You are on page 1of 2

EPP IV

I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang 80% ng mag-aararal ay
inaasahang;
 Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan sa tahanan;
 Nasasabi ang mgawatong katangian ng mga alagang hayop;
 Naipapakita ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop sa loob ng
tahanan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagtukoy sa mga Hayop na Maaring Alagaan saTahanan
Kagamitan: Larawan ng iba’t-ibang hayop na maaraing alagaan
Sangguanian: EPP4
Pagpapahalaga: pagsunod, maparaan

III. Pamaraan
A. Mga pamantayan bago magsimula ang klase
 Panalangin,
 Pagbati
 pagsusuri
 Pagbibigay pamantayan sa klase

B. Panlinang na Gawain
Pagganyak
 Magpakita ang guro ng larawan sa mga bata ng iba’t-ibang
larawan ng hayop na inaalagaan sa loob o labas ng tahanan.
 Anu-ano ang kaya ang mga kagandagang maidudulot sap pag-
aalaga ng nasabing mga hayop sa buhay ng tao?

Paglalahad
 Tukuyin at alamin ang mga piling hayop na mainam alagaan sa
loob ng bahay.
 Isa-isahin ang mga katangian ng mga ito.
o Aso- maamo, mabait, matapang, mabilis tumakbo,
magaling makipagkaibigan sa tao, matalino, masunurin,
maasahan, madali o mabilis turuan, at masipag.
o Pusa- makulit, malambing, mabait masunurin, malambot
ang balahibo, kakaunti lang kung kumain, ayaw na ayaw
nilang nababasa, gusto nila nag iingay oras-oras akala
mo gutom sila yun pala ay nagpapansin gusting nilang
makipaglaro tsaka higit sa lahat gusting gusto nilang
maghunting ng mga daga o mouse sa loob ng bahay.
o Manok- nangingitlog, ito ay mabalahibo ngunit mababa
lamang ang kanyang liparin, may tuka, ang manol ay
isang uri ng ibon, mahilig sa pagkain na tinutuka gaya ng
mais, at may iba’t-ibang kulay ng balahibo.
o Ibon- marikit, nakakatuwa, nakakabighani, Malaya, at
masaya.
o Kuneho- mabait, matulungin, matalino, tahimik,
malumanay at mapag-timpi.

Pagpapalalim ng kaalaman
 Bakit kaya may mga taong gusto mag-alaga ng hayop? Bakit may
mga uri ng hayop na mainam alagaan sa loob at labas ng bahay?

Paglalahat
Kasiya-siya ba ang pag-aalaga ng ng mga piling hayop sa loob ng
tahanan?

IV. Pagtataya

Magtala ng tatlo pang hayop na ibig mong alagaan. At isulat rin ang mga
katangian ng bawat isa.

V. Takdang Aralin

Mag bigay ng limang (5) halimbawa ng hayop na makikita natin sa labas ng


bahay.

Inihanda ni: Sinuri ni:


KENT ADRIAN Q. MALAZARTE MR. SHANE P. LUPINA
PRE-SERVICE TEACHER COOPERATING TEACHER

You might also like