You are on page 1of 5

Program:

Date of Airing
Format
Region
Division
Scriptwriter
Duration
SEQUENCE VIDEO AUDIO
1 INSERT OOB
Hello mga bata ako si teacher Anna Liezl M. Dasilag ang
teacher ninyong pretty dito sa Science 3.
Sasagutin ko ang inyong mga tanong na Ano?, Paano?
Bakit ganito ? Bakit Gannon?
Ano pa ang hinihintay Ninyo? Samahan ako at sabay sabay
tayong matuto! Handa na ba kayo?
Ang mga hayop ay isang pangunahing pangkat ng organism ng
ating kapaligiran. Naninirahan ang mga ito sa ibat ibang lugar
gaya ng bahay,hardin, bukid, ilog dagat bundok at karagatan.
Ang mga panlabas na bahagi ng hayop ay may kinalalaman sa
gamit nito at kung saan sila naninirahan at namumuhay.
Sa araling ito matututunan mo na mailarawan ang mga hayop
sa kanilang paligid. Kilalanin ang mga panlabas na bahagi ng
hayop at pangkatin ang hayop ayon sa bahagi ng katawan at
gamit nito. (Objectives ipakita )
Ngayon suriin natin ang mga larawan ng mga hayop na
ipapakita ko sa inyo.( Magpakita ng mga hayop) Mayroon ba
kayong madsasabi kung anong hayop ang nasa larawan?
Masasabi mo ba ang mga panglabas na anyo nito? Ano kaya
dito ang maaari mong alagaan sa loob ng inyong tahanan?
Yan ang ating tutuklasin dito sa ating aralin ngayong umaga.
Ang mga hayop sa ating pamayanan, kilalanin natin sila.
Ang mga hayop ay isa sa pangunahing pangkat ng organism sa
ating kapaligiran. Naninirahan ang mga ito sa ibat ibang lugar
gaya ng bahay, hardin , bukid, lawa ilog dagat bundok at
kagubatan. Ang mga panlabas na bahagi ng hayop ay may
kinalaman sa gamit nito at kung saang lugar sila maninirahan
at mamumuhay.
Insert pictures of Suriin ang mga larawan ng ang mga hayop sa ibaba. Maaari
animals mo bang sabihin kung anong hayop ang nasa larawan?
Masasabi mo ba ang mga panlabas na anyo nito? Alin kaya
dito ang maaari mong alagaan sa loob ng bahay?
Ang mga hayop na makikita sa larawan ay baboy pusa bibe at
isda nababalutan ng balahibo ang kanilang mga
katawan.Magkaiba din ang dami ng kanilang mga paa maari
mong ding alagaan sa loob ng bahay ang pusa at isda.
Mga hayop sa tahanan.
Ang mga alagang hayop sa tahanan ay mga pangkaraniwang
hayop na nakikita mo sa araw araw. Ang aso, pusa kuneho
parrot kalapati pagong at isda ay mga hayop na maaaring
alagaaan sa loob ng tahanan.
Mga hayop sa bukid.
Ang mga hayop sa bukid tulad ng baka kabayo kalabaw baboy
manok at kambing ay maaari mo ring alagaan katulong ang
inyong pamilya upang mapagkitaan at katulong sa bukid.
Mayroon ding ibat ibang uri ng insekto na matatagpuan sa
tahanan tulad ng ipis langaw langgam at anay. Mapaminsala
ang mga ito. Maaari kang magkasakit o maaari nitong sirain
ang mga kagamitan sa inyong tahanan.
May mga hayop din na matatagpuan sa hardin tulad ng mga
uod, tutubi paruparu tipaklong at gagamba.
Ang mga hayop kagaya ng Elepante, giraffe, usa , leon tigre at
zebra ay karaniwang hindi nakikita sa ating paligid dahil ang
mga ito ay maiilap at mababangis, sila ay naninirahan sa
kagubatan at talahiban.
Nagkakaiba ang mga hayop sa sa bahagi ng katawan na
kanilang ginagamit sap ag galaw at pagkain . Iba- iba ang
kanilang galaw.Ang mga hayop na naninirahan sa lupa ay
karaniwang gumagalaw gamit ang kanilang mga paa sa pag
lalakad at pag takbo.
Ang mga hayop namang may palikpik na naninirahan sa tubig
ay gumagalaw sa pamamagitan ng pag langoy.
Ang mga hayop na may pakpak katulad ng mga ibon mga
insekto ay gumagalaw sa pamamagitan ng paglipad.

Ang ibang mga hayop tulad ng palaka, buwaya at pagong ay


mga hayop na maaring manirahan sa lupa at sa tubig.

Ang mga hayop namn na walang paa o binti ay gumagapang


gamit ang kanilangkatawan . Ang paraan ng pag galaw ng
mga hayop ay naaangkop ayon sa lugar na kanilang
tinitirhan.

Pag usapan naman natin ngayon ang bahagi ng katawan ng


hayop at ang gamit nito.

