You are on page 1of 3

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Pagganyak: Ano ang nalalaman mo tungkol sa ahas? Alamin sa talata ang


iba pang kaalaman sa anyo ng ahas.

Mag-ingat!

Ang ahas ay isang uri ng reptilyang hayop. Sa madilim at masusukal


na lugar nais manirahan nito. Gumagapang ang mga ito sa pamamagitan ng
kanilang katawan. Singnipis ng buhok ang dila nito. Kamandag ang
ibinubuga ng tuklaw ng ahas. Ang tuklaw nito ay makamandag at
nakamamatay kung walang anumang lunas na gagawin agad.

Ang kobra ang isa sa may pinakamabagsik na kamandag ng ahas. Ang


sawa, wala mang kamandag ay mapanganib din. Kapag ikaw ay nalingkis
nito, siguradong patay ka. Kaya mag-ingat sa mga ahas.

Mga Tanong:

Literal 1. Ano ang hayop na nabanggit sa iyong binasa? ________


Sagot: Ahas

2. Ano ang tirahan ng ahas? ________


Sagot: sa madilim na lugar

3. Ano ang ibinubuga ng kagat ng mga pangil ng ahas? ________


Sagot: kamandag

Pagpapaka- 4. Bakit dapat tayong mag-ingat sa ahas? ________


hulugan Maaaring sagot:
 Sapagkat may kamandag ang ahas.
 Dahil nanlilingkis ang ahas.
 Dahil nanunuklaw ang ahas.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

5. Ano pa kayang mga hayop ang may kamandag


na dapat nating iwasang huwag makagat o makalmot? ________
Maaaring sagot:
 Aso
 Pusa

SY 2022-23
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
Paglalapat 6. Ano ang gagawin mo kapag may makita kang ahas
sa daan? ________
Maaaring sagot:
 Tatakbo nang mabilis upang makaiwas sa ahas.
 Sisigaw at hihingi ng saklolo.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

7. Upang di pamugaran ng ahas ang paligid ng


inyong paaralan at bahay, ano gagawin mo
bilang mag-aaral? ________
Maaaring sagot:
 Gagapasin ang madadamong lugar.
 Lilinisin ang paligid.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

SY 2022-23
Phil-IRI Form 1 - Posttest

Mag-ingat!

Ang ahas ay isang uri ng reptilyang hayop. Sa madilim


at masusukal na lugar nais manirahan nito. Gumagapang
ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang katawan. Singnipis
ng buhok ang dila nito. Kamandag ang ibinubuga ng tuklaw
ng ahas. Ang tuklaw nito ay makamandag at nakamamatay
kung walang anumang lunas na gagawin agad.

Ang kobra ang isa sa may pinakamabagsik na


kamandag ng ahas. Ang sawa, wala mang kamandag ay
mapanganib din. Kapag ikaw ay nalingkis nito, siguradong
patay ka. Kaya mag-ingat sa mga ahas.

SY 2022-23

You might also like