You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
SDO – GUIMBA EAST ANNEX
SAN MARCELINO ELEMENTARY SCHOOL
SAN MARCELINO, GUIMBA, NUEVA ECIJA 3115

BANGHAY-ARALIN SA
E.P.P. 4

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa


pag-aalaga ng hayop sa tahanan at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng
pamumuhay.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng makawilihan ang pag-aalaga sa hayop sa tahanan bilang


mapagkakakitaang gawain.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2.1 Natatalakay ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan.
Isulat ang code ng bawat kasanayan EPP4AG-Oh-15

II. NILALAMAN Pag-aalaga ng Hayop


Kabutihang Dulot sa Pag-aalaga ng Hayop

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro T.G. pp. 172 - 174
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- L.M. pp. 399 - 403
Mag-aaral
B. Iba pang Kagamitang Panturo Larawan, tsart, aktibi kard, ppt
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Ipahula sa mga bata ang mga kagamitan sa paghahalaman.
pagsisimula ng bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin 1. Iparinig sa mga bata ang mga iba’t ibang tunog ng mga hayop, ipahula
sa kanila kung ano ang mga ito.
2. Itanong:
Naranasan na ba ninyo ang mag-aalaga ng hayop sa loob o sa labas ng
inyong tahanan? Anong hayop ang inaalagaan ninyo?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa 1. Magpapakita ang guro ng larawan sa mga bata ng iba’t-ibang larawan ng
bagong aralin mga hayop na inaalagaan sa loob o labas ng tahanan.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung sino sa kanila ang may kaparehong
alaga.
3. Isa-isang talakayin natin ang uri ng mga hayop na maaaring alagaan sa
loob o sa likod bahay, at ang kabutihang dulot nito.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Ipabasa sa mga bata ang “Alamin Natin” sa LM p. 399-402 at talakayin ito
paglalahad ng bagong kasanayan #1 gamit ang power point presentation

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pangkatin ang klase sa 2


paglalahad ng bagong kasanayan #2 -Pumili ng lider
-Papiliin sila ng aktibiti kard na kung saan nakalagay kung ano ang kanilang
gawain
-Iulat sa klase ang tinalakay na paksa

F. Paglinang sa Kabihasnan Ano-ano ang mga pakinabang na makukuha ng mag-anak sa pag-aalaga


(Tungo sa Formative Assessment) ng mga hayop?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Kung kayo ay papipiliin, anong hayop ang nais ninyong alagaan?
araw na buhay Bakit?
 Anong magandang kaugalian ng isang Pilipino ang ipinakikita sa
pagkakaroon ng mga alagang hayop?
 Ano ang dapat nating sundin kapag tayo ay mag – aalaga ng mga
hayop? (sundin ang wastong paraan ng pag-aalaga at
panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan)

H. Paglalahat ng Aralin Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Tandaan Natin” pahina 403 sa Kagamitan
ng Mag-aaral
Tandaan:
Maraming kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop sa
tahanan. Ito ay nakabubuti sa ating kalusugan dahil nakakaalis ito ng stress
at nakapagpapababa ng dugo. Ang alagang hayop sa tahanan ay
maituturing na isang magandang kasama sa bahay.

V. PAGTATAYA
A. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung
hindi.

_____1.Ang pag-aalaga ng ibon sa bahay ay nagdudulot ng kasiyahan at


ito rin ay maaaring mapagkakitaan.
______2. Ang pag-aalaga ng aso sa bahay ay nakakatanggal ng stress at
nakapagpapababa ng dugo.
______3. Ang pag-aalaga ng pusa ay nakapagbibigay ng sakit sa mga tao.
______4. Ang kuneho ay tinatawag na eco-friendly animals.
______5. Ang pag-aalaga ng cobra sa tahanan ay nagbibigay kasiyahan sa
mga bata.

B. Isulat ang hayop na tinutukoy sa angkop na kabutihang naidudulot nito

_____ 1. Mainam alagaan dahil nakakatulong sa pag-huli ng daga at mabait


na kalaro ng mga bata
_____ 2. Tinatawag na pinakamatalik na kaibigan ng tao at mahusay na
bantay ng bahay.
_____ 3. Magandang alagaan sa bahay dahil ito ay eco-friendly animal at
ito ay nagbibigay ng masustansiyang karne at hindi madaling dapuan ng
sakit.
kuneho ibon
pusa aso

Ilagay ang tsek (√) kung ang sumusunod na mga hayop ay mainam
alagaan sa tahanan, ekis (x) kung hindi.
_____ 4. pusa
_____ 5. buwaya

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN: Iguhit ang paborito mong hayop na inaalagaan sa bahay at bigyang linaw
ang sumusunod na mga tanong.
a. Ano ang pangalan ng alaga mong hayop? _________________
b. Gaano karami ang inaalagaan mo? ______________________
c. Ano-ano ang mga kapakinabangan nito sa iyo?
___________________________________________________

Inihanda ni:
REA C. SAPIN
T-III/Grade 4 Adviser

Sinuri ni:
ANALIE T. PASCUA-CACAL, PhD.
OIC/HT-III

You might also like