Ang mga hayop ay nag tataglay ng ibat ibang bahagi ng


katawan na akma sa kanilang tirahan paano sila kumain, pag
galaw at pakipaglaban sa mga kaaway at pagpaparami ng
kanilang lahi. Katulad ng mga tao may tatlong pangunahing
bahagi ang katawan ng mga hayop , ito ay ang ulo katawan at
binti . nagkakaiba rin ang mga ito sa hugis at estructuktura.
Ang mga hayop gaya ng manok ibon ay may tuka samantalang
ang mga aso at pusa ay may mga ngipin . nagkakaiba rin sa
bilang at estruktura o hugis ng binti ang mga hayop .
May mga hayop na may apat na binti gaya ng aso pusa
kambing kalabaw at baka.
Ang manok at ibon ay may dalawang paa samantang ang ahas
ay wala

Nakalalakad nakalulukso at nakakatakbo ang mga hayop dahil


sa kanilang mga binti nakalilipad ang mga ibon dahil sa
kanilang pakpak,

Ang isda ay may palikpik upang makalangoy habang ang mga


bibe naman ay may webbed feet upang
silaymakapagtampisaw sa tubig.
Ang ilang mga hayop ay may malalaking katawan gaya ng
kalabaw kabayo elepante habang ang ilan ay maliliitlamang
gaya ng mga insektoat ilang isda.

Magkakaiba rin ang bumabalot sa kanilang katawan ang ilan


ay may buntot . maymagkakaibang bahagi ng katawan ang
mga hayop ngunit may bahagi rin namnng magkakatulad gaya
ng ulo katawan at binti.

May natatanging bahagi ng katawan ang ilang hayop na


ginagamit sa pagkuha ng pagkain proteksiyon at paggalaw.
Suriin ang talaan ng mga halimbawa ng hayop , bahagi ng
katawan at ang gamit nito.
Voice only
Halimbawa ng Bahagi ng Gamit
hayop katawan
elepante Bulaylay o tusk Pagkuha ng
pagkain
usa sungay Proteksiyon sa
sarili
ahas Langil na may Proteksyon sa
lason sarili laban sa
kaaway
Insekto (bubuyog) Antenna o sungot Pandamdam
.( paruparu) proboscis pagsipsip ng
nektar
Alimango at sipit Proteksiyon sa
lobster sarili
Ibon Matutulis na Pagpirapiraso ng
claws o kuko pagkain at
pakikipaglaban sa
kaaway
isda hasang Gamit sa pag
hinga
pusa Balbas o whisker Gamit sa
pangdama
Kabayo at paa Paglukso,
kambing pagtakbo at lakad
Ginagamit ng mga hayop ang ibat ibang bahagi ng kanilang
katawan upang mabuhay sa kanilang tirahan..

Gawaing pagkatuto

Kopyahin ang talaan sa inyong kwaderno . magbigay ng 5


halimbawang hayop sa paligid ilarawan ito ayon sa bumabalot
sa katawan nito. Bahagi ng katawan at lugar ng tirahan nito.
Punan ng tamang sagot ang talaan sa ibaba

Halimbawa Bumabalo Gamit sa Gamit ng Lugar ng


ng hayop t sa pagkuha paggalaw tirahan
katawan ng
pagkain
1.
2
3
4
5
Music
Voice only
Ang mga sumusunod ay maaari ninyong mga sagot una ang
pusa

Halimbawa Bumabalo Gamit sa Gamit ng Lugar ng


ng hayop t sa pagkuha paggalaw tirahan
katawan ng
pagkain
1.pusa balahibo kamay paa lupa
2aso balahibo kamay Paa Lupa
3manok balahibo tuka paa Lupa
4kalabaw balat bibig Paa Lupa
5isda kaliskis bibig palikpik tubig
Nasagutan nyo ng wasto mga bata? Kung ganon ay magaling
…binabati kita…….
Gawaing pagkatuto bilang 2
Pag aralan ang mga halimbawa ng hayop sa bawat bilang …
piliin kung anong hayop ang ang hindi kabilang sa grupo .
isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno

________1. Aso pusa ibon baka


_________2. Kambing kalabaw baka bubuyog
_________3. Bubuyog paruparu ahas kusilap
_________4. Tigre leon elepante pusa
_________5. Manol ibon langaw bibe
Music
Ganito ba ang inyong mga sagot?
Gawaing pagkatuto bilang 2
Pag aralan ang mga halimbawa ng hayop sa bawat bilang …
piliin kung anong hayop ang ang hindi kabilang sa grupo .
isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno

___ibon_____1. Aso pusa ibon baka


____aso_____2. Kambing kalabaw baka bubuyog
___ahas______3. Bubuyog paruparu ahas kusilap
______pusa___4. Tigre leon elepante pusa
_______langaw__5. Manok ibon langaw bibe

Nasagutan nyo ba ng wasto mga bata?kung gayon magaling


binabati kita

At dito nag tatapos ang ating aralin sa araw na ito mga bat
asana ay may natutunan kayo sa ating aralin hanggang sa
muli..

You might also like