalaga ang gatas?
A. Dahil taglay ng gatas ang lahat ng sustansya na kailangan ng katawan.
B. Dahil masarap itong inumin
C. Dahil nakakaputi ng balat ang pag inom ng gatas
D. Dahil nakikinis ng kutis
9. Sa iyong palagay, bakit dapat umiinom ng gatas ang mga bata?___________
A. Para makatulog sa gabi
B. Para lumusog at sumigla ang katawan
C. Para pumuti ang balat
D. Para sumaya
10. Paano nakatutulong sa pampisikal na kaanyuan ang pag inom ng gatas?
A. Nagpapahaba ng buhay
B. Nagpapagana kumain
C. Nakapagpapalusog ng katawan
D. Nagpapaputi ng balat
11. Bakit mainam na inumin ang gatas kumpara sa soda?
A. Dahil nakapagpapalakas ito ng katawan.
B. Dahil nakakapagpatulog ito
C. Dahil nakakasira ito ng ngipin
D. Dahil nakakalambot ito ng buto
12. Kailan mas mainam na uminom ng gatas ang bata?
A. Maya’t maya
B. Sa gabi bago matulog.
C. Kapag masakit ang ngipin
D. Sa tanghali kapag kumakain

13. Ano ang maaari mong maramdaman kung ikaw ay palaging iinom ng
gatas?
A. Ako ay manghihina
B. Ako ay matamlay
C. Ako ay lalakas at lulusog
D. Ako ay aantukin

14. Kung ikaw ang magbibigay ng pamagat sa teksto, ano ang Ibibigay mong
pamagat?
A. Gatas, Pampakinis ng Kutis
B. Gatas, Pampahaba ng Buhay
C. Gatas, Pampalakas ng Katawan
D. Gatas, Pampatulog sa Gabi

15. Napansin mong hindi iniinom ng kapatid mo ang gatas na inihahanda ng


nanay mo.
Ano ang gagawin mo at sasabihin sa kanya?
A. Sasabihin kong ako na lang ang iinom ng gatas
B. Sasabihan ko siya na matulog na lang
C. Sasabihan ko siya na uminom na lang ng kape
D. Sasabihan ko siya na inumin ang gatas dahil masustansya ito

16. Ano ang maaari mong gawin upang ang gatas na binili ng iyong ina ay di
masira agad?
A. Ilalagay sa refrigerator
B. Itatago sa lalagyan ng pinggan
C. Itatapon na lang
D. Uubusin lahat

17. Tinawag ka ng iyong ina upang inumin ang gatas na kanyang


tinimpla,ngunit antok na antok ka na.Ano ang iyong gagawin?
A. Lalapit at susunod po sa aking ina.
B. Sasabihin kong si nanay na lang ang uminom
C. Sasabihin kong bukas na lang magtimpla ng bago
D. Sasabihin kong ayaw ko na

18. Nalaman mong hindi nakaiinom ng gatas ang iyong kamag-aral dahil
walang trabaho ang kanyang mga magulang, araw-araw kang
pinapabaunan ng iyong nanay ng gatas na nasa tetra pack. Ano ang
gagawin mo? _________

A. Titindahan ko siya ng gatas


B. Ipapahanga ko sa kanya ang baon kong gatas
C. Hahatian ko siya at bibigyan ng baon kong gatas
D. Papabayaan ko siyang nakatingin sa akin.

19. Nakita mong ipinagtitimpla ka ng gatas ng iyong nanay, ngunit busog ka


pa dahil sa juice na ininom mo, paano mo pahahalagahan ang inihanda ng
nanay mo? __________
A. Sasabihin po na nanay, ikaw na lang ang uminom ng gatas na tinimpla
mo?
B. Iinom kahit konti at iinumin na lang uli bago matulog
C. Iinom ng kaunti at itatapon na lang ang iba
D. Sasabihin kong masakit ang tiyan ko

20. Napansin mong pinaglalaruan ng iyong kamag-aral ang baon niyang


inuming gatas. Paano mo siya sasawayin, ano ang sasabihin mo sa kanya?

A. Pababayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa


B. Pagsasabihan ko po na itapon na nya ang gatas
C. Pagsasabihan ko po na masamang pinaglalaruan ang pagkain o inumin
D. Pagsasabihan ko na ubusin nya lahat ang baon niyang gatas kahit
sumakit ang kanyang tiyan

You might also like