You are on page 1of 7

Semi-Detailed Lesson Plan in Science III

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:
1. Natutukoy ang mga bagay na nakukuha sa mga hayop;
2. Napapangkat ang mga hayop ayon sa kanilang naibibigay sa tao; at
3. Naipapahayag ang mga paraan kung paano mapangangalagaan ang mga hayop.

II. NILALAMAN
Paksa: Kahalagahan ng Hayop sa Tao
A. Pamantayang Pangnilalaman:
The learners demonstrate understanding of parts and functions of animals and importance to
humans.
B. Pamantayan sa Pagganap:
The learners should be able to enumerate ways of grouping animals based on their structure
and importance
C. Kasanayan sa Pagkatuto:
State the importance of animals to humans (S3LT-IIc-d-6)
D. Sanggunian:
1. Gabay ng Guro pahina:
2. Kagamitan ng Mag-aaral pahina:
3. Learning Activity Sheet pahina: 01 at 05
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng LR:
https://commons.deped.gov.ph/documents/7c5107f0-e41b-47bb-9cdf-434ae6ce63de
5. Iba pang pinagkunang website: https://www.youtube.com/watch?v=JNOyqmVheXw
E. Kagamitang Panturo: Science 3 Learning Activity Sheet Ikalawang Markahan Week 3, laptop,
PowerPoint

III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
1. Balik-Aral (Physical Education Integration)
Halina’t maglaro tayo. Papaikutin ko ang unang roleta upang mapili ang pagkilos ng
hayop. Pagkatapos, papaikutin ko ang pangalawang roleta upang malaman kung sino sa ating
klase ang gagawa nito. Huhulaan ng ating klase kung anong hayop ang ginaya ng galaw ng
inyong kaklase.

Roleta 1: Paggalaw ng Hayop Roleta 2: Mga Pangalan ng Bata


2. Pagganyak (Filipino Integration)
Pangkatin ang mga sumusunod na pangngalan kung ito ay ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari.

restawran manok Tatay Siyo

kaarawan mesa

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

Mahusay! Napangkat ninyo ang mga panggalan sa wastong hanay nito.


Ang mga pangngalan na inyong pinangkat ay mababasa natin sa ating kwento
ngayong araw na ito. Halina’t magbasa tayo.

B. Paglalahad
Babasahin ko nang malakas ang kuwento. Making nang mabuti dahil may mga
inihanda akong mga tanong tungkol dito. (Filipino and MTB-MLE integration /
Reading / Responsive to Cultural Backgrounds)
(Maaaring magtanong ang guro sa gitna ng kuwento)

Sa Restawran

Ang Pamilyang Reyes ay nagpunta sa isang restawran upang


ipagdiwang ang kaarawan ni Tatay Siyo. Umorder sila ng paborito nilang mga
pagkain. Inorder ni Tatay Siyo ang kanyang paboritong seafood pansit.
Nagdagdag si Nanay Liling ng sinigang na hipon at inihaw na tiyan ng tuna.
Sina Ate Yuan at Trisha ay umorder ng kanilang paboritong pritong manok at
inuming gatas. Masayang-masaya silang kumakain sa mesa ng kanilang mga
paboritong pagkain.

Nakakagutom hindi ba? Ang sasarap ng mga pagkaing kanilang inorder.


Ngayon, sagutan naman natin ang mga tanong tungkol sa ating kuwento. (Promoting
Higher Order Thinking Skills / Critical Thinking)
1. Saan nakuha ang seafood sa pansit sa pagkain ni Tatay Siyo?
2. Sa anong hayop nakukuha ang inorder ni Nanay Liling na sinigang na hipon at
tiyan ng tuna?
3. Saan naman nakukuha ang gatas na inorder nina Ate Yuan at Trisha?
4. Saan galing ang mga paboritong pagkain na inorder ng Pamilyang Reyes?
5. Sa ating kuwento, ano-ano ang mga naibibigay ng mga hayop sa tao?

C. Pagtalakay

Tinutulungan tayo ng mga hayop sa maraming paraan. Pagmasadan ang


mga larawan.

Ano-ano ang naibibigay ng hayop sa atin ayon sa larawan?


Magaling! May mga hayop na binibigyan tayo ng pagkain. Ang ilan sa kanila
ay nagbibigay ng itlog, karne at gatas.
Magbigay pa nga kayo ng mga hayop na nagbibigay ng pagkain.

Tingnan naman natin ang mga sumusonod na larawan.

Paano tayo natutulungan ng mga hayop ayon sa larawan sa itaas?


