You are on page 1of 4

Banghay-aralin Paaralan RMMC-MI Baitang/Antas Baitang 4

Sa Filipino Guro Jonna Mae Bretaña Asignatura Filipino

Filipino
I. Layunin (Objectives)
A. Mga Kasanayan sa a. Nakikilala ang mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan.
Pagkatuto
b. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng hayop na maaaring alagaan sa
tahanan sa pamamagitan ng laro.
c. Naipapamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan
sa pag-aalaga ng hayop sa tahanan at ang maitutulong nito sa pag-
unlad ng pamumuhay.
II. Paksa Iba’t ibang uri ng hayop na maaaring alagaan sa tahanan

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian K TO 12 Most Essential Learning Competencies

Karagdagang Kagamitan mula EPP4_q1_mod-11_Pagtukoy-ng-mga-Hayop-Na-Maaaring-alagaan-sa-


sa Portal ng Learning tahanan https://www.slideshare.net/ssuserc9970c/epp4q1mod11
Resource pagtukoyngmgahayopnamaaaringalagaansatahananv3docx

B. Iba pang Kagamitang Tulong-biswal, Mga larawan, marker, kartolina, bola


Panturo
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain * Panalangin
- Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral para sa unang panalangin
* Pagbati
- Babatiin ng guro at ng bawat mag-aaral ang isa’t isa
*Pagtatala
- Titingnan ng guro ang listahan ng mga mag-aaral na dumalo at hindi
dumalo sa klase
* Pagbabalik-aral
- Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang
natutunan sa leksyon na tinalakay kahapon o noong nakaraang araw.
B. Pagganyak - Magpapakita ang guro ng mga larawan at tutukuyin ng mga mag-aaral kung
ano ang kanilang mga nakikita sa larawan.

Pagtatanong ng mga sumusunod:

1. Anu-ano ang inyong mga nakikita sa larawan?


2. Nakakatulong ba ang mga yahop sa tao?
3. Paano mo matutugunan ang kanilang mga pangangailangan?
D. Aktibi - Magsasagawa ang guro ng isang gawain na pinamagatang “Pagtambalin
mo”
- Hahatiin ng guro ang klase sa apat na grupo
- Bawat pangkat ay bibigyan ng kartolina at marker
- Pagkatapos ng inilaang oras, bawat grupo ay magprepresenta ng kanilang
mga sagot.

Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B ayon sa kabutihang dulot nito.

Hanay A Hanay B

1. * * Nagbibigay ng gatas at
karne na maaaring pagkakitaan

2. * * Katulong ng magsasaka sa
bukid

3. * * Taga-huli ng daga

4. * * Taga bantay ng tahanan

5. * * Nagbibigay itlog at karne na


maaaring pagkakitaan

E. Analisis • Susuriin ng guro ang resulta ng kanilang ginawa

Pagtatanong ng mga sumusunod:

1. Sa binigay na aktibiti, ano ang inyong ginawa?


2. Ano ba ng mga dapat ikonsidera sa pagtukoy ng mga kabutihang dulot
ng mga hayop?
3. Bakit kaya napaka-importante na pangalagaan natin ang mga hayop?

F. Abstraksyon • Tatalakayin ng guro ang paksa patungkol sa “Iba’t ibang uri ng mga hayop na

maaring alagaan sa tahanan

Mga hayop na mahusay alagaan sa bahay at may pakinabang.

1. Aso
– Mainam itong alagaan dahil nakatutulong ito sa paglalakad at maging
bantay ng tahanan. Ngunit nakakatakot kapag sinasaktan dahil ito ay
lumalaban. Ang aso ay isa sa mga hayop na mahusay alagaan. Sa
katunayan, maraming mag-anak ang naggugugol ng panahon sapag-
aalaga nito.

2. Pusa
– ang pusa ay mahusay din alagaan dahil bukod sa ito’y taga-huli ng
daga, mabait din itong kalaro ng mga bata.
3. Manok
– hindi gaanong mahirap alagaan ang manok dahil hindi ito
nangangagat, sa halip ito ay nagbibigay ng karagdagang kita sa mag-
anak dahil nagbibigay ito ng pagkain tulad ng itlog at karne.
Kinakailangan lang ang ibayong ingat sa pag-aalaga ng manok dahil
may mga pagkakataong mamatay ito dahil sa hindi inaaasahang
pagdapo ng sakit o peste.

4. Kuneho
– isa itong maliit na hayop ngunit mainam itong alagaan dahil mabait at
nagbibigay ito ng masustansyang karne at hindi madaling dapuan ng
sakit. Hindi ito maselan sa pagkain, maaari mo itong bigyan ng butil ng
mais o giniling na munggo. Ang mga berdeng damo at iba pang labis
na gulay sa kusina at mga tumutubo sa ating halamanan ang
nagsisilbing pagkain nila.

G. Aplikasyon - Magsasagawa ang guro ng isang laro na pinamagatang “Kilos ko hulaan


mo”.
- Hahatiin ang klase sa dalawang grupo at bawat grupo ay magpili ng isang
taga-pagkilos at lahat ng miyembro ay puwedeng sumagot
- Pag nahulaan ng bawat miyembro ang tamang sagot, ibang tao naman ang
kikilos sa harapan, puwede ring mag “pass” kung hindi nahulaan ang
tamang sagot.

H. Paglalahat - Magsasagawa ng isang laro na pinamagatang “Pass the ball”


- Ang guro ay maghahanda ng mga larawan ng iba’t ibang uri ng hayop at
tutukuyin ng mga mag-aaral kung ang hayop na iyon ay puwedeng alagaan
sa tahanan o hindi.

Panuto:
Pagpapasa-pasahan ang bola habang tumutugtog ang musika, sa
oras na huminto ang musika at huling mag-aaral na makahawak ng bola
ay siyang magsasagot kung ang ipinakitang larawan ng hayop ay
maaring alagaan sa bahay o hindi.
I. Ebalwasyon - Magsasagawa ang guro ng maikling pagsusulit upang masuri ang kaalaman
ng mga mag-aaral at kung may natutunan ba sila sa leksyong tinalakay.

Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung


mali ang isinasaad nito.

____1. Maraming kabutihang naidudulot ang pag-aalaga ng hayop sa tahanan.


____2. Ang mga alagang hayop sa tahanan ay maituturing na isang
magandang kasama sa bahay.
____3. Kung ang mga alagang hayop ay pinaparami, ito ay nagdudulot ng
karagdagang problema sa pamilya.
____4. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakakasama sa kalusugan dahil ito ay
nagdudulot ng stress.
____5. Magandang kasanayan sa bata na magkakaroon ng responsibilidad
sa pag-aalaga ng hayop.
____6. Ang pag-aalaga ng ibon ay nakakatulong pangtanggal ng stress.
____7. Mainam alagaan ang mga kuneho dahil hindi ito kaagad dinadapuan
ng sakit.
____8. Ang mga alagang hayop kagaya ng aso at pusa ay hindi maaaring
maging kalaro ng mga bata.
____9. Ang manok ay hindi kaaya-ayang alagaan dahil ito ay nangangagat.
____10. Ang pag-aalaga ng mga hayop ay nagbibigay sa atin ng dagdag kita.
J. Takdang-aralin - Magbibigay ang guro takdang-aralin

Panuto: Iguhit ang napiling hayop na gustong alagaan sa tahanan at bigyan ito
ng pangalan. Kung maari, kulaayan ito ayon sa totoong kulay ng hayop.

You might also like