Mahusay! Ang kalabaw ay tumutulong sa mga magsasaka sa pag-aararo ng
bukid. Ang mga kabayo, baka at camel ay nakakabuhat ng mabibigat na gamit.
Maaari rin natin silang sakyan at makapunta sa iba’t ibang lugar.

Tingnan naman natin ang susunod na lalarawan.

Ano ang ating natatanggap sa mga hayop ayon sa larawan?


Magaling! May mga hayop rin na nagbibigay aliw sa atin o kaya naman
nagiging kaibigan natin sila. Sinasamahan nila tayo bilang ating mga kaibigan o alaga.
Maliban sa pusa na ating nakita, magbigay pa ng ibang halimbawa ng alagang
hayop sa ating mga bahay. (Real life applications)

Pagmasadan ang mga larawan.

Ano ang inyong nakikita sa larawan?


Sa inyong palagay, ang mga iyan ba ay naibibigay ng mga hayop sa atin?
Magaling! May mga hayop naman na napagkukunan ng mga materyales para
sa damit, sapatos, sinturon, bag, at mga palamuti.

Marami bang naibibigay o naitutulong ang mga hayop sa atin?


Tama! Maraming naibibigay o naitutulong ang mga hayop sa atin. At dahil
dito, paano naman natin mapapahalagahan ang mga hayop na makikita sa ating bahay
o komunidad? (Values Integration)

D. Paglalapat
Pagsasanay 1
Panuto: Piliin sa grupo ng mga larawan ang mga bagay na naibibigay ng
hayop sa atin.
Pagsasanay 2
Panuto: Kumpletuhin ang concept map sa mga naibibigay ng hayop sa atin.
Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot.
alaga pagkain trabaho
materyales palamuti bantay

1. Ang mga hayop ay napagkukunan ng __________ tulad


ng itlog, karne, at gatas.

2. Ang mga aso, pusa, at ibon ay mga hayop na maaaring


gawing __________.

3. Ang mga kalabaw, baka, at kabayo ay nakakatulong sa


Kahalagahan ng ating _________.
Hayop
sa Tao
4. Ang ahas, buwaya, at tupa ay napagkukunan ng
__________ para sa mga sapatos, sinturon, at damit

5. Ang mga kabibe at perlas ay maaaring gawing


_________.

Pagsasanay 3
Panuto: Pangkatin ang mga ngalan ng hayop ayon sa kanilang naibibigay sa
tao.

aso ibon tupa bubuyog


bangus buwaya camel kabayo

Nagbibigay ng
Nagbibigay ng Nagbibigay ng Nakakatulong sa
materyales para sa
Pagkain aliw trabaho
damit

1. 1. 1. 1.

2. 2. 2. 2.

E. Paglalahat
Ano-ano ang mga naibibigay o naitutulong ng mga hayop sa atin?

Ang mga hayop ay napagkukunan ng pagkain at materyales sa damit. Sila rin ay


nagbibigay aliw o maaaring maging alaga. Nakatutulong din sila sa tranbaho.

Paano natin mapapahalagahan ang mga hayop?

(Iba-iba ang sagot ng mga bata)

IV. PAGTATAYA
Panuto: Iguhit ang isang hayop na ating napag-aralan. Isulat ang ngalan nito at ipaliwanag sa loob ng
dalawa hanggang tatlong pangungusap kung ano ang naibibigay nito sa tao. Isulat rin kung paano mo ito
papahalagahan. (Arts, Filipino, and ESP Integration)

Pangalan ng Hayop: ______________________________


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Rubric sa pagwawasto:
Puntos
Pamantayan
5 4 3 2 1
Paguhit Naiguhit nang Naiguhit ang Naiguhit ang Naiguhit ang Hindi naiguhit ang
napakaayos ang paboritong paboritong paboritong paboritong hayop
paboritong hayop at
hayop nang hayop nang may hayop nang nang may husay at
makikita ang
napahusay husay medyo mahusay pagkamalikhain
pagiging malikhain
Naipaliwanag Naipaliwanag Hindi
Naipaliwanag ang Naipaliwanag
Pagpapaliwanag sa ang iginuhit ang iginuhit naipaliwanag nang
iginuhit nang ang iginuhit
iginuhit nang napaka nang medyo maayos ang
napakahusay nang kasiya-siya
kasiya-siya kasiya-siya iginuhit

V. MGA KARAGDAGANG GAWAIN:


Kumpletuhin ang concept web na nagpapahayag ng mga paraan kung paano natin mapapahalagahan
ang mga hayop.

Pagpapahalaga sa
Hayop

You might also like